Monday, April 29, 2013

What Common Sense?


Common sense is often referred to as what most people believe to be the correct judgement or decision in a given situation. It is "common" since many would think that this decision will be picked by any normal person and that it's a simple choice that thinking otherwise is just plain stupid.

But we hear a lot of people saying that common sense nowadays are not that common. If you take time to digest that statement, you'll get constipated.  How can we call something not common as common? And if most people think the opposite, would that become the new common sense?

The way our society is doing, we might only be seeing the product of what we perceive to be the "common sense". Or is it that we are just using it as an excuse not to think deeper and just do as what we think other people would?


No overdose


Since we complain a lot about common sense being rare, it's high time for us to drop the idea of common sense itself. Let's quit being lazy and stop putting our high hopes in our decisions using plain old idea of what we think is being done by everyone else. Just think. It has never been that complicated.

Friday, April 26, 2013

The Problems are the Solution

I always looked at the bright side in most part of my young life. And I think it was a big mistake on my part. It might be the cause of why I always got ignored and left out on many opportunities I could have gotten in the past. I didn't act. I didn't look into the issues. I didn't do a review of what got wrong. If I did, I might have found the solutions earlier on.

We always hear people telling us to be "positive".  That we have to learn to be contented.  I agree and I say those things too. But there must be a limit out there. I don't know where it is but there should be a ceiling of contentment and positivity.

Inventors, innovators, thinkers and philosophers are positive people in general. But their positivity all came out from the negatives they encounter as an opportunity to bring out a new and better stuff. They produced greater things and ideas out of not being contented on their current situations. Da Vinci, Einstein, Pascal, Edison, Aquinas, Jobs, Descartes, Newton, Ford, Tzu, etc. If these people learned to just be contented and positive with their lives, we might still be living in the caves right now, hunting for our dinner tonight while greeting our mom happy birthday thru smoke signals. I'm exaggerating but you get the idea.

Right now, i'm trying to identify the problems around me. I hope I can see something to fix or to improve. But right now, I feel very contented about almost everything.  And I'm afraid. Please, help me.

Wednesday, April 24, 2013

Advice is Additional Eyes

I'm not good in giving advice. The evidence are those people who ask it from me and then did not follow it. That's why in the recent, when someone asks me for advice, I just tell them that the fact they are asking me about it they know that they need to do something. And that they already know what that "something" is.  And since they are the ones who know the circumstances, then their judgement is better than mine.




Always the case.


Though there are cases that they are very clouded by their personal biases and deep emotions. So I still say a thing or two but I just leave it to them.  Truth is even if I push my advice on them and tell them specifically what to do, it's still up to them if they will do it or not but this time, they'll be more on the defensive end instead of contemplating about it if you don't force them the situation. Though of course there are still those who are honest in requesting for my advice and which I know them so much that I'm aware that their situation is keeping their view away from the best options available for them. But in majority, people who ask for advice already know the answer but they are just afraid to do it. What they really want is not an advice but an approval of others.   

The difference in how I give advice to people depends on how much visibility I have with their situations.  But there are no definite measurement. I might be able to give my thoughts on someone I only meet online but not be able to comment on a problem of someone I know for decades. It still depends on how much information I have. Advice are also opinions that the quicker it is delivered, the less sane it is expected to be. Though sometimes, the more sane thing to do is not to give it but rather to guide them to their best choice. Asking for advice is asking for additional eyes. Because it's either you can't see what the best thing to do is or you can see it but it's just you're blinded which one is good and which is not.




But if you want to ask me about my thoughts on your current problem, issue, situation, you can always give it a try. I would love to receive and answer them. You can tweet me about it via @ignoredgenius (follow me first), post or message me on my Facebook page The Ignored Genius (and please like it) or send me an email at theignoredgenius@gmail.com. Let's give it a shot.

Tuesday, April 16, 2013

Summer Na, Tara Na’t Magbakasyon Sa Maynila




Anong probinsiya mo? Madalas itanong sa kin yan dati ng mga kaklase ko at kalaro. Tinatanong ko rin tuloy sa mga magulang ko. Hindi ko kasi alam talaga ang sagot. Ano nga ba ang basehan na masasabing yun ang probinsya mo? Dahil dun ka pinanganak? O dun pinanganak ang magulang mo?  O kaya ang magulang ng magulang mo.

Hirap akong sagutin ang tanong dahil unang una, pinanganak ako sa Maynila. Sa Sampaloc. Ganon din ang aking mga magulang. Pareho sila. Yung mga lolo’t lola ko, di ako sigurado pero sa Maynila na rin sila nagsilakihan at hanggang ngayon andun pa rin ang lola sa ko sa side ng tatay ko sa Maynila at kami naman sa side ng nanay ko ay nasa Antipolo na. Siguro matatawag ko nang probinsya ko ngayon ang Rizal dahil dito ako lumaki at probinsya naman talaga ito. Pero sa tingin ng ibang tao, e Maynila na rin ito halos.

Kadalasan pag summer, ang mga bata sa Maynila ay nagbabakasyon papuntang mga probinsya nila. Dun nila nararanasan ang tinatawag ng iba na buhay sa nayon. Yung pag-akyat sa mga puno, paglalaro sa mga malalawak na damuhan para magpalipad ng mga saranggola, magbabad sa mga ilog o batis at iba pa. Hindi ako nakakalangoy sa mga ilog dito sa Antipolo pero noon marami pang mga puno at marami pang malalawak na lupa kung saan nakakapagpalipad kami ng saranggola. Pero baligtad ang buhay ko noon.  Kasama ng kapatid kong lalake na mas bata sa akin, tuwing summer ay nagbabakasyon naman kami sa Maynila. 


Bata pa lang ako may bahid pulitika na ang pinagkikikilos ko. With my brother and cousins taken at our tito's house in Cavite.


Masayang karanasan sa min yun.  Sa mga hindi siguro natira man lang sa mismong Maynila, iisipin nila na malungkot o boring ang gawain ng mga bata doon. Puro kasi kalye at wala yung masyadong malalawak na laruan tulad sa ibang lugar. Pero kung tutuusin, hindi rin naman naiiba sa ginagawa ng bata sa Maynila. Dun pa kasi nakatira noon ang pamilya ng pinsan ko na ngayon ay nasa ibang bansa na. Dalawa silang magkapatid, babae yung panganay at lalake yung bunso. Halos magkakaedad lang kami. Pag naglalaro sa labas, kasama naming madalas syempre yung lalakeng pinsan namin. Naglaro kami ng tumbang preso, agawan base, touching ball (dodge ball yun na pangkalye), football na larong kalye style din, Chinese garter, piko, patintero at iba pang mga usong laro sa kalsada ng mga bata. Madalas nananalo kami pero madalas natatalo rin. At may pagkakataon pa na napapaaway. May pagka warfreak ako nung bata. Pikon din kasi ako noon. Minsan ngayon pa rin. Pero di na ko warfreak. Masama yun at wag nyong gagayahin. At dahil dun, maraming beses din tuloy napapaigsi ang bakasyon namin dahil nga sa pakikipag-away ko sa mga kalaro ko at inihahatid kami pauwi sa Antipolo ng lolo ko. Pero ngayon naman pag nakikita ko yung mga iba kong kalaro doon ay tropa tropa naman kami pag napapadalaw ako dun. 


Nauuso din ang mga laro dun tulad ng gagamba. May nagtitinda ng gagamba dun at di ko alam kung san nya kinukuha. Tapos ilalaban naming sa gagamba ng ibang bata. Isa sa paborito naming ng pinsan ko at kapatid ko yun. Saka yung mga laruang din na binebenta sa kalye na kung tutuusin eh mga inimbento lang tulad ng plastic bag na clear na nilagyan lang ng tubig na kulay para mag-mukhang kakaiba. Tapos pag may mga birthday parties naman sa kapitbahay, andun din kami lagi. At may pagkakataon pa nga na ang pinamigay na candies ay mga imported like Hershey’s, Cadbury, Snickers, etc. Noon pa man e nakitaan na kami ng entrepreneurial skills kasi hindi naming kinain yung candies. Binenta naming dun sa tapat ng bahay ng lola ko.  


Sabong ng gagamba (photo credits: http://melveracruz.blogspot.com)


Sa loob bahay naman, ang madalas na ginagawa namin ay maglaro ng Family Computer. Maraming bala ang pinsan ko dahil minsan na rin silang nagparenta noon.  Nung umalis nga sila ay iniwan pa nila sa amin ang ilang cartridges nila. At pagdating ng gabi, ang trip naman namin ay mangulit sa bintana sa taas. Sa sobrang kulit, minsan nanghuhulog kami ng kung ano ano tulad ng balat ng kendi o kaya ay mambato ng mga cornic sa mga kalaro naming dumadaan. Ulit mga bata, wag nyong gagayahin yun.


Astig nito.


Sa umaga, masarap din lagi ang almusal namin dahil nung panahon na yun ay nagtitinda pa ng pagkain tuwing umaga ang lola ko. Lahat ng pang-almusal ay meron siya. Iba’t ibang uri ng sandwiches, champorado, sopas, spaghetti atbp. At meron ding mga lutong ulam na masarap hanggang pantanghalian. Pipili lang ng gusto naming kainin, solved na. Laging parang pyesta.  Masarap pang magluto ang lola ko. Parang yung lola ko rin sa Antipolo na pinagluluto pa ko ng ulam minsan kahit may pamilya na ko.

At pag hapon naman, bibigyan kami ng pambili ng miryenda. Softdrinks o kaya gulaman with matching banana cue, turon o kung anong meron sa tindahan na malapit. Nagtitira pa kami ng perang pambili ng mga usong laruan.

At sa gabi, minsan naglalaro kami ng scrabble kasama ng lolo ko doon. Wide reader ang lolo ko na yun. Mahilig sa crossword puzzles at mahilig magbasa kaya mahirap siyang kalaban.  Ganon din ang isa ko pang lolo sa side ng nanay ko na sobra ring wide reader at napakaraming alam na mga general info, trivia at magaling din sa mga word puzzles. Pareho silang maraming interesting stories.  At pag nanonood kami ng mga quiz shows sa tv, pareho rin silang mabilis sumagot sa mga tanong. Pareho na rin silang wala ngayon.  Pero masuwerte ako at nakasama ko sila at marami akong natutunan sa kanila pareho. Ikukuwento ko ito sa iba kong blogpost.


And for the difficult round. Yung alam ang sagot, post sa comments. Bawal ang mag-Google.


Isa sa mga nakakahiyang nangyari sa akin doon ay nung minsang naihi ako sa pagtulog. Natutulog kami noon sa mga kutson at magkakatabi kaming tatlo ng kapatid ko at pinsan kong lalaki. Ako ang huling nagising at nung bumangon ako ng araw na yun, basa ang higaan. Sa hiya ay hindi ko pinaalam na naihi ako at tiniklop ko na lang ang aming tulugan. Ang problema, nangamoy. Ayun, nilabhan ni lola ang higaan at kumot. Nakakahiya kaya di pa rin ako umaamin na ako yun. Pero obvious na ako yung huling gumising so alam na. And nakwento rin ng parents ko na sa edad kong 9 nung time na yun ay paminsan minsan naiihi pa ako sa pagtulog. Pero di nila ako pinagalitan. Siguro ay alam nilang nahihiya ako. Pero kung nababasa nila ngayon ito, macoconfirm na nilang ako talaga yun.


Wala pang cellphone nun at internet kaya nakikitawag ako sa payphone sa  tindahan ng ninang ko na nakatira lang malapit sa lola ko pag gusto kong kumontak sa bahay. Siya rin yung ninang ko na nung bata pa ko pag pumupunta kami ng nanay ko dun ay lagi akong binibigyan ng biskwit. Marie pa nga yun sa pagkakaalala ko. Medyo di lang malinaw ang memory ko dahil sobrang bata ko pa noon. Namatay na rin yung ninang ko na yun last year at di na nga kami nagkita. Pumunta din kasi siya ng ibang bansa bago umuwi dito sa Pilipinas kelan lang sa huling balita ko pero hindi na sa bahay nila dati sa Sampaloc dahil nabenta na ata nila yung property na yun.


Mga ilang summer din ang ginugol naming magkapatid para magbakasyon sa Maynila. Kasama na talaga sa routine namin noon yun nung elementary pa lang ako. At ngayon ay marami nang nagbago.  Namatay na nga ang lolo ko doon pati yung ninang ko. Hindi na rin nagtitinda ng pang-almusal ang lola ko. Ang pamilya ng pinsan ko naman na kalaro naming ay nasa California na.  Ang kasama ng lola ko ngayon dun ay pamilya ng tita ko at mga mas batang pinsan ko. Mga may pamilya na rin ang mga kalaro namin doon at marami na rin ang di na doon nakatira. At kung noon pagdating ng hapon ay nasa labas ang mga bata para maglaro, ngayon ay mas puno na ang mga computer shops. Kunsabagay, kahit sa maraming probinsya ay ganyan na rin ang nangyayari. Lahat talaga ay malaki ang pinagbago. At hindi ko alam kung may aral itong kwento ko.  At least nai-share ko sa inyo yung pinagkakaabalahan ko nung bata ako tuwing tag-araw at kung paanong kakaiba na kaming taga probinsya ang nagbabakasyon sa Maynila. At sa oras pa na tag-init. Balang araw ay mababasa rin ng anak ko ito at malamang pagtatawanan niya ako at kami ng mga tito niya. At siya rin mismo ay mapagtatanto niya na ibang-iba ang panahon noon sa makakagisnan naman niyang buhay balang araw. Marami na ang nagbago at magbabago pa. May isa pa palang nagbago akong naalala. Matagal na rin akong hindi umiihi sa kama pag natutulog.

Thursday, April 11, 2013

Alamat ng Tsismoso't Tsismosa

Nakakainis ang mapagusapan ng ibang tao. Lalo na kung mali ang kinukwento. Tulad ng nangyari sa kin minsan na pinagbintangan akong nagnakaw ng pera ng kaklase ko nung highschool ako. Buti na lang at lumabas ang totoo. Wala man nag-sorry sa kin noon ay pinatawad ko na silang lahat. Yun nga lang, mahirap kalimutan. Pero wala sigurong tao ang kelan man hindi nagkwento patungkol sa iba. Pero hindi naman laging masamang kwento, madalas ay mabuti rin. Kahit ako ay nagagawa ko rin yun. Guilty pleasures na ata natin ang mag-kwentuhan tungkol sa ibang tao na hindi naman laging masama ang nilalaman. Pero mas mainit ang usapan kung may halong baho at mali patungkol sa iba. At minsan ang ibang yun ay tayo rin naman.

Lahat ng nilalaman ng utak ng bawat tao ay galing sa ating obserbasyon. Ang isang sanggol ay natututo sa panggagaya sa mga bagay na una nilang naririnig o nakikita. Hanggang sa tumanda tayo ay ganon pa rin naman ang proseso. Walang bagay na kinikilos natin o salitang sinasabi natin na hindi dinulot ng mga naobserbahan natin sa ating paligid.






Mula sa pagiging sanggol na ang tanging nakikita natin ay ang ating mga magulang, kapatid, lolo at lola at iba pang mga kasama sa bahay, nagkakaedad tayo at nagsisimulang maharap sa ibang tao sa paligid. Simula sa magkaroon tayo ng mga kalaro. Matututo na rin tayong manood ng tv at makinig ng radyo. Pumasok sa eskwela at matuto mula sa mga guro at makipagkulitan sa ating mga kaklase. At nagsisimula na ring magbasa ng mga libro. At marami pang libro. Mula sa pagbabasa ng mga nursery rhymes, magkakaroon na ng mga pambatang kwento tulad ng mga fairy tales at mga alamat ng kung ano ano. 

At habang tumatanda tayo, nagiging mas malalim na rin ang plot ng mga binabasa at pinapanood natin. May mga movies na ring nagugustuhan na hindi pambata ang tema. Natututo na rin tayong magbasa ng libro na hindi lang yung mga pinababasa ng mga guro natin. Makakasalamuha na rin natin ang ibang mga tao. Makakapagbasa, makakapanood at makakapakinig na rin ng mga balita at magiging socially aware na din malipas lamang ang ilang taon. At marami pa tayong mga mababasa at makikilalang mga tao. Hanggang makapagtapos tayo, makapagtrabaho. At diyan sa mga bagong mga impormasyon na yan naman manggagaling ang panibagong mga bagay na ating gagawin at mga salita at ideyang ating iisipin at sasabihin.

Habang tumatagal ay higit na mas dumarami ang karanasan, kaalaman at impormasyon na pumapasok sa kukote ng isang tao. At dahil dito, nagkakaroon din ng mas malawak na pananaw sa mga bagay bagay. Nagkakaroon ng mas malalim na mga pag-iisip. Kadalasang nagbabago na rin mismo ang sariling mga opinyon.  Tuloy tuloy ito hanggang sa ating pagtanda. Ito na rin ang dahilan kung bakit kadalasang ang opinyon ng mga matatanda ay binibigyan ng bigat kumpara sa karamihan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga kwento na naririnig at nababasa natin ay madalas matandang ermitanyo ang ginagamit na karakter patungkol sa taong maalam sa mga bagay bagay. At kadalasan din sa mga larawan ng mga philosopher na kilala natin ay matanda na, puti ang buhok at mahaba ang balbas.  Siguro nga ay dahil na rin sa dinami dami ng karanasan, impormasyon at kaalamang narinig, nakita o nabasa ng mga philosophers sa buhay nila ay naging ganoon nga sila.




alam mo ba...si kuwan...


Ano naman ang alamat ng tsismosa? Naisip ko lang sa sarili ko. Pag wala akong ginagawa, wala akong binabasa, wala akong pinapakinggan, ang focus ko ay napupunta lang sa iilang tao sa paligid ko. Wala tuloy akong ibang maisip at maanalisa kundi ang ginagawa at sinasabi nila. At noon, hanggang ngayon pa rin ata, ay nakkwento ko sa iba ang obserbasyon ko tungkol sa ginagawa ng ibang tao. At minsan nakukuwento ko pa sa yata sa blog ko. O meron nga ba? Wala pa naman ata akong pinangalanan. Pero ganon na nga. Kadalasan sa mga nagiging bunga ng paglilimita natin sa sarili natin at pagkulong natin ng isipan natin sa iilang bagay at tao lamang ay ang pagiging tsismosa at tsismoso natin.

At tila ang naghihiwalay sa philosophers at mga tsismoso ay yung bilang ng mga taong naoobserbahan nila sa kanilang buhay. Yung philosphers ay libo libo o milyon milyon pang mga tao na naobserbahan nilang direkta o di kaya ay nabasa nila mula sa kasaysayan at mga kasalukuyang pangyayari sa iba't ibang dako ng mundo at doon nanggagaling ang kanilang mga nabubuong mga kaisipan at mga kwento. Samantalang ang tsismoso ay nagsasalita ayon sa direktang obserbasyon o kaya ay kwento lang din ng kapitbahay niya tungkol sa isa hanggang sampung tao sa kalye nila. Kung tutuusin, lahat naman pala tayo philosophers. Iba't ibang level nga lang. Pero isa siguro sa malaking pagkakaiba ng philosopher sa tsismoso ay ang pakay ng paglalahad ng kwento at ideya ng dalawa; ang isa ay kadalasang para sa ikabubuti ng marami at isa ay kadalasang sa ikakasira ng iilan.


At tingin ko, andun ako sa gitna. Kaya minsan, tunog tsismoso ako kung magkwento, at minsan naman ay para lang akong namimilosopo. Yun nga lang, madalas ko rin namang itsismis sa inyo ay tungkol sa sarili ko.

Thursday, April 4, 2013

It Took Me 365 Days to Realize Why I Blog




When I started this blog a year ago, what I wanted was to simply start with something I always thought of doing. I wanted to communicate to people. Ideas and information are churning in my mind and were always waiting to be served to anyone, hot or cold.  I always told people around me that I wanted to blog. So I ended the procrastination and came up with “The Ignored Genius” 


033113 is TIG's first birthday

So I began writing. I started sharing whatever ideas that came up to my mind.  But I didn’t have a hint of what I exactly wanted to do.  I just write and post them on my blog. I don’t even know if people care about what I’m doing. I can’t say I didn’t care whether people notice about what I write. Of course I do. If not, I could have just created a personal diary instead of a public blog. So I focused on promoting it. I created a Facebook page, a Twitter account and then later on a Google Plus page. And then I started to become active again on several forums I am a member of.  So I got more views. And I posted often.  I thought that blogging is simply about wanting to write and having people read them. And putting that “want” into action and then that’s it.

But I realized I’m not good in maintaining doing what I want. Every time I try to do something and get myself into the groove at the onset, I just lose zeal in doing it in the long run. Especially if I find myself being and getting good at it.  Just good, not excellent or exceptional.  I’m quite a mediocre type of person that I get satisfied by just being good or even just potentially good at something. Therefore, just wanting to write can’t be a good motivation for me to blog. I will run out of gas in a few months.

 
Need to refill.

As I hop thru some other sites, I noticed that more than half of those who created their blogs were not able to sustain it for over a year.  I’m not certain of the reasons. Maybe same as mine. My blog might end up just like them ‘til the day I get drained of ideas and enthusiasm.

But I’m lucky that the opposite is happening. The more I write, the more I know about myself. The more I learn about what’s important to me. The more I realize what I feel and what I want. And the more I get stuck on this blog. So after a year, I get to know more solid reasons why I’m doing this.They might help you also with your blog or whatever you’re doing now so I’m sharing them:

1.       I’m happy – During drinking sessions with friends, most of the time it’s the happiest guy who talks a lot. And then there are many girls who will surely contact their girl friends right after an exciting experience like getting a smile from their crushes or a close encounter with a celebrity. I’m like that. I’m happy with my life and I want my happiness to be contagious. I have problems but I’m happy. And even problems can be a cause of greater happiness once solved.  And being sad won’t fix problems so I rather choose to be happy while at it. And I’m blogging my happiness. 


2.       I’m angry – Again on drinking sessions, other than the clowns in the group, the “galit sa mundo” type or the “grumpies” are the ones who won’t stop complaining about anything. The government, the people at their work, their neighbors, their families, road traffic, slow internet connection, etc.  We all meet them everyday and we sound just like them sometimes. I got tired hearing myself saying the same things so rather than just whining about these things, I think of solutions. And then I blog them.


3.       I’m contented – There are always the hard times and the easy times. What we do on the easy times make the hard times not too hard. And that would give us ease and contentment. And these are some of the things I like to share on this blog. Those stuffs that I do during the easy times. And hoping that people would get a thing or two from it to help them preparing for their own hard times.


4.       I’m dreaming – I care more about the present. This is where all the actions are. Past is done. And future is just coming. But doing things at the present without having targets in the future is like playing basketball without a hoop. But I don’t have too many goals now. Unlike before that I wanted to achieve a lot of things. It’s not that I stopped dreaming big. But to make sure that good things happen to me in the future, I focused myself in aiming on just one target. That one target is to make myself a better person tomorrow than I am yesterday thru what I’m learning today.


5.       I’m disappointed – There are two kinds of things that disappoint us, those we can change and those we cannot. I write about those things I can change to remind myself that I must act on it to avoid getting disappointed by the same things again. And to those which I can’t do anything about, I choose to ignore and avoid them. 


6.        I’m learning – A person must have knowledge about certain things to be able to write something. But one can’t continue writing something when he stops learning. And by writing, I realize more that I know very little. And that I must learn more so I can write more. There are many responsibilities in writing and learning is one of them

7.     I want to be immortal – Death always comes into mind. Everyday. Sounds morbid but ironically, death is my strongest motivation to do the things I have to do. That includes blogging. Death can come anytime. But I won’t let it stop me from doing things that might help other people. Especially to my family and my son. Or even to other people’s children. I may not be with him tomorrow but at least, I can still communicate to him thru this blog. He will have his opinions, but at least I wrote about things that will help him rethink his ideas. I’m not forcing him to think the same way as I do. But I’m forcing him to think. And he can’t reply to my blog anymore. It will be a one sided affair. And that will be my super power because I will be immortal once that happens.

Take a bite and be immortal.  


My blog's first anniversary was last March 31 so it's not really 365 days but 369. For the past year, sometimes I get disappointed about what's happening to my blog but at the same time I'm contented with the good things coming to me because of it. Everything's a mix of the above 7 items. And most of the time I ended up writing not only because of one reason but a mix of them. And what's certain is that all of these words will add up to my immortality and you just have to bear with it. Thanks.



LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Follow my Blog