Tuesday, May 3, 2016

Eleksyong Bilog, Paikot-ikot

Nanalo ang “no-votes” kasunod ang pag walk out ng mga senador. College student pa lang ako nun at sinusundan ko na ang mga balitang pulitika. Pagkatapos ng walk out, nagsimula na ring magtipon ang mga tao sa EDSA noon. Dismayado ang marami sa hindi pagkakabukas ng envelop na sinasabing naglalaman ng mga impormasyon at transaksyon ng mga accounts sa ilalim ng pangalan ni “Jose Velarde” dahil sa no votes ng 11 senators sa impeachment case na nangyari against Former President Joseph Estrada. Umapela ang dating pangulo sa tv na pumapayag na siyang buksan ang envelop. Pero huli na. At iyon na nga ang pagbagsak nya, ang EDSA 2. Nakulong si Erap sa pamamagitan din ng house arrest makalipas ang ilang buwan.

Erap's impeachment hearing

GMA swore in as president


 Nanumpa si GMA at siya ang tumapos sa 4 na taon pang natitira ni Erap. 2003, sinabi ni Arroyo na di siya tatakbo. Nagbago ang ihip ng hangin at tumakbo siya ng 2004. Pinakamalakas nyang kalaban ang matalik na kaibigan ni dating presidente Erap, ang yumaong si Fernando Poe Jr. Sa lahat ng survey, dikit sila. Subalit marami ang lumipat ng suporta kay GMA dahil sa paniniwala ng ilan na hindi dapat manalo ang walang karanasang si FPJ. Anybody but FPJ ang sabi ng marami. At si GMA na nga ang nanalo. Sinubukan ng kampo ni GMA ang i-introduce ang charter change para palitan sana ang kasalukuyang constitution at sistema ng bansa. Pero inayawan ito ng marami. Natakot na baka gamitin ni GMA ito para magkaroon ng absolute powers at magtagal sa puwesto. Pinalibutan din ng maraming alegasyon ng korapsyon ang kanyang administrasyon. Pero natapos ni GMA ang kanyang termino. Nakatakbong congresswoman. Pero nakasuhan siya ng sumunod na administrasyon at ngayon ay naka hospital arrest. Marami nang nadismiss na kaso sa kanya pero may ilan na patuloy pa rin na itinutulak sa kanya. By the way, binigyan ni GMA ng parole si Erap mula sa pagkakakulong (house arrest).

Panday vs Pand... GMA pala



Sumunod na eleksyon, ang nangunguna sa survey ay si Sen. Villar. Mukhang sure win na nga siya dahil talagang tambak ang kalaban sa surveys. Nang namatay si dating pangulong Cory, nabago na naman ang timpla ng bayan. Nanawagan ang marami na sana ay tumakbo ang anak nya na noon ay si Sen. Noynoy Aquino. Walang bahid diumano si Noynoy ng korapsyon at pagnanakaw at naturuan ng mabuti ng magulang nya malamang, sabi ng kanyang mga supporters. Hindi ito kasama sa plano ni Noynoy at si Mar Roxas ang napupusuang standard bearer sana ng LP. Tumaas pa lalo ang clamor na tanggapin na nya ang oportunidad. Matapos ang maraming pagtulak ng tao at pag iisip, tumakbo na rin siya. Nag give-way si Roxas. Malakas agad ang dating nya dahil sa tinatawag na “Cory Magic”.  Pagbabago raw ito sa wakas. Passionate ang mga supporters ng LP noon. Mga artista, sikat na tao, mga iba't ibang relihiyon ay nagkaisa para suportahan siya. Halos santo na nga ang tingin sa kanya. At pagdating sa social media, pag nagcriticize ka sa kanya, tatawagin ka ng mga supporters na “supporter ka siguro ng korap at magnanakaw”. O kaya naman ay dahil baka korap ka rin o kaya ay bayaran.

Yellow Army


Pero nandoon pa rin si Villar. Lumabas ang mga kaso laban kay Villar na nagsimula sa pagbaba ng popularidad ng dating nangunguna sa surveys. Isa na ang C5 extension at iba pa. Marami daw diumanong pandarambong na ginawa si Villar. At pagkatapos ay tumakbo pa uli si Erap. Lalong nahati ang supporters ni Villar na sinasabing galing sa masa. Andaming naniwala na may mga pagnanakaw siyang ginawa at dapat siyang kasuhan. Napakarumi ng tingin sa kanya. At natalo si Villar. Nanalo si Pnoy.  Pero walang kasuhang nangyari kay Villar pagkatapos at nawala na sa pinaguusapan ng Pilipino ang mga paratang sa kanya. Samantalang nung nasa kampanya ay talagang paniwalang paniwala na silang magnanakaw ang mga Villar pero wala namang umusad na kaso. Puede ko bang sabihing siniraan lang sila sa eleksyon? Hindi ko binoto si Villar pero kung tunay ang  paratang ng kabilang kampo, bakit di na siya hinabol at ng mabigyang hustisya ang inaakusa nilang pagnanakaw ng buwis ng taong bayan?


Remember the C5 road extension ?



Halalan na naman ngayon. Kung babasahin nyo yung naka bold and italics sa taas, mapapansin nyo na parang ni-rereplay lang ang lahat. Palitan nyo lang ng pangalan, parehong pareho lang din ng nangyayari noon sa nangyayari ngayon. Ang mga pulitiko ay natututo sa mga nangyayari sa nakaraan. Inuulit ulit lang nila kung ano ang makakatulong sa kanila at inaayos at iniiwasan naman ang tingin nilang nakasira sa iba ng mga nakalipas na eleksyon. Pero tayo bang botante ay natututo? O hindi tayo nadadala? Ireview ang kasaysayan. Ireview ang history kung pano napasok ang mga tumatakbo sa pulitika, sino nagbigay kapangyarihan, pano nasimulan. Baka magulat pa kayo na halos iisa lang pala roots nila. So sino ngayon ang naiisahan?

Matunog pangalan nya nung first debate.


To be fair, hindi lahat ng mga bumoto sa mga nakaraang admin o sumuporta sa pagbagsak ni Erap ay nagsisisi. May iba na consistent. Kahit ako naman, hindi ko sasabihing puro negatibo ang ginawa nila. Kung tutuusin, tama naman. GMA and Noynoy admin did well in luring foreign investors. They did brought in jobs and opportunity. Kung magiging logical, fair at masipag (yes masipag) lang sana tayo, hindi naman lahat pangit. Like personally, umayos naman ang buhay ng pamilya namin mula sa halos wala nang maipabaon ang mga magulang ko kung di dahil lang din sa allowances na nakukuha namin sa scholarship ng kapatid ko at pagtulong ng ilang kapamilya, na ngayon ay nakatapos na kaming lahat at kahit papano ay naibabalik naman namin ang tulong sa iba na pagtanaw din sa mga naitulong samin ng ibang tao noon.

Pero naiintindihan ko rin ang kinaiinis ng marami sa kanila na naranasan ko rin. Lumala ang krimen, ang transportasyon, ang mabagal na pagaksyon sa mga sakuna at national and security issues, etc. Sabagay, college pa ko e takaw holdap na kami nun. Lampas sampung beses siguro ako nakaencounter ng nadukutan at naholdap. Cellphone, wallet, etc. Pero masisisi ba natin ito lahat sa gobyerno o tayo din ang nagcocontribute mismo? Tulad sa panahon ngayon na marami na ang walang malasakit o paki sa kapwa. May makitang di tama, huhugutin ang telepono sa bulsa hindi para tawagan ang may kapangyarihan kundi para kunan ng larawan o ng video para maishare at maging viral. At yung mga nakapanood naman ay manghuhusga sa mga napapanood at nakikita kahit wala naman silang alam sa nangyari.  Tayo rin mismo ang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga masasamang tao dahil sa kawalan natin ng pakialam, malasakit at pagkilos para sa bawat isa. Kung alam lang nila na ang mga Pilipino ay may malasakit, may ilan sigurong magbabago ng isip sa kanila.





Sa karanasan ko, ilang mga pagtatangkang pagnanakaw,  mga kahina hinalang pagkilos ng tao, mga rugby boys na nakatambay, mga snatching, holdup atbp, ilan lang yan sa mga naitawag ko agad agad sa brgy tanod, security guards, mga pulis o kung sino mang may kakayahan na umaksyon sa lugar na pinangyarihan. Hindi ako sigurado kung ano ang kahihinatnan ng mga naireport kong yun kung di ko sila itinawag. Baka mali lang o naghinala lang ako masyado. Pero sabi nga, it's better to err on the right side. Kung di ko itinawag sa pulis agad yung nakita kong nakatambay na pitong rugby boys sa kanto dun sa may lugar namin na sumisnghot pa sa bote at plastic, o yung mga nagkukunwaring tumatawag sa may ari ng bahay dun sa may malapit sa pinagpapalabhan namin dati na nilalakasan pa ang boses sa kausap kuno sa telepono na kesyo aakyatin na daw nila yung gate dahil wala silang susi para ayusin yung ipapaayos nila habang alam ng lahat na nakabakasyon sa malayo ang may ari ng bahay na yun, ano kaya ang mangyayari? Ilan kayang mga masamang pangyayari ang posible sanang naiwasan kung meron lang pakialam ang mga tao sa paligid? O wala tayong paki hanggat di tayo ang apektado? O inaantay natin yung presidente natin ang kumilos para sa tin? O gusto natin passive lang, na pag may napatay, patayin na lang either bitayin o barilin na lang din?

Throwback: I made this video for the 2004 elections

Dahil sa mga krimen at problema natin sa trapiko sa araw araw, talagang perpektong set up ito sa candidacy ng kandidatong nagsasalita ng matigas laban sa mga kriminal. Isang tao na nangangako ng pagpuksa sa krimen at pagalis ng kurapsyon na magdudulot ng mas maraming pondo para isaayos ang mga problema ng bansa. Bunga ito ng tila pagiging disconnected ng kasalukuyang administrasyon sa mga maliliit na parang pambabalewala na nga. Nakakainis naman talaga. Kaya talagang inaasahan na kung sino ang marunong magsalita patungkol sa pagbibigay hustisya sa ating mamamayan, siya ang mangunguna. Pero enough na ba ito para bumoto na agad sa kanya? Hindi ko sasagutin yan. Pero puedeng para sa iba ay oo. Ito ay dahil talagang perfect setup ang Aquino admin sa ganitong uri ng kampanya. Pero sino nga ba ang nag-setup? Si Pnoy? O yung mga bumoto sa kanya? Ito ba talaga ang gusto natin? O redeeming point lang yan ng mga bumoto kay PNoy dati para makabawi?

Hindi ako sumama sa EDSA 2, hindi ko binoto si GMA, hindi ko binoto si Noynoy. Puedeng ginawa nyo lahat yan. Pero ganyan naman talaga ang demokrasya. At least, nakakapili tayo at nakakakilos ng kung ano talaga ang gusto ng isip at puso natin. Pero kung isa kayo dyan lalo na sa mga bumoto at kumampanya ng todo kay Pnoy noong nakaraan, at pagkatapos ngayon ay nangangampanya na naman kayo ng walang humpay at sa paraang pakiramdam nyo e ang tama lang ay ang choice nyo, na hindi kayo puedeng magkamali at kaming mga critical sa kandidato nyo ang mga mangmang o kaya ay nabayaran, may konting pakiusap lang ako sana. Puedeng mag sorry muna kayo sa mga kinilos nyo dati bago mangampanya na naman ng bagong pagbabago sa bagong idol nyo? Or kahit wag nang magsorry. Puedeng konting hiya naman sa ming naapektuhan ng mga boto nyo last time. Ok lang naman kung ayaw nyo. Pero sana this time konting kalma. Paalala lang. Di lahat ng di pabor sa inyo ay pera lang ang katapat o kaya ay di nagiisip.






Sa loob lang ng 2 presidential elections na naranasan ko sa buhay, natuto na ako kung ano ang halaga ng ballot secrecy. Natuto din ako ngayon na minsan, yung inaakala mong iboboto mo ay di mo pala iboboto and vice versa dahil di lahat ay nakukuha sa unang tingin. Ang basehan pa rin dapat ay ang prinsipyo at sariling paninindigan. Hindi ang emosyon o ang pangalan. Hindi entertainment. Hindi ang boredom. Yung track record at nagawa naman, parang highlight reel lang yan sa basketball e. Kahit yung pinakabanong player, puede mong piliin ang best move nya at gawan mo ng video montage, voila, mukha na siyang magaling. Kaya mas maganda, tingnan mo yung posisyon nila sa mga bagay bagay na pinaniniwalaan mong makakabuti at kung pabor sila dun, dun ka. Now, some people are asking who my president now is. No, I'm not giving you the delight to grab that chance to judge and ridicule me with my choice. Naalala ko pa last time, di lang isang beses kundi makailang ulit tuwing sasabihin ko kung sion ang iboboto ko, ang tanong sa kin ay "bakit?" na ang tono ay walang inaantay na sagot at may kasamang tingin na condescending ang dating. Ngiti nalang ang sagot ko. Siguro kasi, iba ang kandidato ko sa karamihan sa kanila.

Iboto nyo ang gusto nyong iboto pero sana lang, wag na kayo sumama sa pagpapakalat ng mga kabobohan sa internet. Di natin kailangang magpakatanga para ipagtanggol ang ating kandidato. Konting due diligence lang at common sense para masabing fake yung pinapaikot, shinare mo pa rin? Di natin kailangang patulan ang lahat ng mga sinasabi laban o pabor sa ating idolo. Hindi naman natin sila ka close. Unless kapatid o magulang mo sila, ok lang. Pero para magkaroon ka ng interpretasyon at update sa bawat kilos nila, aba matindi. Maging consistent din. Kung alam mong ang pulitika ay marumi, itrato mo na lahat ng sasabihin ng isang pulitiko sa kahit kaninong kandidato ay maaaring paninira lang at hindi totoo. Pero bakit may kinakastigo ka na sa umpisa pa lang? Tama ba ang hinala mo o baka nalinlang ka rin pala para maidirect ka nila sa gusto nilang iboto mo? Tingin mo? Ewan ko, ang gulo eh. Pero sana di na tayo makisali. Pero wala e, tayo lang din ang nagpapagulo. Ang gulo.  Di ko alam kung sino mananalo. Pero baka ang kalalabasan na naman nito pagkatapos ay sasabihin na naman natin sa iba eh “Yan kasi, buti nga sa inyo. I told you. Ayaw nyo makinig eh”.

Pero di naman lahat kasi ng bumoto kay Pnoy ay nagsisi halimbawa, tulad ng mga nabanggit ko sa taas, I'm sure naappreciate nila yung magaganda ding nagawa ng admin. Gusto ko lang sabihin yan dun mga maka Noynoy dati na ngayon e sukang suka na sa kanya. Na mas maingay pa ngayon sa lahat sa social media dahil sa inis sa nangyayari sa administrasyon nya. MRT, traffic, riding in tandem, SAF44, holdapan, Quirino Grandstand, Sabah, South China Sea, BBL, RH Bill, etc etc, puro yan ang post. Dati bangong bango eh. Gusto ko sabihin tuloy sila na ano pero... O ano ha?! Ang kulit nyo kasi eh. Buti nga sa inyo. Di pa kayo madala ha. Emosyon pa more. Sige, kampanya pa more. Kami na uli ang ayaw sa pagbabago. Kami na uli ang bayaran. Kayo na naman ang tama. Kayo na naman ang magaling. Tapos sa susunod kayo na naman una magrereklamo sa binoto nyo? Ewan!

Sarap nun ah.

1 comment:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...