Saturday, December 21, 2013

Kung Panahon Sana Ni Ano Yan...

Sa kwentuhan ng ilang mas may edad sa tin tungkol sa pulitika, kadalasan nilang ibibida ang mga tungkol sa magagaling na mga leader daw noon. Na ito daw mga ito ay mga matino talaga, na inayos daw ang bansa natin, naging maunlad tayo, naging mas maayos at mas magaling daw ang mga ito kesa sa mga nakaupo ngayon.  Kung di daw sana ganito at ganyan, sana e mas maayos ang Pilipinas. 

Sinasabi nila ito kadalasan para bigyan tayong payo at para piliin din natin kung sino ang tingin nilang makakaulit ng nagawa nung sinasabi nilang magaling na leader noon. At madalas din na kung may isusuggest sila, yun eh yung anak o apo ng sinasabi nilang magaling na leader ang ipapasuporta sa yo. 

Pero kung iisipin mo maigi, yung resulta ng kung ano meron tayo ngayon ay bunga naman lahat ng pagpili na ginawa ng mga tao noon. At ngayon, gusto nilang ulitin natin kung panong pagdesisyon ang ginawa nila noon. Ito ba yung sinasabi nilang "history repeating itself"?

Bago maniwala sa sinasabi nilang ok tayo sa ganon, tingnan muna natin kung ano na ba ang pinagbubunga ng mga ito ngayon.

5 comments:

  1. Wala sa leader yan, nasa mamamayan nakasalalay ang ikauunlad ng isang bansa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup, I agree na may part tayo dyan. but kailangan din natin ng suporta ng matinong leaders as evident with what's happening now.

      Delete
  2. Isang malaking check!

    Kung ano klaseng sistema ng gobyerno meron tayo ngayon ay dahil minana lang naman natin ito sa nakaraang henerasyon. So anong pinagkaiba ng nakaraan at kasalukuyan? WALA :))

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...