Sa mga opisina, may tinatawag na "redundancy" at
pag narinig mo yan, matakot ka na kasi may matatanggal. Ibig kasi sabihin,
hindi na kailangan ang isang posisyon dahil nasasakop ang trabaho niya ng ibang
tao na ginagawa na rin ang role niya. Paniguradong may masisibak pag narinig ang
salitang “redundancy”.
Pagdating naman sa
mundo ng kalakalan, alam natin na kapag ang supply ay sumobra kesa sa demand,
nagmumura ang presyo nito. Yan ay dahil sa kailangan nilang makabenta at kumita
kaya bababaan nila ang presyo para sila ang piliin ng mga mamimili. Lamang
talaga ang mga consumers kapag mas maraming kumpetisyon at pagpipilian.
Pero ang mga batas na ito ng ekonomiya at kalakalan, para
bang hindi applicable pagdating sa kalsada at transportasyon sa ating bansa.
Noong July 2012 pa ito, EDSA-ORTIGAS Flyover (photo from Inquirer.net) |
Sa kalsada kasi, ilang mga linya na nga ba public transport
ang redundant na ang mga ruta? Andaming
mga bus o kaya mga jeep pa nga na hindi na halos napupuno at nag-aagawan tuloy
sa pasahero ang mga tsuper. Agawan at kararehan ang mga kawawang drivers at
marami tuloy ang nauuwi sa aksidente. Kailangan kasi makaboundary at
mahihirapan sila kung hindi sila maghahapit makakuha ng sasakay sa kanila. Kaya
talagang unahan at agawan. Pero sa kabila ng redundancy na ito, parami pa rin
ng parami ang mga prangkisa na inilalabas ng ahensya ng gobyerno dito.
Sa kabilang banda, yung mga ruta naman na kulang na kulang
ng sasakyan ay patagalan naman sa pagrelease ng prangkisa at makikita ang haba
naman ng pila ng mga kawawang pasahero. Tulad sa lugar naming na ang mga
shuttle na colorum ang naglipana papuntang Makati dahil sa tagal at mahal ng
prangkisa. Kaya normal nang makita sa umaga ang milya milyang haba ng pila ng
mga pasaherong papasok sa trabaho. At ganun din sa pag-uwi at talagang
nakakapagod talaga. Tila hindi pinag-aaralan masyado (o hindi talaga) ang
statistika pagdating sa pagrerelease ng prangkisa ng public transport.
At eto ang Dec. 2013 na naaksidente sa Skyway Yes, imbes na maiwasan yung una, mas lumala pa ngayon. At same bus line ito. (photo from Inquirer.net) |
At pagdating naman sa law of supply and demand, kahit pa sa
mga lugar na marami ang sasakyan tulad sa lugar namin na ang tricycle ay
naglipana at nagaagawan na sa pasahero, sila pa ang malakas na maningil ng
mataas na pasahe. Kahit mag-isa ka lang, dalawang tao o isang byahe na ang
babayaran mo. At konting kembot lang ng presyo ng gas, nagmamahal na agad ang
pamasahe. Dahil hindi raw sila kumikita.
Pano nga kasi, andami nila kumpara sa pasahero. At release pa rin ng release ng
prangkisa.
At nagtataka pa tayo kung bakit magulo ang trapiko sa
Pilipinas? Yan pa lang ang napagusapan natin ha, at marami pang iba.
Isa ako sa mga tumatangkilik ng colorum every few times. Alam ko kung bakit discouraged. Iniisip ko na lang na car pooling with strangers ang ginagawa ko. Kung meron naman talagang prankisa, bakit hindi.
ReplyDeleteOne good way of looking at the situation. Di ko pa naisip to before.
ReplyDeleteKaya i think mas better kung govt regulated ang sasakyan
ReplyDelete