Sa dami ng mga makabagong uri ng panlibang at mga palabas na
napapanood ngayon sa telebisyon, paano mo magagawang interesante ang isang
programa na nagpapakita ng mga ginagawa ng mga karaniwang tao sa paligid tulad
ng magtataho, factory worker, mananahi, panday, sepulturero, magbabalot, maglilitson
at iba pang mga dinadaan daanan lang natin sa paligid sa araw araw?
Dagdagan mo pa ng host na hindi kilala ng karamihan, maliit
na budget, kaunting gamit, at ilagay mo sa istasyon na maliit kumpara sa
kinalalagyan ng mga naglalakihang artista ngayon.
At pagkatapos ay dadagdagan mo ng konting komedya para kahit
papano ay hindi masyadong boring ang gagawing mga panayam ng hindi kilalang
host na ito sa mga simpleng tao. At dahil konti lang ang mga aktor na puede
mong paganapin at mga hindi pa sila kilala, may ilan sa kanila na gaganap ng
iba’t ibang mga katauhan tulad ng doctor, taong grasa, nagbebenta ng dvd, preso at kung ano ano pa. At sa gagamiting
komedya, bawal yung panlalait na tulad na ginagawa ng karamihan ng mga bumebentang
komedyante ngayon. Dapat wholesome, may konting kapilyuhan na tanggap sa lahat
ng manonood at hindi nakakababa sa katauhan ng kinakausap. Tapos pupunta kayo
sa mga sulok sulok ng Pilipinas na madalas na naman natin na napupuntahan tulad
ng Baguio, Tagaytay, Cubao, Corregidor, Nepa Q Mart, UP, Sementeryo, Batangas,
factory ng candy at ng taho, tindahan ng kubeta, etc.
At lagyan mo ng mga paulit ulit na eksena na irerecycle mo
lang sa kada episode. Tingin mo bebenta ba ang ganyang set up? Makakakuha ba
yan ng mga manonood kung ganyang labo labo lang yung mga ginagawa nyo at wala
pang tinatawag na “star factor”?
Kung alam mo ang sinasabi ko, tama, nagawa na ito ng isang
grupo ng mga simple pero talentadong mga tao na hindi pa kilala noong mga araw
na yun. Marami ang sumubaybay sa
Strangebrew na isang palabas na kinabilangan ng mga bidang sila Angel Rivero(Erning) na ginampanan din ni Julia Clarete ng ilang episodes, Ramon Bautista
(taong grasa, tindero, doctor, preso, etc), Jun Sabayton (Jestoni, kontrabida,
etc), Arvin ‘Tado’ Jimenez (Tado) at ang direktor nila ay si RA Rivera.
Ipinalabas ito noong early
2000s sa UNTV37 na noon ay pag mamay-ari pa ng NU107 na ngayon ay wala na rin
sa radio. Nagkaroon ng cultlike following ang palabas. Halos lahat yata ng mga
kabataang kilala ko noon ay alam ang palabas. At tipong kahit ilang beses
ipalabas sa maghapon ay papanoorin mo pa uli. Maging ang mga magulang ko ay
natatawa sa palabas na ito. Informative kasi nakikita talaga yung mga ginagawa
ng mga karaniwang tao. Nakakatawa kasi natural ang humor ng lahat ng karakter
sa palabas. At walang iniinsulto. Parang luma ang dating pero bago. Parang laos
na pero nasa uso.
Dahil sa palabas na ito, marami akong kilala na nag-alaga ng
cactus (isa na ko dun at pinangalanan ko rin siyang Joan), gumamit ng shorts na American Flag ang design pangswimming, ginustong magpunta
sa Baguio at maghanap ng buko pie (at ang isa sa pinuntahan ko ay yung tinawag ni
Tado na Rizal Park Baguio City Branch) at pagkatapos ay kumain doon ng pagkaing hinahanap hanap na pandesal lang pala
(na walang bromate daw dapat), bumili ng balisong, kumain ng taho at balot, ng candy,
bumili ng pastilyas, ng mga binurdang tela at kung ano ano pa. Pilipinong
Pilipino ang palabas pero hindi pilit. Para kang nanonood ng mga taong lasing
na nag uusap. Pero matatalino. Pero hindi halata. Na binubuka na pala ang
kaisipan mo sa karaniwang bagay, lugar at tao na di mo pinapansin pero
interesante pala at bumubuhay pa sa maraming tao.
Hanggang sa hindi na nasundan ang tatlong season. Paulit
ulit na yung episodes pero pinapanood pa rin namin. Hanggang sa mawala na nga
sa ere ng tuluyan kasama ng pagkawala ng UNTV37 sa pag mamay ari ng NU. Ito ang
naging dahilan para mapansin at magkaroon ng career sa mainstream sila Jun, Angel,
Ramon at Tado. Si Ramon ang isa sa pinakavisible sa kanilang tatlo. Si Angel sa
radio at hosting, si Jun sa ilang palabas sa TV, at si Tado naman ay naging
aktibo di lang sa showbiz kundi pati sa mga social activities na may kinalaman
sa kalagayan ng ating bansa.
At kahapon nga ay binigla tayo ng balita na si Arvin ‘Tado’
Jimenez ay pumanaw na kasama ng ilan pa sa naaksidenteng bus sa bandang
Mountain Province. Bilang isa sa advocate ng paggamit ng bisikleta at pagkakaroon
ng bikelane sa lugar nila sa Marikina hanggang Antipolo para sa mas maayos na
kalsada, nakakalungkot isipin na sa paraang ito pa siya mamamatay. Noon ay
naging aktibista si Tado kahit nung estudyante pa lang siya sa PUP na siyang
pinagtapusan ko ring pamantasan. Limang taon daw niya kinuha ang psychology
kasi minaster niya maigi ang mga subjects. Nung napasama siya sa mga banda
banda ay dun nagsimulang makita ni Tado ang kanyang kakayahan sa harap ng
camera. Nagkaroon na sya noon ng ilang mga indie clips bago pa man nagkaroon ng
Strangebrew. Madalas din siyang kasama sa mga music videos ng mga banda tulad
ng Parokya ni Edgar at ng Radioactive Sago Project. Sa kabila nito ay patuloy siyang naging
aktibo sa mga adbokasya niya tulad ng patungkol sa kalikasan at paglaban sa
korapsyon.
Bilang ama, tinataguyod nya ng maayos ang pamilya nya ayon
na rin sa mga kaibigan nya. Kung konti man ang proyekto niya sa showbiz, meron
naman siyang negosyo na Limitado shirts. Ayon na rin sa mga kilala ko na
malapit sa kanya, madalas siya na nakikitang kasama ng pamilya at nagsisimba pa
nga. Ang mga anak niya ay matatalino at may honor pa nga sa eskwelang
pinapasukan. At pag nagpapaayos siya ng kanyang auto (na Volkswagen talaga sa
tunay na buhay) sa isa sa mga lugar malapit sa min at napakasimple at seryosong
tao niya raw at kaiba ito sa nakikita ng mga tao sa telebisyon na para lang
loko loko na siraulong adik. Tanggap ni Tado malamang ang persepsyong ito sa
kanya ng tao, lalo kung ito naman ang kabuhayan nya at kinabubuhay ng pamilya
nya.
At ngayon nga ay wala na siya. Iba iba ang pagkakakilala
natin sa kanya. Hindi naman tayo lahat ay nakalapit sa kanya. Pero sa mga
nakita at napanood ko sa kanya, masasabi kong sayang talaga. Apektado ako sa
pagkawala nya dahil sa panahong magulo ang buhay ko, isa siya sa nagbigay ng
mga ideya kung paano ang pagiging malikhain.
Alam mo Tado, sa ilang paggawa ko ng videos noon nung aktibo pa ko sa editing nung nasa dati akong trabaho, ito ay hango sa kung ano ang ginagawa nyo. Sa ilang humor na sinisingit ko sa mga ilang sinusulat ko noon pa o kapag nagbibigay ako ng talk, dahil yun sa kung paano ko nakita na epektibo ang wholesome humor nyo. Maraming bagay ang sinubukan at ginawa ko kasama ng ilang kaibigan dahil sa napanood namin sa inyo. Isang new year na unforgettable nung binata pa ko na nakinig kami ng mga barkada ko sa radio drama nyo na talagang patok na patok (featuring neneng, ang babaeng patapon na nahawakan sa tuhod, napariwara na). Yun yung panahon naman na nagreunion kayo sa radio bilang BREWRATS (Brew Ramon Angel Tado Show). At nawala na rin yun kalaunan.
Alam mo Tado, sa ilang paggawa ko ng videos noon nung aktibo pa ko sa editing nung nasa dati akong trabaho, ito ay hango sa kung ano ang ginagawa nyo. Sa ilang humor na sinisingit ko sa mga ilang sinusulat ko noon pa o kapag nagbibigay ako ng talk, dahil yun sa kung paano ko nakita na epektibo ang wholesome humor nyo. Maraming bagay ang sinubukan at ginawa ko kasama ng ilang kaibigan dahil sa napanood namin sa inyo. Isang new year na unforgettable nung binata pa ko na nakinig kami ng mga barkada ko sa radio drama nyo na talagang patok na patok (featuring neneng, ang babaeng patapon na nahawakan sa tuhod, napariwara na). Yun yung panahon naman na nagreunion kayo sa radio bilang BREWRATS (Brew Ramon Angel Tado Show). At nawala na rin yun kalaunan.
Iba talaga ang dating ng grupo nyo. At kahit nga nagkahiwa hiwalay ay marami pa ring narating ang bawat isa sa inyo. May nagsulat ng libro, may nagdidirect, may naghohost ng mga palabas, may mga shows at may mga kung san san na nga nakarating. Pero ngayon, ikaw ay wala
na. Hirap talaga isipin. Di nga ko makatulog kagabi. Naisip ko rin kasi yung
kalagayan mo. Paano rin kung sa kin nangyari yun? Maliliit pa ang anak mga ko.
Kahapon lang malakas ka pa tapos ganon na lang ang bigla, wala talaga tayong control sa buhay.
Nakakagulat pero nangyayari talaga yan. Sabihin na nating maiiwasan sana ang
nangyari sa inyo kung may ilang tao na ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho.
Pero wala, sisihan pa rin ang mangyayari. Ilang beses ko na rin sinulat dito sa
blog ko ang galit sa mga ganyang uri ng pangyayari na dala ng kapabayaan ng
ilan. Pero wala, ganon talaga. Matitigas ulo natin. Pero ikaw, hanggang huli,
bago ka mamatay ay may balak ka pa ring gawing mabuti sana para sa maliliit na
tao na tulad natin. Pero dyan na rin pala matatapos ang buhay mo. Di bale,
panigurado naman na di pababayaan ng Diyos ang pamilya mo at nandyan pa ang mga
kaibigan mo. Sana tuloy tuloy pa yung Limitado shirts at bibili talaga ako.
(Warning: Ang susunod na mga linya ay para lang sa mga nakakaunawa at sumubaybay sa mga palabas ni Tado nung nabubuhay pa siya. Kung hindi, wag mo sanang maisip na adik ako.)
So once again once more, salamat DJ Tado. Sa tinagal-tagal
ko nang sumubaybay sa inyo, napaibig na ko sa maraming bagay at marami na ring
tao ang gusto kong baguhin ang ugali. Buti na lang, yung gamit kong laptop ay
may pula, asul at green na mga wire at may serial number pa para makatiyak sa
aking kaligtasan. Noong tumakbo kami sa student council sa department namin nung college, ginamit namin ang isa sa mga bukambibig mo noon para gawing party name. Yun ay ang ASTIG. Short for Alliance of Students Towards the Institution's Growth. Astig di ba? Kaya nanalo kami halos lahat, isa lang nalaglag sa partido. Pero minsan, alam mo ba na gusto ko ring mamitas ng kaimito habang pinapapulot
ang sabon sa motor. Kaso nung bumili
ako, nahirapan akong tumawad sa presyo, P 46.50 na nga, naging P 500 pa. Mabuti pa siguro
eh magrelax na muna ako ngayon at kakain muna ko ng masusustansyang pagkain
gaya ng Oishi prawn crackers at mga prutas gaya ng Juicy Fruit at mango juice.
Etong huling paragraph, wala to, wag mo pansinin. Mga brewsters lang ang makakaunawa
nito, mapa laking aircon man o laking electric fan sila, magegets nila ito. Ke
mahilig man sila sa papaya o sa marang, pareho lang ang epekto. Lahat kami
malungkot. Kahit pa kasing self-centered ko sila dahil minsan na rin akong
nasabing literate guy ni Angel sa radio dahil nakaka YM ko pa siya noon at hindi pa uso ang FB kaya sa friendster ko nakausap si Ramon nung di pa sikat at tinanong ko siya kung si Jun Sabayton nga ba ang nakasabay namin noon papuntang Galera sa bangka. Pero
kahit illiterate na Brewster, wala naman ding problema. Enjoy lang sa byahe Tado. Pagdadasal ko ang
kaluluwa mo at ang kalagayan ng pamilya mo. Marami ka nang natulungan at
napasaya kaya ka siguro pinagpahinga na ni Lord. Ayos lang yan. Ganyan talaga.
Sabi mo nga, una una lang yan, susunod din yung iba. Wag muna ako. Oki? Pagdadasal ka namin dito Tado. Para sa iyong kaluluwa at para sa hustisya. At pagdating mo dyan sa taas, pagdasal
mo rin kami dyan. Astiiiig. Tama!
Wow ang husay ng tribute! RIP Tado! Oops, parang minura ko pa siya. :p
ReplyDeleteNakapanoo ako ng ilang episodes nyan nung time na tumigil ako sa panonood ng TV regularly. At nagustuhan ko agad yung Strangebrew. Although naweirduhan ako, alam ko may sense.
ReplyDeleteI hope meron sa YouTube ng mga shows nila.
ReplyDeleteMeron bro. Search mo lang yung strangebrew. :)
DeleteSobrang apektado ako dito. At alam ko yung episode ng picture na yan na may kotseng kuba. Yan yung merong bundok na may malakas na magnetic pull, tapos the car would go uphill kapag di naka-handbreak. Haaay.
ReplyDeleteAng favorite quote ka sa t-shirt nya, 'di bale nang tamad, di naman pagod'
ay oo, naalala ko din yung episode na yan. ginusto ko rin magpunta dyan. nagbabalance pa nga sila ni erning tapos tawa sila ng tawa kasi pabagsak sila "pataas".
DeleteI was supposed to meet Tado the same day na nagkita tayo bro. Sa kanya ko dapat ipapagawa yung t-shirt for our advocacy group. Nakakalungkot talaga na nawalan tayo ng isang kaibigan at kakampi.
ReplyDeleteaww. sayang bro. kung alam ko lang dapat pala sumama ako nun bro. nakakalungkot nga talaga eh. Sobrang laki ng impluwensya niya at ng mga kasama nya sa kin.
Delete