-------------------------------------------------------------------
Habang
naghihintay sa ka-meeting ko sa may Victory mall, naisipan kong pumunta
muna saglit sa simbahan. Sandali akong nagdasal at pagkatapos ay
umakyat ako sa may altar ng Mahal na Birheng Maria. May 2 batang nasa
unahan ko na may bitbit na sampaguita. Naisip ko na malamang vendor
sila. Yung isa ay nasa edad 8 siguro at yung isa naman ay maliit pa na
tingin ko ay edad 2 o 3.
Pagdating sa itaas, isinabit nila ang ilang bungkos ng sampaguita na bitbit nila at pagdating sa may altar, kinarga ng mas malaking bata ang kasama nya. Tumuro yung maliit na bata sa altar at sabi nya 'Jesus' na bulol pa nga ang pagkakasabi. Imbes na letter 's' ay letter 't' pa nga ang tunog.
Napangiti ako sa narinig at naalala ang panganay kong anak. Pagkatapos ay nadaan naman sila sa larawan ng Mahal na Ina at sabi nya 'Mama'. Natuwa ako sa bata dahil sa edad nyang iyon, alam na nya kung sino ang kanyang 'dinadalaw' sa lugar. Inakala ko silang magkapatid. Nilapitan ko at kinausap ang maliit. Tinanong ko sya kung pinupuntahan nya ba si Jesus palagi. Tumingin lang sya. Yung mas malaking bata ang tinanong ko kung ilang taon na sila. Grade 4 na yung malaki at 2 taon pa lang yung malait. Lalo akong naimpress sa bata. At magpinsan pala sila.
Yung sampaguitang dala nila ay pina-alay pala ng nanay ng mas maliit na bata na syang nagtitinda ng sampaguita. Natuwa ako sa mga batang ito subalit mas higit sa kanilang mga magulang. Sa kabila ng kakulangan sa karangyaan, hindi nawawaglit sa kanila ang ituro at ipakilala sa mga batang ito ang patungkol sa kanilang pananampalataya.
At ang sampaguita na sya mismong pinanggagalingan ng kanilang kabuhayan ay walang panghihinayang nilang inaalay. Ilan ba sa tin ang katulad ng mga magulang ng mga batang ito? Nagagawa ko rin ba ang tamang pangangaral sa pananampalataya sa mga anak ko katulad nila? Kaya ko rin bang ibahagi ang aking kabuhayan para sa aking sinasampalatayanan?
Salamat sa inyo, Joseph at Raymund at sa inyong mga magulang na nagbigay sa kin ng surpresang inspirasyon sa sandali kong pagbisita sa ating Simbahan. May God continue to bless you and your whole household.

Parang naalala ko dito ang kwento sa bible nung mga mayayaman na nag-donate sa simbahan, tapos yung isang mahirap na babae na binigay lahat ng baryang meron sya. Pinapakita lang na may mga tao pa ding kayang ibigay lahat ng meron sila para lang sa D'yos.
ReplyDelete