Saturday, July 21, 2012

Kanya-kanyang Buhat

“Sana itinulong na lang nila sa mahirap.” Ito ang madalas nating marinig o mabasa na komento ng ilang tao kapag may mga nababalitaan tayong mga bumibili ng mga tingin natin e luxuries o luho gamit ang kanilang limpak-limpak na salapi. Sana daw ibinigay na lang sa mga nagugutom. Sana dinonate na lang sa charity. Sana binigay na lang yung pera sa mga nasalanta ng sakuna. Sa isang banda, may punto naman. Sa dami ng nagugutom, sa dami ng naghihirap ay para nga namang mahirap isipin na nakakayang mabuhay sa karangyaan ng ilan.

Subalit, may karapatan ba tayo para manghimasok sa ating kapwa kung paano nila gagastusin ang perang kanila namang pinaghirapan? Maaaring may ilan na sasabihin na ninakaw lang o nakuha ang kanilang yaman sa maling paraan, pero ganoon na lang ba talaga kadaling humusga?

Paano rin kung nagagawa naman pala nilang tumulong? Sino ba ang makakaalam kung tumulong ba sila o hindi? Kailangan din ba na ang pagtulong ay pinapaalam? At kapag pinaalam naman, paghihinalaan na may hidden agenda o tatawaging pakitang tao lang?  At inaasahan ba natin na lahat ng pinaghirapan nila ay gagamitin na lang nila pantulong sa iba?  

Wala ka na bang ibang mai-comment?


Ang pagtulong ay isang mabuting gawain. Tinuturo na sa atin ito ng ating mga magulang mula pagkabata. Kadalasan ay itinuturo rin ito sa atin ng ating simbahan at nang ano mang sekta tayo kabilang.  At ang pagtulong ay dapat bukal sa puso. Hindi ito dapat idinidikta ng kung sino. Hindi rin ito ginagawa para magpakitang gilas.  At higit sa lahat, hindi rin ito dapat maging daan para ang isang tao ay umabuso at maging pala-asa na lang sa ibibigay ng kanilang kapwa.

At  kung may tao man na dapat nating diktahan o sabihan na tumulong sa kanyang kapwa, yan ay walang iba kundi ang mga sarili natin. Sa mundong ito, kanya kanya tayong dala, kanya kanyang tulak, kanya kanyang buhat. Kung may tumulong sa tin, thank you.  Magsikap naman kung wala. At kung ano yung gusto mong gawin sa yo ng kapwa mo, ikaw ang magumpisang gumawa sa iba. Golden rule nga di ba?

-- At yan ang madalas kong naiisip pag napupunta ako sa comments section ng mga balitang tulad ng "pagbili ng mamahaling kotse ni champion, nagdonate si businessman sa national team ng ilang milyon, nagpatayo ng malaking mansion si aktres, bumili ng sobrang mahal na diamond ring si doktora" at pagkatapos ay makakabasa o makakarinig ako ng paulit-ulit, napakababaw at walang kasense sense na komentong “sana dinonate na lang nya sa mahihirap”.  At kung isa ka sa mga ito, kapag ikaw na tao ka ay nanalo sa lotto ng ilang milyon ay wag na wag kang makakabili ng kahit anong mamahaling gamit dahil kung hindi, isasaksak ko itong comment mong nakakabuiset kasama ng item na binili mo sa iyong nakakasulasok at nakakaaburidong sumbong  (ika  nga ni Bonggang Bonggang Bongbong).

6 comments:

  1. Ganito ako dati. May ganitong mentality. At ngayong may chance na ako para bigyan naman ng luho ang sarili ko, napansin kong lahat naman ng tao ay may chance para pagandahin ang buhay.

    Galing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks. Dapat talaga matuto tayong tulungan din ang ating sarili. :)

      Delete
  2. John 10:10

    The thief comes only to steal and kill and destroy.
    I came that they may have life and have it abundantly.
    *****Jesus said this Himself and I stand on His promise,
    that I will have an abundant life, because He is the sole inexhaustible Source and Supplier.
    So it is not at all wrong to enjoy the fruits of your labor. We need to renew our minds about this. Thanks...Shalom:>

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for sharing that verse Judah. Indeed, we must also learn to help ourselves so we can make ourselves prepared and ready to help others all the time.

      Delete
  3. Agree! Sorry medyo segway, pero naisip ko din, while donating might make people feel better and it might do some good for a while, maganda rin sigurong planuhin natin ang so-called donations. Sana hindi lang parating dole-outs. Rather, mas maganda yung donations na sustainable ang epekto i.e. rather than panandaliang pa-mcdo sa street children, donation para sa edukasyon nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I have to agree with you also. Nakabasa na rin ako before about sa pagbigay sa mga charities lalo na sa malakihan. Dapat maging maingat din tayo kasi may ibang tao rin na sinasamantala yung kabutihan ng iba. imbes makarating sa nangangailangan, kung kani kanino lang napupunta. sabi nga sa nabasa ko na blog, kay James Altucher, mabuti pang mag micro charity na lang. ibig niyang sabihin, tumulong na lang tayo direkta dun sa kilala nating nangangailangan. halimbawa sa loob ng pamilya natin, kapitbahay o sino mang kakilala natin na puede nating tulungan. Thanks for dropping by :)

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...