Friday, July 13, 2012

Versatile Blogger Award! – Salamat po :)

Versatile – matatawag kang ganito kung ikaw yung tipo na kaya mong makibagay at makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao o sitwasyon. Well-rounded ika nga.

Mula pa noon eh madalas na kong nata-tag bilang “jack of all trades”. Minsan may pasaway na susundutan pa ito ng …”master of none”. Minsan may katotohanan ito. Sa dami kasi ng bagay na gusto kong subukan o aralin, pag dumating sa punto na nagagamay ko na yung isang bagay o kaya ay nakita ko na kaya ko palang mag-excel, kasabay nun ang pagbaba ng interes ko sa bagay na yun. Marahil ay sa kagustuhan ko na subukan ko ang iba pang bagay kaya rin ganito na ang aking pag uugali.

Isa sa klasikong halimbawa ay ang una (at nag-iisang beses pa lang, sana masundan) na pagsali ko sa mga fun run. 5 kilometer run lang naman yun. Nung panahon kasi na madalas pa ko nagbabasketball, tingin sa kin ng mga kakampi ko eh ako yung tao na di napapagod. Tumatakbo, tumatalon, gumugulong sa loob ng 40 mins. Hehehehe. 

At yun na nga. Sinubukan ko ang fun run. Pinaghandaan ko rin ng ilang linggo. Siguro ay mahigit 100 din ang sumali. May ilan na tulad ko na baguhan lang. May ilan naman na matatawag nang “seasoned” sa pagtakbo. At yun na nga, natapos ang fun run, 5th ako overall. Dapat nga ay 3rd ako kung di lang ako naligaw sa pagliko sa huling lap, hahahaha! Siguro nga ay dahil batak pa ko sa kalalaro ng basketball at isa pa akong taong tagabundok na sanay sa lakarang akyat baba kaya ganun ang resulta. Nasabi ko sa sarili ko na kaya ko pala makipagsabayan! After nun, di na nasundan  ang pagtakbo ko. Hahahaha.

Pagdating naman sa blogging, matagal nang hilig ko ang pagsusulat. Dahil siguro mahilig ako magbasa simula pa ng murang edad kaya nagkaganito ako. Madalas na partner ang pagkahilig sa pagbasa at pagsulat. Matagal ko nang gusto ang mag-blog mula pa ng nauso ito.  Hanggang sa eto na nga. Nung una ay inakala ko na madali ang mag maintain lalo na at andun talaga ang passion ko. Pero habang nagpapatuloy ako sa pagsulat at pagbabasa, natututunan ko rin na hindi pala basta may maisulat ka na lang. May mga bagay pala na dapat isaalang alang para maging epektibo ang paghatid ng mensahe sa mambabasa. At ang makatawag pansin sa mga mambabasa ay isa rin sa pinakamahirap na bahagi ng pagbblog. Kailangan pala e gumawa ka rin ng ibang bagay bukod sa blog like yung Facebook page ko na The Ignored Genius (pa-like na rin dun sa mga di pa nakakapag like) at yung sa Twitter account ko na @ignoredgenius (pa-follow na rin).
At higit na mas lalong mahirap pala ang marecognize ka ng kapwa bloggers.

Kung kaya malaki ang aking pasasalamat sa pagbibigay pagkilala sa atin ng isa sa aking mga naging katoto dito sa blogosphere. Siya si Lawrence na siyang nasa likod ng “Colors and Grays” na isa rin sa aking mga inaantabayanang blogs sa araw araw. Maraming impormasyon at mga kaalaman ang hinahatid niya sa mga kanyang mga mambabasa kasabay ng pagbibigay ng kanyang matitikas na opinyon sa mga ito.  Bilang isa sa mga versatile blogger na nakilala ko, malaking bagay sa akin na ako ang bigyan niya ng parangal bilang isang “VERSATILE BLOGGER” awardee.


At bilang isang awardee, may ilang bagay na kaakibat sa pagtanggap ng pagkilalang ito.

1.  Bigyang pasalamat ang nagbigay ng award sa iyo. Huwag din kalimutang mag”back link” sa kanya.
2.  Magpost ng pitong bagay bagay patungkol sayo
3.  Magbigay ng award sa 15 iba pang blogger na tingin mong karapatdapat at ipagbigay alam sa kanila na binigyan mo sila ng award na ito.

Eto po ang pitong bagay bagay na tungkol sa akin:
  1. 29 yrs old na ko ng matutong magdrive, sa automatic pa yun.
  2. Expired na ang EcE license ko since 2009
  3. I wrote my first fable at the age of 7
  4. Ang kaisa isang gadget ko na Apple ay yung Ipod Nano gen 4 na napanalunan ko sa video making contest sa dati kong company
  5. I got a “zero” once in an exam. Grade 1 or kinder ata ako nun at ang topic, greater than or less than. hehehe
  6. I voted for Bro. Eddie for president twice
  7. I’m a catholic

At para ipagpatuloy ang tradisyong ito ng pagbibigay ng award sa kapwa ko blogger, narito po ang aking mga awardees:

1.       Akoaysalbahe – ito ang may kasalanan kung bakit may the ignored genius. Personal kaming magkakilala. Siya ang nagbigay inspirasyon sa akin na tahakin ang mundo ng blogging. Matuwa at matuto sa nilalaman ng kanyang espasyo sa mundo ng internet. :)  

2.       Rae on a Break – Isa sa mga nauna kong nakilala at nakapalitan ng kuru kuro sa blogging. If you want some “break” on serious stuffs and wanted to get entertained and informed at the same time, this site is for you. 

 3.       Love Conquers All –  Truly, love conquers all. Kahit ang mga matatayog na bundok, malalawak na dagat ay aabutin, literally and figuratively speaking. At yan ang ipinapakita ni Cris the pinaythrillseeker sa kanyang blog. 

 4.     I am a dekaphobic – kung mahilig ka sa pagkain at gusto mong madiskubre ang pinakatago tago na mga masasarap ng resto sa paligid ligid lang ng Metro Manila, si Michy the dekaphobe ang bahala sayo. 

 5.       Josh on Creek – rising from the dead (dahil matagal walang post). Buti at naging aktibo uli dahil malupet at interesting ang mga topics nitong si Josh. At kung arts and design lang ang paguusapan, siya na! 

6.       The Toilet Thoughts – No, this post is not about toilet humor. Pero tulad ng marami sa atin, malalim na mga pagiisip ay kadalasang nangyayari kapag tayo ay nasa loob ng toilet. Read more from ventocoseuss 

7.       Twocentchronicles – The ultimate Smart Gilas fan! And his blog is more than about the Gilas team and basketball. His rants, raves, opinions and some literature are packaged in his site. 

8.       Bagotilyo – ang makatang romantiko. Kung nais ninyong makakita ng perpektong halo ng panitikan at modernong pagbblog, si Bagotilyo ang isa sa maibibigay kong halimbawa sa inyo. 

9.       Hoshilandia – sa kanyang sariling lupain, makikita dito ang pagiging well-rounded ni Hoshi. Ang versatility ay nagkatawang-blog at ito ay naging Hoshilandia. 

10.   Dxjayrock’s notes –kung matibay na pananaw sa mga bagay bagay, usaping pulitika man yan, sports, relihiyon at kung ano ano pa, eto ang para sa inyo. Kung may isang tao na halos lahat ng side sa mga bagay bagay ay katulad ng sa akin, masasabi kong si Dxjayrock na yung tao na yun.
(Sabi sa award, dapat 15. Pero sa ngayon, etong sampu pa lang muna ang aawardan ko. Kukumpletuhin ko rin ito sa mga susunod na araw J)

Again, salamat Lawrence sa pagkilala at sa lahat ng patuloy na umaantabay sa “The Ignored Genius”. At huwag po kayong mag-alala, hindi ko iiwanan ang blogging katulad ng nangyari sa “career” ko sa pagtakbo. ;-)

21 comments:

  1. Ui Rogie! Napadaan lang at nagulat kasali ako dito. Salamat. :D Pareho pala kayo nung boyfriend kong di na nagpa-renew ng ECE license. Haha. Di naman daw masyadong kailangan sa trabaho kasi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. you're welcome Cris. :) oo nga, di ko kasi nagagamit din talaga sa work. unless magkaron ng dagdag na pay siguro baka ipa-renew ko.hahaha.

      Delete
    2. Nagawa ko na nga pala yan. Bisitahin mo minsan. Napa-Tagalog din tuloy ako. Haha. :D

      Delete
  2. maraming salamat parekoy! :)

    ReplyDelete
  3. Oh, come on. If you're given that award, then you might want to abolish your title.

    Di ka na ignored, sir. You are now revered. Congratulations!

    At, maraming maraming salamat pala sa pag-share mo ng award mo sa amin. Isang malaking karangalan ang ma-mention at maparangalan dito sa site mo, sir.

    Continue the good work!

    ReplyDelete
    Replies
    1. you're welcome bro.you deserved it. :)

      btw, yung genius naman sa title is not for me, but yung mga ideas na alam na ng marami pero iniignore lang ng marami. tinatry ko lang ipaalala. hehehehe.

      Delete
  4. Salamat po! Nakakatuwa at nakakahaba ng hair!

    mabuhay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga, natapakan ko na dito ang hair mo.hahaha. you're welcome :)

      Delete
    2. Nasagot ko na nag award na ito. yehey after halos isang buwan

      http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com/2012/08/03/hoshi-is-versatile-blogger-awardee/

      Delete
  5. sensya na 'dre at ngaun lng nadalaw dito. kung napapansin mo medyo madalang ang pag post ko ngaun dahil medyo abala sa mga bagay-bagay na dapat lng naman talaga bigyan pansin.

    ok, eto na.... nakakatuwa naman malaman na sinubukan mo once ang pagtakbo. dati din ako tumatakbo pero nung natuto ako magyosi, mabilis na ako hingalin kya huminto ako. pero ngaung mahigit isang buwan na ako tumigil sa bisyo kong yung, bumabalik na din ako unti-unti sa pagtakbo.

    ang haba ng pasakalye ng komento ko pala. sinhaba din ng intro mo sa post na 'to. salamat din sa pagbibigay mo ng magarang intro sa akin. akala ko may mababasa pa ako na "si CnG ay anti-PNoy"... lol... wala naman pala.

    nais kong batiin muli kita 'dre, at sana dka rin magsawa sa pagbblog kagaya ng mga ibang bagay na inumpisahan mo. at salamat din kay akoaysalbahe dahil sa kanya nagkatawang-blog ang the ignored genius.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, puede rin nating ilagay yun pero ok lang, mahahalata naman nila pag binasa nila ang posts mo about Pnoy. hahahaha.

      Salamat uli bro. ako rin nagkabusy busy nung mga huling linggo kaya dumalang din ang posts. bawi na lang tayo. hehehehe

      Delete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. OWEM! Thanks Rogs! Ngayon ko lang nakita 'tong post mo (and ispeysyal menshun pa ako! haha!)

    Congratulations din sa award. Ikaw nang Versatile! Sino naman kaya ang susunod na Blogger for All Seasons? O kaya Superblogger? O kaya Diamond Blogger? O kaya Phenomenal Blogger? NAKS! At dahil jan, pipilitin kong magpost ng mas interesante at kapaki-pakinabang na posts-- anything under Betelgeuse.

    I tried once na magpaka-serious sa mga posts ko sa kabilang blog ko, but I think its not in my nature na magpaka-seryoso. Since everybody is entitled to their opinion, as much as possible I keep it simple yet hard-hitting pagdating sa commentary. Siguro magfi-feature pa ako ng mga rants and raves ko about anything-- starting this week.

    And I'll make sure na basta with human interest stories, I'll keep you all posted.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Phoenix award dapat ang igawad sa yo pre, rising from the ashes. after months of hiatus, naging active bigla. hehehehe.

      siyempre kailangan kang mamention, ikaw na ang isa sa mga nakagawa ng brewrats logo! hehehehe. nasan na ba yung daga na yun?

      aantayin namin ang iyong mga updates :)

      Delete
    2. i found it! hahaha

      http://thebrewrats.multiply.com/journal/item/4

      Delete
    3. HUWAAAA! Buhay pa nga! At ako pa last na nagpost dun! AMP!

      Delete
    4. Pwede ring "Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay Award". Haha! Jestoni lang ang peg. Trololol

      Delete
    5. uy, dati naming councilor at vice gov yun. hahaha

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...