Sunday, July 15, 2012

Walalang POST 5: Magpakatotoo ka!


Isa ito sa hindi ko maintindihang konsepto sa pag-uugali ng tao sa panahong ito. Kadalasan kasi ngayon, kapag sinabi ng isang tao na “magpakatotoo ka”, kailangan ay may ginawa ka na hindi mabuti, hindi tama, hindi moral, hindi legal (mamili ka lang ng isa dyan o lahat ng yan) para masabing nagpapakatotoo ka nga.


Ang gusto kong malaman ay hindi na ba puedeng maging totoo ang paggawa ng bagay tama? Kapag nagpakita ka ba ng kabutihan, gumawa ka ng tama, sumunod ka sa batas, pinaglaban mo ang tingin mong moral at legal (mamili ka lang din ng isa dyan o lahat ng iyan), ibig bang sabihin niyan eh hindi ka na totoo sa sarili mo? Ibig bang sabihin niyan e ipokrito ka na? Eto na ba talaga ang konsepto ng pagpapakatotoo?

10 comments:

  1. 'pagpapakatotoo' is relative. tingin ko hindi naman laging negative yung connotation tungkol dun. nagkakataon lang siguro minsan na mas napopoint out yung mga masasamang ginagawa pag ginagawang excuse yung pagpapakatotoo. marami parin naman akong kilalang totoong tao na totoo sa sarili nila at gumagawa parin naman ng tama.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for dropping by Olivr.

      Yan din ang idea ko ng pagpapakatotoo. Parehong totoo lang naman na may mabuti at masamang nagagawa ang lahat sa atin. Kaso, ang madalas na naririnig natin sa mga tao ngayon ay pag ang nakikita nilang lamang na ginagawa ng kapwa nila ay mabuti tapos nakakita sila ng maliit na masama, ang tawag nila dito ay "mapagkunwari".

      By the way, ganda ng layout ng blog mo and good choice of topics din. Mahilig din ako sa music :)

      Delete
  2. It depends highly on the people saying so.

    May mga taong sadyang masamang gawain lang ng mga tao ang nakikita, at yun ang gusto nilang makita.

    ReplyDelete
    Replies
    1. siguro nga brad. sila yung tao na di makapaniwala na kaya palang gumawa ng mabuti ng kapwa nila.

      Delete
  3. Kung yan ang konsepto ng pagpapakatotoo sa kanila pipiliin ko nang maging hindi totoo o sa term nila "Plastik!" :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, oo nga. parang naging positibo pa tuloy ngayon pag tinatawag na plastik o ipokrito sa standard ng iba.

      Delete
  4. Society is potentially the biggest pain in your a55!

    Ang mundong ginagalawan mo, sa panahon ngayon, aminin man natin o hindi, ay may malaking papel na ginagampanan sa pagsabi sa'yo kung "nagpapakatotoo" ka ba o hindi. Kung "tama" ba ang ginagawa mo, o "mali". Ikaw lang kase ang makakapagsabi kung "nagpapakatotoo" ka at kung "tama" o "mali" ba ang sinasabi mo. Wala dapat boses sa iyo ang ibang tao. Ikaw yan eh! [insert foul word here] nila.....! ...with class. :)

    Nice post.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayos! sapul na sapul mo! :)

      at malupet yung pagkaka mo ah, with class! ;-)

      Delete
    2. Siyempre dapat hindi natin gayahin si Miss-nagwala-sa-burol-ni-Dolphy, 'yung nagpapakatotoo, dpat din, nasa lugar! :)

      Delete
    3. yun ang walang class na talaga hehehehe :)

      Btw, I added one of your blogs (film police) on my list. I found your reviews interesting. di ko lang alam pano ba mag member sa blog mo, di tuloy ako makacomment. hehehehe. I subscribed na rin via email.

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...