Wednesday, January 29, 2014

Proud nga ba o Insecure?

Proud daw ang marami sa ting maging Pinoy. May mabalitaan lang na may isang Pinoy o kahit may dugo lang (kahit 0.00009%) at may napanalunan o sumikat sa ibang lugar, proud agad tayo. Magagaling daw tayo at talented. Matatalino at madiskarte. Sabi natin yan sa sarili natin. Minsan tingin ko e tayo na lang din ang bumobola sa sarili natin hanggang sa maniwala tayo. Pero totoo naman na may kakayahan at galing tayo pero hindi lang yan dahil sa Pinoy tayo o anupaman kundi dahil tao tayo tulad ng iba at kung ano kayang gawin ng ibang tao, ano man ang kulay, lahi, bagay sa pagitan ng hita, o kahit ano pa, e kaya nating gawin yun sa abot ng mga limitasyon nating physical, emotional at psychological tulad ng sabi din dito sa post na ito.


At kung talagang proud tayo, bakit hindi natin matakasan ang stereotypes sa maraming bagay na maganda naman at mabuti na binibigyan agad natin ng masamang kahulugan o paghusga? Siguro dala rin ito ng mga kadramahan ng marami mula sa mga napapanood sa tv at naisasabuhay na. Hindi masamang manood ng tv pero kung puro nood ka lang at ipapasok mo sa kukote mo na lahat ng napapanood mo e kapareho na ng sa tunay na buhay, dyan ka na magkakaproblema. Ano ba yung mga sinasabi kong mga maganda bagay na binibigyan natin ng ibang kahulugan? Hindi naman lagi pero madalas. Eto lang ang ilang halimbawa:



Mayaman = Matapobre
Maganda = Maarte
Gwapo = Bakla
Seryoso = Suplado
Matalino = Mayabang
Tahimik = Nasa loob ang kulo 
Mapagtimpi = Ipokrito

Ito rin siguro kaya pag may sumali sa mga talent contest na hindi kagandahan ang itsura at pagkatapos e nagpakita ng kahit sub-par talent e nabibigla na tayo at nagagalingan kasi kinukumpara na natin agad ang itsura dun sa talent niya. Pag guwapo naman yung banda o artist, sabihin natin na baduy o puro papogi lang. Malamang may magalit pa sa paggamit ko ng "bakla" na para bang pinapalabas ko na masama yun bilang interpretasyon sa mga sobrang gwapo. Pero pasensya na dahil yung derogatory term na yun e natutunan ko lang din sa mga kaibigan ko na mga bading din mismo. Tawag pa nga nila dun ay "Paminta" o "Pamhin".

Saka hindi man lubos na kilala ang tao na may mga ganitong katangian ay mabilis na nabibigyan ng ganitong paghusga ang iba sa kanila agad-agad. Dahil kaya ito sa marami sa may mga kaparehong katangian nila ang ganoon? O dahil nga sa napapanood nating sa mga palabas sa tv o pelikula? O baka naman ay dahil kailangan lang natin silang tirahin paibaba para di sila masyadong umangat at mangibabaw?

Sa kabilang banda, may ilan namang mga masagwang mga katangian na pilit binibigyan naman ng magandang interpretasyon ng iba. Tulad ng mga ito:

 
Taklesa = matapat
Mapanglait = totoong tao
Palaaway = Passionate
Nagmamaliit sa mga "norms" = open-minded 
Bulgar = Liberated o Progressive



 
Meron talagang taong matapat, totoong tao, passionate, open-minded, liberated at progressive. Pero hindi ko alam kung tama ang pagpapakahulugan natin sa mga ganito sa nasa itaas. Ito ba ay pagtatanggol dahil iniidolo natin yung mga taong ganito? O baka kasi dahil ganito din tayo at binibigyan lang natin ng dahilan ang ating mga ginagawang mali?

Pinoy Pride o Pinoy Insecurity?

5 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Most pinoys are far quicker than lightning to judge somebody as if they had also look into themselves or know that person. Iyun nga nai-eskandalo, guilty agad kahit hindi pa nagsisimula ang hearing. Perhaps, aside from insecure, narrow-mindedness might be.

    ReplyDelete
  3. depende siguro sa sitwasyon. pero human nature naman siya mostly, not just us pinoys. on the other hand, mas matimbang ang insecurity madalas.

    ReplyDelete
  4. Wala namang masama sa pagiging proud sa achievements ng mga kapwa natin Pinoy (whether 1/2 or 1/8 or 1/151 lang ang dugong pinoy nila), wag lang sana ioversensationalize. Most of the time, nakakaumay na rin eh.

    ReplyDelete
  5. Ang naiisip kong negative sa #proudpinoy syndrome ay parang isang form pa rin sya ng exclusivity. kami-mentality instead of tayo. kami lang ang marunong kumanta, kami lang ang marunong ng bayanihan, kami lang ang resilient kapag nakaranas ng problema.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...