Lahat naman tayo may gustong marating. Malayo man yon o malapit, maliit man o malaki, may gusto tayong patunayan sa sarili natin mismo na may kaya tayong gawin. Na may kaya tayong pagtagumpayan. Pero madalas na hindi madali ang gusto nating mangyari. At marami rin sa atin ang di talaga inaabot ang bagay na gusto nating mangyari. Nahihinto, walang oras, walang panahon, walang kakayahan at kung ano ano pang dahilan. Pero minsan yung dahilan ay gawa gawa lang natin. Ang totoo ay tinatamad lang talaga.
At kung tinatamad, maraming bagay at paraan para magawa mong kumilos at may matapos.Isa na siguro yung pakiramdam na napagiiwanan. Yung kaklase mo noon na nangongopya lang sa yo, manager na siya sa trabaho. Yung tropa mo na madalas manghiram sayo ng 5 piso na di nga nagbabayad, may sarili nang negosyo. Yung dati mong katrabaho na tatamad tamad at laging late at absent, ilang beses nang napromote. Parang lahat ng nasa paligid mo ay maayos ang buhay. Pero bakit ikaw, parang walang nangyari.
Pero kung titingnan mong maigi, marami na rin naman nagbago sa yo. Maayos pa naman ang kalusugan mo. Marami kang nagagawang bagay na gusto mo. Maayos naman ang trabaho mo. Pero tingin mo pa rin ay may kulang at napag iiwanan ka na. Puedeng tama ka. Pero ano ba ang dahilan? Dahil sa tingin mo ay may bentahe ka na sa iba noon kaya naging kumpyansa ka na? O dahil di ka na kumilos dahil nga sa tinatamad ka at hindi ka na naiinspire pa na gumawa ng mga bagay na iba pa? Siguro ay matagal mo na ring hindi nakamusta ang sarili mo kaya nung nakita mong malaki na inasenso ng ibang kakilala mo e saka mo lang napansin na wala pala masyado nangyayari sa buhay mo.
Batibat, ang tinuturong sanhi ng bangungot. Siya kaya ang babaeng Batibot? Photo credit: kurokuroatbp.com |
Ang puedeng mangyari sa yo, una ay mainggit ka sa nangyari sa kanila. At sa pagkainggit, magiging bugnutin ka. At malamang na di mo na rin sila pansinin dahil maiinsecure ka at tingin mo e mas karapat dapat ka sa kalagayan nila. Ang pangalawang maaaring mangyari naman ay matuwa ka sa nangyari sa kanila. At magiging parang "wake up call" sa iyo na matagal ka na palang naging stagnant. Hindi ka nagpupursige at masyado kang naging kalmado at kuntento. Pero akala mo lang kuntento ka, hindi mo lang pala natanong ang sarili mo. Pero ayos lang yan, di pa naman huli. Gawin mo lang na positibo ang pagkaramdam mo na naiiwanan ka na. Wag mo gawin yung una, gawin mo yung pangalawa.
At nung halos di na nga ko makabangon, bigla ko na lang naisip ang magdasal. Habang nahihirapan akong kumilos, pinilit kong umusal ng panalangin. At dahil dito, nakalma ang sarili ko. Unti unti nawala ang pakiramdam na may nakadagan at dahan dahan akong nagising. Pakiramdam ko ay masakit pa rin ang tagiliran ko. At bumangon ako agad at bumaba. Uminom ako ng tubig. Marami. Uhaw na uhaw ako. At saka ko lang naisip na muntik na pala ko nun. Ganoon kasi yun sinasabi na bangungot na kumitil na ng buhay ng ilan. Magulong magulo ang buhay ko pa noon. Sabagay, hanggang ngayon naman ay marami pa rin akong dapat ayusin sa sarili ko. Kaya laking pasalamat ko at nabigyan pa ko ng pagkakataon uli. Sana ay maayos ko ang buhay ko at mapatino ko na talaga ang sarili ko.
Naramdaman ko na din yang pakiramdam na yan, idol. Nang magtrabaho ako't napapansin ko na yung iba, napupuri, samantalang ako, sumusunod sa mga alituntunin, at ginagawa ng maayos ang trabaho ko. Pero matanong ko lang, pano kung dugo't pawis na ang inalay mo, pero dahil may "kapit ng dugo" ang isa sa boss o manager nyong pareho, wake-up call pa din ba yun para maging better, o wake-up call na umalis na dahil walang pag-asa talaga? Hehe
ReplyDeleteNga pala. Congratulations sa bagong chikiting!
DeleteSalamat bro. :)
DeleteYung tungkol sa situation mo, mas ikaw ang nakakaunawa at nakakaalam ng nasa paligid mo. If you think na yang option na yan ang makakatulong sa yo ngayon, puedeng yan nga ang wake up call mo. Marami na rin akong alam na ganyan ang ginawa. Nasubukan ko na rin yan minsan.
I still enjoy your posts. Sobra.
ReplyDeleteThanks Veron. :)
Deleteramdam ko ang bawat salita... parang ako lang ang kinakausap mo....
ReplyDeleteUy, salamat po ng marami. It's an honor na makakuha ng comment mula sa yo sir. :)
Delete