Friday, October 25, 2013

WARNING: TAXI MODUS OPERANDI

Uso na naman daw ang nakawan dahil malapit na ang Pasko. Pero bago pa man magpasko, marami na ang naireport at kumalat sa mga social media networks na nabiktima ng Modus na ito sa mga taxi. Ang mga nagpapasinghot ng kemikal para makatulog at manghina ang mga pasahero. At pagkatapos ay nanakawan. Minsan pa ay momolestyahin at sasaktan. At may iba pa raw na pinatay. Nakakalungkot isipin na sa maliit na halaga ay kumikitil ng buhay ang iba. 

Dahil dito, gumawa ng rin ng hakbang ang ilang mga tao para ito ay ireport sa LTFRB. Ayon sa aking kaibigan, ibinigay niya ang listahan ng mga naireport na mula sa social media na mga taxi kasama ang lugar ng pinangyarihan, plate number at pangalan ng taxi mismo. At ang sumagot ay ang chief mismo ng LTFRB na si Winston Ginez. Ginagawan na nila ng paraan para imbestigahan ito at pinatawag na nila ang ilang operator sa hearings para sagutin ang alegasyon. At may mga checkpoints na rin na gagawin para sa mga taxi patungkol dito. At nagbigay na rin ng warning ang media tungkol sa bagay na ito. Awareness lang at pagiging vigilant ng mga tao ay malaking bagay na. 

Ito nga pala ang link ng listahang naipon ko mula sa mga Facebook posts patungkol sa ganitong gawain. Kung may alam pa kayong hindi kasali dito, iwan nyo sa comments ang impormasyon o kaya ay isend nyo sa aking email. Salamat po.

Click the link below for the compiled list:

LIST OF SUSPECTED TAXI CABS

13 comments:

  1. ayos lang magnakaw pero hindi na dapat pumatay pa. taragis na mga kinginang yan.

    ReplyDelete
  2. desperado na talaga ang ibang tao. gagawa at gagawa ng mga ganyang bagay kumita lng ng pera.

    ReplyDelete
  3. Kahit pa maiwasan iyan, gagawa at gagawa ng ibang paraan para makabiktima mula sa taxi...

    ReplyDelete
    Replies
    1. i agree. pero di naman siguro ibig mong sabhin e wala na tayong gagawin tungkol dito?

      Delete
  4. nakakaparanoid namang magtaxi eh yan na nga lang mode of transport ko pag may time at pag afford ko

    ReplyDelete
  5. ako rin takot talaga ako mag-taxi. minsan kahit patas feeling ko lagi ako niloloko. hehehe

    mayroon kasi kahir matanda na at may uban... lakas pa rin mang-ungas. dati sumakay ako ng pa-meralco theater siningil ako ng 300 tas nung inulit ko yun kasama na nanay at mga kapatid ko 150 lang...

    mayroon din na 2 kayo na maghahatiran, pagkababab mo, ire-restart ni kuya ni metro.. ano yun instant 40.. palagan ko nga.

    ReplyDelete
  6. Count this plate uvt 740 vios nov 3 .

    ReplyDelete
  7. kaya nakakatakot mag-taxi e. nagkalat ang mga walang konsenyang driver.

    ReplyDelete
  8. Experienced same thing kanina. Rode a taxi from Pioneer. Golden Boy Taxi TXM 486 yung nakasulat sa may window. Buti na-note ko. Naglabas sya ng mukang empty na Glade na airfreshner, nilagay nya sa may aircon. Tingin sya ng tingin sa may kanan. Malakas din yung radio na. Yung right hand nya laging nakapatong sa may pasengger seat sa tabi nya, di ko alam kung anong meron don. Then, yung Glade sa may aircon, itinumba nya. That's when i started to feel numb, hands, feet. Binuksan ko agad yung pinto at pinatigil ko sya. Buti nakababa pa ako.

    ReplyDelete
  9. meron na palang ganitong modus... dumadami na talaga ang mga masasamang nilalang.... minsan may buhay pang nawawala... dati daya lang sa metro ang alam kong ginagawa ng mga taxi driver...

    ReplyDelete
  10. Same thing happened to me. Basic Taxi.

    ReplyDelete
  11. Omg i also rode golden boy taxi from Marcos highway to makati but right after i entered the taxi i automatically opened the window, i didn't lock the doors then suddenly he locked my door and i was like this is sketchy to think the door loch to my right is open. He kept driving really bad whenever he steps on the break he makes sure that my head will pound and he always stays on the right lane of c5 when we were at shell c5 his car suddenly turned off and he said hold on and he went to shell. When the taxi driver went down i also went down to tell him to stop my cab meter but he smirked not giving me an answer but showing me a no answer. Then he said the taxi can no longer go to Makati and told me just to pay him and i was like can i pay half and he was like no because it's not gonna be fair for me so i just gave him the money to end the conversation. After that i got another cab and left but i checked the other taxi if he was still there at shell where he parked but he wasnt there anymore. By the way he is old within 50's or 60's he was wearing shades and he was holding a circular "basahan" on his right hand.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...