Friday, August 31, 2012

Ang Diyos sa Ating Lipunan

Double-standard. Pati sa pagbanggit ng ngalan at salita ng Diyos, damay na rin. Ironic pero eto ang mga napapansin kong nangyayari sa ngayon.



-          Ang mga hindi naniniwala ang mas madalas pa na bumabanggit sa Diyos kesa sa naniniwala. (either sarcastic o para lang sabihin na wala Siya)

-          Ang may paniniwala ay madalas pinupuna sa pagbanggit sa Diyos sa mga usapan. (hindi daw dapat ito isali dahil hindi naman daw lahat ay naniniwala. At magkakaiba pa raw ang pagkakakilala)

-          Ang mga mananampalataya ay kadalasang umiiwas na pag-usapan ang Diyos. (dahil na rin sa rason sa itaas)

-          Ang mga mangangaral ay pinupulaan sa madalas na pagbanggit nila sa Diyos. (dahil pareho rin naman daw natin silang nagkakasala)

-          Ang ginagamit pangontra sa mangangaral ng mga pinapangaralan ay ang pangalan at salita din ng Diyos. (dahil may dahilan daw ang Diyos kaya sila ganito at binigyan daw sila ng “free-will”)

Wala na nga ba sa lugar ang pagbanggit natin sa Salita at Pangalan ng Diyos?

4 comments:

  1. OMG.
    haha.
    well it depends on every other person's judgement/opinion/beliefs. respeto na lang sa iba at kung ano ang paniniwala nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sang ayon ako sa yo Olivr. Kailangan natin ng tolerance sa paniniwala ng ating kapwa lalo na kung di naman nakakaapekto ang ginagawa nila sa atin. Mahirap lang din maging tolerant minsan sa mga taong wala ring tolerance sa paniniwala ng iba. hehehe :)

      Delete
  2. may kanya kanya tayong paniniwala and i believe may kanya kanya rin tayong rason..tama, respetuhin na lang naten at nasasaten na rin kung papaapekto tau sa mga paniniwala ng iba :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...