Eto yun |
Di ko na halos maalala ang mga sumunod na nangyari hanggang
sa nadala na ako sa Manila East Medical Center. Tapos tinurukan ako ng mga
gamot ng doktor habang kinakausap ako. Kinalma ako. Makalipas ang ilang oras,
unti unting bumalik ang pakiramdam ko sa katawan ko. Nakakapagsalita na uli
ako. Nakakagalaw na uli mga daliri ko. At naayos ko pa ang cellphone ko at
nacontact ko pa ang pamilya ko. Dumating ang mga magulang ko at naiuwi nila ako
ng maayos. Salamat sa mga nakatabi ko sa jeep. Di ko na kayo nakilala pero
salamat. Sana ay mabasa ninyo ito at maalala pa ninyo ang nangyari. At
dun sa nagsabing “nangingitim na ko”, tol, eto buhay pa ko. Baka lang di mo na
kasi nabalitaan ang nangyari sa kin at makita mo ko uli sa jeep e akala mo
minumulto kita. At salamat din sa pag-aalala mo ng mga oras na yun.
Masarap ang tumulong sa kapwa. Sa kabuuan ay mabuti ang pagtulong. Lahat tayo ay may iba’t
ibang pangangailangan. At madalas na nakikita lang natin ay yung pisikal tulad
ng pagkain, tahanan, damit, mga gamot, atbp. Natural sa tao ang pagiging
“visual”. Mas napapansin natin ang mas “obvious”.
Pero bukod sa pisikal ay may iba pang importanteng pangangailanganan
ang tao. Sa iba pang aspekto ng ating pagkatao, ang pisikal na pangangailangan
ay kadalasang bunga lamang o dahilan ng iba pang mas malalim na pagkukulang.
Karamihan sa mga pisikal na problema ay bunga ng kakulangan
sa maayos na kaisipan. Ang mga mentalidad natin na mali ay kadalasang
nagbubunga ng maling pagpplano at pagdedesisyon para sa ating sarili. Ang mga
maling pananaw. Puedeng sa pag-aaral, sa pagttrabaho, sa pagpapamilya atbp. Mga
maling mentalidad na nagbubunga ng maling resulta. At ang mga ito ay nagdudulot
ng kahirapan, pagkagutom, pagkakasakit at iba pang pisikal na karamdaman.
(Quick Quiz)Ano ang pangunahin nilang pangangailangan? : A. Libreng Bakuna B. Libreng Pagkain C. Kabuhayan |
Halimbawa ang isang kaibigang naghihirap, nagugutom at
kulang sa pagsisikap. Isang kaibigang kulang sa kumpyansa sa sarili. Bigyan mo
siya ng pagkain at mabubusog siya ng pangsumandali. Pagkaubos, babalik lang din
siya sa dati. Gutom pa rin sya at naghihirap. Bigyan mo uli ng pagkain at
mabubusog siya. Pero pagkatapos mananatili siyang naghihirap. Mananatiling
hindi nagsisikap. At mananatiling mababa ang pagtingin sa sarili.
Ang kadalasang resulta naman ng pangangailangang pisikal ay
ang emosyonal na epekto nito sa mga taong dumaranas nito. Madalas ay nawawalan
ng kontrol. Nagdudulot ng desperasyon at
depresyon. Dahil sa pisikal na sakit at hirap na nararamdaman, marami ang
madaling nadadala ng bugso ng damdamin. Ang gutom na katawan ay nakakagawa ng
mga bagay na hindi rasyonal. Kapit sa patalim. Wala ng damdamin para sa kapwa.
Kailangang ipaglaban ang katawan at gagawin ang lahat para mapanatili itong
buhay. O ang buhay ng kanyang mahal.
Ang isang pamilyang may anak na sampu ay kadalasang hikahos. Madalas ay gutom at walang pampaaral. Hindi sa lahat pero madalas ay ito ang sitwasyon. Sa naghihirap, kadalasang tulong na ginagawa ay ang bigyan sila ng panggastos para sa isang buwan. Pagkatapos
ipatali ang nanay para di na mabuntis. Tuturuan ang mga anak ng mga paraan para
makaiwas na makabuntis/mabuntis ng maaga.
Maaaring hindi na sila dumami. Mabubusog sila sa loob ng isang buwan.
Pero paglipas nito, walang halos ipagbabago ang kanilang sitwasyon. Kagutuman
pa rin at kawalan ng edukasyon pa rin ang kahihinatnan.
Kahirapan. Mananatili pa rin ang
gutom at kamangmangan na magtutulak para patuloy na gumawa sila ng mga maling
desisyon sa kanilang buhay. At maaaring ikaulit ng problema ng kanilang
pamilya.
(Quick Quiz) Ano ang pangunahing nararapat proyekto ng gobyerno para sa pamilyang ito? : A. Maayos na trabaho para sa magulang B. Edukasyon para sa anak C. A&B D. Libreng contraceptives |
Subalit tulad ng nabanggit, madalas na ang ating nakikita
lamang ay ang pisikal lamang na pangangailangan ng ating kapwa. Marami naman sa
tin ang likas na matulungin. Mabilis tayong tumulong. Kung gaano kabilis ang ating pagtulong,
ganoon din minsan kabilis mawala ang epekto nito.
Ang tunay na pagtulong ay magagawa kung ipipikit natin ang
ating mata sa nangyayari sa paligid. At sa kadiliman ay ilalagay natin ang
ating sarili sa sitwasyon ng taong gusto nating maiangat ang kalagayan. Ang
ating gagamitin sa pagtingin sa kanilang kalagayan ay puso at isipan. Sa paraang
ito ay mapapansin ang mga bagay na hindi nakikita ng mata. Ang mga ugat ng
problema. Ang mga sanhi ng sugat. Mas makikita na natin kung alin ang ugat at alin
ang bunga. Nakakalito ito sa mata, pero sa puso at isip ay hindi. Mas madali.
At kung di pa rin ito makita, marahil ay isa ka sa may problema ang mentalidad
at apektado na rin ang iyong emosyon sa
mga bagay bagay.
At pagkatapos akong sumpungin noong unang beses na yun sa
jeep, naulit pa iyon ng ilang beses. Sa gitna ng training, sa byahe uli pauwi
at isang beses sa opisina. Nakakahiya yung sa opisina kasi na-stretcher ako
pababa ng building. At tinulungan naman ako ng mga kaopisina ko. Laking pasasalamat
ko sa kanila. Makalipas ang ilang araw, may lumapit sa akin na isang kaopisina
sa pantry at kinumusta ako. Sabi ko ok na ako. Tapos sabi niya sa akin, ang
balita raw ay kaya ako inatake ng ganong sakit ay galing daw kasi “ata” ako sa
party nung gabi bago iyon. Baka sa puyat daw at hang over. Party at hangover?
Ang alam ko bukod sa trabaho ko ay may part time na network marketing ako noon.
Plus marami akong problema sa pamilya. At nauubos ang oras ko sa maraming bagay
kaya nagkaroon din kami ng mga di pagkakaunawaan ng ex-gf ko (ex kasi asawa ko na
siya ngayon).
Stressed na stressed at laging pagod ako ng panahon na iyon. Pero
party at hangover? Maling balita. Di ko na inalam kung kanino nanggaling. Parang
yung kwento ko lang sa “betrayal” story ko na naulit. Malas ko naman. Pero
suerte rin lagi kasi may isang tao na nagaapproach sa kin para malinawan ko rin
ang mga pangyayari. Malaking tulong sila para mabawasan ang stress. Dahil sabi ni doc noon, stress talaga ang
dahilan ng naging sakit ko. Dapat bawasan ko raw ang stress. Kaya sinunod ko si
doc at inayos ko ang mentalidad ko sa mga bagay na nagpapastress sa akin.
Lumayo at tinanggal ko yung iba. Yung iba naman, hinahayaan ko na lang. Kaya
mas healthy na ko ngayon siguro physically. Di na ko nagkakasakit. And napansin ko rin na sa ngayon, mas stable
na ko emotionally. Tingin nyo?
Kung
naenjoy mo ang artikulong ito, i-like ang ating Facebook page at i-follow ang ating Twitter account para sa updates
sa aking blog. Salamat po.
Tingin ko...hindi ko alam pero sana nga. :) Stay healthy, at ingat lagi para sa ex-gf mo. :D
ReplyDeletesalamat Cris. :)
DeleteStay healthy nga. Kahit kelan di ko nagustuhan ang pag-inom. Hanggang kain lang ako.hehe. :P
ReplyDeletehttp://www.dekaphobe.com/
tama Michy. Mas ok ang chibugan,hehehehe. Umiinom pa rin naman ako pero sobrang bihira at pag may okasyon na lang. Or pag may magandang sports game sa TV ng Friday or Sat night, 2 bottles max. hehehehe. :)
Deletei cant imagine your struggle sa jeep..glad to know you survived :)
ReplyDeletetama lumayo at iwasan ang stress :)
Salamat Pink Line. Nakakatawa na lang ngayon isipin ang nangyari sa kin pero ng mga oras na yun, inaantay ko na lang makita ang mga susundo sa kin.hahaha. :)
Deleteheart burn ba ang tawag sa nangyari sau pre? may dati din kasi akong project na ganun din ang nangyari.
ReplyDeletekelan ka pala inatake sa office? sa mckinley na to?
tagal na pre yun, 2005/2006 pa ata. Sa CG pa, di pa tayo magkasama sa iisang bubong. hehehehe. NCA ata yung tawag dun, basta sa nervous system eh.
DeleteSabi ko na nga ba. Though you're unaware, habang binabasa ko ang post mo, ay sinusubukan kitang i-diagnose. BWAHAHAHAHA! It's definitely stress-related, close to anxiety and panic disorders. It's all in the mind, ika nga nila.
ReplyDeleteAnyway, though you had a "anti-RH" post, I am still glad you mentioned that these families need free contraceptives. I admit, that your post before made me realize that I am not totally PRO-RH, but instead, Pro-Responsible Parenthood.. Hehe.
Another great post from the genius. Na binibisita nina Spice Girls, Miley Cyrus, Britney Spears, at Kristen Stewart sa chatbox. Ikaw na. Haha
hahaha, tama.malapit na nga sa ganon ang nangyari sa kin. NCA ang sabi,di ko na maalala ibig sabihin. Plus may hypertension attacks pa ko kasi nun. pinakamataas na ata na nadala ako sa hospital ay 180/120. hehehe.Pero recently di na masyado. Di naman ako nagmemedications. Healthy lifestyle daw muna sabi ni doc kasi di naman lagi. Pag puyat and stressed lang talaga tumataas bp ko.
DeleteHmm, medyo naiba ata ang dating ng post ko sa contraceptives ah. hehehehe. actually, gusto ko talaga sabihin is least of our priorities na dapat yun kasi limited budget natin and mas marami pa dapat unahin bago ang pagpondo dun. sa gustong gumamit, karapatan nila yun but bumili sila. hehehe. :)
and tama ka, responsible parenthood naman talaga ang pinaka-importante. pero not the bill.rh bill pa rin kasi yun, naiba lang tawag. hehehehe.at oo nga, grabe mga bisita ko sa chat. hollywood!hahahahaha.
[quote]Anyway, though you had a "anti-RH" post, I am still glad you mentioned that these families need free contraceptives.[/quote]
DeleteI think ignored genius mentioned the contraceptives just to emphasize further that these things are not the effective solutions to the issues at hand (i.e. population growth and poverty). Note that he said "a sincere help (and an effective one, I'd say) can be done by closing our eyes to the physical aspect." Most of the time, all we really need is WISDOM to know the best solution and KNOWLEDGE (however great) comes next to it. With wisdom comes love, understanding and sincere care to these people which cannot compare to what a great strategist can give to them.
I cannot agree more when ignored genius emphasized on the "easy come, easy go" solution (i.e. the RH bill) being not the right answer to this issue of poverty in our country. The gospel even tells us there is no effective short-cut solution.
[i]Luke 5:36-39
"And He was also telling them a parable: “No one tears a piece of cloth from a new garment and puts it on an old garment; otherwise he will both tear the new, and the piece from the new will not match the old. And no one puts new wine into old wineskins; otherwise the new wine will burst the skins and it will be spilled out, and the skins will be ruined. But new wine must be put into fresh wineskins. And no one, after drinking old wine wishes for new; for he says, ‘The old is good enough.’”[/i]
Before, it has always been a puzzle to me why some people never care to uplift themselves from poverty. They are hanging on to this attitude of "loser-ness" and hopelessness (and maybe because of laziness). But later on I have come to realize that to make our society grow we need to accept these people as they are and all their weaknesses (knowing that we too have our own) and start caring for them in the right way. These solutions might entail difficult tasks (for them and for us) but WISDOM tells us these are the best and effective solutions. RH bill is never one of them. Ignored genius said it's all in the mind and heart and I'd say it is where these people should start anew... refresh the mind and refresh the heart [i]at huwag na yang temporary tapal-tapal na RH bill na yan.[/i]
First of all, after reading the lines again, I realized I was misled.
DeleteWell, being a taxpayer, I think that additional funding for contraceptives through the RH Bill is a bad thing. Kahit saang anggulo mo tingnan, hindi kailangang lustayin ang pera ng bansa para lang sa condom. I take your point on that. However, taking it in a medical-person perspective, I think that one of having responsible parenthood is through the use of contraceptives. And considering that I'm a Catholic, moreover a church person, yes, may point ang simbahan when it comes to contraception, but being a person in the middle, I think I might consider contraceptives.
Hmmmm. I might be misled by what I've read. But still, I think I have to stick to my side. Hehe. Kanya-kanyang opinion lang yan, right?
Para sakin, at sa mga sinasabi na din sa libro, na ang sex ay parte ng mga basic needs ng tao. It's greatly needed for survival. Kahit ilang beses na sabihin mong "abstinence", ay hindi pa rin maiiwasan ng taong makipag-intercourse. It's part of human instinct. Intercourse dito, mabubuo ang anak after ilang weeks. At para sa akin, one of the things that can greatly affect the increase in population is the use of contraceptives.
Pero that doesn't mean I'm pro-RH. Sabi ko nga.
Contraceptives are readily available sa ating mga health centers. Hindi na kailangan ng napakalaking pondo para dito.
Kahit nga ang mga method na advised ng church, they are highly ineffective ways of family planning. Hindi pa din sure na mapipigilan ang pagbubuntis ng isang babae. Ang contraceptives naman, they can give you a high rate of protection, kung gagamitin ng tama.
Well para sa akin, kahit isang factor ang pagpapalaki sa isang anak sa pagreresort nya sa premarital sex, ay nasa tao pa din kung gagawin nya ito o hindi, kasi nga, human instinct.
Peace tayo, Mr. Genius, haha. Pero para sa akin, kahit bigyan ng marangal na trabaho ang mga mahihirap nating mamamayan, ay posibleng mahihirapan din sila kung sakali mang marami silang anak. Mahahati pa din ang sweldo sa napakalaking bilang ng miyembro ng pamilya. At hindi tayo makakasiguro na ma-eemploy sila dahil na din siguro sa kanilang educational background, na naimpluwensyahan ng napakarami nilang magkakapatid, (pero hindi ko sinasabing lahat ay may mababang educational atttainment).
Para sakin, whether there is RH Bill or no RH Bill, the solution still boils down to the person itself. Nasa kanila ang desisyon ng magiging future ng pamilya nya at ng sarili. Kahit college graduates nga, nabubuntis ng maaga. Kahit sino, kahit anong gawin, nasa tao pa din yan. At walang ibang makakatulong sa sarili nila kundi sila lang. External sources may be present, pero nasa kanya pa din ang kapalaran ng sarili nya.
Just my 2.5 cents. :D
hahaha. thanks Vento. By the way, di po ako genius. yung ideas lang po na nakakalimutan natin ang genius, hindi po ako. hahahaha! (nandun ata sa "ignored genius" post yun disclaimer ko sa title ng blog. first post ko ata hehehe :P)
DeleteAnd oo nga, marami nga namisled din talaga sa rh bill sa aking palagay. may iba na naniniwala na ok din ang mamigay ng contraceptives using our taxes and I respect their opinion. pero yung iba, alam ko na ayaw nila but di lang sila aware na ilang bilyon ang magagastos (and posibleng makotongan pa) pag naisabatas ito. imbes makatulong, dagdag pasanin pa sa tin. :)
And i respect din naman yung mga tao na gustong gumamit nitong mga to. Wala naman problema and isa pa, tama ka, marami nito sa health centers na at puede nilang hingin dun.
And lastly, yung last paragraph mo, agree ako sa yo. nasa tao pa rin yan. ke may bill o wala, ke marunong ke hindi, ka may pinagaralan o wala, puedeng mawala pa rin sa kontrol. :)
pero at least, mas nakakalkula ng taong may pinagaralan ang mga gagawin niya sa buhay kahit papano kesa sa napapariwara na saka yung nagugutom na.
Mabuhay tayong lahat! :D
Lots of realizations out of this post. Medyo nakpagnilay-nilay ako ng konti. Kelangan ko na talaga ayusin sarili ko. At goodluck pala sa'yo, sa buhay.
ReplyDeleteThanks Oliver. good luck din sa yo at sa ating lahat. :)
DeleteOn personal note, nakakatakot nga talaga ang nagagawa sa stress. Ang boss ko kamamatay lang (age 42) dahil sa stress. T_T Pero hindi sa trabaho yun... sa pamilya... na mas dobleng nakaka stress kaysa sa trabaho.
ReplyDeleteDapat talaga matuto rin tayong maging balance sa buhay. Hindi rin maganda ang puro relax lang dahil nauubos ang ating pundo. ^_^
Katakot naman yang 42 yrs old na namatay sa stress. :-s buti na lang, less stress na ko ngayon. Salamat sa pag share niyan. Kaya lalong magiging mas maingat at balanse na ko ngayon ate eisa. :)
Deletefirstly, i'm glad na naging okay after that incident. aba delikado tlaga yun pre. secondly, you're on point. "At madalas na nakikita lang natin ay yung pisikal tulad ng pagkain, tahanan, damit, mga gamot, atbp. Natural sa tao ang pagiging “visual”. Mas napapansin natin ang mas “obvious”. "
ReplyDeletenakakalungkot isipin pero totoo..mas napatunayan ko yang nung nag student council ako, ugali ko kasing hindi ibalandra sa lahat pag may nagagawa ako..I hope our government would work because they do love our country hindi lang para gumawa ng tunog at pangalan.
ps. ung cellphone na yan ang pangarap kong cellphone when i was in HS :D
Salamat pre. :)
DeleteAt buti di ka naglagay ng tarpaulines nung mga projects mo sa student council, lagot ka sa anti-epal groups. hehehe. Yun nga nagiging problema, basta mapagusapan kahit di mapag-isipan, yun ang ginagawa ng ibang tao sa gobyerno natin.
mabuti naman at mas better ka na ngayon. iba na pala talaga ang nagagawa ng stress at mabigat na lifestyle. ingat-ingat na lang talaga.
ReplyDeletedoon naman sa pagiging matulungin ng mga Pinoy. yong whole idea ng pagiging matulingin nasa atin na talaga yun. parang natural instinct dapat tumulong ka unless masyado ka ng negative na ayaw ng makinig ng utak mo sa sinasabi ng puso mo. at ang isang nakakapangit din sa pakikipag-kapwa natin siguro ay yung wrong mentality nga rin. iyon dahil siguro mahilig tayo sa short term and immediate answer.
Thanks madam hoshi :)
Deleteyun nga eh. sobrang matulungin talaga tayo. kilalang malalambot ang puso. Ang problema kadalasan tuloy ay naaabuso. tama ka po. dapat talaga long term lagi ang iniisip natin sa pagtulong sa kapwa.