Matalino ang mga Pilipino. Noon pa man ay matalino na tayo. Hindi ako magbibigay ng pangalan ng mga tao na
malamang naiisip natin agad pag sinabi nating matatalino at magagaling ang
Pilipino. Hindi kasi tungkol sa mga sikat na Pinoy ang nasa isip ko ngayon. Ikaw ang naiisip ko. Tayong mga karaniwang
Pilipino. Karamihan naman sa tin ay likas na matatalino.
Marami mang problema ang bansa, may solusyon pa rin ang
lahat. Marami sa atin ay alam ang sagot sa
mga isyu ng bayan. Ano pa man ang
ginagawa sa buhay o antas sa lipunan ng isang Pilipino, siguradong pag
na-ambush interview sa TV ay may sagot tungkol sa mga problema sa buhay at
bansa.
Feel na feel natin! |
Sa araw-araw na problema sa traffic, lahat tayo ay sinasabi
na “disiplina lang ang kailangan”. Kung paano tayo makakaahon sa kahirapan, makatapos sa pag-aaral o maging matagumpay sa career, common answer na sa atin ang
pagiging “masipag at matyaga”. Karamihan
naman ay nananawagan na “wag magkalat” at “magtanim ng puno” para sa ikabubuti
ng paligid, makaiwas sa baha at kung ano pa mang sakuna. At kung tungkol sa mga
pasaway na namumuno sa gobyerno naman ang pag-uusapan, marami ang sasagot ng “Vote
Wisely”.
Ito ang mga pruweba na matatalino tayong mga Pilipino. Pero
mukhang mas malala ang pagiging makakalimutin natin. Nakakalimutan nating
matatalino tayo.
Sana magfocus tayo ngayon sa "wag magkalat" at "magtanim ng puno". Nakakatakot na ang mga delubyo. :\
ReplyDeletehttp://www.dekaphobe.com/
tama Michy. wag na natin hayaang ang kalikasan ang magpaalala nito. dapat proactive na tayo ngayon. and baka maganda rin ang ibalik sa tin ni Mother Nature pag naging good kids na tayo sa kanya. =)
DeleteThanks,
Rogie
tama ka pre. sa mga napuntahan kong bansa na di hamak na mas maunlad kesa sa atin, napapansin kong marami din sa kanila ang bobo. what i mean is walang pinipiling lahi ang pagiging matalino. likas tayong matalino. kinakalimutan lang talaga natin madalas.
ReplyDeleteminsan pa nga pre, naeequate pa natin ang pagiging makakalimutin natin sa pagiging "mapagpatawad". although meron naman na sobrang nakakaalala sa nakalipas, yun nga lang e selective lang ang naaalala.
DeleteGood points! Visit my blog too!
ReplyDelete(Spammer comment lang. Haha. LOLs. Pero seriously, good points.)
hahaha, salamat. oo naman, nagvivisit ako lagi dun. :D
DeleteNaku oo tama ka dyan, sadyang makakalimutin tayo. sayang ang talino kung di nagagamit.
ReplyDeleteat kung magamit man, minsan sa mali pa. wawa naman tayo. hehehe.
Delete