May mga memories ako nung bata ako na di ako sure kung
nangyari ba talaga o imagination ko lang. Siguro, yun yung panahon na
nagsisimula pa lang akong magkaroon ng consciousness sa nangyayari sa paligid. Ang
weird pa sa mga memories ko na yun, pakiramdam ko e matured na kong nagoobserba. Parang nasa isip ko e matanda na ko na nagmamasid sa
nangyayari sa paligid sa mga oras na yun. Tapos nakita ko yung anak ko. Di kaya ganon din siya
ngayon?
Tulad ko nung bata, marami rin sa tin ang madalas ay blurred
na ang vision sa kasaysayan. Tuwing nagbabasa ako ng mga artikulo ni Prof. Ambeth Ocampo na isa sa tinitingalang historian ng bansa, mapagtatanto natin na patse-patse pala ang history na kadalasang natututunan natin. Bukod pa rito maging yung mga recent histories
ay agad na nawawala ang diwa sa ating mga kababayan. Tulad na lang ng
Ondoy, nangyari ito 3 yrs ago at after nun, pinagusapan kung paano aayusin ang
mga drainage ng kamaynilaan, ang urban
planning na di nasunod… tapos wala. Eto na naman tayo sa matinding baha. At nagkalat pa rin ang mga basura.
Baka kailangan na nating mag-evolve tulad niya. |
Wala na nga bang sense of history ang mga Pilipino? Mabilis nga
ba tayong makalimot? O selective lang talaga ang ating alaala? At bakit masyado
nating ine-exaggerate ang nakalipas? Minsan parang sobrang ganda kung ikwento natin o
kaya naman ay sobrang pangit. As if walang in between. As if walang dahilan kung
bakit nagsi-pangyari ang mga yun at ang alam natin ay basta, eto ang resulta
nun, either pangit o maganda, tapos ang kwento. Pero ganon nga ba palagi ang
kasaysayan? Tingnan natin ang ilan sa mga ito:
· Maraming galit na
galit sa mga kastila sa pananakop sa ating bansa. Nawala daw identity nating
mga Pilipino. Identity? Pero kung di kaya tayo sinakop ng kastila, ano kaya ang tawag sa atin ngayon? Pilipino pa rin kaya? O naging isang bansa kaya
tayo o watak watak? O di kaya bahagi na lang tayo ng iba nating karatig nating
bansa. May naging Pilipinas kaya?
· Naiinis tayo sa mga
amerikano dahil sa pambobomba sa Maynila noong liberation. Pero inalam ba natin
kung sino ang may pakana ng bombahan at bakit binomba ang ilang
establisyamento? Binomba ba ang Maynila ng mga Amerikano dahil gusto lang
nilang sirain ang Maynila noong 1940s na aayusin at titirahan pa rin pala nila
hanggang sa mga nakalipas na dekada lamang?
· Lagi nating
naririnig na sinisisi ang Simbahan sa mga nangyayari sa bansa ngayon. Masyado raw
nakikialam sa gobyerno. Pero hindi ba nung 1930s hanggang bago maggyera ay
nangunguna ang ating bansa sa Asya ? At di ba’t madalas nating ipagmalaki ito
na ang Pilipinas ay sobrang unlad noon at kinaiinggitan ng maraming bansa?
Hindi ba’t ng mga panahong yun ay mas malaki pa ang porsyento ng mga debotong
katoliko at mas malaki ang impluwensya sa tao at gobyerno. Bakit ng mga taong yun ay
wala akong naririnig na mga papuri na natanggap ang Simbahan sa pagiging
maunlad na bansa ng Pilipinas? Bakit ngayon nagkandaletse letse na, sila na may kasalanan?
· Maraming nagsasabi
na mas ok pa raw nung martial law at ng panahon ni dating Pangulong Marcos.
Mas disiplinado. Mas konti ang napapabalitang krimen. Mas maraming imprastraktura ang
napagawa. Pero hindi ba bawal ang magsalita laban sa gobyerno noon? Hindi ba’t
bawal ang tv, radio at dyaryo kung hindi ito kontrolado ng pamahalaan? At
bilang pinakamatagal na pinuno ng bansa, hindi ba’t marapat lang na
pinakamaraming imprastraktura ang maitayo sa kanyang panunungkulan? At kung ang
pagbibiro ni Ariel Ureta sa slogan ng Bagong Lipunan e naparusahan siya, sino
bang di matatakot at magpapakabait?
Uunlad ka talaga kung ginto sana yung bike tulad nito. |
·
Sinasabi rin ng marami na si dating pangulong Cory Aquino ang ina ngdemokrasya. Na siya ang nanguna sa people power revolution na siyang nag-alis
sa rehimeng Marcos para maging malayang muli ang mga Pilipino. Pero sino ba ang
nanawagan sa mga tao para lumabas noon at makibaka? Nasaan ba si Dating Pangulong
Cory noong nag people power na sa EDSA? Kelan ba siya lumabas noon sa eksena?
Bago ako umani ng mga negatibong reaksyon, eto muna.
Una, marami talagang kulturang pinoy ang nawala ng sakupin
tayo ng Kastila. Tulad na lang ng baybayin na siyang una nating paraan ng pagbasa at
pagsulat. Pangalawa, nanghihinayang ako ng malaki sa mga nasira nung panahon ng
liberation. Kung tinangka mang ayusin ng Amerika at tumulong ang Hapon para
ibalik ang sigla ng Maynila noon, masyadong malayo na sa orihinal at mahirap nang ibalik lalo na
ang moral damages na naidulot nito sa tao. Pangatlo ay sang-ayon ako na may mga naging
mga pinuno ng Simbahan noon at magpahanggang-ngayon na nakagagawa ng mga maling desisyon. May mga bahagi
ng nakaraan na nagkulang sila sa mga myembro at sa mga tao. Pang-apat, tama na noong panahon ni
dating Pangulong Marcos, na sa aking palagay ay may pinakamagandang plano para
sa bansa sa lahat ng naging pangulo, ay nabawasan at nakontrol ang
mga grupong kasalukuyan ay nagpapahirap sa ating bansa at malaki at maganda ang
naging dulot nito sa impresyon ng ibang bayan sa atin. At panghuli, si dating Pangulong Cory ay
hinahangaan ko bilang isang matapang at may paninindigang tao sa kanyang mga
paniniwala't pinakikipaglaban.
At marami pang ibang nangyari na patungkol sa mga bagay na yan. Hindi lahat ng nangyari dyan ay alam ko. At hindi rin lahat ay maikkwento ko. Kaya hindi ko rin sasabihin kung sobrang ganda ng mga nangyari dyan o kaya naman ay kung sobrang pangit. Pero lahat ng yan ay may naidulot na maayos at may hindi rin kagandahan sa kung ano at nasaan tayo ngayon. Given na rin yun at hindi natin kailangang sobrahan pa ang kwento. Yung sakto lang ay ok na.
Ang punto, wag sana tayong maging selective. Wag exaggerated.
Wag masyadong makulong sa imahinasyon ng nakaraan. Hindi rin dapat tayo padala
sa emosyon na nakakaapekto sa judgement natin, hindi lang sa nangyari sa
nakaraan kundi sa magiging desisyon natin sa hinaharap. Hindi naman “black or
white” lang ang kasaysayan. At bakit nga
ba kailangan nating balikan at ilagay sa ayos ang pag-iisip sa nakaraan. Sabi
nga di ba, “Ang di lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan”.
Hangga’t wala tayong malinaw na pananaw sa ating nakalipas, hindi tayo matututo
sa aral ng mga ito para sa ating mga ikikilos sa kinabukasan.
Eto ang maling paglingon sa pinanggalingan. |
Hindi maiiwasan ang “bias” natin sa pagtingin sa kasaysayan.
Pero kung hindi natin ito mababawasan at magpapadala tayo ng todo todo sa
sinasabi ng alin man sa nasa kaliwa o sa nasa kanan, asahan natin na kikiling pa rin
ang ating kinabukasan at malabong tuluyang dumiretso ang daan. Iniisip ko nga
ngayon kung totoong guwapo ako nung baby ako tulad ng sinabi ng mga kamag-anakan
ko. Baka kasi may bias din sila sa history.
For updates, follow me on Twitter and like me on Facebook. Thanks!
For updates, follow me on Twitter and like me on Facebook. Thanks!
No comments:
Post a Comment