Friday, July 27, 2012

Salawikain at Kasabihang Dapat nang Limutin


Pag nanonood ako ng Little Miss Philippines sa Eat Bulaga, napapansin ko na yung mga kasabihan ngayon ng mga bata ay modern na at yung iba naman ay parang imbento na lang talaga ng mga magulang. Marunong na ring gumimik. Yung nanalo nga nito lang nakaraan, ang kasabihan niya ay eto – “Ang batang tabachingching tulad ko ay kinagigiliwan ni bossing! Mwah mwah, tsup tsup!” Cute no? Pero di ako masyado natuwa. Sumobra ata sa gimik, pero effective kasi nanalo. Magaling naman talaga yung bata at nakakatuwa. Mahusay ang talent at malakas ang loob humarap sa tao. Saka malay natin, balang araw eh maging totoong kasabihan na rin ito at isa na sa mga pinag-aaralan ng mga bata sa eskwelahan.

Pagpasok natin sa elementarya, madalas na ipa-takdang aralin sa atin ng ating mga guro ang mga salawikain at mga kasabihan nating mga Pilipino. Bilang bahagi ng ating Panitikan, marapat lang na may kaalaman tayo tungkol sa mga ganitong bagay. Mayaman ang ating wika pagdating sa mga salawikain at kasabihan. Karamihan sa mga ito ay kapupulutan ng aral.

Pero habang tumatanda, napapansin ko na parang may ilan naman na bukod sa parang wala akong makitang mabuting aral ay nakakapagpababa pa ng estado ng pag-iisip ng ating mga kababayan. Minsan e ginagawa pang excuse sa kalokohan yung ilan.  Tulad na lang ng mga ‘to:

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Huli man daw at magaling, maihahabol din."

Naging panata na ito ng maraming estudyante na nagccram sa pagpasa ng mga projects, paggawa ng assignment o last minute review sa mga exams nila. Aminin ko nang kasama rin ako dun. Minsan e hindi naman talaga magaling, feeling magaling lang naman (kasama rin ako dun). Tapos, marami pang maririnig na kapag under pressure daw e mas lumalabas pa lalo ang husay at mas nakakagawa ng maayos. Malaking kalokohan. Mas masarap matapos ng mas maagap sa gawain at mas magiging produktibo at mas magiging mataas ang kalidad ng trabaho kung magiging mas maagap.


“Edukasyon lang ang tanging maipapamana ng ating mga magulang”

Pero tama naman, marami tayong mga hindi kasing palad na ipanganak sa mayayamang pamilya. Kaya dapat tayong magpasalamat sa magulang natin na nagsikap, naghirap at nagsakripisyo para lang tayo makatapos sa pag-aaral para guminhawa ang mga buhay natin. At yun naman ang punto ng kasabihang ito. Dahil nga napamanahan na tayo ng edukasyon, e dapat gamitin natin yun para umunlad tayo sa buhay at ng kahit papano e hindi na lang edukasyon ang ipapamana natin sa mga magiging anak natin. Pero bakit ilang henerasyon na e hanggang ngayon e gamit na gamit pa rin natin ang kasabihang yan? Kelan natin balak ihinto ang paggamit sa kasabihang yan? Imbes na mabawasan ang bumabanggit e parang lalong dumadami pa? Baka balang araw pag sinabi pa rin natin yan sa mga anak natin e sagutin na nila tayo ng “Nay, tay, sana sinamahan nyo na rin ng bahay at lupa saka kotse saka malaking savings sa bangko.”


“ Mas maayos na ako sa ganitong simpleng buhay”

Ano nga ba ang simpleng buhay? Marami sa mga Pilipino pag tinanong mo kung pangarap ba nila ang guminhawa sa buhay o yumaman, sasagutin ka ng “ok na ko dito sa buhay na simple”. Pero wag ka, pagkatapos mo tanungin eh puro reklamo naman ang ginagawa sa araw araw. Reklamo sa gobyerno, sa ekonomiya, sa maingay na kapitbahay, sa buisit na landlady, sa malupit na amo at kung ano ano pa. Eto ba yung simpleng buhay? Ang sarap sabihin na “ok na ko dito” pero ang problema, hindi tayo tapat sa sarili natin. Mas madalas na sinasabi natin ito dahil tingin natin ay wala na tayong pagpipilian at wala na tayong magagawa. Tinigil na natin ang mangarap. At yan ang tingin kong mali.


"Aanhin pa ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago. Buti pa ang bahay kubo ang nakatira ay tao."

Parang sa bansang ito na karamihan ay may maling pananaw tungkol sa karangyaan na tanging ang mga sinuerte o ang gumagawa lang ng ilegal ang puedeng magkaroon nito, itong kasabihan na ito siguro ang isa sa mga dahilan. Naaalala ko pa ang pagkakaturo nito na para bang sinasabi na yung mga mahihirap ang kadalasan na puedeng mabuti at marunong makisama sa iba at yung karamihan sa mga nasa loob ng bahay na bato o may kaya ay mga “snob” at di marunong makitungo sa kanilang kapwa. Dagdag pa sa mga teleserye na napapanood natin na parang dito sa salawikaing ito galing ang tema. Stereotyping ng mahirap at mayaman. Maling mali ang humusga ng kapwa ayon sa katayuan sa buhay.


"Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala."

Dahil dito, naging play safe na ang mga Pinoy. Iilan na lang ang may salitang “risk” sa bokabularyo. Dahil dito, ilan lang din ang mga nagtangkang magtayo ng sariling negosyo o kaya ay gumawa ng ilang bagay na may kalkuladong peligro pero maaaring magbigay sana sa kanila ng mas maayos na buhay.


“Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.”

Ilang mga holdaper at mga kidnapper na kaya ang nagsulputan sa kasaysayan dahil sa kasabihang ito? Para bang nag-eencourage pa at sinasabing normal lang na kumapit sa patalim kung ikaw ay talagang nakasandal na sa pader at gipit na gipit na sa buhay. Hindi ba puedeng magdasal muna at pagkatapos ay humingi ng tulong?


“Nakikita ang butas ng karayom, pero hindi ang butas ng palakol.”

Natural. Kelan ba nagkabutas ang palakol?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Marami pang ibang mga kasabihan at salawikain ang napansin kong dapat na siguro nating ibaon sa limot. Mga kasabihang imbes na makatulong para patinuin ang pagiisip at kamalayan ng mga bata ay para bang mas lalong nakakasira. Sa murang isip ay para bang nama-mindset na natin sila sa ilang mga ideyang baluktot. Ito yung mga kaisipan na pumipigil sa atin para tayo ay magsikap pa lalo na paunlarin ang ating mga sarili.

Pag-ingatan sana natin ang mga bagay na pinapangaral natin sa mga bata. Sana ay lagi nating tatandaan ang kasabihan na “ang isang bagay na makita o marinig ng bata kahit isang pagkakamali ay nagiging tama kapag ito ay ginawa ng mas matanda”. I thank you, bow.




Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito sa iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.  


4 comments:

  1. gusto ko itong linyang mo ito "Stereotyping ng mahirap at mayaman. Maling mali ang humusga ng kapwa ayon sa katayuan sa buhay."

    oo sa kaiisip ng iba na minamaliit sila, sila mismo ang nagdi-discriminate sa sarili nila. Kahit wala namag ginagawang masama ang isang tao na kinaiingiitan nila e, inaayon nila ang mindset nila na ganun. nagkakaroon tuloy ng crab mentality. tas wala namang ginagawa kundi puro Bahala Na... si Batman.

    sa aking kuro, may mabuti rin naman ang ibang saliwakain madalas nasa wrong interpretation ng iba. makalusot baga. parang yong "di bale ng Tamad, hindi naman pagod." hehehe

    mabuhay nice topic!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ah oo, yang kasabihan na yan ay fave namin nung college. hahaha. di bale nang tamad, di naman pagod.

      onga eh, masyado kasing magaling magpalusot ang marami sa atin at nagagamit pa yung mga kasabihan para sa mga maling ginagawa.tapos pinapasa pa sa mga bata.

      Salamat Madam Hoshi :D

      Delete
  2. eto bago.. hindi mo kasalanan ang ipanganak kang mahirap, kasalanan mo na pag namatay kang mahirap..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kiyosaki-like ata itong quote na ito. In a way, tingin ko yan e hindi puedeng isama sa list ko. Dahil wala tayong ibang dapat sisihin sa kapupuntahan ng buhay natin kundi sarili natin. :)

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...