Showing posts with label decision. Show all posts
Showing posts with label decision. Show all posts

Monday, April 29, 2013

What Common Sense?


Common sense is often referred to as what most people believe to be the correct judgement or decision in a given situation. It is "common" since many would think that this decision will be picked by any normal person and that it's a simple choice that thinking otherwise is just plain stupid.

But we hear a lot of people saying that common sense nowadays are not that common. If you take time to digest that statement, you'll get constipated.  How can we call something not common as common? And if most people think the opposite, would that become the new common sense?

The way our society is doing, we might only be seeing the product of what we perceive to be the "common sense". Or is it that we are just using it as an excuse not to think deeper and just do as what we think other people would?


No overdose


Since we complain a lot about common sense being rare, it's high time for us to drop the idea of common sense itself. Let's quit being lazy and stop putting our high hopes in our decisions using plain old idea of what we think is being done by everyone else. Just think. It has never been that complicated.

Wednesday, June 20, 2012

Pakinggan ang Galit Mong Sarili

Magagalitin akong tao. Lalo sa mga nakakakilala sa kin ng personal, malamang na maririnig nyo ang iba’t ibang kwento tungkol sa pagiging “highblood”, “masungit”, “war freak” at kung ano-ano pang salitang kasing kahulugan ng taong laging nagagalit ang nailalapat sa akin.

Maraming dahilan kaya ako nagagalit, minsan dahil sa tao at pangyayari sa aking paligid, sa sitwasyong kinalalagyan ko o minsan ay sa sarili ko mismo. Madalas din na ang kinakagalit ko ay paulit ulit lang. At hindi ito maganda sa kalusugan. Minsan ay umabot pa sa punto na ilang ulit akong naisugod sa ospital at ang dahilan, pagkikimkim ng sama ng loob kasabay ng stress at pagod. Nung una akong beses nasugod sa ospital, imagine na nakahiga na kayo sa gitna ng aisle ng jeep tapos naninigas ang buong katawan nyo, hirap huminga at di na makapagsalita at pagkatapos maririnig nyo pa ang mga tao habang nakatingin sa akin na bumubulong ng “nangingitim na, nangingitim na”… whew… kwento ko na lang ito ng buo sa susunod.



Madalas nga may mga kinakagalit tayo na pangyayaring paulit-ulit. Alam natin kung ano itong bagay na kinakagalit natin. Lagi lang itong nandyan. Lumilipas din naman ang galit natin dito, makakalimot bukas at magiging kalmado. Pero pag naulit, andyan na naman at nadadagdagan pang lalo ang galit.

Ang gusto ko lang sanang malaman ay kung pinakinggan mo na ba ang sarili mo nung galit ka? Kung oo, sineryoso mo ba ang sarili mo?

Madalas na pag galit tayo sa isang tao, sinasabi natin sa sarili natin na “iiwasan ko na tong tao na to.”, “Lalayo na ko sa kanya.”, “ Di na ko uli magtitiwala sa kanya” at kung ano ano pang hindi mo na gagawin. Pero kinabukasan, lipas na naman ang galit mo at babalik ka na naman sa dating gawi at pakikitungo sa kanya.  Siguro di maiiwasan dahil kailangan, tapos may gagawin na naman siyang hindi mo gusto at babalik uli ang galit at sasabihin mo na naman uli ang mga katagang sinabi mo na nung una kang nagalit.

Ganon din sa mga sitwasyon, halimbawa sa trabaho.  Galit ka sa mga kasamahan mo na pinagtsitsismisan ka kahit wala kang ginagawang hindi maganda. O kaya naman e sa boss mo na tingin mo e pinagiinitan ka.  O sobrang hirap ng schedule mo kaya naaapektuhan na nito ang kalusugan mo. Puede rin naman na ayaw mo lang din talaga ng ginagawa mo at hindi ka na masaya. Isa man o lahat ng ito ang totoo, marahil na pag galit ka na ay nasasabi mong “makpagbakasyon muna para makapahinga”, “kakausapin ko na yung HR bukas tungkol sa nangyayari sa kin”, “ Ire-raise ko na kay boss yung mga issues ko ng malinawan naman siya”, “ayusin ko na resume ko ng makapagapply na ko sa ibang kumpanya” at kung ano ano pang mga litanya ng mga tingin mong dapat mong gawin kapag nagagalit ka na at naaapektuhan na ng mga nangyayari.

O kaya naman sa buhay mo mismo. Hirap ka na sa buhay mo, ayaw mo na ng ganitong buhay. Gusto mo nang magkaroon ng pagbabago, at sa galit mo ay mapapamura ka pa at sasabihing “Pu***ng inang buhay ito! Ayoko na ng ganito! Bukas na bukas ay aayusin ko na ang buhay ko!” Tapos nakatulog, kinabukasan, balik sa dating gawi. Balik sa dating gawain. Wala pa ring pagbabago.

“Di ko na kaya! Eto na ang gagawin ko para di na maulit!”—ganyan kadalasan ang ating tono pag tayo ay nagagalit na. Madalas natin marinig ang katagang “wag mangako pag masaya, wag magdesisyon pag galit ka”. Sang ayon ako rito dahil dapat talaga nating pag ingatan ang bawat katagang bibitiwan natin. Pero sa kabila ng katotohanang ito, kaya rin naman tayo nakakapagbitiw ng salita ay dahil sa ating nararamdaman. Kung galit tayo, may dahilan yun at isa roon ay tayo ay nasaktan. At kung tayo ay paulit ulit na nagagalit, ibig sabihin ay paulit ulit tayong nasasaktan. Kung sa isang dahilan lang, hindi kaya marapat lang na pakinggan natin ang ating “galit na sarili”?

Kung hahayaan natin ang sarili natin na masaktan ng paulit ulit, maaari itong makaapekto sa ating pang-araw araw na gawain, relasyon sa ibang tao at sa ating kalusugan. Hindi mabuti ang galit sa puso. Oo nga, ito’y lumilipas subalit tulad ng isang sugat, maaaring parang humihilom sa labas subalit ang kalooban nito ay patuloy na nananariwa lalo’t hindi tuluyang nabibigyang lunas ang ugat.

Pakinggan ang galit na sarili. Bigyang pansin ang kanyang dinaramdam. Tandaan ang kanyang mga sinasabi, pag-isipan ito at gawan ng pagkilos. Kung alin mang problemang gusto niyang makawala,  isang tao lang naman ang gusto niyang matulungang umayos at gumaan ang buhay. At ang taong ito ay walang iba kundi ikaw.


Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.  

 

Thursday, May 24, 2012

I Saw the Sign

Waiting for a “sign” is another way of saying “Ok. I really know what I should do but I'm just afraid to leave my comfort zone. So I’ll just trick myself into believing that I should wait for something which is improbable to happen or let some event, people, animal, thing or whatever out there to decide and think for me before I act”.

Why not act on it yourself? Be brave. Be accountable for yourself. For once, stand up, think and make that bold decision. In the end, it’s just between you and that crossroad. And no one’s getting blamed nor is benefited directly of the outcome of that decision, but you.


--> And I saw the sign again.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...