Pag may tao na kilala sa pagiging mabuti pero "nasilipan" natin ng gawaing masama, agad sasabihin ng iba na "IPOKRITO KA". Maiba ako, paano kung yung tao naman na kilala nating masama e "nasilipan" ng isang mabuting gawain, puede ko rin ba siyang tawaging "IPOKRITO"?
Hindi ba't ang isang tao ay tunay namang binubuo ng mabuti at masamang gawi, walang perpekto, at ito naman ay inaasahan na natin sa bawat isa sa atin? Hindi ba sumosobra na tayo o masyado lang mabilis sa pagbunot sa "hypocrite card" para husgahan ang ating kapwa sa isang gawa lang? Oo nga, may mga tunay na ipokrito sa mundo, pero ganon na ba talaga karami kung kaya gasgas na gasgas na yung pagtawag ng ganito sa ating kapwa?
Wala lang.