Ilang beses na nating narinig, walang pinagkaiba ang alak sa
pag-ibig. Parehong nakalalasing. Tatawa ka ng tatawa ng walang
dahilan. Minsan ay para kang nakalutang. Mawawala ang inhibitions mo pag
nasobrahan. Masasabi mo ang lahat ng bagay na hindi mo masabi sa normal na
sitwasyon. Magagawa mo ang mga bagay na di mo kayang gawin kapag wala ka pang
“tama”.
![]() |
Alcohol, alcohol, alcohol... |
Pero ang alak, tulad ng pag-ibig ang kadalasan ding sinisisi
kung kinabukasan ay gigising tayong masakit ang ulo. Masakit ang katawan. O masakit ang damdamin. Sa sobrang sakit ng ulo mo sa hangover, sinasabi mo na di
ka na uli iinom. Sinusumpa mo ang alak. Katulad din sa pag-ibig. Pag nasawi
ka, masakit. At sasabihin mong di ka na iibig pang muli. Kasalanan ng alak.
Kasalanan ng pag-ibig.
Dalawang bagay na walang isip. Mga bagay na di ka naman
pinilit na kunin mo. Na angkinin mo sila. At ng napasobra ka sa pagkonsumo, sila na ngayon ang may kasalanan. Sila pa ang masama. Wala
naman silang kinalaman sayo. Ikaw ang walang kontrol. Ikaw ang nagpabaya. Ikaw
ang may isip. Ikaw ang may utak.
![]() | |
So sinusumpa mo na ang pag-ibig ha... |
At bukas, panibagong araw uli. Wala na ang hangover. Wala na
ang sakit. Sabi mo di ka na uulit. Sinusumpa mo na nga eh. Ngayon ok ka na
kahit papano. Buti pa mag unwind muna tayo. Para makalimot lalo sa problema. Sa
sakit.
Alam mo, walang kwenta talaga yun. Kalimutan mo na siya.
Ikaw naman kasi eh. Di ka nakinig. Tama na ang iyak. Pero alam mo, gumaganda ka
pala pag medyo mugto ang mata mo. Walang halong biro. Oo nga. Andito lang
naman ako lagi para sayo e. Oo matagal na. Andyan kasi siya kaya di ako
makalapit sayo. Talaga? Ganon ka rin?
Ows? Tayo na. Yehey, I love you. I love you too. Mwah mwah tsup tsup. Lasing ka
na yata. Hatid na kita. Bukas uli ha.