Proud daw ang marami sa ting maging Pinoy. May mabalitaan lang na may isang Pinoy o kahit may dugo lang (kahit 0.00009%) at may napanalunan o sumikat sa ibang lugar, proud agad tayo. Magagaling daw tayo at talented. Matatalino at madiskarte. Sabi natin yan sa sarili natin. Minsan tingin ko e tayo na lang din ang bumobola sa sarili natin hanggang sa maniwala tayo. Pero totoo naman na may kakayahan at galing tayo pero hindi lang yan dahil sa Pinoy tayo o anupaman kundi dahil tao tayo tulad ng iba at kung ano kayang gawin ng ibang tao, ano man ang kulay, lahi, bagay sa pagitan ng hita, o kahit ano pa, e kaya nating gawin yun sa abot ng mga limitasyon nating physical, emotional at psychological tulad ng sabi din dito sa post na ito.
At kung talagang proud tayo, bakit hindi natin matakasan ang stereotypes sa maraming bagay na maganda naman at mabuti na binibigyan agad natin ng masamang kahulugan o paghusga? Siguro dala rin ito ng mga kadramahan ng marami mula sa mga napapanood sa tv at naisasabuhay na. Hindi masamang manood ng tv pero kung puro nood ka lang at ipapasok mo sa kukote mo na lahat ng napapanood mo e kapareho na ng sa tunay na buhay, dyan ka na magkakaproblema. Ano ba yung mga sinasabi kong mga maganda bagay na binibigyan natin ng ibang kahulugan? Hindi naman lagi pero madalas. Eto lang ang ilang halimbawa:
Mayaman = Matapobre
Maganda = Maarte
Gwapo = Bakla
Seryoso = Suplado
Matalino = Mayabang
Tahimik = Nasa loob ang kulo
Mapagtimpi = Ipokrito
Ito rin siguro kaya pag may sumali sa mga talent contest na hindi kagandahan ang itsura at pagkatapos e nagpakita ng kahit sub-par talent e nabibigla na tayo at nagagalingan kasi kinukumpara na natin agad ang itsura dun sa talent niya. Pag guwapo naman yung banda o artist, sabihin natin na baduy o puro papogi lang. Malamang may magalit pa sa paggamit ko ng "bakla" na para bang pinapalabas ko na masama yun bilang interpretasyon sa mga sobrang gwapo. Pero pasensya na dahil yung derogatory term na yun e natutunan ko lang din sa mga kaibigan ko na mga bading din mismo. Tawag pa nga nila dun ay "Paminta" o "Pamhin".
Saka hindi man lubos na kilala ang tao na may mga ganitong katangian ay mabilis na nabibigyan ng ganitong paghusga ang iba sa kanila agad-agad. Dahil kaya ito sa marami sa may mga kaparehong katangian nila ang ganoon? O dahil nga sa napapanood nating sa mga palabas sa tv o pelikula? O baka naman ay dahil kailangan lang natin silang tirahin paibaba para di sila masyadong umangat at mangibabaw?
Sa kabilang banda, may ilan namang mga masagwang mga katangian na pilit binibigyan naman ng magandang interpretasyon ng iba. Tulad ng mga ito:
Taklesa = matapat
Mapanglait = totoong tao
Palaaway = Passionate
Nagmamaliit sa mga "norms" = open-minded
Bulgar = Liberated o Progressive
Meron talagang taong matapat, totoong tao, passionate, open-minded, liberated at progressive. Pero hindi ko alam kung tama ang pagpapakahulugan natin sa mga ganito sa nasa itaas. Ito ba ay pagtatanggol dahil iniidolo natin yung mga taong ganito? O baka kasi dahil ganito din tayo at binibigyan lang natin ng dahilan ang ating mga ginagawang mali?
Pinoy Pride o Pinoy Insecurity?
Showing posts with label pinoy culture. Show all posts
Showing posts with label pinoy culture. Show all posts
Wednesday, January 29, 2014
Saturday, May 5, 2012
Saan Patungo ang Lumalalang Disiplina ng Kabataan?
“batang bata ka pa at
marami ka pang
kailangang malaman at
intindihin sa mundo,
…iyan ang totoo”.
Mga salita mula sa isang klasikong awitin ng grupong APO
Hiking Society na tumatalakay sa kakulangan pa sa kaalaman sa mga bagay bagay sa mundo ng
mga kabataan. Subalit tila sa panahon ngayon, sa dami ng maaaring panggalingan
ng impormasyon at maging sa pananaw na rin ng nakatatanda ay tila nawawala na
ang kahulugan nito.
Sa internet maging sa social and traditional media araw araw
tayong inuulanan ng iba’t ibang impormasyon. Kadalasan sa hindi, walang kontrol
ang mga impormasyon na nakukuha ng kabataan kung kaya humahantong ito sa maling
pag-aakala na alam na nila ang lahat ng bagay.
Marami tayong makikita sa mga social networking sites na mga
bata na may mga account na kung hindi sila ang gumawa ay mismong mga magulang
pa ang bumuo para sa kanila. Puedeng ito ay para sa komunikasyon rin lalo
na kung nasa malayong lugar ang magulang. Wala sigurong problema kung
nababantayan ng maigi ang mga kabataan sa paggamit ng mga sites na ito. Pero mas
madalas na hindi sila naoobserbahan.
Maraming bagay ang nakikita rito. Ang mga bagay na ito ay nagkakaroon ng iba't ibang epekto sa isipan ng mga nasa menor de edad. Maaaring ito ay mabuti, pero maaari ring masama.
Makikita pa natin minsan na sa mga usapang pang-matanda ay may mga bata na “sumasali”
na sa usapan at kadalasan pa ay makikipagtalo sa mga higit na nakakatanda sa
kanila. Wala na yung panahon noon na pag sumasagot ang bata sa matanda o kaya
ay sumasabat sa kanilang usapan ay siguradong mapapagalitan o di kaya ay
mapapalo.
At isa sa malalalang pangyayari na dahil sa kawalan ng pagantabay ay ilang
beses na ring may mga kabataang napahamak at napariwara sa walang disiplinang
paggamit ng social networking sites.
Malaki na ang pinagbago sa uri ng pagdidisiplina sa
kabataan. Nakikitang “marahas” ng marami kung paano dinidisiplina ang mga
kabataan noon kumpara sa ngayon. May ilan pa na may batayan pang mga pag-aaral sa
psychology ang pagpuna sa pagdidisiplina sa kabataan at kadalasan na ang
pag-aaral na ito ay galing sa kanlurang bahagi ng mundo. Ang “child spanking”
bilang bahagi ng disiplina ay mas laganap rin sa silangang bahagi ng mundo
tulad dito sa tin sa Pilipinas maging sa malaking bansang tulad ng China. May
mga aklat pang naisulat patungkol sa ganitong uri ng pagdisiplina at paanong
nahubog ang pagkatao ng sumulat nito. Sa
west naman,sa panahon ngayon ay maaaring ika-kulong pa ng mga magulang kung pagbubuhatan ng kamay
ang kanilang anak. Maaari pa itong mangyari kapag ang anak pa mismo ang
nagsumbong sa kinauukulan at pag naipasa pa ang isang sinusulong nilang batas, maaari pa itong humantong sa "habambuhay na pagkakakulong" sa magulang.
Sabi sa ilang pag-aaral na nagbubunga raw ng “anxiety and aggression” sa kabataan ang pagbubuhat ng kamay sa kanila. Sa paglaki raw ng
kabataang napapalo ay mas malaki ang tsansa na maging mas agresibo at bayolente
sila kumpara sa hindi. Tulad ng nabanggit sa itaas, hindi normal sa kanluraning
mga bansa ang pamamalo ng anak bilang pagdisiplina. Pero bakit tila mas marami
tayong nalalamang mararahas na mga krimen na ginagawa ng kabataan sa mga bansa
tulad ng Amerika? May mga namamaril, nambubugbog at pumapatay ng hindi lang iisang tao kadalasan at ang
gumagawa ay mismong kanilang mga kabataan. Mas nakikita rin natin ang pagiging
mas agresibo at kadalasang pagsuway sa magulang kumpara sa mga kabataan sa mga
bansa sa silangan. Pero sa panahon ngayon, tila dun na rin papunta ang ating
bansa sa ganoong sitwasyon.
Dalawang bagay ang mainit na napaguusapan sa ating bansa
ngayon na nauukol sa kabataan, una ang “Juvenile Justice Law” at pangalawa ay
ang ruling ng Dep Ed sa teachers na “Bawal Sumimangot”. Sa Juvenile Justice law, maraming karapatan ng
kabataan ang pinatibay sa kabila ng kanilang maaaring pagkasangkot sa krimen.
Hindi sila maaaring kasuhan at itrato na tulad ng matatanda na nagkasala sa
parehong krimen at kung sakali man na gumawa ng di maganda ang biktima o kahit
sino laban sa mga batang nagkasala ay maaari pa silang kasuhan ng child abuse.
Sa “bawal sumimangot rule" naman ng DepEd ay pinagbabawal na ang pagsimangot
ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Hindi ko lang alam kung kahit tipong
may dysmenorrhea, migraine sila o talagang may ginawang kabulastugan ang mga
bata ay bawal pa rin silang sumimangot.
Sa ngayon ay napakarami nang kabataang nasasangkot sa
krimen. Gaya ng mga tinaguriang “hamog boys” na nagnanakaw sa mga pumapasadang
drivers at kadalasan ay nananakit pa. Meron ding mga pumapatay at nanggagahasa pa. Talagang kalunos lunos ang sitwasyon ng mga kabataang ito. Ang tanong ay nasan kaya ang kanilang mga magulang? Hindi ba nila kayang kontrolin o
disiplinahin ang kanilang mga anak hanggang humantong sila sa ganito?
Sa kabilang banda naman, ipinagbabawal na daw ang
pagsimangot ng mga guro sa mga mag-aaral sa kadahilanang marami ang “nadidiscourage”
na mga kabataan at nahahantong pa ito sa kawalan ng gana na mag-aral. Pinakita
pa sa isang balita na may isang kinse anyos na bata na hindi na pumasok sa
eskwela dahil palaging pinapagalitan ng guro at maging ng principal. Grade 2
lang ang inabot ng batang ito. Ano kaya ang ginawa ng magulang at hinayaan na
ganito na lang ang abutin ng kanilang anak? Kung pinag-iinitan man ang kanilang
anak, ano kaya ang dahilan? At bakit hindi nila kinausap man lang ang guro at ang
kanilang anak para maayos ito?
Sa aking karanasan, marami akong mga naging guro na masasabi nating “terror”. May ilan na matalim talaga ang mga salitang binibitawan at may ilan pa na may mga pisikal na pagdidisiplina sa estudyanteng matigas talaga ang ulo tulad ng pagpalo sa kamay, pag pingot , pagpapalabas sa klase at iba pa. Subalit ang mga gurong ito ang siya ring mas tumatak at nakapagbigay ng disiplina sa maraming mag-aaral na kanilang nahawakan.
Sa aking karanasan, marami akong mga naging guro na masasabi nating “terror”. May ilan na matalim talaga ang mga salitang binibitawan at may ilan pa na may mga pisikal na pagdidisiplina sa estudyanteng matigas talaga ang ulo tulad ng pagpalo sa kamay, pag pingot , pagpapalabas sa klase at iba pa. Subalit ang mga gurong ito ang siya ring mas tumatak at nakapagbigay ng disiplina sa maraming mag-aaral na kanilang nahawakan.
Sa dalawang kautusang ito ay para nating ginapos ang kamay ng
dalawang ahensya para disiplinahin ang ating kabataan. Una ang kapulisan at
pangalawa ay ang mga paaralan. Inalisan natin ng ngipin ang mga ito para
disiplinahin sana sa maling gawa ng ating mga kabataan. Ayos sana ito kung sa
mga tahanan pa lamang ay nadidisiplina nang maigi ng mga magulang ang kanilang
mga anak. Subalit ayon na rin sa ating mga nakikita sa paligid ay humahantong
pa sa mas malalang bagay ang dulot ng kawalan ng disiplina ng mga bata mula sa
mga pabayang magulang.
Kung hindi kayang disiplinahin ng maraming magulang ang
kanilang mga anak, at aalisan pa natin ng kakayahang disiplinahin ng lipunan ang
ating mga kabataan, sino na lang ang matitirang magdidisiplina at magtuturo ng
tamang pamumuhay sa mga musmos na kaisipan?
Saturday, April 28, 2012
Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA
Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, iba’t ibang
uri ng tao ang makakasalamuha. May mahirap may mayaman, may makapangyarihan,
merong wala lang.
Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, lahat ay may lugar
na patutunguhan. May mga sumusunod sa mga alituntunin para makarating, at meron
din namang mga walang pakialam basta makaungos lang.
Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, ang mga
sumusunod sa batas ay siya pang napagiiwanan. Gumawa man ng tama, madalas ay
siya pang maiipit at madadamay sa maling gawa ng iba.
Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, kanya kanyang
paraan para makarating sa destinasyon. May gumagamit ng diskarte, may gumagamit
ng bilis, may gumagamit ng laki, may gumagamit ng kapangyarihan.
Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, may mga taong
marunong rumespeto at magbibigay sa yo ng daan. Meron ding nasa “right of way”
ka na, aagawin pa para lang sya ang makauna.
Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, kahit
nanghihina ka na, gagamitin ka pa rin. Parang mga pasaway na driver na
magte-tailgate sa isang nagmamadaling ambulansya.
Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, may malalamig
na ulo at meron ding laging badtrip. Kadalasan na sila na ang mali, sila pa ang
nagagalit.
Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, may tagabantay
at tagahuli, may nahuhuli, may mga matapat at may matatapatan ka ring bigyan mo
lang ng konting lagay, di ka na titicket-an.
At sa huli….
Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, na kung
susundin lamang sana nating lahat ang batas, kung magtutulungan lang ang bawat
isa, kung magiging mahinahon, tapat, marespeto at nagkakaisa, lahat tayo ay
makakarating sana ng payapa at mas mabilis sa ating kani-kanyang patutunguhan.
Thursday, April 19, 2012
The Philippines in Top 10 of Something… Then What?
We always have the biggest, the longest, the smallest, the most number, the ******ST of just about anything you can imagine. The Philippines will surely have something to offer if you’re talking about the best and the worst. It is always a “wala yan sa lolo ko!” moment. (see: Mga Maling Yabang ng Pinoy).
Just like when there were two contradicting records that our country got recognized with on the same day. First being the
World’s most God believing nation and the other is on having one of the world’s worst cities for driving. I can't see how the belief in the Supreme Deity reflects in our people who drive recklessly with no regards to other people’s
rights, possessions and lives.
Most people rejoice with pride if it is about something
they deemed good for our reputation. But if it’s something that they think taints
our immaculate image,then expect all hell to break loose. It just shows how our
people merely react to things that don’t have direct effects on their lives. Either
too proud or not with the feat, it just shows how reactive we are by burdening
our minds on concerns which lies outside our reach. (see: The Opinionated Filipino)
Rather than just a show of disgust or pride, can’t we try
doing something advantageous for our country on what these “records” are telling the
whole world about?
Does being the world’s number one God believing country gives any meaning if our actions and character aren't reflecting it? Why
not being the first person to show that our faith inspires us to do good to other
people? Or does it matter if our country
has the most optimistic businessmen if we just lackadaisically perform our
duties at work, procrastinate or worse, just lazing around and doing nothing?
Why not try to spend our time on more productive stuffs or do something to
improve our crafts?
On the other hand, those negative tags that we get
like being one of the most corrupt nation, worst nation when it comes to traffic and all others, can't we just take these as challenges? We can’t change these things in just one click. But we
can take part in minimizing them by starting with ourselves. And also by acting with more discipline and acquiring further knowledge regarding our rights and responsibilities.
Hopefully, the next time we’ll hear about the same type of
news saying that our country is the best or worst on this or that, we'll all just move along, shrug our shoulders and just continue doing what we're meant to do. They won't affect us anyway.
Tuesday, April 17, 2012
The Opinionated Filipino
If only opinions can be converted
into money, Filipinos would be one of the richest in the world.
Let’s admit it that Filipinos are
one of the most opinionated people in the world today. On a positive note, it shows that somehow, we
Filipinos are aware that there are things happening around us and we not just
know about it but we have something to say about it.
It’s more visible now especially
thru the social media and it happens to all ages. You’ll even see elementary students
debating with adults on online forums regarding certain topics - I’m not saying
that this is totally a good thing but it happens.
![]() |
| Oh yes, you are. (Photo from communicatingacrossboundaries.files.wordpress.com) |
But on the bad side of being the opinionated
people that we are, there seemed to be some important things that we lack on this
behavior. We tend to simply react on issues but only to the point of
criticizing but unknowingly acting the opposite of what we are saying. This, I
will discuss further to explain what I mean and you might be surprised that most of us are also guilty of doing it.
These things that I will expound below,
if we match with our active throwing of commentaries, might help this trait of
ours become more effective and beneficial in our nation building:
Perform your “Due Diligence” – the term due diligence is usually attributed to the business world being “an act of doing
reasonable investigations and researches on ventures or investments before diving
into it”. But currently, we see the term being used to describe the research or
investigations that we do before doing any decisions in our daily lives. And
also before taking sides on any topics or issues. The lack of it is what I see
as the main culprit why being opinionated is viewed negatively nowadays.
A lot of people are being quick on the
trigger due to sensationalized news bombarded to us by the traditional media.
Today, we see people getting fully swayed emotionally by just reading “news
titles or headlines”. Then the “reporter” will add further influence by voicing
out their “unsolicited advice and opinions” on the issue while the more
important details of the news are being left out. To avoid being victim
to this scenario, my suggestions are; don't be too quick to judge nor
to take sides. Then do your own research. Look at the pros and cons of both
protagonists. Then test them against your own moral standards. And look on the
things with proper perspective by putting yourself in the shoe of the
people who are mainly concerned with it. After doing all of these, you’ll see
that your opinions will be improved, more sound and balanced than what they
were before.
![]() |
| How about you? |
Act on your “Circle of Influence” to
affect your “Circle of Concern” – As Stephen Covey mentioned on
his book “The 7 Habits of Highly Effective People”, people can’t usually help
but become reactive on our “circle of concern” when it will be better for us if
we act on what he calls as our “circle of influence”. There are some things
that we can’t do anything directly with like minimizing corruption in the
government, curbing terrorism, increasing gas prices and a lot of national
issues that we can categorize as within our circle of concern. By knowing our
concerns, we can start working on things that are within our circle of
influence and eventually, affect our circle of concern.
Here are some very good
examples to explain this. Two current hot topics that are being debated
not just among the business and government leaders but also within the common
people in different online forums, first the country’s mining policy and the
second one is the cutting of trees within the vicinity of SM Baguio. At first
glance, choosing which side to be with is very easy. We all agree that we
should take care of our environment, right? Rampant mining and cutting of trees
are both bad for the environment so giving our support to those who are against
these two is the good choice, isn’t it?
I already saw a lot of groups and
websites created for their fight against mining in the country. “Some” are
calling out to the people to support their cause to stop miners from digging
into our lands and getting these natural minerals such as iron, ore, copper,
nickel, gold, bronze, silver, silicon, germanium and other types of metal, of
which are being used in creating a lot of modern things we are using now. Especially the semiconductors which are the main component of every gadget and
electronic appliance that we are using. Maybe you are now getting where this is
going. Isn’t it ironic that we can see “some” people showing their support
against “mining” by liking pages and groups, commenting against it on different
online forums using their newest smart phones, tablets and notebooks?
How
about those who are supporting the fight against the cutting of trees around SM
Baguio? We all know that once upon a time, Baguio City was once a green
mountainous place and as a perfect example, the scenery on Mines View was a
sight to behold. But how about now? If you can visit the place, you can see
that majority of the mountains in Baguio City are now cluttered with houses.
And you might wonder where “some” of those people who went to the rally against
cutting of trees around SM live. And for those who are living far outside
Baguio who are supporting their cause, maybe they can also try looking around
Metro Manila and towns nearby where big malls are sprouting like mushrooms,
same with hundreds of subdivisions and condo units, all of which were built at
the expense of… guess what…cutting down hundreds and thousands of trees and
without them acting against it. And it’s not surprising that “some” of those
who attended the rallies are living on those condo units or subdivisions and at
the same time frequent these big malls around Metro Manila.
These are just
examples of what I mentioned earlier of some people saying one thing, but are
unaware that they are doing the opposite. I’m not saying that their cause is
wrong and that every one of them is not knowledgeable of their true cause and
that’s why there’s emphasis on the word “some” on the paragraphs above. But
going back to the topic, it’s obvious that some of them are just acting out on
their circle of concern without taking action on their circle of influence. If
only these people are truly aware of what the issues are, they will surely act
better and ensure that what they are doing had real effects in their cause.
Example for those who are against mining, I can suggest them to try lessening
the technological garbage and the consumption of these metals by buying only
what they truly need and not simply follow trends. It helps not only the
environment but also themselves as they can save a lot of money by doing this.
And next, for those who are fighting against the cutting down of trees around
SM Baguio, well if you just haven’t done it yet then start planting trees at
your backyards.
Avoid Getting Trapped with the Herd – It usually happens
that you read and hear people talk as if they are members of a cult and
chanting the same words over and over again and echoes the same opinions and
sentiments in debates, online forums, etc. It’s like somebody out there
orchestrated their line of thought and put all their thinking inside a box. And
when these people are challenged with a counter-thought and exposed to a
different line of thinking, they will be the first one to tell the other side
to be “open-minded” or to accept that “things change”. I’m sure that this
is quite a familiar scenario to most of us where “pied-pipers” in the form of
“surveys” and “propaganda” attracts herds with “music” which are delightful to
their ears.
This is one of the most common things that affect the way of
thinking of most Filipinos especially the youth. It's by thinking that they are
empowered by being “one majority voice” speaking against “the powers that be”.
Though I agree that this is indeed a very effective tool of democracy if used
properly but as long as the people will not do their “due diligence” and just
being “part of the herd” then this is a very dangerous thing for our people. By the
way, you may also want to check my other post “The Bandwagon Generation” in
relation to this kind of thinking.
How about you? What can you say
about our very opinionated nation and the media? Do you see dangers of having
it easy to voice out opinions thru social media? Share your ideas with us. :)
Saturday, April 7, 2012
Prayoridad at mga Problema ng Pamilyang Pilipino
Kadalasan na nating naririnig na sinasabing importante ang “priority” o “prayoridad” sa lahat ng ating mga plano sa buhay. Maaaring marami tayong adhikain sa buhay, pero ang mga prayoridad pa rin ang siyang nasa unahan ng listahan. Sa pagpasok sa eskwela, ang prayoridad ang pag-aaral at makatapos. Sa pagpasok sa trabaho, ang prayoridad ay magtrabaho syempre. Sa pagpunta ng palengke, prayoridad mo ang mamili, at bahala na kayo mag isip ng iba pang halimbawa ng mga prayoridad sa ating mga pang-araw araw na gawain.
Gaano kaimportante ang prayoridad? Ito ang siyang ating pangunahing pinanghahawakan upang maabot ang ating mga tinutumbok na adhikain sa ating mga sinimulan. Kadalasan, nagsisimula ang problema natin sa mga bagay bagay dahil sa nawawaglit sa atin at tayo'y naliligaw ng landas sa ating mga tunay na prayoridad.
Gaano kaimportante ang prayoridad? Ito ang siyang ating pangunahing pinanghahawakan upang maabot ang ating mga tinutumbok na adhikain sa ating mga sinimulan. Kadalasan, nagsisimula ang problema natin sa mga bagay bagay dahil sa nawawaglit sa atin at tayo'y naliligaw ng landas sa ating mga tunay na prayoridad.
Tulad ng isa nating halimbawa, sa eskwelahan. Pinapasok tayo ng mga magulang natin dito, binabayaran ang nagtataasang tuition fee at pinapabaunan tayo sa araw araw para tayo ay makapag-aral. Ang prayoridad natin sa pagpasok ay ang matuto, makapasa, magkaroon ng kaalaman at makagraduate at ito nga ang sinasabing pundasyon natin para sa kinabukasan. Pero kadalasan sa kabataan ay nasisingitan ang prayoridad. Nandoong mas prayoridad nila ang maging “celebrity” bilang sikat na dancer, singer, painter, pulitiko, aktibista, etc kesa ang pag-aaral. Wala sanang problema dahil maganda rin naman na may extra-curricular dahil nakakatulong ito sa pag-unlad ng iba pang aspekto ng kanilang pagkatao, pero para gawing prayoridad ito bago ang pag-aaral ay ang kadalasang nagiging pitfall ng ilang kabataan. Meron pa na ang nagiging prayoridad ay ang bumuo ng barkadahan, o kaya naman ay hanapin ang “pag-ibig” sa loob ng paaralan. Dyan madalas na talagang naliligaw ng landas ang marami kaya imbes na makatapos, ayun, nandoong inuuna ang tambay, ang bisyo o kaya, nabubuntis o kaya yung iba, nagpapakamatay pa dahil sa iniwan o niloko ng bf/gf. Ang siste, kawawang magulang dahil yung anak, nakalimot sa prayoridad niya sana kung bakit siya nandoon sa eskwelahan.
Sa trabaho, isang magandang halimbawa ay ang ating mga OFWs. Ang kanilang adhikain ay ang mapaunlad ang kanilang pamumuhay at ng kanilang pamilya at ang prayoridad nila sa pagpunta sa ibang bansa ay ang magtrabaho, kumita at makaipon. Pero dahil nga raw sa lungkot at pangungulila, marami ang naririnig natin na mga problema ng ating mga kababayan na nakakalimot sa prayoridad, at ang inuuna ay ang kanilang pansariling kalagayan. Inuuna pa ang pambababae/panlalalake para raw maibsan ang kanilang lungkot at nakakalimutan na ang sakripisyong pinangako na siyang sana, nauuna sa listahan ng kanyang prayoridad.
Hindi lang ang mga nasa ibang bansa, ganon din yung sa mga naiiwan na nakakalimot din, na minsan sila rin ay nadadala sa tawag ng pangungulila, at ang mga anak naman ay nagpapasasa sa malaking padala ng kanilang magulang at minsan ay nagloloko pa sa pag-aaral na siyang isa sa pangunahing prayoridad nung mangibang bansa ang kanilang mga magulang. Tuloy, nababalewala ang lahat sa plano, kung naisasaisip lamang nila sana lagi ang kanilang prayoridad ay hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito. Ang prayoridad na para sa pamilya, nauwi sa pagkasira lalo nito dahil sa pagkakaligaw ng prayoridad.
Maging sa mga simpleng mga laro o sports tulad ng basketball, meron ding epekto ang prayoridad. Kaya naglalaro ang isang koponan ay para sa pangunahing adhikain, at ito ay ang manalo. Gumagawa sila ng mga game plans at plays para maabot ang kanilang target. Pero, pag may ibang naging prayoridad ang ilan sa mga manlalaro tulad ng makakuha ng mataas na puntos, makapagpapogi sa laro, magpasikat sa mga scouts, at maging pangalawa na lang sa prayoridad ang manalo ay kadasalang nauuwi sa talo ang laro ng koponang ito dahil sa kawalan ng “focus” sa kung ano ba ang talagang gustong mangyari ng buong team.
Sa ating bayan, kung magkakaisa lang din lamang tayo iisang layunin at ang magiging prayoridad natin ay ang “umunlad” ang ating bansa at hindi ang ating mga pansariling kapakanan ang uunahin, siguro ay higit na mas magiging maayos ang takbo ng ating bansa. Pero kung patuloy tayong naliligaw sa ating tunay na layunin, malabong may mararating ang bansang ito. Gusto ba natin talagang umunlad ang bansa? Prayoridad ba natin ito bilang mga Pilipino?
Kung aalalahanin lamang sana ng bawat isa sa atin ang prayoridad sa lahat ng ating ginagawa sa simula’t simula pa lamang at hindi tayo mawawaglit o maliligaw sa tinatahak na landas, marahil ay mas matinong buhay ang meron ang karamihan sa atin. Marami sanang naiwasang mga problema na kadalasan ay tayo rin mismo ang gumawa nito sa ating mga sarili.
Kung naenjoy mo ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.
Sunday, April 1, 2012
Mga Maling Yabang ng Pinoy
Likas
na sa ating mga Pilipino ang maging mapagmalaki (o sige na nga, magyabang) ng
mga bagay bagay na nauukol sa atin para bumida tayo sa iba. Minsan ay umaabot
pa sa puntong exaggerated na ang pagkkwento para lang maging sikat tayo sa
usapan kaya nga merong mga joke na “wala yan sa lolo ko” ay dahil na rin sa
ganyang ugali natin.
Sa
aking pagninilay nilay (o pagtanga-tanga lang pag walang magawa) aking napagtanto na tila isa
ito sa dahilan kung bakit pababa ng pababa ang antas ng disiplina sa ating
bansa at palala rin ng palala ang mga masasamang bagay na nagagawa ng nakababatang
henerasyon ng ating bayan. Kung bakit, bigyan ko kayo ng halimbawa.
Isang
madalas na pangyayari na isang nakatatanda na nagkukwento sa isang grupo ng
kabataan, tipong ganito:
Nakatatanda:
“Nung bata kami, naku, yung si Mang Pedring na masungit dun sa lugar namin? Nako
e lagi kami hinahabol ng matandang yun. Madalas kasi e sinusungkit namin yung
mga mangga niya sa likod bahay nila. Halos maubos nga yung mga bunga eh, tapos
pag wala na kami mapitas eh babatuhin pa namin yung bubong ng bahay nila mang Pedring
saka yung aso nila na nakatali. Nako e kandagalit yung matandang yun, habol
siya sa min, may dalang pamalo. Walang magawa ang matanda, hehehe. “
Mga
Bata: “wow, astig nyo po pala ah!”
Nakatatanda:
“Oo naman, at di lang yun. Yung nakuha naming mangga e ibebenta namin sa
palengke, yung pinagkakakitaan namin, ayun pinambibili namin ng lambanog, ang
sarap! Lasing lasing kami ng barkada lagi nun, kahit pa may mga pasok pa kami
sa skwela. “
Mga
Bata: “ayos po pala ang trip nyo ah,
e pano po pagpasok nyo sa school?”
Nakatatanda:
“E di ayun, pagdating pa namin sa klase mga lasing pa, ayun suki kami sa
guidance. Kilalang kilala nga kami dun eh, sawang sawa na nga sa pagmumukha namin
yung guidance counselor, pero wala sila magawa. E pano, yung nanay ko eh
kaibigan ng principal yun, e sila pa nga humihingi ng pasensya minsan sa min.
hehehe. Ibang iba talaga kami nun, kaya yang mga ginagawa nyong kalokohan, wala
pa yan. “
Mga Bata: “Wow, ang
galing nyo naman!!! Idol na namin kayo!”
May
kasabihan nga na ang ginagawa ng matanda kahit mali ay nagiging tama sa mata ng
bata. Parang etong si manong na nasa halimbawa natin, sa kagustuhang bumida sa
mga bata, sumobra sa pagkwento at pagexaggerate ng mga detalye at hindi rin
niya isinaisip na yung pagkkwento niya sa mga bata, tila ba chinachallenge niya
ang mga ito na gawin o lampasan pa yung nagawa niyang kalokohan. At dahil sa exaggerated
nga niyang kwento, inaakala tuloy ng mga mas bata na ok lang gawin ang mga
ganong bagay at puede naman pala nilang takasan yung responsibilidad sa mga maling
bagay.
May
listahan ako sa baba ng 7 sa mga maling yabang ng mga Pilipino na kadalasan e
naipapasa pa natin sa mga bata at sa sobrang gusto nating maging bida. At dahil
dito, yung mga bagay na dapat ay mali, hindi dapat gayahin at iwasan sana ng
mga kabataan e tila nagiging normal na lang dahil sa maling pagyayabang natin. Eto
na po ang ating list:
- Pagyayabang ng alak na nainom, naka ilang bote at anong kalokohan ang nagawa nung lasing sila. - Pasikatan pa talaga, meron na sasabihin na isang case naubos niya, o kaya yung sobrang tapang na alak tapos sabay sasabihing nakipagsuntukan siya sa pulis na humuli sa kanila o kaya e natulog sila sa gitna ng EDSA nung lasing na lasing na sila. Feeling nila siguro cool sila pag ganito.
- Petty crimes (pangungupit, paninira ng gamit, pananakit ng kapwa) – Yung mga nakupit sa nanay/tatay nila, sa tindahan ni aling Nena o kaya e sa na-nenok na gamit sa opisina. Kasali din yung mga sinirang signboard, binutas na gulong ng jeep ni mang Gustin, o kaya vandalism na nilagay sa may eskwela nila. Bidang bida nga naman sila dito, mas malala, mas panalo.
- Basag ulo - Dagdag pa yung pagyayabang na nakipagsuntukan sila kay ganito, tapos nagulpe nila na di man lang pumalag. Paborito din natin itong ipambida. Macho nga naman ang dating.
- Nakarelasyon, ginawa sa nakarelasyon – Para naman to sa mga kiss and tell. Meron sa mga babae pero mas madalas sa mga lalake. At dito mas matindi ang exaggeration. Lalo na sa mga inuman e tipong kala mo e siya na ang love/sex guru sa kwento niya. At para bang lumalabas e material na bagay na lang yung nakarelasyon niya at wala na yung dignidad ng pagkatao kung makakwento, at sa mga mas bata na nakakarinig, kala nila tuloy ay ganon ang tamang gawin.
- Pandaraya/Panggugulang – Pangongopya at pangongodigo nung estudyante pa, mga iba’t ibang techniques para makalusot sa mga thesis or term papers, o kaya naman e pandaraya sa trabaho para maka petiks lang. Mas grabe, mas daring, mas bida. At ikukwento pa yan sa mga mas bata na para bang nagbibigay ng “tips” sa mga dapat nilang gawin.
- Pagsuway sa batas – Madalas ito sa batas trapiko. Makakarinig ka ng mga nagmamalaki pa nung nakipagkarera sila nung minsan sa may c5, o kaya may tinakasan silang traffic violation at tinakbuhan yung MMDA. Basta yung mga bawal na ginawa nila, yun ang talagang proud na proud pa ang marami sa atin.
- Padrino at koneksyon – Talaga namang mapagmamalaki mo to pag may koneksyon ka. Malakas ka kay Mayor, Governor, Senator, Manager, Chief, General, etc. Tipong sasabihin pa na “sige pare, ako bahala sayo. Isang tawag lang natin kay bossing yan.” Ayaw na ayaw natin ng nalalamangan pero pag tayo ang nanlalamang, well, isang pagmamalaki pa yan sa karamihan.
Marami pang ibang mga “maling yabang” tayong nakikita at lahat ng yan, sa pag-aakala man natin na walang masamang epekto ay merong nagiging bunga pagtagal ng panahon lalo na sa mga sumusunod pa na henerasyon. Bilang mas nakatatanda at mas nakakaalam, inaakala nila na yung mga pinagmamalaki natin ay normal na lang at tama, at pagdating ng panahon na sila na yung nakatatanda, tinutularan na nila ito o kaya ay hinihigitan pa dahil nga naman nakakalusot naman pala sa mga ganon yung mga elders nila at syempre, para sa susunod sila naman ang bida. And the cycle continues. Ano, may mga maipagyayabang ka pa ba? Siguraduhin mo lang na ok yan, dahil kung hindi, malamang na wala yan sa lolo ko.
Kung naenjoy mo ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.
Saturday, March 31, 2012
The Bandwagon Generation
“BANDWAGON”, ang terminong ginagamit ngayon sa paglalarawan
ng biglaang pagsikat ng isang grupo, tao, pananamit, pagkain, pananalita,
kaisipan, gadget o anupaman dahil din sa biglaang pagdami ng tagasunod na mga tao na
kahit karamihan ay di pa naman lubos na nauunawaan ang gamit o halaga. O kaya ay
hindi pa nasusubukan ang mga ito subalit nagustuhan na rin dahil ito ay ginawa ng
kanilang kaibigan, sikat na idolo o dahil ito lang kasi ang uso o “in” sa
panahon na yun. Tila wala namang masama rito, pero wala nga ba?
Kadalasan, nagsisimula ang kaugaliang ito ng mga Pinoy sa batang edad pa lamang. Halimbawa sa isang barkada, may magsasabi na "tara dun tayo tumambay sa mall ngayon". Tapos yung iba sasama na lang din. Ok lang sana kung mga tambayan lang at gimikan ang sinusunod nila, pero pano sa ganitong bagay din sila nakikiride na lang, gaya ng "tara pre, etong school ang pasukan natin sa college!", "Etong course kunin natin pre, astig to!", "Tara pre, dito tayo mag-apply, ok daw sa kumpanyang ito", "Tara pre, punta tayo sa bansang to, maganda daw kita dito". Tapos yung iba, puro "tara, sige, dun na lang". Yung ganong mga kaimportante at life changing na mga bagay, nakikiride na lang sila sa sinasabi ng ibang kasama nila. Walang sariling disposisyon ika nga. Yung mga desisyon sa buhay, nakasalalay sa sinasabi at ginagawa ng iba kaya yung kinabukasan nila, ala tsamba na lang din siguro.
Kadalasan, nagsisimula ang kaugaliang ito ng mga Pinoy sa batang edad pa lamang. Halimbawa sa isang barkada, may magsasabi na "tara dun tayo tumambay sa mall ngayon". Tapos yung iba sasama na lang din. Ok lang sana kung mga tambayan lang at gimikan ang sinusunod nila, pero pano sa ganitong bagay din sila nakikiride na lang, gaya ng "tara pre, etong school ang pasukan natin sa college!", "Etong course kunin natin pre, astig to!", "Tara pre, dito tayo mag-apply, ok daw sa kumpanyang ito", "Tara pre, punta tayo sa bansang to, maganda daw kita dito". Tapos yung iba, puro "tara, sige, dun na lang". Yung ganong mga kaimportante at life changing na mga bagay, nakikiride na lang sila sa sinasabi ng ibang kasama nila. Walang sariling disposisyon ika nga. Yung mga desisyon sa buhay, nakasalalay sa sinasabi at ginagawa ng iba kaya yung kinabukasan nila, ala tsamba na lang din siguro.
Dahil na rin siguro sa social media kung kaya ang “bandwagon effect” e mas lubos na napapalaganap ng mabilisan sa panahon ngayon(see:How Social Media is Ruining Our Minds). Kung isa kang negosyante at
gusto mong magkaroon ng advertisement sa social media at sumikat agad ang produkto mo,
normal na kumuha ka ng ilang mga bloggers na maraming followers na magsusulat para
rito. O kaya mas madali, kung may budget ay ipa-try mo lang sa ilang mga sikat na tao at mas ok
siguro yung mga sosyalera effect na tipong ie-exaggerate pa ang pagdescribe sa
produkto mo. Like “OMG!!! As in sobrang sarap over mega duper talagahhh, love
love love! Please try it, as in, you’ll like it also cos I liked it. You’ll be
like sosy din like me, promise.” with matching pictures nya na ipopost sa
social media account niya habang tina-try yung product, then gagaya na yung mga
friends niya. Then ishe-share na nila pagkatapos natural na ang mga followers nila
makikigaya, then makiki-sosi na rin kahit pa yung product e di naman pala ganon
ka-okay tapos overpriced pa pero dahil nga marami na yung naunang nagsabing “ok”
yung product at karamihan pa e mga sikat, sinasabi na rin ng utak nila na
“ok” yun and “worth it” naman. Sino ba naman sila na kokontra sa sinabi ng mga
idol nila di ba? And si negosyante, siya ang pinakamasaya dito syempre. Well,
wala namang masama rito. That’s taking advantage of the social media. No harm
done. Kung negosyante ako, gagawin ko rin yun.Kung dun ba ko kikita eh. Basta yung mga sumampa lang basta sa bandwagon at di masyado gumawa ng sariling pagreresearch ay wag sana magreklamo masyado sa
pagtaas ng mga bilihin at pagbaba ng kalidad ng mga produktong binibili nyo.
| Mapapabili ka na lang talaga. |
Di lang ito sa mga produkto nangyayari. Maging sa pagidolo
sa mga tao o grupo ng tao. Dahil sikat, nananalo o kaya naman eh dahil gusto
rin ng karamihan, gusto na rin ng iba kahit sila mismo e di
naman naiintindihan yung ginagawa ng tao na yun. Pero basta, gusto na rin nila
dahil sikat eh. Tipong halimbawa sa sports, kahit ni minsan e di naman nila
nilaro o binigyan ng pansin yung laro na yun sa buong buhay nila
pero bigla bigla naging solid fan daw sila k. Ang alam lang nila ay nanalo na yung athlete. Ok sana kung fan talaga, pero ang hirap sa nakisampa lang sa "bandawagon" na pag nananalo lang yung idol nila sila nagiging fan. At karamihan
pa sa kanila, para lang i-angat lalo yung idolo nila, sila yung tipong
magsasalita ng mga bagay na ikababagsak ng iba kahit wala nang kinalaman sa
ginagawa ng mga taong sinusundan nila ang mga ito (dahil siguro di nga nila naiintindihan yung
practice). At ang malala, tipong pag di na nananalo yung idolo nila, bigla na
lang silang mawawala o kaya ang unang maninira sa mga iniidolo nila at dun pa
sila nagiging eksperto at biglang mas marunong pa sila sa idolo nila na dapat
daw ginawa ito o kaya yun para manalo.
Ang mga “ideya” o “paniniwala” ay hindi rin nagiging ligtas
sa “bandwagon” effect. May mga tao na
magiging “PRO” or “ANTI” dahil sa narinig nilang paliwanag ng isang tao na
kinikilala nilang mataas ang antas ng pinag-aralan. O kaya ay dahil ito rin ang
siyang paninindigan ng kanilang iniidolo sa iba’t ibang larangan. O dahil ito
ang sabi ng karamihan sa kanilang mga kakilala at kaibigan. Di naman ito mali
lalo na at meron talagang ilang tao na mas nakakaalam ng mga bagay bagay kesa
sa atin. Pero kung tipong di natin binigyan ng pagkakataon ang ating sarili na
marinig rin ang kabilang panig at tuluyan nating isinara ang ating isip sa
iisang kaisipan lamang, matatawag na ring “bandwagon” lang ang paninindigang
ito. Kadalasan pa ng mga tao na nasa ganitong kalagayan ay sila pa yung unang nagsasabing dapat daw na paminsan minsan ay maging “against the flow” tayo at labanan na raw ang
luma at saradong kaisipan at paniniwala at matuto tayong tumanggap ng mga makabagong ideya. At sa pag-aakalang sila nga ay “naiiba” sa
kanilang paninindigan, sila ay nagkakasama-sama ring lahat na may ganoong pag-aakala at
wala rin silang kaibahan sa kasamahan nila na karamihan ay bulag na sumusunod
lamang. At inaakala nilang sila ang may tunay na “malayang kaisipan” pero ang totoo, sila yung nakulong sa kaisipang iba ang may ideya at tinanggap na lamang nila ng buong buo ng walang kahit anong pagtatanong. Well sabi
nga, “…a little knowledge is dangerous. “
![]() |
| Ingat, baka magaya kayo sa mga lemmings. |
Maging sa mga adbokasya ay mayroon ding ganito. Puedeng para
sa kalikasan, para sa kapwa tao, para sa hayop at kung saan saan pa. Dito ang
makikita mo talagang napakabilis ng pagsampa ng mga tao sa “bandwagon”dahil nga
naman ito ay para sa “kabutihan” (please read: The Opinionated Filipino). Andung may pipirma agad, may magdodonate, o
kaya e susunod na lang kahit di naiintindihan kung para saan yung pinagagawa.
Minsan, kung titingnan ng mas malalim pa yung mga adbokasyang ito, lalabas na
minsan e mas malala pa yung epekto ng ginagawa natin kumpara dun sa nilalabanan
o kaya naman eh wala naman talagang kinalaman dun sa mga pinaglalaban yung
pinaggagagawa sa mga tao. Minsan naman e para tayong mga ipokrito na nakikisali
pa sa problema ng iba pero sa sarili natin mismo e ganon din naman ang
nangyayari pero wala tayong ginagawa para labanan ito.
Ngunit hindi lamang sa pagkagusto sa mga bagay bagay
nagkakaroon ng bandwagon effect. Maging sa pagka "ayaw". Kadalasan ito sa mga
celebrities, sa mga singers, banda, pelikula at kahit na ano pa man na basta
pumasok na sa pop mainstream ay kadalasang nagiging biktima na ng ganitong
pangyayari. Nandun na tawaging baduy, corny, pangit, trying hard, poser, etc
etc ang mga ito ng ilang grupo ng tao at sasakyan naman ng iba kasi nga naman,
sino ba ang gugustuhing identified siya na kasama sa mga sumusunod sa “baduy”? Pero kadalasan naman kasi sa mga bagay na ito
ay ginawa o binuo hindi naman sila ang talagang target audience and hindi
talaga inaasahan na magugustuhan nila yung bagay nay un dahil unang una, di
naman para sa kanila talaga yun. Ang
nakakatawa rito, inuubos nila yung panahon nila sa mga bagay na “ayaw” daw nila
sa pamamagitan ng pagpopost sa social media ng mga comments, pag-edit pa ng mga
photo, videos, etc ng mga “ayaw” nila. Oo nga naman, ginugugulan
talaga nila ng enerhiya at oras yung bagay na ayaw nila. Para nga naman maging
“in” at malaman ng sangkatauhan na kaisa sila sa mga hindi baduy at corny.
Nakasampa pa rin sila sa bandwagon ika nga.
![]() |
| You hate him but keeps mentioning him. |
Minsan naman, dine-demonize pa yung iba at palalabasing
masama, kontrabida at salot na sa lipunan ang isang bagay/tao/ideya at sasakyan
naman ito ng mga tao na ni hindi man lang bibigyan ng kahit anong perspektibo
ang pagpuna. Marami nito ngayon sa mundo ng pulitika at sigurado ako na marami na ring pumapasok sa isip ninyo kung sino sino sa kanila ang naapektuhan na ng bandwagon mindset na ito, sa kabutihan man o sa kasamaan ng kanilang karera.
Gamit na gamit din ngayon ang bandwagon mindset ng mga survey companies. Dati nung mga 80s and 90s, para lang sa labanan ng TV station nagagamit madalas yang surveys, pero ngayon sa pulitika mas gamit na gamit. At tila pinapakinabangan pa ito ng maraming pulitiko dahil nga naman,ang mga Pilipino ngayon, ang "opinyon" at "pagboto", kadalasan e nakiki-ride na lang din sa bandwagon ng nakararami. Bakit ka nga naman boboto sa talunan? Imagine, 1200 na tao lang naman ang tinatanong kadalasan pero anlaki ng bigat na binibigay ng ibang tao dito para gumawa ng mabibigat na desisyon.
Gamit na gamit din ngayon ang bandwagon mindset ng mga survey companies. Dati nung mga 80s and 90s, para lang sa labanan ng TV station nagagamit madalas yang surveys, pero ngayon sa pulitika mas gamit na gamit. At tila pinapakinabangan pa ito ng maraming pulitiko dahil nga naman,ang mga Pilipino ngayon, ang "opinyon" at "pagboto", kadalasan e nakiki-ride na lang din sa bandwagon ng nakararami. Bakit ka nga naman boboto sa talunan? Imagine, 1200 na tao lang naman ang tinatanong kadalasan pero anlaki ng bigat na binibigay ng ibang tao dito para gumawa ng mabibigat na desisyon.
Malaking bahagi rin ng bandwagon effect ang media: TV, Radio
and Newspapers. Aminin na natin na
marami sa atin e tinatanggap na bilang “gospel truth” ang nakikita sa balita.
Tanggap na lang tayo ng tanggap. Dumating na nga tayo sa punto na ang mga
inaasahang tagapag-hatid ng balita e hinahaluan na ng opinion ang kanilang
pag-uulat, at natutuwa pa tayo dito. Tama yung sabi ni Loonie na “…Kasi lahat
ng nakikita mo akala mo tama. Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga… Kala mo
alam mo yun, kala mo alam mo yan. Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam…”
mula sa kanyang awiting may angkop na titulong “The BOBO Song”. Sabi pa nga ng
manunulat na si Napoleon Hill mula sa isa sa kanyang mga aklat, ay mas higit na
tatalino ang isang lipunan kung magkakaroon ng mas higit
na matalinong media.
Mukhang malayo pa ang mararating ng bandwagon effect na ito at ilang tao pa rin ang siguradong gagamitin ito para sa kanilang mga pansariling kagustuhan sa negosyo man yan, sa pulitika o sa kung saan saan pang larangan. Nasa sa atin na lang ngayon kung sasampa ba tayo sa bandwagon at hahayaan na lang natin na iba ang magisip para sa atin at kontrolin ang ating panghusga sa mga bagay bagay. O kung pipiliin nating magsimula na muli na gamitin ang ating karapatan at kakayahan bilang isang nilalang na may mataas na antas ng pag-iisip na angat sa kahit anong nabubuhay sa lupa para mag-isip naman tayo para sa sarili nating desisyon, kapakanan at kabuhayan.
Subscribe to:
Posts (Atom)



