Saturday, April 28, 2012

Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA

Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, iba’t ibang uri ng tao ang makakasalamuha. May mahirap may mayaman, may makapangyarihan, merong wala lang.


Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, lahat ay may lugar na patutunguhan. May mga sumusunod sa mga alituntunin para makarating, at meron din namang mga walang pakialam basta makaungos lang.


Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, ang mga sumusunod sa batas ay siya pang napagiiwanan. Gumawa man ng tama, madalas ay siya pang maiipit at madadamay sa maling gawa ng iba.


Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, kanya kanyang paraan para makarating sa destinasyon. May gumagamit ng diskarte, may gumagamit ng bilis, may gumagamit ng laki, may gumagamit ng kapangyarihan.


Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, may mga taong marunong rumespeto at magbibigay sa yo ng daan. Meron ding nasa “right of way” ka na, aagawin pa para lang sya ang makauna.


Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, kahit nanghihina ka na, gagamitin ka pa rin. Parang mga pasaway na driver na magte-tailgate sa isang nagmamadaling ambulansya.


Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, may malalamig na ulo at meron ding laging badtrip. Kadalasan na sila na ang mali, sila pa ang nagagalit.


Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, may tagabantay at tagahuli, may nahuhuli, may mga matapat at may matatapatan ka ring bigyan mo lang ng konting lagay, di ka na titicket-an.


At sa huli….


Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA, na kung susundin lamang sana nating lahat ang batas, kung magtutulungan lang ang bawat isa, kung magiging mahinahon, tapat, marespeto at nagkakaisa, lahat tayo ay makakarating sana ng payapa at mas mabilis sa ating kani-kanyang patutunguhan.

4 comments:

  1. Ang buhay ng Pinoy ay parang traffic sa EDSA. Walang sistema. :)

    Following you.

    http://iifatree.blogspot.com/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Vallarfax. I'll drop by at your blog too.

      Delete
  2. Ang buhay ng pinoy paranp traffic sa EDSA....

    ...maraming kolurom na lalong nagpapasikip sa daloy ng trapiko

    ...minsan kailangan mag-U turn sa malayo kahit na ang destinasyon mo lang ay sa tapat mo na.

    ReplyDelete
  3. Oo nga, kaya kailangan konting tyaga lalo na kung gustong mag u-turn, dapat magpasensya :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...