Showing posts with label membership. Show all posts
Showing posts with label membership. Show all posts

Tuesday, April 24, 2012

Tipid Tip # 2: Membership/Discount Cards


Marami sa ating mga pinoy ang mahilig sa mga discounts, at sino ba naman ang hindi? Pag may sale sa malls, sigurado e pahirapan yun unang una sa parking, tapos sa pagpila sa counter dahil sobra talagang dami ng tao.

Bukod sa mga sales, marami ding mga continuous discounts na binibigay ang karamihan sa mga establishments tulad ng malls, drugstores, bookstores, groceries, gas station at kung ano ano pa at ito ay nasa form ng “membership/discount cards”. Once na meron ka nito, meron ka agad matatanggap na rebates ranging from 1-5% ng amount na ginastos mo sa mga produkto nila.

Marami sa mga Pinoy, ang gusto lang din kasi e kumabig at ayaw maglabas ng pera kung kaya di sila nag-aavail ng cards na to. Pano kasi, maglalabas ka pa nga naman ng pera amounting from 100-200 pesos kadalasan para makakuha ka nito para lang makadiscount. Minsan naman ay kailangan mo lang mag-ipon ng resibo para makakuha nito, pero yung iba ay tinatamad pang gawin nito at naliliitan sa rebates. So ang nangyayari, di na lang sila kumukuha.

Pero sa financial point of view, napakahirap kitain ng 1-5%. Kung sa bangko lalo na ngayon na bumaba ang interest rates, yung 1% na lang ay pahirapan na. Sa stock market, sabihin na nating bullish pa rin ngayon at ilang taon nang ganito ay medyo nakakatakot na rin dahil baka sa top price ka pa makabili at mas mahirap pa masungkit lalo yung 1-5% na kita.

Sa unang tingin, parang anliit nga naman ng 1-5% na rebate. Pero kung ilalagay natin sa detalye katulad ng pagbili mo ng gamot lalo na kung maintenance or vitamins na lagi mong kailangan, halimbawa sa 2000 pesos na lang kada buwan, times 12 months = 24000 pesos. Kung kukunin natin yung 1-5% range ng rebate, maaari kang makakuha ng 240 pesos hanggang 1200 pesos na rebate sa isang taon. Bumalik na sayo yung pinambayad mo sa card, may dagdag ka pa na pambili ng ibang item.

Ang tip lang din kung kukuha ka ng mga membership card ay dapat, dun sa establishments na lagi mo talagang pinupuntahan at yung produkto ay madalas mong binibili at kailangan kailangan mo. Panigurado na pagkatapos ng taon, hindi ka panghihinayangan sa ginawa mong pagiipon ng resibo o kaya e pagbili ng discount cards nila dahil napakasarap ng pakiramdam ng makalibre ka ng ilang products nila gamit ang rebates na nakuha mo buong taon.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...