Marami sa ating mga pinoy ang mahilig sa mga discounts, at
sino ba naman ang hindi? Pag may sale sa malls, sigurado e pahirapan yun unang una
sa parking, tapos sa pagpila sa counter dahil sobra talagang dami ng tao.
Bukod sa mga sales, marami ding mga continuous discounts na
binibigay ang karamihan sa mga establishments tulad ng malls, drugstores,
bookstores, groceries, gas station at kung ano ano pa at ito ay nasa form ng “membership/discount
cards”. Once na meron ka nito, meron ka agad matatanggap na rebates ranging
from 1-5% ng amount na ginastos mo sa mga produkto nila.
Marami sa mga Pinoy, ang gusto lang din kasi e kumabig at
ayaw maglabas ng pera kung kaya di sila nag-aavail ng cards na to. Pano kasi,
maglalabas ka pa nga naman ng pera amounting from 100-200 pesos kadalasan para
makakuha ka nito para lang makadiscount. Minsan naman ay kailangan mo lang
mag-ipon ng resibo para makakuha nito, pero yung iba ay tinatamad pang gawin
nito at naliliitan sa rebates. So ang nangyayari, di na lang sila kumukuha.
Pero sa financial point of view, napakahirap kitain ng 1-5%.
Kung sa bangko lalo na ngayon na bumaba ang interest rates, yung 1% na lang ay
pahirapan na. Sa stock market, sabihin na nating bullish pa rin ngayon at ilang
taon nang ganito ay medyo nakakatakot na rin dahil baka sa top price ka pa
makabili at mas mahirap pa masungkit lalo yung 1-5% na kita.
Sa unang tingin, parang anliit nga naman ng 1-5% na rebate. Pero
kung ilalagay natin sa detalye katulad ng pagbili mo ng gamot lalo na kung
maintenance or vitamins na lagi mong kailangan, halimbawa sa 2000 pesos na lang
kada buwan, times 12 months = 24000 pesos. Kung kukunin natin yung 1-5% range
ng rebate, maaari kang makakuha ng 240 pesos hanggang 1200 pesos na rebate sa
isang taon. Bumalik na sayo yung pinambayad mo sa card, may dagdag ka pa na
pambili ng ibang item.
Ang tip lang din kung kukuha ka ng mga membership card ay
dapat, dun sa establishments na lagi mo talagang pinupuntahan at yung produkto
ay madalas mong binibili at kailangan kailangan mo. Panigurado na pagkatapos ng
taon, hindi ka panghihinayangan sa ginawa mong pagiipon ng resibo o kaya e
pagbili ng discount cards nila dahil napakasarap ng pakiramdam ng makalibre ka
ng ilang products nila gamit ang rebates na nakuha mo buong taon.
Hindi kasi ako masyadong kumukuha ng discount cards, pero mahilig ako sa sale. :D
ReplyDeleteTry mo rin po gumamit ng discount cards. Nakakatuwa pag end of year tapos icclaim mo na yung rebates mo. makakalibre ka pa uli. :)
Deleteako mahilig talaga sa mga discount card at mga rebates-rebates na ganyan. halos kumpleto ako ng mga cards mula drug store hanggang department stores at pati book store. lagi din ako naghahanap ng mga discount coupons sa mga magazine at pati discount coupons ng mga fast food. namulat ako sa hirap ng buhay kaya sa bawat sentimo na natitipid ko sa mga discount cards na ganyan ay diretso sa savings. at pag nagsama-sama, magugulat ka na lang sa laki ng natipid mo.
ReplyDeleteOo nga. Isa pa yun, yung mga discount coupons. Madalas tinatapon lang ng iba. E sayang kung lagi ka bumibili dun sa store na yun at magagamit mo yung coupon, masusulit mo talaga. :)
DeleteAyoko sa lahat SM Advantage card, bago ka makabili sa points na binibigay nila gumastos ka na ata ng 50k pesos.
ReplyDeletehehehe, depende siguro din sa bibilhin. kami ata nakakakuha naman kahit pa 100 pesos or 200. 1% ata ang rebate nila sa SM Advantage Card. sa 50k, 500 pesos makukuha mo dun. Thanks sa pagdrop by VP Binay (pero parang kilala ata kita. hehehe. :)) thanks sa pagdrop by.
DeleteI like your post because I'm actually guilty of that! My cards:
ReplyDelete1. SM Advantage Card
2. Robinson's Value Card
3. National Books Store laking National Card
4. Mercury Drug Suki Card
5. Shopwise/Rustan's Wise Card
6. Rustan's Card (different from the #5)
7. Fullybooked Card
8. Chowking Delivery Fortune Card (you can get freebies when you have this)
9. The Body Shop Card
10. Makro Card
11. Belle de Jour Lifestyle Card (you'll get this when you buy a Belle de Jour planner)
12. Shakey's Card
13. Pizza Hut Palm Card
14. PAL'S Mabuhay Miles Card
I have a card case for these cards alone. LOL!
I already got a book from National Bookstore because of the points that I get from them. Lots of free pizzas from Shakeys and Pizza Hut! Gift from The Body Shop too! If I'm going to calculate the cost of those items I got from these stores, the cost of the card is just a drop in the ocean, so to speak. You don't need to buy unnecessary items just to get points. If you're not a frequent shopper at FULLYBOOKED then don't get a card from them or from any stores that offer this type of value-added services. It will be just a waste of money.
Wow, andami ah. Tama ka, sulit talaga lalo na kung suki ka naman dun sa mga shops na may discounts ka. :)
DeleteYeah! Like the Belle de Jour card, since free sya dun sa planner (costs almost P600), andami din nyang partner stores like Cofee Bean and Tea Leaf, yung Havaianas stores, SM department stores, mga shoe stores, Coleman, andami pa. Bukod sa card, may coupons din inside the planner so pwede mo sya ibigay sa mga friends mo na gustong gumamit.
Delete