Ilang beses na kong nakagawa ng maling desisyon sa buhay.
May ilan na inis na inis ako sa sarili ko dahil sa ginawa kong desisyon. Kung puede ko lang sapakin ang sarili ko e
ginawa ko na sana… well technically puede yun pero naisip ko na wag na lang gawin dahil mukhang mas pangit na desisyon yun at mas mahirap magpaliwanag na may black eye ako dahil sinapak ko ang
sarili ko.
Maraming bagay na dapat isaalang alang kapag gumagawa tayo
ng desisyon. Iba’t ibang bagay ang puedeng maging dahilan ng ating pagpili. Subalit ang
pinakamadalas nating naririnig at nagiging pagkakamali na rin sa ating mga pagdedesisyon ay ang ang sobrang pag-iisip ng sasabihin ng mga tao sa ating
paligid.
Ilang trabaho na ba ang hindi nagawa, kursong hindi tinapos,
lugar na hindi napuntahan, bagay na hindi nabuo, pag-ibig na hindi natuloy o
pangarap na hindi natupad dahil sa pag-iisip sa sasabihan ng iba?
Kadalasan, mas mabigat pa nga kung ano ang sasabihin ng iba
kesa sa pansariling kagustuhan. Matapos na timbangin ang lahat ng bagay ay
ginagawang panghuling tagahusga ang opinyon ng ibang tao sa bagay na gagawin.
Hindi naman masama na isaalang-alang ang iisipin ng ibang tao. Minsan ay
kailangan din naman nating pulsuhan ang mga tao sa paligid dahil maaaring sila
rin ang magiging kaagapay natin kung magtatagumpay ba tayo o hindi sa desisyong
gagawin.
Pero para bigyan ito ng bigat na higit pa sa maraming bagay
na iyong pinagisipan at mas lalong higit sa pansarili mong kagustuhan, ito ay
para sa akin ay isang uri ng kahibangan.
Kahibangan sa pag-aakala na lagi na lang tayong nasa isip ng
ibang tao. Kahibangan na ipagpalit ang sariling kasiyahan sa sasabihin ng iba.
Kahibangan na hindi gawin ang sa tingin nating tama dahil ayaw nating maging
mali sa paningin ng iba.
Lagi sana nating tandaan na kung meron man tayong gawin o
wala, may masasabi at masasabi pa rin ang ibang tao. Pero sa huli, anuman ang
resulta ng desisyong ginawa natin o hindi, tayo lang rin mismo ang magtatamasa
ng kung anumang ibubunga nito.
Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.
Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.