Wednesday, June 13, 2012

Baka kasi sabihin nila eh...

Ilang beses na kong nakagawa ng maling desisyon sa buhay. May ilan na inis na inis ako sa sarili ko dahil sa ginawa kong desisyon.  Kung puede ko lang sapakin ang sarili ko e ginawa ko na sana… well technically puede yun pero naisip ko na wag na lang gawin dahil mukhang mas pangit na desisyon yun at mas mahirap magpaliwanag na may black eye ako dahil sinapak ko ang sarili ko. 

Maraming bagay na dapat isaalang alang kapag gumagawa tayo ng desisyon. Iba’t ibang bagay ang puedeng maging dahilan ng ating pagpili. Subalit ang pinakamadalas nating naririnig at nagiging pagkakamali na rin sa ating mga pagdedesisyon ay ang ang sobrang pag-iisip ng sasabihin ng mga tao sa ating paligid.

Ilang trabaho na ba ang hindi nagawa, kursong hindi tinapos, lugar na hindi napuntahan, bagay na hindi nabuo, pag-ibig na hindi natuloy o pangarap na hindi natupad dahil sa pag-iisip sa sasabihan ng iba?

Kadalasan, mas mabigat pa nga kung ano ang sasabihin ng iba kesa sa pansariling kagustuhan. Matapos na timbangin ang lahat ng bagay ay ginagawang panghuling tagahusga ang opinyon ng ibang tao sa bagay na gagawin. Hindi naman masama na isaalang-alang ang iisipin ng ibang tao. Minsan ay kailangan din naman nating pulsuhan ang mga tao sa paligid dahil maaaring sila rin ang magiging kaagapay natin kung magtatagumpay ba tayo o hindi sa desisyong gagawin. 

Pero para bigyan ito ng bigat na higit pa sa maraming bagay na iyong pinagisipan at mas lalong higit sa pansarili mong kagustuhan, ito ay para sa akin ay isang uri ng kahibangan.


Kahibangan sa pag-aakala na lagi na lang tayong nasa isip ng ibang tao. Kahibangan na ipagpalit ang sariling kasiyahan sa sasabihin ng iba. Kahibangan na hindi gawin ang sa tingin nating tama dahil ayaw nating maging mali sa paningin ng iba.


Lagi sana nating tandaan na kung meron man tayong gawin o wala, may masasabi at masasabi pa rin ang ibang tao. Pero sa huli, anuman ang resulta ng desisyong ginawa natin o hindi, tayo lang rin mismo ang magtatamasa ng kung anumang ibubunga nito.



Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.  

 

12 comments:

  1. Tingin ko ang gulugod ng tao ay dapat na ang kanyang isip.Kung ang isang tao na tingin ay malinis, laging mahanap ang isang kaibigan at kapwa

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po. malalim po ang inyong pananagalog kapatid :)

      Delete
  2. totoo yan pero hindi sa lahat ng tao. halimbawa na lang ako. wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. gawin ko ang gusto kong gawin, walang basagan ng trip. ehehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe, oo nga. as long as legal at moral naman ang ginagawa natin, alang pakialaman ika nga. thanks Lawrence.

      Delete
  3. May comment sana akong mahaba, kaya lang baka sabihin ng iba eh spam.

    ReplyDelete
  4. Keber na lang sa ibang tao! :D Pero ako, andali ko talgang maapektuhan sa mga sinasabi ng iba..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe. normal naman po yun at nakakapressure din talaga minsan. siguro kailangan lang talaga natin manindigan madalas sa mga sarili nating desisyon. thanks for dropping by. :)

      Delete
  5. Ito mismo ang naisip ko nung nagsimula ako gumawa ng blog. Nung una, takot ako mahusgahan, takot ako sa sasabihin ng iba. Pero naisip ko "dahil lang dun? di ko na gagawin ang gusto ko?" Naisip ko din na ok din makarinig ng opinyon (at hate-comment) ng iba na hindi mo madalas maririnig sa mga tao na ayaw masaktan ang damdamin mo.

    At bakit ko hahayaang "ang iisipin ng iba" ang pumigil sa akin na gumawa ng mga bagay na dakila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo kasi magiging open ka bigla sa ibang tao. alam nila ang iniisip mo, andali ka nila hanapan ng butas o husgahan. pero ayos lang yun, at least you are honest. marami talagang bagay na nangyayari sa buhay natin kung honest tayo, mabuti at masama. kaya balanse lang din.hehehe. thanks Rae. :D

      Delete
  6. siguro tama ding sabihin na gamitin ang utak at sundin ang puso sa mga desisyong gagawin.. :)

    ayos lang kung bukas ang tenga sa pakikinig pero wag nating hayaang maapektuhan nito ang mga bagay na gusto talga nating gawin ..

    cheers ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama, kasi baka may inputs din sila na makakatulong sa tin. basta dapat asa atin pa rin talaga ang huling desisyon. sabi nga ni bon jovi eh "it's our liiiiiifeeee, it's now or never..." hehehehe

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...