Napakaswerte mo. Sobrang malaya ka sa bansang ating
kinamulatan. Sa sobrang laya, halos walang limitasyon ang puede mong magawa.
Maraming bawal ang nagagawa mo ng di ka nasisita. Maraming mali na nagagawa mo
na nagiging proud ka pa. Gagawa ka ng di tama, sasabihin mo lang sa sarili mo
ok lang kasi ginagawa rin naman ng iba.
Sa araw-araw, ilang mga tao sa gobyerno at mga leader natin
ang namumura mo, iniinsulto, niyuyurak ang pangalan, sa online man o sa totoong
buhay. Nakulong ka ba? Hindi pa naman di ba? Isa pa, malaya ka namang pumili ng
karapat dapat na tao sana para sa posisyon nila. Malaya ka namang bumoto ayon
sa iyong konsensya at paniniwala. Pero malaya ka ding bumoto dahil tingin mo e
ito yung mukhang llamado nang mananalo at yung gusto mo sanang iboto e wala
namang pag-asa, ayaw mo namang masayang ang boto mo sa talunan. O kaya e ang
kalayaang iboto ang isang kandidato na tingin mo may mas pag-asang manalo kesa
sa talagang gusto mo dahil yung ayaw mong manalong kandidato eh makasilat kaya
dun ka na lang sa malakas niyang kalaban. Sabagay, pagkatapos naman at pumalpak
man sila e malaya pa rin naman tayong magreklamo sa mga pinaggagagawa nila.
Dagdag pa natin ang kalayaan mo na manood ng tv, telenovela
man yan o news, bahala ka kung ano gusto mo. Pagdating sa media, sobrang laya
din natin diyan. Lahat ng uri ng balita,
kahit sobrang aga e mapapanood mo kahit gaano pa kaselan yan. Malayang-malaya
na mapapanood ng kahit sino, matanda man o bata. Malaya rin ang news na ipakita
ang gutay gutay na katawan ng mga nasagasaan, nahulog sa building at kung
anu-ano pang aksidente na walang pakundangan sa nararamdaman ng mga manonood o
kahit pa ng mga kamag-anak ng biktima. Malaya din ang mga reporter natin na
magbigay ng opinyon nila sa tv tungkol sa mga isyu na dapat e inilalahad lang
naman nila. At ikaw, malaya ka rin naman na paniwalaan lahat ng mga sinasabi
nila. At yun nga ang ginagawa mo.
Malaya rin naman tayong mag isip para sa ating sarili, yan
ang sigurado. Pagiisip para sa sarili na malaya mo pang ini-aasa sa iba. Uso
daw ang ganito, salbahe daw si ganon, maganda daw yung ganyan, di daw okay yung
ganon, masama daw yung ganyan at kung ano ano pang sabi nila. at walang pagdadalawang isip na tinatanggap
na lang basta basta bilang katotohanan yung sinasabi nila.
Malaya ka rin namang magreklamo sa pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin, ng
tuition fee, ng pamasahe. Malaya kang magalit at isumpa ang patuloy na
pagbagsak ng ekonomiya. Malaya ka ring magsalita laban sa mga kapitalista,
gahamang negosyante, mga insiders sa trading, mga jockeys at kung sino sino pa.
Malaya ka ring dagdagan ang kaalaman mo para makakabig ka man lang sana ng
pandagdag sa kinikita mo tulad ng ginagawa ng iba sa legal na paraan. Pero mas
pinili mong gawin ang kalayaan mong magreklamo na lang ng magreklamo. Sabagay,
malaya ka namang gawin yan.
Pagdating sa pag-aaral, nung estudyante tayo ay malaya rin
tayong gawin ang ano mang gusto natin. Puede nating piliing maging palaaral at
disiplinadong estudyante. Puede ka ring maging katamtaman lang, wala namang
masama roon basta importante e may natututunan ka at di mo sinasayang yung
pinampapaaral ng magulang mo. Malaya ka rin na maging sikat kung yun ang gusto
mo, sikat bilang isa sa mga may mataas na karangalan dahil sa mga grado mo. O
kaya e sikat bilang isang atleta na inilalaban pa sa labas ng paaralan. Puede
ring dahil sa talent mo sa pagsayaw, pagkanta o kung ano pang talento na meron
ka. Malaya ka rin namang bumarkada, puedeng sa matino, puedeng sa hindi. Malaya
ka ring maging sikat dahil siga ka, maangas, kinakatakutan. Malaya kang
magbulakbol at sayangin ang pagkakataon mo. Malaya kang tapusin ang pangarap mo
at ng mga magulang mo sa yo.
Nabanggit na rin natin ang pangarap, sabi nga eh pangarap na
lang ang libre sa ngayon. Tama, malaya tayong mangarap ng mataas. Pero pinili
mo pa rin ang kalayaan mo na kulungin ang sarili mo at tipirin hanggang sa
pangangarap. Malaya kang tingnan ang sarili mo ng mababa, na hanggang dyan ka
na lang at wala ka nang mararating.
Malaya ka sanang baguhin ang sitwasyon mo sa buhay. Malaya
kang piliin ang mas mainam para sa yo, pero tila baga mas madali ang piliin ang
kalayaan mong magsawalang bahala na lang at hayaan na lang na dalhin ng agos ng
mundo kasama ng ilang nilunod na rin ang sarili sa kanilang walang limitasyong
kalayaan.
Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.
Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.
mapalad tayong malaya na ang henerasyon ntin ngayon ...
ReplyDeletetama ka , piliin natin ang mas mainam at hindi kasama ang pagluluksa doon :)
Thanks pre. sensya na at emo ako ng time na to. hehehe.:)
Deleteat talagang pinagluluksa ko yung mga taong sinasayang yung kalayaan na meron sila, ginagamit sa mali. tsk, sayang.
Very insightful. Ang ganda. :)
ReplyDeletesalamat Umi. I dropped by at your blog and you have some interesting stuffs there as well. I followed it na rin. :)
Delete