Lahat ng nilalaman ng utak ng bawat tao ay galing sa ating obserbasyon. Ang isang sanggol ay natututo sa panggagaya sa mga bagay na una nilang naririnig o nakikita. Hanggang sa tumanda tayo ay ganon pa rin naman ang proseso. Walang bagay na kinikilos natin o salitang sinasabi natin na hindi dinulot ng mga naobserbahan natin sa ating paligid.
Mula sa pagiging sanggol na ang tanging nakikita natin ay ang ating mga magulang, kapatid, lolo at lola at iba pang mga kasama sa bahay, nagkakaedad tayo at nagsisimulang maharap sa ibang tao sa paligid. Simula sa magkaroon tayo ng mga kalaro. Matututo na rin tayong manood ng tv at makinig ng radyo. Pumasok sa eskwela at matuto mula sa mga guro at makipagkulitan sa ating mga kaklase. At nagsisimula na ring magbasa ng mga libro. At marami pang libro. Mula sa pagbabasa ng mga nursery rhymes, magkakaroon na ng mga pambatang kwento tulad ng mga fairy tales at mga alamat ng kung ano ano.
At habang tumatanda tayo, nagiging mas malalim na rin ang plot ng mga binabasa at pinapanood natin. May mga movies na ring nagugustuhan na hindi pambata ang tema. Natututo na rin tayong magbasa ng libro na hindi lang yung mga pinababasa ng mga guro natin. Makakasalamuha na rin natin ang ibang mga tao. Makakapagbasa, makakapanood at makakapakinig na rin ng mga balita at magiging socially aware na din malipas lamang ang ilang taon. At marami pa tayong mga mababasa at makikilalang mga tao. Hanggang makapagtapos tayo, makapagtrabaho. At diyan sa mga bagong mga impormasyon na yan naman manggagaling ang panibagong mga bagay na ating gagawin at mga salita at ideyang ating iisipin at sasabihin.
Habang tumatagal ay higit na mas dumarami ang karanasan, kaalaman at impormasyon na pumapasok sa kukote ng isang tao. At dahil dito, nagkakaroon din ng mas malawak na pananaw sa mga bagay bagay. Nagkakaroon ng mas malalim na mga pag-iisip. Kadalasang nagbabago na rin mismo ang sariling mga opinyon. Tuloy tuloy ito hanggang sa ating pagtanda. Ito na rin ang dahilan kung bakit kadalasang ang opinyon ng mga matatanda ay binibigyan ng bigat kumpara sa karamihan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga kwento na naririnig at nababasa natin ay madalas matandang ermitanyo ang ginagamit na karakter patungkol sa taong maalam sa mga bagay bagay. At kadalasan din sa mga larawan ng mga philosopher na kilala natin ay matanda na, puti ang buhok at mahaba ang balbas. Siguro nga ay dahil na rin sa dinami dami ng karanasan, impormasyon at kaalamang narinig, nakita o nabasa ng mga philosophers sa buhay nila ay naging ganoon nga sila.
alam mo ba...si kuwan... |
Ano naman ang alamat ng tsismosa? Naisip ko lang sa sarili ko. Pag wala akong ginagawa, wala akong binabasa, wala akong pinapakinggan, ang focus ko ay napupunta lang sa iilang tao sa paligid ko. Wala tuloy akong ibang maisip at maanalisa kundi ang ginagawa at sinasabi nila. At noon, hanggang ngayon pa rin ata, ay nakkwento ko sa iba ang obserbasyon ko tungkol sa ginagawa ng ibang tao. At minsan nakukuwento ko pa sa yata sa blog ko. O meron nga ba? Wala pa naman ata akong pinangalanan. Pero ganon na nga. Kadalasan sa mga nagiging bunga ng paglilimita natin sa sarili natin at pagkulong natin ng isipan natin sa iilang bagay at tao lamang ay ang pagiging tsismosa at tsismoso natin.
At tila ang naghihiwalay sa philosophers at mga tsismoso ay yung bilang ng mga taong naoobserbahan nila sa kanilang buhay. Yung philosphers ay libo libo o milyon milyon pang mga tao na naobserbahan nilang direkta o di kaya ay nabasa nila mula sa kasaysayan at mga kasalukuyang pangyayari sa iba't ibang dako ng mundo at doon nanggagaling ang kanilang mga nabubuong mga kaisipan at mga kwento. Samantalang ang tsismoso ay nagsasalita ayon sa direktang obserbasyon o kaya ay kwento lang din ng kapitbahay niya tungkol sa isa hanggang sampung tao sa kalye nila. Kung tutuusin, lahat naman pala tayo philosophers. Iba't ibang level nga lang. Pero isa siguro sa malaking pagkakaiba ng philosopher sa tsismoso ay ang pakay ng paglalahad ng kwento at ideya ng dalawa; ang isa ay kadalasang para sa ikabubuti ng marami at isa ay kadalasang sa ikakasira ng iilan.
At tingin ko, andun ako sa gitna. Kaya minsan, tunog tsismoso ako kung magkwento, at minsan naman ay para lang akong namimilosopo. Yun nga lang, madalas ko rin namang itsismis sa inyo ay tungkol sa sarili ko.
Hmmm... dahil sa post mong ito parekoy parang bigla tuloy akong napaisip. Tsismoso ba ako in a good or in a bad way? Napaka ipokrito ko naman kung di ko aaminin na never akong naging chismoso sa buong buhay ko. Uu inaamin ko rin na may times na masarap pagusapan ang ibang tao pero hindi naman ako yung taong naghahalungkat ng baho ng isang tao maski yung pinakatatago niya sa pinaka ilalim. Naniniwala pa rin ako sa rules of karma. Kung ano ang ayaw mong gawin sa iyo, wag mong gawin sa kapwa mo. Yun lang :))
ReplyDeleteoks lang yan pre, lahat naman tayo ay nakikitsismis talaga. importante lang e aware tayo dapat na ginagawa natin ito at icheck natin ang mga bagay na sinasabi at ginagawa natin.
DeleteHmmmnnn... Lahat naman tayo ay chismoso/chismosa... Masarap lang kasi talagang pag-usapan ang buhay ng may buhay... At pag kasiraan, 'yung mga bonafide chismoso find it refreshing to think na mas may worse pa pala sa sirang buhay nila... just saying...
ReplyDeleteYup, tulad ng sinabi ko nga sa unang talata na lahat tayo guilty sa ganyan. and tama ka din na may iba na ginagawa ito para pagtakpan ang sariling kakulangan.
Deletesang ayon ako kay senyor, lahat tayo ay chismoso/chismosa, nasa frequency at sa tindi lang nagkakatalo. Yung iba pa walang kafilter filter magsalita. Yung iba naman napakalawak ng imahinasyon para magdagdag-bawas sa storya...Siguro, since innate sa mga tao ang pagiging tsimoso, ang panlaban lang jan, magaral ifilter ang sinasabi at magstick sa fact, hindi sa belief.. ang gulo ko..haha
ReplyDeleteYup, nabanggit ko nga yun na lahat naman tayo halos ay nagagawa yun dahil halos natural na talaga sa tao ang pagtsismis. and tama ka, dapat lang e matuto tayong ingatan ang salitang binibitiwan.
Deletehay marami nyan maski saan
ReplyDeletenoong bata pa ako akala ko
skwater pipol lang ang mahilig sa tsismis
nung nag office na ako
mas malala pa nga
iba lang ang tawag
"office politics"
pero yun din yun - tsismis haha
parang ganito, sa skwater tawag "plastik"
sa corporate world tawag "civil"
nakakainis lang kase pag hindi totoo
pero maski totoo bad trip pa din
kase usually may halo-halong chorva na na di malaman kung saan galing
haha
nice post!
yung sinasabing civility or yung pagiging "professional" sa pakikitungo sa kumpanya ang madalas pinakamahirap lalo na kung bossing mo ang gumagawa sa yo ng ganyang bagay. apektado kasi ang appraisal mo. kaya minsan, mas ok na umiwas na lang talaga o kaya, magresign o palipat ng department. hehehe
DeleteDahil dito naalala ko yung mas nauna mong post na related sa pag-iisip: http://theignoredgenius.blogspot.com/2013/03/3-things-which-decrease-more-you-think.html
ReplyDeleteMadalas, nadidisappoint ako sa sarili ko kapag nahuhulog ako sa chismis-mode or any act of talking smack about other people. Basta, practice makes perfect. Eventually sana mag-move ako sa philosopher end of the spectrum and to be honest, I'm not sure if I'm in the middle or nearer the chismoso-end.
Kung sabagay, madalas rin naman naglalaro ako sa iba't ibang level ng pagiging tsismoso at pilosopo. Mas madalas lang sa borderline ako ng tsismisan. hehehe
DeleteIt's difficult to separate news from gossip now.hahaha.
ReplyDeletePaboritong libangan sa opisina namin yang tsismisan lalo na at ang ilang mga tao ay mga kalokohan ang ginagawa. Minsan nasasali ako sa mga tsimisan na ganito. Minsan din siguro ako rin ang pinagtsitsismisan.
ReplyDeletenagyon ko lang narinig yung alamat ng magiging tsimoso :) well di naman talaga maiiwasan yan pati naman ako CURIOUS sa buhay ng ibang tao.pero sa much as possible ayokong pag usapan yun. kasi ayaw ko din gawin sa akin yun. pero ang ibang tao mahilig makialam :) so just go to the flow na lang wag na lang magpapaapekto sa lahat ng maririnig mo/natin.
ReplyDelete