Showing posts with label solutions. Show all posts
Showing posts with label solutions. Show all posts

Friday, May 16, 2014

Complaining Your Way Out


When I started working 10 years ago, I never knew what to expect in the world of professionals. I thought that I was equipped for it. When I was in college I was the president of the whole department student body and was able to work on lots of things that I thought was being done in the industries.  But I was proven wrong at the onset.  School environment was very far from it. Trying to make the transition easier, I made friends with some people that I thought were seasoned on breezing past within this new world I was embracing. I tried imitating them. We talked about our jobs and our bosses. Then they started complaining. I thought it was cool. So I also did it.
  
Complaining about something you can’t comprehend is understandable. But logically, it’s unacceptable. You can complain legitimately only about the things that you understand, not on those which you can't. We only have but cloud of doubts on things that we know nothing about.  And it just follows that you will have questions about those things.  But complaining about them won’t help your cause in any way either in agreement or in disagreement.

A lot of people say “I don't understand why some do this...blah blah”  then trailed it by complaints on the subject which they admit they cannot fathom. Complaining is supposedly reserved on things you know much about and which you think something better can be done about it.
Most problems that we complain about are things that lack our proper attention and understanding. For some, they choose to inspect and understand the whole of it. But there are those whose initial reaction is to burn their energy complaining endlessly about it without the initiative to comprehend but only to differ.

If you choose to understand, questions will be lesser and there will be more room for acceptance and wisdom. Repeat until you have little left to complain about but only solutions to propose on things which you initially deemed as complainable. 

10 years after, I meet new people. A glaring difference now is that there are more newbies at work who complain more than the newbies before. I may be wrong on my observation.  And I still hear stories from those I knew 10 years ago. There are those who outgrew their complaints, while some grew with them, or shrunk.   

Friday, July 12, 2013

Dealing with Traffic Woes (Punish Pasaway Commuters)

Araw araw ay napakaraming aksidente ang nangyayari sa kalsada. Madalas nasisisi sa mga drivers. Kahit pa nga tren or LRT/MRT ang makasagasa, nakakasuhan pa rin ang mga operator kahit kung tutuusin ay hindi naman nila basta basta maippreno ang mga ito kung biglang may tumalon sa riles. May batas tayo sa Jaywalking pero ilan ba ang nahuhuli at napaparusahan dito? Marami ang tinatawag na mga deadly roads tulad ng Commonwealth Ave. pero sa dinami dami ng tumatawid dito sa maling tawiran, ilan lang ba ang nahuli? Kung talagang hinuhuli ang mga tumatawid sa mali, mababawasan kaya ang mga aksidente sa kalye? Malamang.


Sa ngayon ay ito lang ang violation na pamilyar ako na ang hinuhuli ay ang mismong mga tao na tumatawid o dumadaan sa kalsada. Pero may isa na dapat sigurong lagyan na rin ng batas na sya ring malaking dahilan kung bakit madalas na buhol buhol ang traffic san man tayo magpunta. Yan yung mga pasaway na sumasakay at pumapara kung san san.

Di na bago ang makita ang mga nag-uunahang mga pasahero sa pagsakay sa jeep. Babae, lalaki, bata, matanda, pilay, buntis, normal, construction worker, naka pang opisina, walang sinasanto. Lahat ata naranasan na ito. At sa mga binanggit ko, paniguradong kita na ninyo ang problema. Kawawa ang mga hindi ganoon kalakas at kabilis. Iba-iba ang diskarte. Walang pila-pila. Kalat kalat. Kung san papahinto ang jeep, dun ang takbo. Gulangan, hawian, tulakan. At talagang may mga magiging kawawa. Walang nagbibigay. Lahat halos gustong manlamang.

Hindi ko masasabi kung sino ang may sala, kung ang mga sasakyan o ang mga pasahero. Pero sa puntong ito, puede kong masabing ang pusher ay ang mga pasahero. Kung nakaayos ang mga pasahero sa puesto, nakapila at nakaayos, ang mga jeep o bus ay hindi na rin mag-tatagal sa pila at magaagawan sa pagkuha ng pasahero sa gilid gilid. Kung walang pasahero, walang dahilan para sila magtagal dun. Puede na agad hulihin. Pag meron, kung sino unang dumating, sila lang ang magsasakay at yung nakasunod sa pila ang susunod na kukuha ng pasahero. Isang lane lang.

Ang magiging epekto pa nito, hindi na rin sila masyado magtatagal sa pagtangkang kumuha ng pasahero sa ilang lugar. Lagi na nilang bibilisan papunta sa sakayan para sila ang mauna sa pila ng mga tao.
Dagdag pa dito ang kaayusan at pagkakaroon ng pantay na pagkakataon sa mga gustong sumakay, bata man, malakas pa, matanda man o buntis o may kapansanan. Hindi na kawawa ang mahihina at mababagal dahil may pila na.

At ang mga hindi aayos sa mga sakayan at pilahan na mga pasahero, bibigyan ng violation. Titicketan sila, huhulihin at parurusahan. Tulad ng mga jaywalkers o kaya ay mas mataas pa na parusa.
Sa paraang ito, malaki ang magiging epekto sa kaayusan ng trapiko at sa pagkakataon na makasakay ng mga pasahero. Laking ginhawa. Nagagawa naman ito sa ibang mga lugar tulad ng Ayala sa Makati, wala man pila pero may mga sakayan at babaan na andun lang ang pasahero. Sana ay subukan din ito sa mga lugar tulad ng Ortigas, Marcos Highway at iba pang mga busy na mga kalye.
Panigurado na marami na ang nakaisip ng magaganda pang mga proposals para sa ikakaayos ng daloy ng trapiko. Sana ay makita natin na pagbigyan ito.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...