Friday, July 12, 2013

Dealing with Traffic Woes (Punish Pasaway Commuters)

Araw araw ay napakaraming aksidente ang nangyayari sa kalsada. Madalas nasisisi sa mga drivers. Kahit pa nga tren or LRT/MRT ang makasagasa, nakakasuhan pa rin ang mga operator kahit kung tutuusin ay hindi naman nila basta basta maippreno ang mga ito kung biglang may tumalon sa riles. May batas tayo sa Jaywalking pero ilan ba ang nahuhuli at napaparusahan dito? Marami ang tinatawag na mga deadly roads tulad ng Commonwealth Ave. pero sa dinami dami ng tumatawid dito sa maling tawiran, ilan lang ba ang nahuli? Kung talagang hinuhuli ang mga tumatawid sa mali, mababawasan kaya ang mga aksidente sa kalye? Malamang.


Sa ngayon ay ito lang ang violation na pamilyar ako na ang hinuhuli ay ang mismong mga tao na tumatawid o dumadaan sa kalsada. Pero may isa na dapat sigurong lagyan na rin ng batas na sya ring malaking dahilan kung bakit madalas na buhol buhol ang traffic san man tayo magpunta. Yan yung mga pasaway na sumasakay at pumapara kung san san.

Di na bago ang makita ang mga nag-uunahang mga pasahero sa pagsakay sa jeep. Babae, lalaki, bata, matanda, pilay, buntis, normal, construction worker, naka pang opisina, walang sinasanto. Lahat ata naranasan na ito. At sa mga binanggit ko, paniguradong kita na ninyo ang problema. Kawawa ang mga hindi ganoon kalakas at kabilis. Iba-iba ang diskarte. Walang pila-pila. Kalat kalat. Kung san papahinto ang jeep, dun ang takbo. Gulangan, hawian, tulakan. At talagang may mga magiging kawawa. Walang nagbibigay. Lahat halos gustong manlamang.

Hindi ko masasabi kung sino ang may sala, kung ang mga sasakyan o ang mga pasahero. Pero sa puntong ito, puede kong masabing ang pusher ay ang mga pasahero. Kung nakaayos ang mga pasahero sa puesto, nakapila at nakaayos, ang mga jeep o bus ay hindi na rin mag-tatagal sa pila at magaagawan sa pagkuha ng pasahero sa gilid gilid. Kung walang pasahero, walang dahilan para sila magtagal dun. Puede na agad hulihin. Pag meron, kung sino unang dumating, sila lang ang magsasakay at yung nakasunod sa pila ang susunod na kukuha ng pasahero. Isang lane lang.

Ang magiging epekto pa nito, hindi na rin sila masyado magtatagal sa pagtangkang kumuha ng pasahero sa ilang lugar. Lagi na nilang bibilisan papunta sa sakayan para sila ang mauna sa pila ng mga tao.
Dagdag pa dito ang kaayusan at pagkakaroon ng pantay na pagkakataon sa mga gustong sumakay, bata man, malakas pa, matanda man o buntis o may kapansanan. Hindi na kawawa ang mahihina at mababagal dahil may pila na.

At ang mga hindi aayos sa mga sakayan at pilahan na mga pasahero, bibigyan ng violation. Titicketan sila, huhulihin at parurusahan. Tulad ng mga jaywalkers o kaya ay mas mataas pa na parusa.
Sa paraang ito, malaki ang magiging epekto sa kaayusan ng trapiko at sa pagkakataon na makasakay ng mga pasahero. Laking ginhawa. Nagagawa naman ito sa ibang mga lugar tulad ng Ayala sa Makati, wala man pila pero may mga sakayan at babaan na andun lang ang pasahero. Sana ay subukan din ito sa mga lugar tulad ng Ortigas, Marcos Highway at iba pang mga busy na mga kalye.
Panigurado na marami na ang nakaisip ng magaganda pang mga proposals para sa ikakaayos ng daloy ng trapiko. Sana ay makita natin na pagbigyan ito.

7 comments:

  1. Hyyyy... Isang masakit sa bangs na usapin ang tigas ng ulo nating mga pinoy lalo na't kung usapang traffic!

    Mapapabuntong-hininga tayo sa mga mal-educadong mga commuters!

    For sure naisip naman ng pamahalaan ang mga naisip mo pero usad talangka talaga tayo pagdating sa progreso at pagbabago.

    Well, basta tayo, we know better at sana dumami ang gaya nating hindi dumadagdag sa gulo sa kakalsadahan... Naks

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka bro. For sure naman eh naisip na nila ang mga yan. wala lang sigurong political will talaga.

      Delete
  2. why the english title if you aren't speaking it?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Apologies if you can't understand Filipino. I usually do this in my recent posts anywway. Filipinos are mostly bilingual so it's usual also that you see Filipino movies with english title. I do have some english posts though. :)

      Delete
    2. Like the reply above ;-)

      Delete
  3. Hi Rogie,
    Sa palagay ko, disiplina talaga ang kailangan, not punishments, actually.

    ReplyDelete
    Replies
    1. But we know our people Ms. N. Pag walang punishment, hindi sumusunod ang marami. just like how "disciplined" our people are when they are in another place or country where strict rules are implemented and punishments await those who will not follow.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Follow my Blog