Showing posts with label election. Show all posts
Showing posts with label election. Show all posts

Sunday, May 8, 2022

Apolitical?

Being actively campaigning sa unang 2 presidential elections na binotohan ko (2004 and 2010), na sumama rin ako sa rallies, nangampanya sa mga kakilala at nagvolunteer as watcher, marami akong naging realizations noon. Naiintindihan ko yung mga tao ngayon lalo ang mga kabataan na nagiging aktibo at sobrang zealous and aggressive sa pagkampanya.

Nung sumunod na election, (2016), narealize ko kung paanong kahit anong kampanya gawin ng isang tao, hindi basta basta mababago nito ang perception na ng ilan tungkol sa mga kandidato na kanilang iboboto.
Maaaring may maimpluwensyahan pa rin naman sa pangangampanya, pero hindi yun direkta dahil sa kinampanya mo sila, kundi dahil nandun na talaga sa loob nila, paniniwala at karakter na hinubog ng ilang taon kung bakit siya boboto o hindi sa kinampanya mo. Maaring may narinig siya na nag align sa sinusupport mo kaya siya boboto dun. Kaya may impact din naman ang pangangampanya para dun sa mga taong may pagkakapareho sa prinsipyo mong pinaniwalaan din naman na maaaring na-bullseye mo sa impormasyong ibinigay mo patungkol sa kandidato. Kaya tama lang ang kampanyang nag bibigay impormasyon at linaw.
Pero may ilan talaga na kahit anong paliwanag mo, since hindi aligned ang inyong karakter at paniniwala, wala pa ring magiging impact yan.
I started blogging in 2012 because of my experiences in the first 2 elections na nakboto ako, na umasang baka may posibilidad na may mga ilang tao na makakabasa ng aking mga saloobin at makapag impluwensya kahit paunti unti. Naging aktibo ako dito ng ilang taon at naging daan pa nga para makakilala ng maraming tao mula sa ibat ibang panig ng bansa, ng mundo, ng iba’t ibang larangan. Nandung naimbitahan na rin sa ilang programa sa radio at tv, at magsulat sa ilang mga pahayagan. Kahit pano nagkaroon ng ilang tagasunod na siguro, kahit pano, may naibahaging kaunti sa kanila para magamit sa pag dedesisyon sa mga sitwasyong katulad ng eleksyon. Though recently, medyo di ko na rin actively naupdate ang blog ko (last 2020 ang huli) pero actively posting my thoughts pa rin sa mismong page ng aking blog.



Yung kampanya, yes, may impact na magagawa yan para ma-sway natin ang botante para piliin ang kandidatong tingin natin ay dapat iboto. Pero tulad ng nasabi ko, ito ay may impact para lang dun sa may parehong paninindigan mo mula umpisa. Tanggapin mo na may iba talagang hindi aalign kahit ano pa ang sabihin mo. Kaya may mga botante na talagang may kandidatong totally EKIS na agad kahit ano pa iprisinta mo sa kanila dahil malamang ay opposite nun ang kanilang paniniwala kesa sa yo. Kaya yung pang matagalan, tuloy tuloy na pagshare ng mga aral, karanasan at mga importanteng impormasyon na makakatulong sa paghubog ng isip ng mga tao para magkaroon ng matibay na prinsipyo at paninindigan, yan ang mas napagtuunan ko ng oras at pansin. Sobrang optimistic and idealistic. At walang impact agad agad. Pero umaasa pa rin na may maging epekto paunti unti kahit papaano. At may ilan ding mga tao na sinusundan ko na ganito rin naman ang ginagawa.
Apolitical nga ba? Fence sitter? Sabihin na lang natin na ang kampanya, ginagawa ko sa araw araw, pero hindi na para sa isang kandidato kundi para sa mga dahilang pinaniniwalaan kong dapat ipaglaban at ipush ng mga mahahalal sa puwesto. Boboto ako dahil sa tingin ko may mga taong tumatakbo na kapareho ng mga adhikaing pinapaniwalaan ko. Susuportathan ko sila. At totoong may iba na hindi ako sigurado pero tatayaan ko. Susuporta ako at boboto, pero not to the point na ipagtutulakan ko sila sa inyo, dahil mas importante pa rin sa huli na malinaw sa inyo ang paninindigan nyo at inalam nyo at pareho kayo ng pinapaniwalaan nung iboboto nyo kesa dahil sinabi lang ng iba na iboto nyo sila.
(P.S., Laging talo po ang kandidato kong sinusuportahan sa pagkapangulo, at madalas hindi pa pumapasok sa top 3 man lang. Kaya if gusto nyong manalo kandidato nyo, wag nyo na ko piliting iboto sila. Kaya iboboto ko ngayon ay kung sino yung gusto kong matalo. Joke lang syempre.)

Thursday, May 12, 2016

The "Non-Intellectual" Votes

I was too naive then. When I was a first time voter, I also had this notion that choosing candidates is purely an intellectual practice.  It was difficult to fathom the reasons of those who voted for politicians who obviously did not have the qualifications for the posts they were running for. 

Realizing later that the reasons for electing politicians vary among us voters, I began to understand other's choice whatever they are. Maybe for us who have decent jobs, are able to provide food on the table and have comfortable beds to sleep on, our brains take the major part in the selection process. But there are those whose hopes for the elected leaders have a higher stake than ours. Like those under the funding programs of politicians like housing, food, education and livelihood, a loss for their candidate is a dagger to them. On which it is the heart and perhaps a rumbling stomach which directs them in deciding who to vote for. It's an immediate need for them. There are legitimate programs that the government is giving them which are based on who's running the show and disappear when they are not in power. And unless there's someone who can ensure continuity of these projects for them, their votes, no matter how we thought of them, are the best choices for them.



One more angle is this. When you have a problem and you try to get help from another person, you do not necessarily look for the brightest people at the onset. You try first with the person whom you find reachable, could empathize and understand your situation. Someone you think who can relate to you as they might have gone through the same troubles. I think that many politicians have a better grasp of this idea that's why most of them try to package themselves as someone who is like the most of us. Though sometimes it back fires because many could identify the authentic ones.
There also comes a time that you will establish the beliefs, principles and convictions you would stand for. If you have gone through this process, you will begin to understand that voting is not a mere mental exercise but a holistic one that requires your whole person; emotional, psychological, spiritual and physical to participate in it.


And also, if elections were really that simple, there wouldn't be much spending and effort coming from those candidates. For they know, people have different reasons to select among them and they have to cover the majority of these causes. Indeed, politicians know us more than we voters know ourselves. I also made those condescending remarks to people who choose their candidates differently from how I did.  And now, I realize and embarrassed to admit how wrong I was.




Monday, May 20, 2013

Marumi, Makalat at Nakakasawa? Sinong Kawawa?

Habang pinagtatawanan at pinagkikibit-balikat natin ang mga kandidatong sumisigaw ng "pandaraya", at di natin pinapansin ang ilang grupo na nagsasagawa ng sariling imbestigasyon sa mga iregularidad sa halalan at tinatanggap na natin na buong katotohanan ang kasabihang sa Pilipinas ay walang kandidatong natatalo kundi meron lang nadadaya, hindi natin maaalis ang katotohanang marami ang dumanak na dugo ng ilang tao na napatay ng dahil sa pulitika, na ilang mga tao sa paligid natin ang alam nating tumanggap ng pera para sa boto, ilang mga black propaganda na tayo mismo ang nakatanggap at nakabasa at ginagawa tayong tanga para isiping paniniwalaan natin ang bawat isa doon. Na pinaniwalaan naman din nga ng iba.




From a Facebook post.

Hindi kaya ang "pagkasawa" ng tao sa usapang dayaan sa eleksyon ay pakana rin ng iba na maumay na tayo at di na lang pansinin at tanggapin na lang kung ano ang resulta? Resulta na hindi lang patungkol sa mga bilang kundi maging ng kalat na iniiwan ng kada halalang natatapos. Kalat ng mga tarpaulins at posters. Kalat ng maruruming salitang binato ng isang kandidato laban sa kanyang kalaban. Kalat ng hidwaan at pagkabahabahagi ng mga mamamayan dulot ng pagsuporta sa kani kanilang mga kandidato. At kalat kalat na karahasan, bahid ng dugo dulot ng kaswapangan sa kapangyarihan.  Kalat ng kawalang tiwala ng mamamayan sa sistema ng eleksyon. Makalat. Marumi.




From another Facebook post.



Pero sawa na nga ata ang tao. Kaya hayaan na lang daw. Ganon din naman daw ang mangyayari. At tayo tayo din naman ang kasali rito. Kaya sino pa ang aasahan nating mag-aayos? Ah, kawawa ang mga susunod pang henerasyon. Palala ng palala. Kawawa ang mga bata.  Dahil lang sa ating "pagkaumay at pagkasawa", pamamana na lang natin sa kanila kung ano ang sistema.  Sa anak ko, sana ay wag mong ikagagalit ito sa aming mga naunang henerasyon balang araw. Sana rin ay sa panahon mo at ng mga susunod pa ay wala nang dugong dadanak, wala ng maruruming paggamit ng  pera, wala na ang walang kapararakang siraan. Pero tama ka, paanong mangyayari kung wala kaming gagawin. Pasensya ka na. 

Thursday, May 16, 2013

Wanted: “Dirtiest” Subject in School Curriculum


Sex education? Hindi. Hindi naman marumi ang sex. Nagiging marumi lang yan pag di ginagawa sa tamang paraan. At hindi rin ito ang gusto kong pag-usapan natin dito. Sa ngayon ay nasa debate pa rin sa Supreme Court kung ii-implement na ba ang RH kasama ang lahat ng nilalaman nito. At isa na nga rito ang Sex Education dahil sa paniniwala ng iba na kailangan ito ng mga Pilipino lalo ng mga kabataan para maging handa. Kaya para daw alam nila ang gagawin para hindi mabuntis ng maaga, pag uusapan ng mga estudyante kasama ng kanilang guro ang sex sa loob ng paaralan. Alam mo sigurong di ako sang-ayondito kung matagal ka nang bumibisita sa blog ko. At puedeng di ka rin naman sumang-ayon sa akin. Pero malamang ay umagree ka sa susunod kong sasabihin.

Mandatory Politics Education mula 2nd year hanggang sa senior year ng high school. Marami sa Pilipino ngayon ang di na nakakaabot ng college. Wala rin akong statistics kung ano ang average level na inaabot ng isang Pilipino sa pag-aaral pero sa tingin ko ay sapat nang simulan sa 2nd year high school ang pag-aaral patungkol sa pulitika at pagpapatakbo ng gobyerno. Sakto na para sa paghahanda nila sa unang pagboto pagtuntong ng edad disiotso kahit pa hindi nila matapos ang high school. Kahit papano ay magkakabackground na sila.




Ang magiging laman ng subject ay patungkol sa functions ng bawat posisyon sa gobyerno mula sa Brgy. Captain hanggang sa Pangulo ng Pilipinas.  Pag-uusapan din dito kung ano ang dapat na kakayahan ng mga taong kakandidato sa bawat posisyon. At paguusapan din ang mga mabubuti at mga di magandang nangyayari sa pulitika ng bansa. Korapsyon 101. At isasama rin dito ang pagtalakay sa responsibilidad na meron ang simpleng mamamayan.

Mainit ngayon ang usapan sa kakatapos lang na eleksyon ang kakulangan  raw sa kaalaman ng maraming botante. Marami raw ang mangmang at walang kakayahang magdesisyon at pumili ng tamang leaders ng bansa. May punto naman. Marami rin kasi talaga ang walang pakialam at pagdating ng eleksyon ay bahala na lang sa mga iboboto nilang kandidato. Kung sino na lang ang sikat at matandaan nila ay yun na lang. Wala rin naman daw kasi mangyayari.

Pero kung tutuusin, ang simpleng problemang ito ay puede namang solusyonan sa pamamagitan ng sistema ng ating edukasyon. Ipasok sa curriculum ng high school ang Politics Education. Kung gusto pa nila, pati sa College na rin ay maglagay pa ng additional unit patungkol dito. Tutal ay napakabigat namang responsibilidad nito na ginagawa natin kada tatlong taon. Mas mabigat at mas may importansya pa kesa  sa Sex Education na pinagpipilitan nilang ipasok at sinasabing kailangan para labanan ang kahirapan na kung tutuusin ay mas tama naman nating matutunan sa bahay. Pero ang patungkol sa pulitika, paniguradong hindi ito maidedetalye ng ating mga magulang sa atin. Depende na lang kung may background sila dito.



Andali lang namang solusyonan ng problema. Kaalaman ang problema kaya edukasyon ang sagot. Pero bakit wala pang nakakaisip? O baka may nakaisip na pero baka walang sumusuporta. E bakit nga, ikaw ba ay susuporta sa isang panukala na sya rin mismong magpapahinto sa palabigasan mo? Pero panigurado akong marami pa naman ang may magandang hangarin sa ating mga pulitiko. At tulad ng sex, hindi din naman talagang marumi ang pulitika. Pero kasi, pulitika sa Pilipinas ang pinag-uusapan natin.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...