Sex education? Hindi. Hindi naman marumi ang sex. Nagiging marumi lang yan pag di ginagawa sa tamang paraan. At hindi rin ito ang gusto kong pag-usapan natin dito. Sa ngayon ay nasa debate pa rin sa Supreme Court kung ii-implement na ba ang RH kasama ang lahat ng nilalaman nito. At isa na nga rito ang Sex Education dahil sa paniniwala ng iba na kailangan ito ng mga Pilipino lalo ng mga kabataan para maging handa. Kaya para daw alam nila ang gagawin para hindi mabuntis ng maaga, pag uusapan ng mga estudyante kasama ng kanilang guro ang sex sa loob ng paaralan. Alam mo sigurong di ako sang-ayondito kung matagal ka nang bumibisita sa blog ko. At puedeng di ka rin naman sumang-ayon sa akin. Pero malamang ay umagree ka sa susunod kong sasabihin.
Mandatory Politics Education mula 2nd year
hanggang sa senior year ng high school. Marami sa Pilipino ngayon ang di na
nakakaabot ng college. Wala rin akong statistics kung ano ang average level na
inaabot ng isang Pilipino sa pag-aaral pero sa tingin ko ay sapat nang simulan sa
2nd year high school ang pag-aaral patungkol sa pulitika at
pagpapatakbo ng gobyerno. Sakto na para sa paghahanda nila sa unang pagboto
pagtuntong ng edad disiotso kahit pa hindi nila matapos ang high school. Kahit
papano ay magkakabackground na sila.
Ang magiging laman ng subject ay patungkol sa functions ng
bawat posisyon sa gobyerno mula sa Brgy. Captain hanggang sa Pangulo ng
Pilipinas. Pag-uusapan din dito kung ano
ang dapat na kakayahan ng mga taong kakandidato sa bawat posisyon. At
paguusapan din ang mga mabubuti at mga di magandang nangyayari sa pulitika ng
bansa. Korapsyon 101. At isasama rin dito ang pagtalakay sa responsibilidad na
meron ang simpleng mamamayan.
Mainit ngayon ang usapan sa kakatapos lang na eleksyon ang
kakulangan raw sa kaalaman ng maraming
botante. Marami raw ang mangmang at walang kakayahang magdesisyon at pumili ng
tamang leaders ng bansa. May punto naman. Marami rin kasi talaga ang walang
pakialam at pagdating ng eleksyon ay bahala na lang sa mga iboboto nilang
kandidato. Kung sino na lang ang sikat at matandaan nila ay yun na lang. Wala
rin naman daw kasi mangyayari.
Pero kung tutuusin, ang simpleng problemang ito ay puede
namang solusyonan sa pamamagitan ng sistema ng ating edukasyon. Ipasok sa curriculum
ng high school ang Politics Education. Kung gusto pa nila, pati sa College na
rin ay maglagay pa ng additional unit patungkol dito. Tutal ay napakabigat
namang responsibilidad nito na ginagawa natin kada tatlong taon. Mas mabigat at
mas may importansya pa kesa sa Sex
Education na pinagpipilitan nilang ipasok at sinasabing kailangan para labanan
ang kahirapan na kung tutuusin ay mas tama naman nating matutunan sa bahay.
Pero ang patungkol sa pulitika, paniguradong hindi ito maidedetalye ng ating
mga magulang sa atin. Depende na lang kung may background sila dito.
Andali lang namang solusyonan ng problema. Kaalaman ang
problema kaya edukasyon ang sagot. Pero bakit wala pang nakakaisip? O baka may
nakaisip na pero baka walang sumusuporta. E bakit nga, ikaw ba ay susuporta sa
isang panukala na sya rin mismong magpapahinto sa palabigasan mo? Pero
panigurado akong marami pa naman ang may magandang hangarin sa ating mga
pulitiko. At tulad ng sex, hindi din naman talagang marumi ang pulitika. Pero kasi,
pulitika sa Pilipinas ang pinag-uusapan natin.
Maraming dapat irevamp sa curriculum natin. Lalo na ngayon at may K12 na.
ReplyDeletesang-ayon ako sa sinasabi mo. inaamin ko talaga as a first-time voter noong last election na kulang na kulang talaga ang kaalaman ko. ni hindi ko nga alam kung sinu-sino iyung mga nakalagay sa balota o karapat-dapat ba sila?
ReplyDeletesang-ayon ako sa proposisyon mong ito. hindi naman kailangan ng isang buong semester o isang taon para sapat na ma-explain ito sa mga estudyante. pwede sigurong isama na lang ito sa social studies subject. pwedeng pagdiskusyunan ng buong klase and sex education, politics at ibang social concerns ng bansa.
ReplyDeleteFYI: isa ang deped sa pinaka corrupt na agency ng gobyerno. malaks ang tukso dito dahil sa kanila napupuno ang malaking prosyento ng budget ng pinas.
Paborito kong asignatura noong high school ang araling panlipunan at ikinatutuwa ko na magaling ang naging guro ko na mahilig sa current events. Kung tama ako ay Philippine History ang nasa second year high school. sana doon nga ay doon ay mai-explain sa mga kabataan na ang pagiging nasyonalista ay hindi gawaing makaluma o prinsipyong pauso lamang ng mga bayani. nagsisimula ito sa aksyon ng pagiging mamamayan. mabuhay sa iyong magandang mensahe.
ReplyDelete