Pangarap, pag-asa at pananampalataya ang naging puhunan ni Trish sa tagumpay |
Pangarap at inspirasyon ang naging sangkalan ng pagbabago sa buhay ni Trish Matalubos. Isang babaeng mula sa malayong probinsya na nakipagsapalaran na magtrabaho bilang yaya sa Maynila na ginamit ang sipag at diskarte upang makatapos ng pag-aaral, makapagtrabaho at ngayon ay isa nang ganap na businesswoman na tumutulong di lang sa pamilya nya at kaibigan kundi sa ibang tao na nabibigyan niya rin ng hanapbuhay para abutin ang kanilang mga sariling pangarap.
--> Yaya Noon, Businesswoman na Ngayon
Sa kanyang tiwala sa sarili at sa pananampalataya sa Diyos, hindi siya kailanman nawalan ng pag-asa na hindi na siya aahon sa buhay. Alam nya na siya mismo ang unang tao na dapat magtiwala sa kanyang sarili bago ang iba. Kung siya mismo ang magmamaliit sa kanyang kakayahan, hindi niya maaabot ang kung nasaan man siya sa ngayon.
Maraming tao ang siyang una pang nagbabagsak sa sarili sa pamamagitan ng pag-iisip na hanggang doon lang ang kanilang kaya. Marami naman ang umaasa lang sa suwerte habang hinahayaan lang ang mga pagkakataon na dumaan sa kanyang harapan. May iba naman na dinadatnan na ng suwerte ay wala pa ring kinakahinatnan dahil sa kawalan ng kahandaan sa pagdating ng tagumpay dahil hindi naman nila mismong inakala na mangyayari sa kanila ang bagay na yon. Pagmamaliit sa sarili. Yan ang kalaban ng marami sa atin ngayon. Hindi laging ang gobyerno. Hindi laging ang mga tao sa paligid natin. Hindi laging ang sitwasyon mo ngayon ang dahilan. Minsan ay sila rin naman nga talaga ang dahilan. Pero minsan, ay ikaw rin at ang pagpapababa mo sa tingin mo mismo sa iyong sarili.
Aray! mejo tinamaan ako dito sa post mo parekoy. Alam mo, madalas kong gawin yang pangmamaliit sa sarili ko. Ewan ko ba. Feeling napaka low ng self esteem ko sa sarili. Kahit minsan na pilit kong tinataas ang sarili ko, parang may kulang pa eh. Magsisilibi itong post mo na ito na tagapagpa alala na kailangan ko nang baguhin ang ugali kong ito.
ReplyDeleteHi pareng fiel. ayos lang yan. may chance pa na baguhin ang mindset. ganyan din kasi kadalasan ang marami sa tin, ina-undermine natin masyado ang ating sarili. pero for sure, kaya mo yan. kaw pa. Dugong PUPian. hehehe
Deletemataas pangarap ko pero di nama ako motivated makamit yun. pag mejo nakaluwag naman ako nalilimutan ko pangarap ko. hay!
ReplyDelete