Nagiging maluho na raw ang pamilya niya. Andaming gustong bilhin. Kakabili lang ng flat screen LCD TV na malaki, gusto na bumili ng bagong ref. At marami pang ibang hinihingi sa kanya. Minsan nagpapalibre pa sa kung saan saan. Mga gamit ng kapatid niya ay siya rin madalas ang bumibili. Normal naman yung siya ang tumulong pero mukhang sobra na nga yung mga ibang gastusin na di naman nila sana kailangan. Kinakapos pa nga ata siya kahit sobrang tinitipid na na nga niya ang sarili niya. Ampayat na nga niya eh. Pero nagtataka lang ako bakit niya naging problema ito. Hindi naman mabibili ang mga yun o kaya e di naman siya magigipit kung hindi siya pumayag. Pero di daw ganon kasimple yun. Saka sakripisyo na rin daw nya para sa pamilya. Pero bakit siya nagrereklamo? At nagiging masama pa sa tingin ng ibang tao ang pamilya nya dahil sa kanyang kwento. Hindi ko tuloy makita ang sakripisyo. Parang pareho tuloy silang talo.
Karaniwang hinaing ng mga breadwinners sa pamilya higit lalo sa mga OFWs ang "pagkakaabuso" sa kanila ng mga kapamilya at kamag-anak sa paghingi ng tulong pinansyal. Madalas na naririnig natin ang kanilang mga reklamo patungkol sa kawalan ng pang-unawa sa kanilang sitwasyon. Lalo sa ibang bansa na bukod sa hirap ng trabaho ay ang lungkot ng pagiging mag-isa. Madalas ay nangungulila din sila sa pangangamusta ng mga kamag-anak. At ang problema pa raw, imbes na kamustahan ay bawat daw pagtawag sa kanila ay may kasunod na kwento ng problema sa buhay at paghingi ng tulong. Para daw silang dumudumi ng pera kung makahingi ang iba. At pag di naman daw mapagbigyan ay sila pa ang madalas daw na lumalabas na masama. Maramot at mayabang na raw ang tingin sa kanila at mapagmataas.
Di naman natin lubos na maibubunton ang sisi sa mga kamag-anak ng ilang OFWs ang ganitong pag-iisip dahil meron talagang ilang mga balikbayan na nagbubuhay at nag-aastang hari tuwing umuuwi sa bansa. Hindi naman lahat at sa ibang post na siguro natin ito pag-usapan.
Breadwinner |
Kung tutuusin, kahit paano gastusin ng ibang tao ang perang pinaghirapan nila ay wala naman dapat tayong pakialam at wala rin tayong dapat ikasama ng loob kung hindi-an nila tayo sa paghingi natin ng tulong. Pero hindi maiiwasan ang ganito sa mga pamilya. At ang kadalasang kinakahantungan ng mga ganitong pangyayari ay ang pagkapunta sa wala ng mga pinagpaguran ng ilang taon at pagkakasira ng mga dating magagandang relasyon sa pamilya.
Pero paano nga ba ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon na kung saan ay pakiramdam ng mga breadwinners ay inaabuso na sila, OFW man o nagttrabaho dito sa bansa? Ito ang ilang simpleng solusyon na puede nyong gawin kung kayo ay nakakaranas din ng ganitong problema:
Bago pa kayo umabot sa ganito. |
- Sabihing "Hindi" at wag nang pahabain pa - Masyado na kasing madrama ang maraming Pilipino. Kasalanan siguro ng mga palabas natin sa TV kaya di na natin alam tuloy kung ano ang natural at ano ang arte. Parang pareho na lang kasi ang mga kilos at dialogues. Pag sinabi mong hindi mo kayang ibigay ang hinihingi nila, wag mo na pasukan ng drama tulad ng "hirap na hirap na ko dito, magtipid naman kayo dyan!" o kaya yung "ano ba yan, kakahingi niyo lang nung nakaraan eh hihingi pa rin kayo. Ano ba tingin nyo sa kin, tumatae ng pera" at ilan pang mga salitang hango sa script ng bulok na teledrama. Pag may humingi ng tulong at hindi mo talaga kayang ibigay dahil hindi na pasok sa budget, sabihin mo ng direkta. Paalam mo na naiintindihan mo ang sitwasyon nya pero ngayon ay wala ka nang extrang budget para dito dahil nai-allot mo na sa mga gastusin sa pamilya mo ang lahat. Puede mong sabihin din na matutulungan mo siya pag nakaluwag luwag pero sabihin mo lang ito kung intensyon mo talaga na tulungan siya dahil siguradong aasahan niya ito. Di mo rin kailangang ibigay kung ano ang hinihingi niya. Kung masyadong malaki ang hinihingi o hinihiram, ibigay mo kung ano lang ang kaya mong itulong. At least kung di man ibalik ay di ka na magsisisi. At baka magdalawang isip na syang umutang sa yo sa susunod dahil di pa siya nakakabayad. At kung inuumpisahan ka uli niya ng sad stories sa susunod at tingin mo ay hihingi uli sya sa yo at wala ka rin naman talagang maibibigay, unahan mo na agad ng dialogue na "...ay naku, kawawa ka naman. O sige, kahit saka mo na lang bayaran yung nahiram mo sa kin pag nakaluwag ka na. Abot mo na lang din sa asawa/nanay ko kasi madalas din kami kapusin ngayon sa budget...".
- Humanap ng "Confidante" sa Pamilya - kung sa loob mismo ng pamilya ninyo ang problema mo at di mo kayang sabihin ng direkta tulad ng nasa number 1, gamitin ang style na ito. Puedeng nanay mo, kapatid mo o kahit sino na ka-close mo. Sa kanya ka magkkwento. Dahil close mo siya, puede mong sa kanya ilabas minsan ang mga dinadala mo tulad ng kinakapos ka na sa budget ngayon, na may kailangan kang bilhin na gamit dahil nasira na, na may inaasahan kang malaking gagastusin sa susunod na buwan, o kaya ay malaki ang kaltas mo ngayong sahod. Sila yung magiging iba mo pang "boses" mo ngayon kung sakali na mapaguusapan ang budget. Hindi na lang ikaw. Naiintindihan ka nila at tutulungan ka pa nilang ipaliwanag ang sitwasyon sa iba.
- Ayusin ang Sariling Budget at Priorities - Hindi lang sa iba ang problema, minsan sa atin din. Minsan kasi akala natin ay sobra ang hinihingi ng pamilya natin pero kung tutuusin ay kaya naman natin dapat. Pero dahil kung ano ano ang prayoridad natin ay hindi natin napagtutuunan ng pansin ang importante. At lumalabas pa tuloy tayong kontrabida. Hindi naman sinasabing tipirin mo ng todo ang sarili. Pero wag mo rin masyado gastusan para lang iimpress ang ibang tao at ipagyabang na kumikita ka na dahil madalas ay nagiging succesful ito. Oo. Succesful ka sa pagimpress at pagyayabang kaya akala ng iba tuloy ay sobrang dami na ng pera mo. Kaya di mo masisisi din na ikaw ang una nilang maiisip na hingian ng tulong. Kung gusto mong mawala sa radar nila, magpaka low profile ka at gumastos ng naaayon sa kaya lang ng budget mo na saktong may matitira pa para sa kinabukasan.
Pero masama ba ang tumulong? O kaya ay masama ba ang umiwas sa pagtulong? Hindi yon ang punto ng post na ito. Ang gusto ko lang sana ay makita natin na ang problema sa ganitong sitwasyon ay dulot ng mga nagagawa nating "KALABISAN". Kalabisan sa paggastos ng naaayon sa ating kinikita. Kalabisan sa pagiging palaasa sa iba. At ang pinakamatindi ay ang kalabisan natin sa mga kadramahan sa buhay na para bang feeling natin ay bida tayo sa mga telenovela na laging aping api at masyado tayong maraming sinasabi na hindi naman nakakatulong sa sitwasyon. Imbes na isipin natin ng maayos ang problema at magisip ng paraan para maging maayos, dinadaan natin sa kung ano ano.
Ang pagtulong at pagsasakripisyo ay mabuti. Subalit kasama rito ay ang pagtulong sa sarili para makapamuhay tayo ng mas maayos at maging mas kapakipakinabang ang mga sakripisyo nating ginagawa para sa iba. At ang turuan din ang mga tao sa ating paligid para kumilos ng wasto ay kasama rin sa pagtulong na dapat nating ginagawa. At ang bawat pagtulong ay dapat na bukal sa puso at hindi isinusumbat o kaya ay ikinakasama ng loob.
Sana ay may maitulong din ito sa kakilala ko ng medyo maging maayos naman ang sitwasyon nya at ng kanyang pamilya. Unless naghahabol siya ng grandslam trophy for best actress award in an "aping api na martir" role habang ang pamilya niya naman ang best supporting actors for being masyadong mapang-aping kontrabida kahit hindi nila alam na ganon na pala ang nagiging role nila at kung tutuusin ay hindi naman talaga.
Breadwinner ako ng pamilya ko. I helped out my parents in sending my four siblings to college. Pero masuwerte lang ako kasi hindi naging abusado ang pamilya ko. I was helping my siblings at the time na bago pa lang ako sa work at konti lang talaga ang suweldo. So kapag wala na akong maibigay na allowance sa kanila, nagtitiis sila maglakad or mag-tighten ng belt nila. My parents also did not ask the impossible from me. In fact, they never really asked anything from me or pressured me to ptovide them something. So I am really blessed.
ReplyDeleteI pray and hope na sana di rin abusuhin ang mga breadwinner ng pamilya.
That's good Ms. N. sa tingin ko kasi, communication talaga ang pinakaimportante. Sa min din kasi ganon. Open kami sa isa't isa kaya walang naging problema. Yung iba kasi, ayaw magsalita pareho. kaya sa huli, pag sumabog, sabog na sabog talaga. :) Thanks sa comment and pagdrop by Ms. N.
DeleteGanito din kami sa pagtingin ko dati. Pero ngayon, tila narealize ko na matagal na akong nag bubulag bulagan. Tila mas malaki yung pag care ko sa kanila kesa sa pag care nila saakin. Hindi nila makita ang sakripisyo ko dahil malayo ako.Kahit ibigay ko pa siguro lahat ng sahod ko iisipin nila kakarampot lang yun ng pera ko. Regular akong nag papadala ng 33% ng sahod ko pero ni salamat wala akong nakukuha. Ako pa madalas tumawag at mangumusta sa kanila minsan ang tagal pa sumagot sa chat,minsan seen pa. Sa tingin ko habang buhay ng nasa balikat ko ang responsibilidad ng isang panganay at breadwinner. Ang masaklap yung sacrifice ko tila hindi maappreciate kasi parang nasa mindset nila na obligasyon ko yun so natural lang na gawin ko yun walang kamangha mangha dun. Masakit to isipin lalo na kung mas inuuna mo sila kesa sa sarili mo. Pano naman yung pangarap ko?
DeleteYung inaakala ko na makapagtapos lang ang kapatid ko finally sarili ko naman ang iisipin ko pero basi sa karanasan ng ibang mga breadwinner at panganay kahit nakapag tapos na ang mga kapatid mananatili parin silang breadwinner habang yung kapatid nila nagpapasarap na sa buhay. Sa kultura talaga natin kawawa palagi ang panganay ng mahirap na pamilya kahit sa pagpili ng kurso sa kolehiyo magpaparaya ka.
DeletePara sakin kase, may hangganan din ang pagtulong. Kapag nararamdaman or napapansin mo nang sinasamantala ka na eh, that's the time na make a stand and let them know na mali na ang kanilang ginagawa. Like what you said, hindi naman kadamutan ang pagsasabi ng No, lalo pa nga't naabuso ka na.
ReplyDeleteMejo nakaka relate ako dito kase yung pamilya ng asawa ng sister ko, grabe kung makahingi sa kanila ng kung ano-ano. Tapos, sila pa itong galit kapag na hindian mo. Syempre, isipin naman nung pamilya ng hubby ng sister ko na may anak silang binubuhay at pinag-aaral. Mejo makapal din ang face nung pamilya ng husband ng sister ko eh. Kaya ang ending, dito muna sa pamilya ng parents ko sila nakikitira. Kase kung magtatagal pa sila dun sa kabila, wala talaga silang mararating. Kaka sweldo lng, ubos na agad.
Tama pareng fiel. Dapat lahat kontrolado at may hangganan. Madalas nasa atin din ang dahilan kaya sumosobra ang iba. :)
DeletePalagay ko, merong such thing as "labis na pagtulong" -- the type of 'helping other people' to a point where you're not helping them anymore because you're teaching them to be dependent.
ReplyDeleteTama ka, na communication ang pinaka-importante. Kasi madalas nangyayari, kapag di nagsasalita, nagkakasumbatan sa huli, kapag nagkasabugan na ng sama ng loob.
Maswerte ako na ang mga magulang ko, siniguro nila ang retirement years nila. At ganun din ang gagawin ko para sa akin. Para hindi dalhin ng anak ko ang burden ng pagsustento.
Wow, ang galing naman ng parents mo. at maganda dun, nagset pa sila ng example sa inyo. :)
DeleteMaswerte ka sa mga magulang mo. Ako mahal ko ang magulang ko pero how I wish hindi poor ang mindset nila. Madami akong gustong gawin, planong negosyo para man lang makapag ipon kasi kulang pa saamin ang kita ko pero hindi nila ako sinusuportahan. Discouragement palagi ang nakukuha ko. Kung hindi ako gagawa ng paraan para magkaroon ng kita gusto ata nila na habang buhay na lang akong naka asa sa kakarampot kung sweldo na 33% napupunta sa kanila at ang natitira ay halos napupunta sa ibang bayarin.
DeleteWhat a helpful post. Pero totoo bang medyo ganun ang mga pinapakita sa mga teledrama (yung nasa #1). Tama ka -- madalas talagang gagayahin ng mga nanonood ang nakikita sa TV dahil kulang sa pagsusuri kung ano ba ang para sa TV lang at ano ang pang-tunay na buhay. Pero alam mo, kung minsan gusto kong mag-drama rin dahil sa sitwasyon na naranasan ko recently tungkol sa pagsingil ng utang, hehe.
ReplyDeleteAnyway, baka sakaling makatulong ito -- yung payo ni Tita Ami sa isang related na problema. Ito excerpt:
"Sinabihan ko sila diretso na kapos na kapos ako kaya pasensya na muna—tutal alam nila na kung meron ako, lagi akong tumutulong. At nung medyo nakabangon naman ako sa financial difficulties ko, sige ulit ang tulong ko, pero may hanggahan. Kailangan nila ng 5,000 na ipangsisimula daw ng lugawan? Inabutan ko ng 1,000, sabay sabi ng: “Sorry, talagang iyan lang ang kaya ko, pero huwag mo nang bayaran iyan, ambag ko na iyan sa bagong negosyo mo.” Ginawa ko rin iyon sa iba pang gustong mangutang; tinatanggap nila ang ambag ko, PERO HINDI NA NILA AKO INAAABALA PARA MANGUTANG ULIT. Siguro napapahiya, pero for me, effective. Bilang isang Kristiyano, hindi ko pinagkakaitan ang kapwa ko, pero hindi na rin nila mapagsasamantalahan ang kabaitan ko."
http://tapatnews.com/2013/05/pano-ba-talaga-singilin-ang-mga-umaalpas-sa-utang/
Yup, effective ito. Ilang beses ko na rin ginawa ang technique na ito. At least nakatulong na tayo, di pa tayo namroblema sa paniningil. :)
DeleteHello ignored genius,
ReplyDeleteHow do you see yourself with your "own" future family? How do you plan for that? Considering all your breadwinner responsibilities... :(
Oohh i just saw you do have a family of your own..... how is it working for you then po? Does your breadwinner responsibilities take a toll on your married life?
DeleteTila destined na ako na maging single for life at habang buhay na pasan ang mga responsibilidad na hindi ko naman pinili.
DeleteLate reply na ako. Ayun. sa mga makakabasa pa, kaya mahirap din talaga yung generation natin ngayon na tinatawag na "sandwich generation". ipit sa 2 henerasyon na kailangan nating suportahan (parents and own kids). Pero andun na yan. Kailangan na lang mag sikap, at maghanda para sa sarili para maputol na yung cycle. Im insured, invested and nagttry na magpalago pa ng ipon para magiging independent ako at ang asawa ko pagtanda ko. ata di na magiging mahirap para sa mga anak namin. :)
DeleteHi ASD. I'm blessed for not having an abusive family. The fact is we help and support each other in anyways we can. My mom even helps me a lot until this day that I have my family in terms of taking care of my kids when me and my wife are at work. She oversees our helpers during weekdays. And also, I think, part of it is how I managed my responsibilities and putting limits and controls on everything early on. Communication is the most important.
ReplyDeleteAko ngayon ang halos bumubuhay sa pamilya naiwan sa akin ng magulang ko ang mga apartments na ikina bubuhay namin ngayon ang problema biglang umalis sa trabaho asawa ko matapos mmatay mga magulang ko at yung tatlong anak ko yung panganay may work kaso ngbibigay lang pag gusto nya yung pangalawa nakatapos pero biglang ng asawa yung bunso naka tapos hindi pa nag kakatrabaho so akin lahat ng gastos mula pagkain hanggang bayad sa mga bills nagigipit nko madalas wala na maibili kahit tinapay man lang puro pa utos sa akin panu kaya gagawin ko sa mga ito ???
ReplyDeleteSa ganitong sitwasyon po, mahirap talaga kung titingnan natin ang kabuuan habang kumikilos tayo at nagttrabaho para makaraos sa araw araw. Pero kailangan din paminsan minsan huminto, umatras, at saka tingnan isa isa ang sitwasyon.
DeleteUna sa asawa mo. dahil asawa mo siya, expected po na kayo ang "partners" or magkaagapay sa sitwasyon. Marapat lang na siya ang unang makaunawa sa nangyayari. Kung hindi ganito ang sitwasyon nyong dalawa, may mali. Dapat, siya muna ang kausapin mo dito. Communication. At pag nangyari ito, magiging parallel na rin kayo pati sa pakikipagusap naman sa mga anak nyo. Sa tingin ko, ito ang main problem din ng pamilya. Communication. Dahil kung hindi naman, dapat ay una pa lang, nakausap mo na ang mga anak mo at asawa mo na tulungan ka nila sa sitwasyon ninyo at magsabay sabay kayo sa pagsisikap para mabaligtad ang kasalukuyang pangyayari as inyong buhay.