Hirap na hirap akong pumasok sa trabaho araw araw. Hindi ang
trabaho ang dahilan kundi ang pagpasok mismo. Panigurado na kung ang trabaho mo
ay nangangailangan ng byaheng mahigit isang oras papasok at pauwi, naiintindihan
mo ko. Parang lagi na lang tayong nasa
ilalim ng kapangyarihan ng mga bumabyaheng pampublikong sasakyan. Sa mga
terminal pag tinanghali ng gising ang ilang tsuper o kaya ay ayaw bumyahe dahil
marami raw nanghuhuli, wala tayong magagawa. O kaya naman pag sinabing kakain
muna sila na kailangan naman talaga nila pero di ko maintindihan bakit
kailangang sabay sabay pa minsan, maghihintay na lang tayo. Masaklap pa pag
nagstrike sila, wala na talaga tayo magagawa. Minsan naman, naibababa ka sa
kung saan saan. Tipong isa o dalawang kilometro pa ang layo sa bababaan mo pero
sasabihin ni manong drayber sa yo na hanggang dun na lang sila kasi matrapik na
masyado. We are at their mercy.
Kung susumahin natin lahat ng oras na nasasayang sa bawat
empleyado at estudyante na sana ay nagagamit sa mas makabuluhan tulad ng
trabaho, pag-aaral o kaya e kahit pag-relax relax lang sana na kailangan ng
bawat isa sa atin, baka matagal nang umahon ang ekonomiya ng bansa. O baka
hindi rin. Pero malamang ay malaking tulong. Kokonti ang pagod, nagkakasakit at
mainit ang ulo. Aminin na natin, bukod sa traffic mismo sa kalsada, pati yung
tagal sa pagsakay ay kasumpa sumpa na talaga sa ating bansa.
Ituloy na natin sa usapang terminal. Tulad ng nabanggit, kadalasan ay clueless tayong mga pasahero sa mga pilahan kung may darating nga bang mga sasakyan o wala. Madalas ito mangyari sa pilahan ng mga shuttle or FX taxi. Pero minsan ay ganon din sa mga jeep. Mga papasok ng opisina na nakatayo ng 2 oras halos araw araw ang eksena. Nagdadasal na sana ay dumating na ang susunod na masasakyan nila. Minsan ay suerte dahil maraming dumarating. Minsan naman ay malas dahil talagang ilang oras na ay wala pa rin. Walang consistency. Nangangapa ang lahat. Minsan pati bantay sa terminal ay wala ring maisagot. O kaya ay wala talagang paki. Parang normal na lang na masayangan ng oras ang mga nakapila.
May mga samahan naman sa mga terminals, may
mga officers, may mga meetings na nangyayari. May mga butaw o yung funds nila.
Pero bakit parang walang pagbabago at lumalala lang ang sitwasyon? May iba pa
na mga drivers na para bang ang trato sa pasahero ay mga commodities na lang.
Wala nang respeto. Alam ko kasi marami na kong karanasan sa kanila. Pero marami
rin naman sa kanila ang mababait at talaga namang mararamdaman mo ang serbisyo
at pagrespeto ng ilang drivers sa pasahero. Pero marami na talaga ang hindi.
Kaya pag ayaw nilang bumyahe dahil maraming nanghuhuli o
kaya pag traffic, di muna sila bbyahe talaga kahit nakikita nilang dalwampung
dipa mahigit ang pila ng taong naghihintay sa kanila. O kaya naman pag may
okasyon halimbawa ay fiesta, kinabukasan ay marami sa kanila ang hindi
bumabyahe dahil nalasing nung gabi. Pinaparinig pa sa pasahero ang mga
kwentuhan. At marami pang dahilan at palusot para di sila bumyahe pag di nila
gusto. Sabagay, kikita pa rin naman sila dahil andun ang pasahero, walang
magagawa, walang pagpipilian. Magiintay at magiintay sa kanila at pipila at
pipila pa rin. Sa kabila ng pagiging public service ng PUVs, marami sa mga
drivers ang di nakakaunawa dito.
Ang solusyon dito marahil ay isang simpleng proseso lang na
puedeng hawakan kung hindi ng DOTC ay ng mga local na gobyerno. Ang
pagpaparehistro ng mga terminal at pag papaaccredit sa pamamagitan ng
pagbibigay ng listahan ng mga units na bumabyahe at pag-aassign ng schedule na
kung saan, masisiguro na kada oras ay may mga babyaheng mga units para sa mga
pasahero.
Ganito lang, sabihin na natin na sa isang terminal ay may average na 30 units per day na bumabyahe. Ang
buhos ng pasahero sa umaga normally ay mula 4AM-8AM. Yan yung mga pang-umaga na
mga pasahero papasok sa kanilang mga trabaho at eskwela. Sa ngayon, walang
sistema kaya ang nangyayari, yung mga may pasok ng 6,7,8, sabay sabay
dumadating halos sa pila. Tapos minsan mauuna pa makasakay yung ang pasok ay 8
pa kesa dun sa pang 6 am. Tuloy, marami sa kanila ang dumarating ng sobrang aga
sa office at marami ring dumarating ng sobrang late. Tapos yung mga shuttle,
sabay sabay din dumarating. Minsan sila din nagkakaunahan kaya pagdating naman
ng iba sa terminal, antagal nila na nag-aantay dahil yung susunod na buhos ng
pasahero naman ay yung mga may pasok ng tanghali. Hindi nagmamatch dahil pareho nagkakapaan at
naguunahan. Andaming oras ang nasasayang sa magkabilang panig.
Kung ang gagawin ay yung 30 units hahatiin sila sa every 30
mins na takbo. From 4AM-8AM, every 30 mins ay may nakaschedule nang unit na
tatakbo. Sabihin na nating 5 units every 30 mins. Sa ganitong paraan, mas matatantya ng
pasahero ang oras ng pagpila at nakakasiguro sila na may dadating unlike sa ala
tsamba na minsan dumadating ng sabay sabay minsan naman ay sabay sabay ding
wala. At ang mga drivers din, magkakaroon sila ngayon ng disiplina. Magiging
mas professional na ang dating nila dahil sa schedule na susundin nila, hindi
sila basta basta puedeng mawala. Kailangan nila magpaalam sa kasamahan nila
kung di sila makakarating sa schedule nila o kung di sila makakabyahe. Puedeng
magparelyebo. Kung hindi sila babyahe din sa isang araw, magfa-file din sila ng
“leave” para alam ng terminal kung may isisingit ba silang ibang unit para
kunin ang schedule nila.
Example ng Schedule. Free ay para dun sa non-rush hour. Kumbaga, free for all drivers. |
Sa example, kung kulang man yung 30 units para icover yung
every 30 mins, kung masusunod ang schedule ay paniguradong nakabalik na uli
yung mga naunang bumyahe sa terminal pagdating ng kasunod na cycle. At sa
ganitong paraan, sa Rush Hour lang maghihigpit sa cycle ng mga bumabyaheng mga
sasakyang. Sa patay na oras, nasa mga drivers na kung sino ang gustong
dumirediretso sa pagbyahe. Tutal naman sa ganitong oras, normally ay nagpupuno
na lang ang mga shuttle sa pila habang nakapahinga sila doon. Paniguradong may
masasakyan ang mga pasahero. Ang problema lang minsan ay sobrang tagal din talaga
bago mapuno at madalas na talagang pupunuin pa ang 20 mahigit na pasahero bago
sila umalis. Sa ibang post na natin ito itatackle. Pero itong suggestion ko,
malaking bagay ito para maging consistent at hindi nangangapa ang mga pasahero
kung may dadating ba na sasakyan o wala. At magiging sagot pa ito sa problema
sa mga drivers na babyahe lang pag gusto na nila kahit pa napakahaba na ng pila
o pag tinamad ay di na bbyahe. Malaking bahagi ng kanilang serbisyo ay
nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa kaya marapat lang na magkaroon ng maayos na
sistema ang mga pilahan/terminal ng mga PUVs. Kung susundin itong schedule sa
pilahan, maraming advantages ang ating makukuha. Ito lang ang ilan.
1.
Maiiwasan ang matagal na antayan ng pasahero o
ng mga drivers dahil sa schedule na meron sila. Mas planado na ngayon ang oras
ng pagdating ng tao sa pila pati ng mga sasakyan. Hindi na maghuhulaan.
2.
Makakatulong din sa pagbawas ng mga bumabyahe sa
kalye. Imbes na sabay sabay, may oras na ang buhos ng sasakyan. Kung lahat ng
terminal ay susundin ito, malaki ang magiging impact nito sa daloy ng trapiko
lalo kung rush hour.
3.
Maraming oras ang matitipid mula sa nawalang
oras sa pagpila ng tao at pagkaipit sa trapiko. Mas magiging relax ang mga tao
at mas magagamit sa kapakipakinabang na bagay ang mga oras.
4.
Magkakaroon ng disiplina at kaayusan ang mga
drivers bilang tunay na professionals sa kanilang trabaho at serbisyo sa tao.
5.
Magiging mas kontrolado ng local govt/DOTC ang
mga terminals upang mabantayan ang mga hindi disiplinadong mga pampasadang
sasakyan.
6.
Mas mamomonitor ng mga officers ng terminal ang
buhos ng tao at daloy ng trapiko. Mas mapag-aaralan nila at malalaman nila kung
kelan sila dapat magaccomodate ng mga bagong units sa kanilang pila. Mag
bubukas din ito ng oportunidad sa mga gusto pang magnegosyo sa public
transport.
At marami pang magagandang bagay ang maaaring mangyari pag
ginawa natin ito. Alam ko na marami ring disadvantages ang puedeng mabanggit ng
iba pero di ko na sinama ito sa post ko. Panigurado na ano man ang
disadvantages na ito ay hindi dahilan para hindi tayo gumawa ng paraan para di
bumuo ng sistema para sa ikabubuti ng ating PUV transport system. Hindi perpekto ang aking suhestyon at marami
pang puedeng baguhin diyan. Pero ok sana kung tingnan ito ng kinauukulan at
subukang gamitin o dagdagan at baguhin man nila ang ibang bahagi, ok lang din. Nakakapagod
naman talaga. Ito kasi ay problema natin sa araw araw na parang wala naman
tayong ginagawa para masolusyonan. Baka ito na ang oras. Tingin nyo? Ishare nyo
rin itong post na ito, i-tag o iforward nyo sa DOTC, MMDA, LGUs o kung sino man
tingin nyo na makakatulong pagdating dito. O kaya naman, kahit di pa sa gobyerno ay iimplement na ito ng mga terminal na nakakaunawa sa hinaing ng mga pasahero. Puede nilang simulan na sa kanilang mga terminals ang ganitong paraan. Sana naman ay may makinig. Sana. Nakakasawa na din talaga e. Kayo ba di pa nagsasawa?
Hyyyyyy... I gave up hoping na maaayos 'to but I'll be happy kung magiging okay....
ReplyDeleteSana mapakinggan ka!
Naku naranasan ko na lahat ng sinabi mo rito. I've learned to be more resigned about it. If I had already done my part (point out the problem in my blog and suggest solutions) and things are beyond my control, I resort na lang to prayers for urban renewal. Napansin ko lang, ang mga concerns kong pinagdasal, nareresolba lang after maiba na ang ruta ko papasok at pauwi. Oh wait, may isa pa palang di sinasagot, yung Pasay Rotunda area. Lord, kung nakikinig ka, Ikaw na po ang mag-ayos sa mga ayaw umayos.
ReplyDeleteRecently, halos 2 oras yung byahe ko papasok ng trabaho. 1 oras sa paghihintay sa terminal. Nakakainis na.
ReplyDeleteWow, magandang suggestions ito parekoy. Magiging kapaki-pakinabang ito both sa mga pasahero at mga drivers.
ReplyDeleteSino ba ang present chairman ng DOTC right now? ipadala mo yan sa kanila hehe or di kaya kay Chairman Tolentino ng MMDA, tiyak pag-iisipan nilang mabuti ang mungkahi mong iyan.
Thumbs up!