Showing posts with label catholic. Show all posts
Showing posts with label catholic. Show all posts

Monday, October 20, 2014

Bitay Bitay!

"Ibalik ang death penalty!"

Panigurado na kada bukas mo ng comments tungkol sa mga balita ng mga nangyayaring krimen sa bansa, yan ang laman at may pinakamaraming likes. Nakakapanggigil naman talaga ang mga nababalitaan sa araw araw. Wala nang sinasanto ang mga kriminal ngayon, saan mang lugar, ano mang oras, edad, kasarian, lahat ay wala nang nakakaligtas. Hindi na nga tayo mapalagay. Oras oras na lang tayong nagdadasal at kinakabahan tuwing di natin kasama ang mga mahal natin sa buhay. Umaasa na sana ay di sila ang susunod na maging biktima. O kaya e tayo mismo rin ay makaiwas sa mga walang pusong kriminal na yan. Talagang mapapasabi ka ng "ibalik ang bitay"!

Siguro nga, talagang gugustuhin mong mamatay ang isang taong halang ang kaluluwa para ipaghiganti ang mahal sa buhay na biniktima nila. At siguradong hindi lang simpleng pagbitay kundi yung pinakamahirap na kamatayan ang pipiliin mong igawad sa kanila.


At hindi biro ang usaping ito


Ang death penalty, tulad ng iba pang parusa ay isang bagay na magagawa lang pag tapos na ang krimen. Ang argumento kadalasan ng mga pumapabor dito ay para matakot ang mga kriminal na gumawa ng masama. Baka nga naman kabahan sila, magbago ang isip at mabawasan ang krimen.

Pero kadalasan ng gumagawa ng mga krimen na may hatol na bitay marahil ay hindi naman naiisip ang parusang ito pag gumagawa sila ng masama. Kahit pa nga walang death penalty, kung tutuusin ay puede rin naman nilang ikamatay ang krimen na gagawin nila.. Ang isang nanghoholdap, nangre-rape, nagnanakaw, o papatay ng ibang tao ay puede ring mapatay sa akto na mahuli sila sa kanilang ginagawa. Alam nila yun. Pero wala nilang takot na ginagawa ito dahil sa mas matindi ang kagustuhan nilang isakatuparan ang krimen. 

Ang parusa ay umeepekto lang bilang panakot sa isang taong may matinong pag-iisip. Ang isang rapist ay wala sa katinuan ng pag-iisip. Ang isang taong walang takot pumatay sa kahit anong dahilan ay wala rin sa matinong pag-iisip. Ang pagsasabing ang bitay ay nakakapagdulot ng takot sa kriminal ay para lang sa may rasonableng pananaw. Kung tutuusin, ang pagkakakulong habambuhay ay nakakatakot nang pangitain sa isang taong normal. Pero para sa kriminal na may tama sa utak, wala na sa kanila ito. Mas nangingibabaw ang kagustuhang mairaos ang kanilang mga makamundong hangarin.

Idagdag pa natin ang kabagalan ng hustisya sa ating bansa. Ilang kaso ang gumagapang sa bawat araw dahil na rin sa napakarami at lumang sistema na meron tayo sa kabuuan. Ilan kaya ang nakakulong ngayon na walang kasalanan at hindi pa rin makalaya dahil sa hindi lang matuloy tuloy ang kaso? At alam din nating marami ang nakakulong at nahahatulang guilty sa kabila ng pagiging inosente.

At papaano pa kung may bitay? Hindi malabong magkaroon ng hatol na bitay para sa mga walang kasalanan. Paano pa mabibigyan ng pagkakataon ang isang walang kasalanan kung hahatulan na agad ng kamatayan? 

Isa pa dyan ang pagkakaroon ng malaking hadlang sa pagkakapantay pantay ng tao sa hustisya ng bansa. Ang mga simpleng kaso lang ay kailangan nang gumastos ng malaki. Meron mang mga pro-bono na abogado, kakailanganin pa ring magbigay ng oras ang isang nasasakdal o nagdedemanda. Paano na ang mga dukha na hindi kakayaning hindi magtrabaho para lang maghabol sa hustisya?  Hindi pa natin pinag-uusapan ang sinasabi nilang ang hustisya ay para lamang sa mayaman. Paano kung ikaw na simpleng mamamayan lang ang napagbintangan at mahatulan ng bitay laban sa maimpluwensyang tao? Maging sa pagdampot ng kriminal, ang mayamang lider ng sindikato ay protektado at hindi makakanti, pero yung simpleng nangshoplift ng gatas para sa gutom na anak ay kadalasang nabubugbog pa bago ikulong.




Bukod sa panawagang ibalik ang bitay, kaakibat na rin ng mga salitang ito ang patutsada sa Simbahang Katoliko. Kontra daw kasi ang Simbahan kaya di ito mapatupad. Puro bawal bawal daw pero wala naman daw maitulong sa nangyayaring krimen. At marahil, iisipin ng iba na kaya di ako sang ayon sa bitay ay dahil sa bawal ito ng Simbahan. Mali po. Hindi po tahasang sinasabi ng Simbahan na ang bitay ay kontra sa aral. Bilang pangunahing tagapagtanggol ng buhay, ang mga matatawag nating bayolenteng pamamaraan ay natural lamang po na hindi ayunan ng Simbahan. At ang position sa pagpapahalaga sa buhay ay consistent din ang katuruan. Kaya nga kahit anong yurak ng iba sa kabuuan nito bilang isang boses laban sa contraception, abortion, euthanasia, divorce, etc, hindi binabago ng Simbahan ang posisyon laban sa mga ito.

Pero kung patungkol naman sa bitay, katulad ng giyera, kung babalikan natin ang kasaysayan ay ilang beses na ring pinayagan ng Simbahan ang ganitong mga pamamaraan. Importante ang buhay pero kung ang pagkitil ng isang buhay ay magliligtas sa mas marami pang buhay ay maaari itong payagan. Subalit matatawag itong “last resort” na ika nga. Kung wala na talagang magagawang ibang solusyon, pinapayagan ito ng Simbahan ayon na rin sa ating katesismo. Kasama dito ang gyera at ang pagbitay.

Ang krimen ang siyang problema. Kung magiging mas maayos lang sana ang mga batas, ang mga nagpapatupad, ang mga nangangalaga, ang mga namumuno at tayong mga tao bilang kabahagi ng lipunan, mababawasan ang mga ito. Bakit naman sa ilang bansa na walang bitay ay may mas mababang crime rates pa nga? Ano ang meron sa kanilang bansa na di natin magawa? At bakit may ilang bansa naman na kahit may bitay pa ay malala pa rin ang lagay ng krimen kumpara sa ating bansa? Kung titingnan na lang natin mismo sa Estados Unidos na kung saan ang kanilang mga estadong may capital punishment ang siya pang mas mataas ang bilang ng kaso ng pagpatay kesa sa mga wala nito. At habang tumatagal ay mas palaki pa ng palaki ang agwat ng mga ito na maaari na rin nating sabihing patunay na hindi pinababa ng death penalty ang mga kaso ng murder sa kanilang bansa bagkus ay wala lang talagang epekto sa bilang ng gumagawa nito o mas pinapalala pa nga. Isa siguro rito yung mindset na dinudulot ng death penalty patungkol sa ideya ng pagpatay.

 
With vs Without Death Penalty (Murder Rates) -source http://www.deathpenaltyinfo.org/deterrence-states-without-death-penalty-have-had-consistently-lower-murder-rates     





To summarize my position, pabor ako sa bitay kung mangyayari ang mga bagay na ito:

-         Magiging maayos ang pagpapatupad ng batas ng gobyerno at kapulisan.
-         Mas magiging maayos at progresibo ang sistema ng hudikatura.
-         Magiging mas mapagmatyag at matulungin ang bawat isang myembro ng lipunan sa kanilang kapwa.
-         Mas magiging pantay na ang batas sa pagtrato ng bawat kaso ng bansa, mayaman man o mahirap.

Pero isa lang ang problema dito. Kapag natupad kasi ang mga hiling kong yan para ipatupad ang bitay sa bansa, malamang, di na natin kakailanganin pang manawagan ng bitay dahil marahil ang mga bagay na yan ang mas higit nating kailangan para mabawasan at masugpo ang maraming krimen sa ating kapaligiran.





Monday, December 17, 2012

My 2012 Christmas Wish List


There’s a big difference to my Christmas next week compared to those recent years. It will be the first time we’ll be celebrating it as a family; me, my wife Cel and our son Mik.  It also means the first time that we’ll be doing rounds to my kumares and kumpares for my son’s aguinaldo.  Either we’ll really do that or not, I won’t say so ninongs and ninangs can’t hide.  Just kidding. 



Celebrating our 2nd wedding anniversary with Mik at Vieux Chalet last October.



I was tagged by Fiel-Kun, a fellow blogger on his chain post about Christmas wish lists. Before I was tagged, I had drafted already the body of this blog post. So rather than having a duplicate, this will serve as a reply to him. But I won’t be able to follow the format so apologies for that. 


Gifts are great. I would love to have some new stuff that I can use for the next year. And the thought of people remembering you and putting up some effort to buy one for you adds up to that great feeling of receiving gifts.  The most difficult part of giving presents is to think of which gift to buy for each person. So for those who are thinking of giving me a gift this Christmas, I will make it easy for you.   Here’s the list of “gifts” I want to receive from my family, relatives, friends, blog readers and to everyone who have me on their to-give list this Christmas:


1.       Go to confession before Christmas 


If you’re a catholic then you should know the drill. If not then here are some tips. Go to your local church. Go to their office and ask for the schedule of confessions. Sometimes there are billboards where you can just look at.  Then arrive at the confession schedule of your church. Prepare for the list of your deeds you need to ask forgiveness for. It doesn’t need to be a written list as it could be a mental one. And make sure you know your basic prayers. And if you have all this, fall in line at the confession box and wait for your turn.  Then the priest will guide you on the process and after you’re absolved of your sins thru the authority passed on by our Lord to our priests, listen to the penance they will ask of you. Then do it right away.

For the non-catholics, the sacrament of confession is only allowed to you on special cases.  I respect your decision if you can’t grant my wish. I know you have a different belief on this. But you can read thru this link so you’ll get a better understanding on why we do this. It’s also a good read for fellow catholics who do not fully understand the sacrament of penance.

Photo courtesy of 100% Katolikong Pinoy


2.       Go to mass 


It’s always a good time to go to a mass. But it would be the best time if done after a good confession. Your soul is clean and open to all of the overflowing graces we receive from the mass. Thank God for that opportunity you are given to ask for repentance. Pray for blessings and guidance for your family, friends and yourself.




3.       Receive communion by tongue

It’s sad to see majority of Catholics lining up on the communion stations receiving the Eucharist by hand.  What’s worse is there are some ministers who seem to encourage it. One instance is when I attended a mass (not in our Cathedral) and lined up for the communion. It was my turn and I was in front of the minister and waiting to be given the Eucharist. There were two lines. He continuously gave communion to the other line while I was there standing for quite some time already. I saw that on the other line, all of them where holding up their palms signaling that they would receive communion by hand. I continued waiting until I gave up as there were lots of people behind me. I received it by hand.  I felt bad. I wanted to ask about it after the mass but I forgot about it when I approached a friend singing with the choir after the mass. But every time I remember that incident, I really felt bad as I don’t always receive communion unless I have gone to confession or feel that my conscience is clean. Though of course, none of us are fully worthy to receive the Body of Christ.


Photo from catholictradition.org



So what’s wrong in receiving communion in the hand? In the history of the Catholic Church, the celebrating priest’s hands are the only ones allowed to touch the Eucharist and to put it in the mouths of the faithful. But due to circumstances, the Church allowed Eucharistic ministers to do it by giving them special authority during communion. What we receive is not just simple bread but it’s the Body of our Lord we are accepting.  And our hands, being tainted with sins, do not deserve to touch it.  Though there were instances when it’s encouraged by some parishes to receive communion by the hand like when there’s a sickness outbreak on certain places. But it’s not always the case and it’s neither the standard nor the proper way.


And the possibility of dropping the host and other abuses to the Eucharist are more possible when received by hand. I remember thrice that I saw the holy Eucharist dropped during communion.  I called on the attention of the guy who dropped Him and just ignored it. The correct way is he should pick Him up and eat Him. And also called the attention of the lay ministers twice when it happened and they did not notice it. There’s a proper way to handle it if it happens and we must also be aware of it.


The next time you’ll be receiving communion, hope you can grant my simple request which is to receive communion by tongue. If possible, do it kneeling as well. Let’s have more respect and reverence to the holy sacrament.



4.       Include me and my family in your prayers


We are intercessors for one another. As one big family, we are all brothers and sisters.  I hope that you include me and my family in your daily prayers. Please pray for our safety and guidance. Ask God to provide me strength; physical, spiritual, emotional and mental to fight all kinds of temptations and hardships that will come in my way and to stay faithful to our Lord God.


I always include you in my daily prayers. I may not be able to say all your names but I include all of you in general even those whom I don’t know personally. 

True reason for the season (photo by: iamcelebratinglife.com)




5.       Please leave a comment on this post if you’ve done your “gift” for me

Or even when you’re not done with all of them. Or even none of them. But I hope that you consider my wish as these are the things that I would really love to receive this Christmas. A gift that will benefit every one of us and is dedicated to the One who’s the real reason for the season, our Lord Jesus Christ.



Merry Christmas to all of you. Thank you, thank you, ambabait ninyo, thank you!




Friday, August 31, 2012

Ang Diyos sa Ating Lipunan

Double-standard. Pati sa pagbanggit ng ngalan at salita ng Diyos, damay na rin. Ironic pero eto ang mga napapansin kong nangyayari sa ngayon.



-          Ang mga hindi naniniwala ang mas madalas pa na bumabanggit sa Diyos kesa sa naniniwala. (either sarcastic o para lang sabihin na wala Siya)

-          Ang may paniniwala ay madalas pinupuna sa pagbanggit sa Diyos sa mga usapan. (hindi daw dapat ito isali dahil hindi naman daw lahat ay naniniwala. At magkakaiba pa raw ang pagkakakilala)

-          Ang mga mananampalataya ay kadalasang umiiwas na pag-usapan ang Diyos. (dahil na rin sa rason sa itaas)

-          Ang mga mangangaral ay pinupulaan sa madalas na pagbanggit nila sa Diyos. (dahil pareho rin naman daw natin silang nagkakasala)

-          Ang ginagamit pangontra sa mangangaral ng mga pinapangaralan ay ang pangalan at salita din ng Diyos. (dahil may dahilan daw ang Diyos kaya sila ganito at binigyan daw sila ng “free-will”)

Wala na nga ba sa lugar ang pagbanggit natin sa Salita at Pangalan ng Diyos?

Friday, August 3, 2012

Mga Punto sa RH Bill, sa TOTOO lang

 
Naalala ko nung nasa college pa ko, nag-walk out ako minsan sa isang misa. Sa mga nakakakilala sa kin ngayon, malamang ay di sila makapaniwala sa ginawa kong yun. Pero totoong nangyari yun. Ito ay sa dahil sa pagkainis ko sa pari na nangaral laban sa two-child policy at sa panukalang tulad ng RH bill na sinusulong sa kongreso noon.  Nainis ako. Sa palagay ko kasi noon e dapat nang ipasa ang ganitong uri ng batas. Marami na ang naghihirap. Marami na ang nagugutom.  At hindi rin dapat mangaral sa pulpito si father dahil di niya alam ang sinasabi niya… yan ang sabi ko noon sa sarili ko.

At sa ilang beses kong pagbabasa at pakikipagdiskusyon tungkol sa RH BILL na ngayon ay RESPONSIBLE PARENTHOOD BILL, narinig ko na marahil ang lahat ng argumento ng magkabilang panig. Ilang beses ko na ring nabasa ang bill, yung orig, yung binago, yung binagong-binago (ilang revisions na rin kasi) at ang suma total ay halos pareho pa rin ang nilalaman. 

Which side are you on?


Sa puntong ito, nasa kamay na ng mga taong niluklok natin sa puesto ang desisyon kung maisasabatas ba ang RH bill o hindi. Sa Aug 7 ay magkakaroon na ng botohan sa mababang kapulungan. Pero sa kabila nito, hindi pa rin sumusuko o humihinto ang magkabilang panig para ilahad ang posisyon sa usapang ito.  Kaya nakisali na rin ako. At nais kong ipahatid sa lahat ng mambabasa kung ano at bakit ako nandito sa side na ito. 


Sa post na ito ay iniisa-isa ko na ang pinakakadalasang argumento na maririnig natin galing sa mga supporters ng RH bill. Ito yung mga naka-italics. Sa baba ay ang aking komento/opinyon patungkol sa bawat isa rito. Maaaring madagdagan pa ang mga ito sa mga susunod na araw pag naalala ko pa ang ilan. Maaaring magbigay rin kayo ng komento at opinion sa aking mga naisulat, kontra man kayo o kampi. Pero sana ay basahin nyo muna rin ang lahat ng isinulat ko sa baba. I-share nyo rin sa iba kung nagustuhan at nakatulong sa inyo ang mga bagay na nakasulat sa ibaba. 


1.        This bill is necessary for the protection of our women as it promotes reproductive health benefits, sex education, women and children’s rights and protection, promotion of family planning, etc.

-- Tama naman po. Ang bill na ito ay naglalaman ng mga provisions na patungkol sa proteksyon ng kababaihan, benepisyo para sa pangangalaga ng kanilang “reproductive health” maging ng iba pa nilang mga karapatan bilang babae pati na rin ng kabataan. Kung babasahin niyo ang bill na ito ay talaga namang napakaganda para sa ating mga kababaihan ng karamihan sa mga provisions nito. At sa aking pagbabasa at pagreresearch patungkol sa bill na ito, nalaman ko rin na ang karamihan pala sa provisions ng bill na ito na ay nilalaman na rin ng ilang batas na meron na ang pamahalaang ito.


Ang patungkol sa karapatan at kalusugan ng kababaihan kasama ang kanilang reproductive health ay nasa loob na ng RA 9710 o ang Magna Carta of Women na naipasa na ilang taon na ang nakakaraan. Ang RA 9262 naman o ang Anti-Violence on Women and their Child Law ay pasok din sa karapatan ng kababaihan at kabataan laban sa pang-aabuso. Ang RA 6615 naman ay batas na nag-uutos na mag-extend ng medical assistance sa mga emergency cases sa kahit sinong tao ang mga pribado at publikong ospital (kung nabasa nyo yung bill, alam nyo na kung alin dito yung redundant part din. Tama, yung mga babaeng nag-undergo sa abortion na nagkaroon ng komplikasyon, pasok na sila sa bill na ito. And yes, may term na “abortion” sa RH bill). Meron na rin tayong PD 965 na nag-uutos sa mga ikakasal na dapat mag-undergo sila ng Family Planning seminar. May RA 8504 na tinatawag na Philippine AIDS Prevention Act din (the title explains itself). Para sa mga murang gamot naman ay may RA 9502.  Meron ding Executive Order 452 na para sa mabuti at libreng serbisyo para sa mga indigent families.
 

At ilan lang po yan sa mga batas na meron na po tayo (at marahil ay dapat ipatupad pa ng maayos) na naglalaman na ng halos lahat ng probisyon (maliban sa isa) na nasa RH Bill. Hindi na po marahil kailangan pa ng RH bill at DAGDAG NA PONDO para sa bagong batas para ipatupad ang mga yan.



At kung nagtatanong po kayo kung ano yung isang provision na hindi nilalaman ng ibang batas pero matatagpuan sa RH bill, ayun po ay ang PROVISION na ang gobyerno ay MAGPOPONDO para sa contraceptives na siyang ipapamigay sa mga tao. Ang sinasabing pondo na gagamitin sa RH Bill ay naglalaro sa pagitan ng 3-14 Billion Pesos at marahil ay ilang bahagi nito ang mapupunta sa pagbili ng mga contraceptives. Ang tax na pinaghihirapan ng mamamayan na nagkukulang na para sagutin ang ilang mas matindi nating pangangailangan ay babawasan pa para ipambili ng condom, pills, IUD at kung ano ano pa.



Patungkol naman sa “maternal deaths” na dapat ay talagang maiwasan na sa panahong ito, ang statistika na ibinibinigay ng mga supporters ng RH Bill na “11 deaths per day” ay outdated na po at noong 90s pa nagmula ang datos na ito. Sa paglipas ng panahon at pagusbong ng kaalaman at teknolohiya, malaki na po ang ibinaba ng maternal death rate sa bansa ayon na rin sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB). 


Maging sa World Health Organization (WHO) report nito lang 2010  ay nagsasabing malaki na ang binaba ng maternal death rates ng bansa at higit na mas malaki pa ang binaba kumpara sa ilang bansang progresibo gaya ng Russia, Hungary, Malaysia, Germany at Israel.
 At kung nanaisin lang natin na talagang bumaba, bakit hindi natin tanungin ang isang midwife sa Sagada, Mountain Province na isa sa pinakaliblib na lugar sa Pilipinas. Hindi ganoon kaprogresibo ang kanilang lugar maging ang kanyang pamamaraan pero nagawa niyang  maging kasangkapan para sa “Zero Maternal Deaths” at “Low Infant Mortality Rate” sa area na pinagtrabahuhan niya? Dahil dito ginawaran pa siya ng award ng United Nations. Pondo? Teknolohiya? Wala sila nun. Pero ang meron sila ay disiplina at dedikasyon para magawan nang paraan ang suliraning ito.


2.        We are overpopulated and continuously growing exponentially. And in a few years, our country will not be able to carry the whole population and our people will starve due to complete lack of resources.


-- Nakakatakot po talaga kung titingnan natin ang datos ng pag-akyat ng bilang ng populasyon ng Pilipinas.  Nasa 100 Million na tayo mahigit ngayon. Parang nung highschool more than 10yrs ago ay nasa 55 Million lang at ngayon ay doble na. Sabi ng iba ay baka sa 2020 daw ay di na tayo halos magkasya sa bansa.

Pero bakit parang sa Maynila at ilang mga urban na lugar lamang natin nakikita ang siksikang tao? Bakit sa mga karatig lugar at probinsya na lang ay tila maluluwag at malalaki pa ang lupa? At bakit marami pa ring mga bayan sa ating bansa na kokonti lang naman ang populasyon at may naglalakihang mga lupain ay naghihirap pa rin? Hindi kaya korapsyon ang dapat na bawasan?


Parang sa MRT lang


Isa pa, totoo bang walang hanggan na ang paglobo ng populasyon natin? Subukan nating tingnan ang Total Fertility Rate. Ayon sa datos ng NSO, ang Total Fertility Rate ng bansa ay bumaba na ng todo kumpara noong 1960s sa value na 7 at ang value ay bumaba ng lampas kalahati na sa value na 3.1 noong 2008. At sa rate ng pagbaba ng TFR ng bansa ngayon, kahit wala pang RH bill ay tinatayang aabot ito sa value na 2.2 to 2.4 sa taong 2025. Dahil na rin ito sa pagbabago ng pamumuhay at kaalaman ng tao sa bansa.  Ayon na rin sa pag-aaral, ang value po ng TFR na kailangang ma-maintain o mataasan ng isang bansa para ang kasalukuyang populasyon ay mapalitan ang kanilang bilang sa susunod na henerasyon ay 2.3. 


Pero sabi naman ng iba, kahit pababa ang TFR natin ay bakit pataas pa rin ng pataas ang bilang ng populasyon? Ang sagot po ay ang initial momentum na dulot ng mataas na TFR noong 60s and 70s.Kumbaga, nakapondo na tayo. Kahit pa bumaba ang fertility rate ngayon, hindi ito basta basta magdedecline agad. Gradual ito. Ang tingnan  natin ay ang rate ng growth hanggang umabot sa saturation point by the year 2040s.   


Kung di pa rin maintindihan, ihalintulad natin ito sa isang kotse. Sa kanyang initial acceleration, binigyan siya ng malakas na power para tumakbo ng matulin at makatakbo ng malayong distansya.  Habang umaandar palayo, binababa paunti unti ng driver ang puwersa para bumaba ang speed. Pero habang pinapababa niya ang speed, tatakbo pa rin palayo ang kotse dahil na rin sa initial force.  At habang binibitawan ng driver ang gas, didiretso pa rin ang takbo ng kotse papalayo dahil sa nga sa initial force. At hanggang umabot ito sa distansya na kayang itulak ng pang-unang puwersa ang kotse, dun lang ito hihinto sa pag-andar. Ngayon, palitan natin yung force ng TFR, at yung distance naman yung population growth. Yan po ang dahilan kaya kahit pababa ang TFR ay tumataas pa rin ang populasyon.


Maraming bansa na rin ngayon na may TFR na mas mababa sa 2.3 at ang kanilang bansa ngayon ay nammroblema dahil sa population decline at aging (tulad ng Japan, Russia, Germany, Slovenia, atbp). Ito yung tinatawag na demographic winter na kung saan, tumanda ang kanilang populasyon nang hindi dumadami at naubusan na sila ng mga “manpower” para patakbuhin at palaguin pa ang kanilang ekonomiya. Dahil dito, ang kanilang gobyerno ay gumawa ng mga batas para “i-encourage” ang kanilang mamamayan  na mag-anak. Binibigyan nila ng benepisyong dagdag para magparami ang mga tao. Ang mga bansang ito ay progresibo na. Paano kung sa atin mangyari ito at mapabilis ng RH Bill na ibaba ang ating TFR na bumababa naman naturally? Pinagmamalaki ng gobyernong ito ang pagangat ng ekonomiya at ito ay napapansin na nga ng ibang bansa. Hindi ba kaya umaangat ang ekonomiya natin dahil angating mamamayan ang sumasalo ng trabaho sa mga bansang ito na nagkukulang ng manpower sa pamamagitan ng OFWs at BPO sa bansa? Ito ang ating bentahe sa kanila ngayon. At aalisin ba natin?


3.        The people have the right to informed choice. People must choose for themselves.


--  Naniniwala ako na dapat talaga,alam ng bawat isa sa atin ang pagpipilian at may karapatan tayo na pumili ng nararapat para sa ating mga sarili. Kaya nga may mga batas nang naipatupad tulad ng nabanggit sa number 1. Marami na ring mga palabas sa tv na ito ang tinuturo.  Ilang NGOs na rin na ito ang adbokasya.


Kung titingnan din natin ang mga diskusyon patungkol sa batas na ito, libo libo o milyon milyon pa siguro na mga Pilipino ang nagdidiskusyon patungkol sa RH Bill. Dito ay makikita natin na marami na talaga ang “INFORMED” kahit wala pang RH bill. At yung choice, matagal nang meron din ang bawat isa dahil wala naming batas na pumipigil sa tao na gumamit ng contraceptives. Pero sa oras na maipasa ang batas, ke ayaw ng isang tao na gumamit ng contraceptive o hindi, labag man sa kagustuhan o paniniwala niya, gagamitin ang kanyang buwis para ipampondo sa contraceptives at mabibigyan siya ng mga ito sa ayaw niya o sa gusto.  Sa huli, mas mawawalan pa nga tayo ng choice sa oras na maisabatas ang RH Bill.


4.        Contraceptives must be accessible for the people and they must have the rights to use it.


-       Tulad ng nabanggit sa number 1, may mga batas nang patungkol sa Family Planning. Kaya nga may mga health centers nang nagpprovide ng family planning seminars and consultations at nagbibigay din ng mga free contraceptives ang ilan dito. At kung accessibility lang din ang paguusapan, pumunta lang sa pinakamalapit na convenience store at makakabili na ng ilan sa mga ito.


At sa may mga gustong gumamit nito, wala naman talagang batas na nagpipigil ng paggamit nito. Gamitin nila kung gusto nila lalo’t kung hindi ito labag sa kanilang paniniwala.  Pero sana naman eh bumili sila ng sarili nila. At kung wala silang pambili, magpigil pigil naman sana sila. Huwag naman sanang asahan na sasagutin pa ito ng gobyerno para sa kanila.  Wag rin nilang i-asa na galing pa sa bulsa ng mga taong labag ang kalooban at sa kanilang paniniwala ang paggamit ang pambili nila ng contraceptives. Kung ito ang pagkagastusan ng gobyerno ng ilang bilyon habang nagrarally ang maraming estudyante na nananawagan ng dagdag na pondo sa edukasyon, habang kulang ang pondo sa programang pag agrikultura, habang kulang ang pambili natin ng gamit at armas ng AFP, hindi kaya dapat isantabi ang pagprioritize sa budget para sa mga contraceptives?

Hindi ito make-up kit.


5.        RH Bill prevents abortion.


          --     Maraming debate patungkol dito, kung kelan nagsisimula ang buhay. Depende kung saang side ka nanggagaling kung alin paniniwalaan mo.  Kung sa fertilization nga ba nagsisimula ang buhay o sa implantation.

Ganito na lang siguro. Karamihan kasi sa mga pills, ay may mga actions na ginagawa sa loob ng matris ng ating mga kababaihan. 2 ang pineprevent nito, una ay ang mafertilized ang egg, pangalawa ay panipisin ang wall o kaya ay mag-secrete ng maraming mucus para ang fertilized egg ay hindi kumapit o kaya ay humina ang kapit hanggang sa tuluyang mawala ang fertilized egg.

Sa akin kung ako ang tatanungin, yung fertilized na egg ay isang nilalang nang may buhay. Kung sa iba ay hindi, nasa paniniwala naman nila yun. Pero yung ikalawang aksyon ng pills na iniiwasang kumapit o pinapahina ang kapit ng fertilized egg, ito na yung ABORTIFACIENT character na tinatawag dun sa mga pills. Maaaring sabihin ng iba na “hindi pa naman kumapit”, pero paano yung nakakapit pero mahina lang kaya tuluyan rin nahulog pagkatapos? So hindi tayo sigurado kung anong “aksyon” ang nangyari sa loob. Lumalabas na hindi tayo sure kung may bata ba tayong napatay o wala. Hindi dapat sinusugal ang buhay kahit kelan.



Labas naman sa technical na usapan ay sa usapin ng psychology.  Ang konsepto ng “contraceptive” ay laging karugtong ng “abortion”. Hindi ba’t kaya ginagamit ang contraceptive ay para mapigilan ang “unwanted pregnancies”? Halos lahat ng mga contraceptive ngayon sa merkado ay walang 100% assurance na makakaiwas ng pagbubuntis. Sakaling matyempuhan ang isang babae na pumalpak ang contraceptive, ang resulta nito ay “unwanted pregnancy” pa rin, at dahil unwanted, may ilan pa rin na magtatangka na ipa-abort ito. Patunay ito sa resulta sa mga bansang may batas nang tulad ng RH Bill ay karamihan sa kanila ang sabay na pagtaas ng paggamit ng contraceptive at pagtaas ng bilang ng abortion tulad ng US, Cuba, Sweden, Denmark, Singapore, South Korea atbp.  

Maaaring sabihin naman na kahit illegal ang abortion sa Pilipinas ay may gumagawa pa rin. Ganon din naman ang pagpatay, pagnanakaw at kung ano ano pang krimen. Pero tulad ng isang nagpaabort, ang isang magnanakaw pag nabaril, karapatan pa rin niya na maipagamot siya bago siya maparusahan sa krimeng kanyang ginawa. 



6.        RH Bill is needed to prevent further spread of HIV, AIDS and other STDs.

--  Tulad sa number 1, may batas na po tayo na nakatutok po specific sa bagay na ito. Ang RA 8504 or ang "Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998." ang komprehensibong batas na ginawa para mabawasan at maibaba ang bilang mga taong nagkakaroon ng sakit na ito. Lahat ng provisions na patungkol sa AIDS/HIV na nasa RH Bill ay nakapaloob na ditto at mas marami at mas kumpleto pa. Kailangan na lang sigurong ipatupad ng mas maayos o kung gusto man nilang repasuhin ay puede naman kung gugustuhin nila.

7.        Catholic Church opposition is the only argument that anti-RH people have.

--  Ayon na rin sa mga nabanggit sa taas, hindi lang ang aral ng Simbahan ang batayan ng paglaban sa RH Bill, mas marami pa nga ang secular, scientific, constitutional at logical na mga dahilan para hindi ito maisabatas. Kadalasan, pag may RH bill na topic, kahit hindi nababanggit ang Simbahan ay makikita sa mga komento ang salitang “bishops, catholic, church, pari,pope” tapos may katabing mga salitang “damaso,pajero, bigot, hypocrite, makitid” at iba iba pang masasamang salita kahit wala naman sa istorya yung simbahan.

Ito ay marahil na rin sa ang Simbahang Katoliko ang pinakavocal na lumalaban sa RH bill at sa kabila naman, ang Simbahan rin ang nakikita nilang pinakamalaking hadlang at ito rin ang pinaka madaling gawing “poster boy” para kumampi ang mga tao sa RH Bill. Alam naman natin na marami rin ang galit sa Simbahan.

Pero sa kabila nito, hindi matatawaran ang dami ng mga tao at secular groups na laban sa RH Bill. Pero ito ay kadalasang isinasantabi ng mga proponents ng bill at ang patuloy lang na sinasagot nila ay ang mga argumento ng Simbahan. Don’t get me wrong. I stand and I believe in the Church’s side on this matter. But of course, pag argumentong pang Simbahan lang ang pinagusapan, mae-alienate ang mga hindi katoliko at maaaring magbunga ito ng hindi pagkakaunawa sa tunay na nilalaman ng RH Bill sa kanila at maaaring magbunga pa ng pagkampi nila sa panukalang ito sa dahilang ayaw lang nila sa anumang bagay na may relasyon sa Simbahang Katoliko.

Kitang kita sa tarpauline. (photo credit: http://www.church.nfo.ph/)


8.        RH Bill will make people responsible, become good parents and make their lives better.


--  Sa dinami dami ng magagandang provisions na nasa loob ng RH Bill kung ito ay ating babasahin, talaga nga sigurong maganda ang magiging bunga ng mga ito. Yun nga lang, dahil nga naulit lang sa ibang batas ang laman nito at mas kumpleto pa sa iba tulad ng nabanggit sa number 1, hindi na kailangan pang isabatas ang naisabatas na.

At tulad ng nabanggit na rin sa number 3, matalino na ang mga Pilipino ngayon. Sigurado ako na magtanong ka kahit kanino kung gusto ba nila na mag-anak ng marami, ang isasagot ay hindi dahil mahirap ang buhay. Pero meron pa rin namang mga pamilya na malalaki at nagdadaan sa hirap ngayon. Marami akong kakilala. Makakatulong ba sa kanila ang RH Bill para umangat sa buhay? Malaki na ang pamilya nila eh, ang kailangan nila ngayon ay trabaho at edukasyon, hindi na condom.

Yung mga anak nila ang dapat nating alagaan. Bigyan ng tamang edukasyon para maging responsableng mamamayan. Hindi sex education ang sagot para maging responsable sila sa buhay. Ilan ba sa atin (lalo na sa mga magbabasa nito) ang dumaan sa formal sex education? Malamang ay konti lang o wala. Kahit ako hindi e. Pero alam ko naman kung paano maging responsable at ganoon ka rin na bumabasa ng article na ito. Pareho lang tayo, dahil nakapag aral tayo, dahil nagabayan tayo ng magulang natin ng maayos, alam natin kung ano ang tama at mali. Responsible Parenthood bill? Walang pinagkaiba yan sa RH Bill kung babasahin. Title lang po halos ang binago at ilang mga pagbabago sa ilang probisyon.  
  
Isa pa, hindi lang naman sa mahihirap ang nagkakaroon ng mga iresponsableng mga tao pagdating sa usaping sekswalidad. Maging sa mga alta-sosyedad, mga pulitiko o mga professional na tao ay nagkakaroon din ng problemang ganito.  Pero sigurado po ako na ang isang taong may laman ang tyan at may laman ang utak ay mas makakapag isip at makakakilos ng tama bilang isang mabuting mamamayan kesa sa isang taong gutom at mangmang.


Kaya ako po ay nagpapasalamat sa mga pro-RH bill people lalo na kayong may tapat at may busilak na hangarin sa pagsuporta sa panukalang ito. KAYO po ang aking PATUNAY sa buod ng aking isinulat sa itaas. Dahil kayo po mismo na hindi nakaranas ng RH Bill ay alam kung ano kabutihan ng pagpplano sa buhay. Alam ninyo kung paano maging responsableng magulang at paano maging isang responsableng mamamayan.  Kayo po ang patunay na ang RH BILL ay isang panukalang HINDI NA NATIN KAILANGAN para mapabuti ang kaisipan at kalagayan ng ating mga mamamayan. Ang kailangan natin ay edukasyon at disiplina. Salamat at mabuhay po tayong lahat. 

-- No to RH Bill





LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...