Showing posts with label politics. Show all posts
Showing posts with label politics. Show all posts

Friday, August 19, 2016

Us vs Them

The "us vs them" tactic has been one of the oldest plays in the book yet it still is so effective until today. A lot of us engage in politics yet we seemed aren't coping that we keep letting our guards down and pinning all our hopes to individuals forgetting that most of our leaders are cut from the same mold and gone thru the same system.
Their characters though matter and it is what makes some do better than the others. But better not hold your breath from thinking that someone would be the savior that you've been waiting for.
Let them do their jobs. We already gave them our votes. It's their job to deliver. They have the power and machinery to defend themselves. It's not your job to do that for them. It's not about you or your vote anymore. It's not about the rich against the poor nor the literates against the less knowledgeable. It's not about one party against another party, not one camp against one camp, nor one politician against another one as these things should just happen for a day and that's during the election. But for the rest of our lives, it's us the people against anyone who would deny what is rightly ours. That's where the real "us vs them" should fall into play.

Friday, December 4, 2015

Digong Duterte and Lebron James

Duterte's presidential ambition is comparable to Lebron James' campaign on being the NBA's Greatest of all Time. Both of them have the right skills, experiences, talents and capabilities to reach their respective summits. While the public's perception of their blunders, antics and character are their weaknesses. 




But the biggest hurdle for both is not themselves but their not so few fanatics who arrogantly think that their idols can do no wrong. They would even twist the obvious lapses to make it look that these are their heroes' assets. They do it to the point of pushing away people who don't feel indifferent from them in the first place. They know no tolerance nor respect. But somehow I understand their feelings of being oppressed with how the media portray their idols. But the problem is the more they open their mouths, the more they get dragged down.

I have a Lebron jersey given by a friend who knew how I liked this player very much during his younger years. For the record, I am also for a federalism and disciplinarian type of government which Duterte is advocating that I'm a vocal ChaCha supporter. But still I have a lot of things to disagree about their games and character. But I don't hate LBJ and Digong. I don't even think they are like what most people think they knew about them. I just don't see them inspiring that much good vibes which are expected from people like them. Compare them to the current considered GOATs,  Michael Jordan and the likes of Magsaysay, Quezon and other admired state leaders. 

I was once unfriended by an LBJ fan just because of disagreeing in a social media discussion about who's the better baller now between Curry and James.  And then there some Digong fans who were friends (not sure if they still see me as one) seem not to care if they hurt people by blurting expletives and insults towards people who simply aren't supporting him. And it is unique with Digong's candidacy that he and some of his supporters are vocal in pushing for obviously unlawful things like extra judicial killings, threatening freedom of religion and freedom of speech, etc.  Most of those who think these are good things are young people. Then who will tell those kids who idolize him that these things are wrong? 



And no, I aint a kobe fantard nor an undisciplined corrupt candidate supporter, both of which are the kneejerk tag to non-LBJ and non-digong supporters respectively. I dont have a presidentiable in mind yet and I'm a big Spurs fan by the way.

We all agree that leadership means action. I admire Digong and LBJ's accomplishments. They are probably one of the best in their fields. But leadership is not just about what you do but also of how you bring out the best from your people. We can't just ignore this detail because a leader can only do so much to change a lot of things and his followers are responsible for a bigger chunk. I am not saying that they are bad examples over all. But based on how a big number of their followers act towards other people in their defense, many can say that they aren't also good ones. And the challenge is for them to prove us that it is wrong. 

But for sure, some will get angry and will approach this post angrily as a "blasphemy" against their idols. Reasoning, anyone? But I hope, this isn't the case for everybody.

Wednesday, February 18, 2015

Putting Politics of Personality in Place

One reason why we can't move on as a country comes with our penchant of following the politics of personality. It's like tagging our selves as a kapuso or a kapamilya. Whether the show they are showing you is trash or not is out of the question. If it's from the network you love, you'll defend it with your life.

Same in politics. We vote for our leaders. We suppose to choose leaders based on platforms and ideals. But the reality is with the way we elect, there are no platforms needed. Only personalities. If the person has charisma and likable, that person will be voted. And once elected, without clear platforms, he'll do and say things that people will just believe on everything he says. They won't question his decisions and actions. It may have a negative impact but people will put it aside by saying, we're better off with this person compared to his predecessors or his possible next in line. And if someone criticizes that leader, you will be tagged as anti-government, anti-admin or a supporter of someone corrupt. Or that you are paid to do that. 

And even if it's the action of that person you are criticizing, you will still be tagged the same way when you are criticizing the person. This is where the problem becomes obvious. For many, they are not able to separate persons from actions. No one's perfect they say. True. Then if that's the case, how could you think that the person you are supporting can't make wrong decisions if you believe he's not perfect? Accountability. Have you heard of it? That's where leadership lies upon. If there's none, then there's no leadership.  Let's start discussing the issues isolated from the personalities from now on. Make these things the talking points in choosing our next leaders.

PPPP - Putting politics of personality in place. Let's do it now.

Tuesday, July 29, 2014

SONApakinggan Mo Ba?



Hindi ko pinanood o pinakinggan ang SONA. Bakit? Dahil sa aking palagay ay tinututukan ko naman ang pangulo natin sa mga nangyayari sa kanya (o binabalita sa kanya) na para ko na rin siyang na ma-micro manage. Hindi ko na siguro kailangan pa ng summary. Pero syempre, depende pa rin sa balita yun. Di tayo sigurado kung tama o kumpleto. Pero ganon din naman ang SONA. Ok. Sige, tama na ang palusot. Pero babasahin ko ang transcripts nito bukas. 

Pero bago ko ito basahin, napupuna ko naman na kung ang tema man ng SONA ng pangulo ay nauulit, ganon din naman ang tema ng komento ng mga tao patungkol sa mga bumabatikos sa report at performance ng pangulo. Tila ba andali na lang nating iwaglit ang mga kritisismo. Dahil ba ito sa tingin nila ay napakahusay ng kanyang mga ginagawa? O kaya naman ay dahil napapagod na lang din sila sa pagbabatikos ng iba? 

Kung ano man ang rason, gumawa na lang ako ng sagot sa ilan sa paulit ulit ko na ring nababasang reklamo patungkol sa mga nagrereklamo. At hindi naman ako nagrereklamo, nagpapaliwanag lang.



1. Sino man ang nakaupong presidente, nasa yo pa rin yan kung aasenso ka. Kung tamad ka, wala ring mangyayari. 

- Tama naman.  Ikaw masuwerte ka at nakaahon ka sa sariling sikap na di masyadong umaasa sa gobyerno. Pero aminin na natin, maraming bagay ang kontrolado pa rin ng gobyerno at sila lang ang makakagawa ng paraan para kahit papano ay gawing patas ang laban lalo na para sa mga maliliit nating kababayan. Paano yung nangangailangan talaga ng direktang suporta ng gobyerno? Yung mga nasalanta ng Yolanda? Ng lindol sa Bicol?  Yung magpa-hanggang ngayon ay mga wala pa ring matitinong kalsada, eskwelahan, ospital, kuryente o malinis na tubig sa maraming lugar sa Pilipinas? Kaya mo rin bang sabihin sa kanila na nasa kanila naman yun? Masuwerte ka, at ako na rin, kasi kaya nating lumaban kahit di masyado suportahan ng gobyerno. E sila?

 
Kaya mo bang sabihin sa kanila yan ng harapan?


2. Kung iimpeach natin siya, sino ipapalit? Si ano? Si ganyan? Ano mangyayari sa Pilipinas pag sila na naupo?


- O siya, ako man ay hindi ko rin alam o masasabi kung tama ba talagang iimpeach ang pangulo o hindi. Hindi ako abogado para sabihing maiimpeach ang pangulo dahil sa nangyari sa DAP o PDAF o kung ano pa. Pero yung kaisipan na siya lang ang may kakayahang maging lider sa ngayong 100 Milyong populasyon nang Pilipino, minamaliit ba natin ang kakayahan ng lahat sa atin? Saka sino ba bumoto dun sa kung sakaling papalit sa kanya, di ba karamihan din naman ng nasa tin? Oo, puedeng hindi ikaw yun. Pero yan din kasi ang mindset na nagluklok sa karamihan sa kanila. Yung kesa si ganito ang manalo, iba na lang ang iboboto kahit di naman yun ang talagang gusto. Nagpadala lang sa agos ng “survey”.


3. Puro na lang tayo batikos. Di na lang tayo matuwa. 


- Pano mo nalaman?  Hindi mo lang siguro naririnig na nagpupuri din naman sa mabuting gawa ng gobyerno ang ibang tao. Pero kahit pa siguro puro batikos ang ginagawa ng ilan, dapat hindi sa nagbabatikos ilagay ang puna mo. Ganon din e, bumabatikos siya, binabatikos mo ang pagbatikos nya. Ang tingnan na lang natin ay ang bottom line. Bumaba ba ang mga presyo ng bilihin? Umayos ba ang kalakaran ng transportasyon? Gumanda ba ang kalakaran sa mga ahensya ng gobyerno? Naayos ba ang mga imprastraktura? Naging mas handa na ba tayo sa mga sakuna at kalamidad? Kung ang sagot ay hindi, ang tanong dapat ay bakit. Hindi “bakit puro na lang tayo reklamo?”.


4. So gusto nyong kampihan si ganito at si ganyan? Obvious naman na corrupt sila. Sumusuporta ka sa corrupt?


- Hindi porke pareho kayo ng punto sa isang bagay, ang ibig sabihin na nun e sang-ayon na rin kayo sa lahat ng bagay. Nanay mo nga o asawa o kapatid mo, nagtatalo pa kayo sa maraming mga bagay bagay kahit kapamilya mo na eh, yung sa mga tao sa pulitika pa kaya? Ang problema kasi nagsisimula pag nilagyan mo na ng “kulay” yung posisyon mo na tipong pag di ka namin kapareho e ibig sabihin agad nasa kabila ka. Imbes  magkaisa tayo sa pagtuligsa sa lahat ng mali sa lipunan, mas nangigibabaw pa ang panatisismo. Hindi mo rin naman kailangang sang-ayunan ang lahat sa isang tao para sabihin mong sa malinis ka sumusuporta. Ang katapatan, dapat nasa bansa, hindi nasa mga personalidad.  May sarili kang isip, gamitin mo ng maayos at tama. 

Pick one and be an 'instant' supporter/advocate




Mamaya, babasahin ko na ang nilalaman ng SONA. Siguro magcocomment din ako at magbibigay ng opinyon. Kung tingin ko ba eh maganda ang ginawa ng pangulo o hindi. Kung nakatulong ba talaga sa ekonomiya at estado ng bansa ang mga naging proyekto nya. Tingnan natin. O baka hindi rin ako magpost. Depende siguro kung hindi matatapatan ng rotating brownout.

Full SONA Transcript

Monday, May 5, 2014

Philippines Holds World Record in Recycling



Nakakadiri ang amoy ng patay na daga. Mas nakakadiri kung mahahawakan mo. Pero nangyari na sa kin yun. Di pa naman bulok yung daga. Sariwa pa nga pero wala na nga lang ulo. Yung pusa kasi naming alaga noon ay magaling manghuli ng daga. Naghahanap kasi ako ng kahoy na pangsara sa bintana namin dati. Maliit lang yun na cube na iniipit sa ilalim ng bintana para lang hindi mabuksan pag galing sa labas. Pagsilip ko, akala ko yung naaaninag ko na maliit na bagay sa ilalim ng sofa ay yung kahoy na pansara. Paghawak ko, basa. Pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo. At nang sinundot ko ng walis yung maliit na bagay na yun, patay na daga pala. Masuka suka ko halos sa nangyari. Pero good job sa pusa namin. Naubos ko din ang alcohol namin at naka ilang ulit akong nagsabon sa paghuhugas  ng kamay ko.





Paglabas naman ng bahay, marami ding nakakadiri na di na lang natin pinapansin halos. O dahil nakasanayan na rin natin. Mabahong ilog at mga kanal na may naglulutangang kung ano ano. Mga baradong drainage. Kalsadang puro tambakan ng basura. Karaniwan nang makikita ang mga ito sa maraming lugar sa Pilipinas. Problema na nga natin ang basura. Hindi na halos natin alam kung pano pa aayusin. Sabi ng marami ay disiplina ang kailangan. Sana nga lahat ay naiintindihan ito. Tinuturo naman sa eskwela yun  sa mga bata pa lang na ang basura ay dapat tinatapon sa basurahan. Pero siguro, ang problema na rin minsan e pagkatapos itapon sa basurahan, di na alam kung ano gagawin. Problema kung saan itatambak ang nakolekta. O kaya e walang nangongolekta. At madalas na sinasabi dyang solusyon ay pagre-recycle. Marami daw kasi sa tinatapon natin ay puede pang gamitin. Mapapakinabangan pa at di pa dapat isama sa tapunan.

Magaling naman ang mga Pilipino pagdating dyan. Kung recycle lang ang paguusapan, eksperto na tayo dyan eh. Yung mga luma na at minsan ay patapon na, pinapakinabangan pa rin natin. Tuwing eleksyon na lang ay nananalo at nananalo ang mga dati nang pulitiko.  Hindi naman masama na manalo ang dati nang nanalo lalo na kung ok ang track record.  Kaso mo, parang nagging hobby na natin na paulit ulit na lang ang nananalo at ayaw nating sumubok ng bago kahit di naman kagandahan ang mga ginagawa. Kahit nga kaapelyido lang nung dating pulitiko, kahit walang track record, iuupo natin eh. 




At sa showbiz, ilang beses na ba tayo nakapanood ng mga nirecycle na telenovela o pelikula? Kung hindi yung buo, e kahit yung plot lang ba? Yung paulit ulit na kwento na alam mo na lagi kung ano ang mangyayari? Pagdating sa music, mas marami na ngayon ang revival at cover. Konti na lang ang orig. Buti sana ay irerecycle nila mismo yung artists na kinakasabikan nating makita uli. Kaso mo, hindi at yung iba na kakanta ay di pa mabigyan ng magandang justification.

Pati sa mga isyu at problema ng bansa, mula sa korapsyon, mga aksidente, mga krimen hanggang sa mga pinsalang dinudulot ng mga kalamidad, wala tayong kasawa sawa na mag ulit-ulit ang mga pangyayari. Nangyari na, pero di pa rin tayo natututo. Ganon pa rin ang gawin natin at maaalala na lang nating gawin ang dapat na paghahanda pag nangyari uli. At  makalipas ang ilang araw, malilimutan na uli. Gusto natin, recycle uli ang balita sa susunod na mga taon.


Napakahusay ng Pilipino pagdating sa pagrerecycle. Ang galing nating umulit ng mga bagay na kahit basura na, hinahayaan nating umulit na lang ng umulit. Lahat na lang halos ng bagay, nirerecycle na natin. Kulang na lang talaga yung sa basura.

Monday, May 20, 2013

Marumi, Makalat at Nakakasawa? Sinong Kawawa?

Habang pinagtatawanan at pinagkikibit-balikat natin ang mga kandidatong sumisigaw ng "pandaraya", at di natin pinapansin ang ilang grupo na nagsasagawa ng sariling imbestigasyon sa mga iregularidad sa halalan at tinatanggap na natin na buong katotohanan ang kasabihang sa Pilipinas ay walang kandidatong natatalo kundi meron lang nadadaya, hindi natin maaalis ang katotohanang marami ang dumanak na dugo ng ilang tao na napatay ng dahil sa pulitika, na ilang mga tao sa paligid natin ang alam nating tumanggap ng pera para sa boto, ilang mga black propaganda na tayo mismo ang nakatanggap at nakabasa at ginagawa tayong tanga para isiping paniniwalaan natin ang bawat isa doon. Na pinaniwalaan naman din nga ng iba.




From a Facebook post.

Hindi kaya ang "pagkasawa" ng tao sa usapang dayaan sa eleksyon ay pakana rin ng iba na maumay na tayo at di na lang pansinin at tanggapin na lang kung ano ang resulta? Resulta na hindi lang patungkol sa mga bilang kundi maging ng kalat na iniiwan ng kada halalang natatapos. Kalat ng mga tarpaulins at posters. Kalat ng maruruming salitang binato ng isang kandidato laban sa kanyang kalaban. Kalat ng hidwaan at pagkabahabahagi ng mga mamamayan dulot ng pagsuporta sa kani kanilang mga kandidato. At kalat kalat na karahasan, bahid ng dugo dulot ng kaswapangan sa kapangyarihan.  Kalat ng kawalang tiwala ng mamamayan sa sistema ng eleksyon. Makalat. Marumi.




From another Facebook post.



Pero sawa na nga ata ang tao. Kaya hayaan na lang daw. Ganon din naman daw ang mangyayari. At tayo tayo din naman ang kasali rito. Kaya sino pa ang aasahan nating mag-aayos? Ah, kawawa ang mga susunod pang henerasyon. Palala ng palala. Kawawa ang mga bata.  Dahil lang sa ating "pagkaumay at pagkasawa", pamamana na lang natin sa kanila kung ano ang sistema.  Sa anak ko, sana ay wag mong ikagagalit ito sa aming mga naunang henerasyon balang araw. Sana rin ay sa panahon mo at ng mga susunod pa ay wala nang dugong dadanak, wala ng maruruming paggamit ng  pera, wala na ang walang kapararakang siraan. Pero tama ka, paanong mangyayari kung wala kaming gagawin. Pasensya ka na. 

Thursday, May 16, 2013

Wanted: “Dirtiest” Subject in School Curriculum


Sex education? Hindi. Hindi naman marumi ang sex. Nagiging marumi lang yan pag di ginagawa sa tamang paraan. At hindi rin ito ang gusto kong pag-usapan natin dito. Sa ngayon ay nasa debate pa rin sa Supreme Court kung ii-implement na ba ang RH kasama ang lahat ng nilalaman nito. At isa na nga rito ang Sex Education dahil sa paniniwala ng iba na kailangan ito ng mga Pilipino lalo ng mga kabataan para maging handa. Kaya para daw alam nila ang gagawin para hindi mabuntis ng maaga, pag uusapan ng mga estudyante kasama ng kanilang guro ang sex sa loob ng paaralan. Alam mo sigurong di ako sang-ayondito kung matagal ka nang bumibisita sa blog ko. At puedeng di ka rin naman sumang-ayon sa akin. Pero malamang ay umagree ka sa susunod kong sasabihin.

Mandatory Politics Education mula 2nd year hanggang sa senior year ng high school. Marami sa Pilipino ngayon ang di na nakakaabot ng college. Wala rin akong statistics kung ano ang average level na inaabot ng isang Pilipino sa pag-aaral pero sa tingin ko ay sapat nang simulan sa 2nd year high school ang pag-aaral patungkol sa pulitika at pagpapatakbo ng gobyerno. Sakto na para sa paghahanda nila sa unang pagboto pagtuntong ng edad disiotso kahit pa hindi nila matapos ang high school. Kahit papano ay magkakabackground na sila.




Ang magiging laman ng subject ay patungkol sa functions ng bawat posisyon sa gobyerno mula sa Brgy. Captain hanggang sa Pangulo ng Pilipinas.  Pag-uusapan din dito kung ano ang dapat na kakayahan ng mga taong kakandidato sa bawat posisyon. At paguusapan din ang mga mabubuti at mga di magandang nangyayari sa pulitika ng bansa. Korapsyon 101. At isasama rin dito ang pagtalakay sa responsibilidad na meron ang simpleng mamamayan.

Mainit ngayon ang usapan sa kakatapos lang na eleksyon ang kakulangan  raw sa kaalaman ng maraming botante. Marami raw ang mangmang at walang kakayahang magdesisyon at pumili ng tamang leaders ng bansa. May punto naman. Marami rin kasi talaga ang walang pakialam at pagdating ng eleksyon ay bahala na lang sa mga iboboto nilang kandidato. Kung sino na lang ang sikat at matandaan nila ay yun na lang. Wala rin naman daw kasi mangyayari.

Pero kung tutuusin, ang simpleng problemang ito ay puede namang solusyonan sa pamamagitan ng sistema ng ating edukasyon. Ipasok sa curriculum ng high school ang Politics Education. Kung gusto pa nila, pati sa College na rin ay maglagay pa ng additional unit patungkol dito. Tutal ay napakabigat namang responsibilidad nito na ginagawa natin kada tatlong taon. Mas mabigat at mas may importansya pa kesa  sa Sex Education na pinagpipilitan nilang ipasok at sinasabing kailangan para labanan ang kahirapan na kung tutuusin ay mas tama naman nating matutunan sa bahay. Pero ang patungkol sa pulitika, paniguradong hindi ito maidedetalye ng ating mga magulang sa atin. Depende na lang kung may background sila dito.



Andali lang namang solusyonan ng problema. Kaalaman ang problema kaya edukasyon ang sagot. Pero bakit wala pang nakakaisip? O baka may nakaisip na pero baka walang sumusuporta. E bakit nga, ikaw ba ay susuporta sa isang panukala na sya rin mismong magpapahinto sa palabigasan mo? Pero panigurado akong marami pa naman ang may magandang hangarin sa ating mga pulitiko. At tulad ng sex, hindi din naman talagang marumi ang pulitika. Pero kasi, pulitika sa Pilipinas ang pinag-uusapan natin.

Thursday, May 9, 2013

Kampanya Fairy Tales


“Sugod mga kapatid!”. Pag narinig natin ang mga salitang yan, ang pumapasok agad sa isip natin ay si Gat. Andres Bonifacio. Minsan ang bandang Sandwich pero madalas si Bonifacio talaga. Pero hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin kung ito ba talaga ang sinigaw ng ating magiting na bayani noong panahon ng Katipunan. Imagine, gyera at ang magiting at matapang nating bayani ay sisigaw ng “Sugod mga kapatid”. Machong macho sabay ang itatawag sa mga kasama sa gyera ay “kapatid”. Sabi nga ni Prof. Ambeth Ocampo, malamang lamang ay na-censored lang ang mga textbook sa mga eskwelahan at ang isinisigaw ni Bonifacio noon sa gyera ay ang mga salitang malutong na nagsisimula sa letter “P”


Etong astig na mamang ito ba ang mukhang sisigaw ng "Sugod mga kapatid"?


Pero malamang lamang, hindi lang puro “SUGOD” ang binabanggit ni Bonifacio noon. Dahil bago sila sumugod, pinagusapan muna nila ang plano ng kanilang pag-atake. Detalyado. Hindi basta sugod ng sugod. Tipong pagsigaw nya ng sugod, di na nila alam ang gagawin. Panigurado, deads silang lahat nun. Tulad ngayong eleksyon, dapat lang na ang bawat kandidato na nangangampanya ay hindi puro slogang walang laman lang ang binabanggit. Hindi puro big words.  Dapat ay may detalyadong plano kung paano nila gagawing posible ang lahat ng nilalaman ng plataporma nila. Hindi puro motherhood statements lang na masarap pakinggan. Hindi dapat fairy tales lang ang kampanya, tulad ng mga ito:





1. Pabababain ang mga Presyo - para bang may magic wand ang mga pulitiko na pag nanalo sila, dyaraaan! Mababa na ang presyo. Pero sino ba ang nagdidikta ng presyo? May kapangyarihan ba ang presidente, senador, congressman, gov, mayor, councilor, kapitan, kagawad, o kung sino pa para magpababa ng presyo ng isang negosyante? Ayun, ang negosyante pala ang may kontrol.

Pero syempre, hindi naman puedeng magbaba ng presyo basta basta ang mga businessmen dahil kailangan din nilang kumita at mabuhay kasama na ang mga empleyado nya na sumusueldo at nabubuhay din sa kanilang kinikita. At marami sa businessmen ang yumayaman din naman talaga at umaabot na nga sa estado na sila mismo ang nilalapitan ng ilang pulitiko para suportahan ang kanilang kandidatura. Alam naman nating lahat kung gano kalaki ang pondong kailangan para tumakbo at manalo ang isang kandidato. Kaya marami sa mga kandidato ang malaki ang utang na loob sa mga negosyante.

Kaya kung maniniwala tayo basta basta na mapapababa ng mga nangangako ang presyo ng bilihin pag nanalo sila, lalabas lang na uto uto tayo.  Hindi ganon kasimple ang pag papababa ng presyo. Unless gagawa sila ng batas para maghigpit sa biglang pagtaas ng mga presyo, paglaban sa monopolies, pagbibigay ng patas na karapatan at mas mabilis na proseso sa lahat ng gustong magtayo ng negosyo, siguradong hindi mangyayari ang pagbaba ng presyo. Pero kung ikaw ay isang mayamang negosyante, magpapasok ka ba ng pondo sa kandidatong magpapahina ng pagpasok ng kita sa yo? O kung ikaw naman ay pulitiko, maglalakas loob ka bang gumawa ng batas laban sa mga potensyal na magpopondo para sa kandidatura mo sa susunod na halalan?

2. Tatapusin ang kahirapan – Tinanong nyo ba sila kung paano? Ang sarap pakinggan ano. Pero ganito lang yun. Kung salita lang at wala silang konkretong plano kung pano ka iaahon sa kahirapan ng mga pulitiko, joke lang ang lahat ng yan. At kahit pa magaling ang nagpapatakbo ng gobyerno at tamad tamad ka naman, wala rin. Kaya pagdating dito ay magtutulungan tayo ng gobyerno. Hindi sila lang, hindi ikaw lang. Pero minsan ok lang kahit ikaw lang. Marami naman ang umaahon ng hindi umaasa sa tulong ng gobyerno. Pero mas ok sana kung may mga polisiya ang gobyerno na mas mapapadali ang buhay ng Pilipino para makaahon. At hindi kasama sa mga polisiyang ito ang CCT o conditional cash transfer. Wala pa sigurong nakaahon sa kahirapan sa kakarampot na pera na binibigay ng gobyerno sa ilang pamilya para lang mairaos ang kanilang pang-araw araw lang na gutom.

Abrakadabra, maging Forbes Park ka!


3. Magpaparami ng trabaho – Connected ito sa number one. Unless mag papalabas ng mga bagong polisiya na magpapaluwag ng buhay sa mga gustong mag negosyo foreigner man o pinoy para mas lumaganap din ang kompetisyon, malabong mangyari ito. Kung may maayos na kompetisyon, mas lalago ang mga negosyo at mag-gegenerate din ito ng mas maraming trabaho. Puede ding may mga malugi at magsara sa kompetisyon. Pero kahit ngayon naman meron na e. Pero marami rin sa mga nalulugi at nagsasara ngayon ay dahil na rin sa polisiya at patakaran ng gobyerno na naghihigpit masyado sa mga negosyante lalo na sa mga maliliit. Kaya mas hirap silang maka survive. Pero kung mas maluwag na polisiya, mas gaganda ang takbo ng merkado, mas dadami ang trabaho. Balik tayo sa number 1, may mga malalaking negosyante na nagpopondo sa pagtakbo ng ilang kandidato. At ayaw nila ng kompetisyon.

4. Para sa kabataan, kababaihan, etc – O para sa mga hayop, mga puno at pati lamang lupa. Marami ang basta ma-attach lang ang pangalan sa mga adbokasya pero kung susuriing maigi, e wala naman pala talagang plano para sa mga sektor na ito na binabanggit nila. Para lang mukhang mabango, aktibo at makakita ng kakampi nila, sasabihin nila na advocates sila ng ganitoat ganyan. Mas magandang tingnan kung ano ba sila bago tumakbo at kung talagang may ginagawa sila para sa sektor na ginagamit nila sa kampanya. 

Victim of "global warming"?




5. Gumanda ang ating lugar sa panunungkulan ko –  Unang una, hindi po natin yan utang na loob sa kanila. Ok lang na banggitin nila pero hindi para kunin nila ang lahat ng credit. Mas lalo na pag nilagay nila ang mukha at pangalan nila sa lahat ng proyekto nila. Kaya sila tumakbo dahil ginusto nila yan at trabaho nila yan. At kung may naitayo man, naayos, naipamigay, hindi galing sa bulsa nila yan. Bawat kusing na ginagastos ng gobyerno ay sa tin galing. Sa buwis na binabayaran natin. Pati yung sinusuweldo nila. Pati na rin yung perang… alam nyo na yun.
 





Ilan lang ito sa mga “fairy tales” na binabanggit ng mga pulitiko tuwing kampanya. Marami pang iba. Pero may ilan naman sa kanila na may konkretong plataporma. Mahirap lang silang hanapin kasi kadalasan ay sila pa ang hindi napapansin. Dahil siguro wala nga silang taga-pondo kaya di natin sila masyado maririnig at mapapanood.  At wala rin silang apelyidong kilala na ng mga tao.

Yung salitang binabanggit ni Bonifacio na nagsisimula sa letter “P”, eto rin yung madalas na mabanggit ng marami sa tin pag may kinakagalit tayo. Eto siguro yung nasigaw ko nung nabangga kami ng Jeep at tinakbuhan kami. At malamang, etong “P” na ito pa rin ang masabi ko kapag nanalo pa rin yung mga pulitikong puro fairy tales lang ang pinagsasasabi at pinaggagagawa ngayong kampanya. 

Potek.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...