Thursday, April 17, 2014

I Was Schooled In Life By Two Sampaguita Kids

Since it's the Holy Week, I would be sharing with you this inspiring experience I had yesterday. I posted it on my personal Facebook posts and many appreciated the lessons from it. These are indeed great lessons in life I learned from two very young kids that really humbled me:

-------------------------------------------------------------------


Habang naghihintay sa ka-meeting ko sa may Victory mall, naisipan kong pumunta muna saglit sa simbahan. Sandali akong nagdasal at pagkatapos ay umakyat ako sa may altar ng Mahal na Birheng Maria. May 2 batang nasa unahan ko na may bitbit na sampaguita. Naisip ko na malamang vendor sila. Yung isa ay nasa edad 8 siguro at yung isa naman ay maliit pa na tingin ko ay edad 2 o 3.

Pagdating sa itaas, isinabit nila ang ilang bungkos ng sampaguita na bitbit nila at pagdating sa may altar, kinarga ng mas malaking bata ang kasama nya. Tumuro yung maliit na bata sa altar at sabi nya 'Jesus' na bulol pa nga ang pagkakasabi. Imbes na letter 's' ay letter 't' pa nga ang tunog.


Napangiti ako sa narinig at naalala ang panganay kong anak. Pagkatapos ay nadaan naman sila sa larawan ng Mahal na Ina at sabi nya 'Mama'. Natuwa ako sa bata dahil sa edad nyang iyon, alam na nya kung sino ang kanyang 'dinadalaw' sa lugar. Inakala ko silang magkapatid. Nilapitan ko at kinausap ang maliit. Tinanong ko sya kung pinupuntahan nya ba si Jesus palagi. Tumingin lang sya. Yung mas malaking bata ang tinanong ko kung ilang taon na sila. Grade 4 na yung malaki at 2 taon pa lang yung malait. Lalo akong naimpress sa bata. At magpinsan pala sila. 





Yung sampaguitang dala nila ay pina-alay pala ng nanay ng mas maliit na bata na syang nagtitinda ng sampaguita. Natuwa ako sa mga batang ito subalit mas higit sa kanilang mga magulang. Sa kabila ng kakulangan sa karangyaan, hindi nawawaglit sa kanila ang ituro at ipakilala sa mga batang ito ang patungkol sa kanilang pananampalataya.


At ang sampaguita na sya mismong pinanggagalingan ng kanilang kabuhayan ay walang panghihinayang nilang inaalay. Ilan ba sa tin ang katulad ng mga magulang ng mga batang ito? Nagagawa ko rin ba ang tamang pangangaral sa pananampalataya sa mga anak ko katulad nila? Kaya ko rin bang ibahagi ang aking kabuhayan para sa aking sinasampalatayanan?


Salamat sa inyo, Joseph at Raymund at sa inyong mga magulang na nagbigay sa kin ng surpresang inspirasyon sa sandali kong pagbisita sa ating Simbahan. May God continue to bless you and your whole household.

Thursday, April 10, 2014

I’m Unlike Others Who…


Now, stop. If you think you are doing good and confident with it, just do it. When you start comparing what you do with others to prove the point, it starts to lose its essence. Besides, if you think your action is of high standards, why do you have to measure its greatness side by side with mediocrity?

Wednesday, April 2, 2014

Mga Kulang na School Subjects na Mag-Aahon Sana sa Pilipinas



Hindi naman daw nagagamit sa trabaho yung karamihan ng subjects. Yan ang sabi ng maraming mga nakatapos na o kahit yung mga huminto na sa pag-aaral. Kesyo andami daming tinuturo sa tin na di naman napapakinabangan. May punto naman. Pero may dahilan din kung bakit ganyan ang mga subjects na yan at naisulat ko na rin sa post na ito.

Pero ngayon, parang tama nga naman. Bakit yung mga hindi naman napapakinabangan ang isinisingit kung meron pang mga bagay na mas magagamit sana natin ke makatapos tayo ke hindi sa pag-aaral. Yung tipong kahit elementary at nakuha mo na ang mga subjects na yun e kahit papano, may laban ka na sa buhay. Nakapagpost na rin ako ng isa dito sa blogpost na ito pero bukod sa isang ito ay may ilan pang kulang sa dapat nating malaman para kahit papano e tumino tino tayo man lang bilang mamamayan ng bansang ito. 


1.   “Bakit” History -  Sa karamihan sa mga eskwelahan ngayon sa Pilipinas mula elementarya hanggang kolehiyo, maliban sa ilang mga masusuwerteng naturuan ng mga magagaling na history teachers and professors,  ang laman ng mga lessons nila sa kasaysayan ay puro detalye, mga pangalan, mga lugar, mga petsa, mga dokumento, mga libro at kung anu-ano pang mga bagay na bahagi ng nakalipas na inaasahang kabisaduhin ng mga estudyante at sya namang isasagot nila sa mga exams. Puro detalyo pero kulang sa “bakit”. Kung bakit ginawa, bakit dun nagpunta, bakit kinuha, bakit pinatay, bakit nagsimula, bakit natapos. Ang mga aral ng kung bakit naganap ang mga bahagi ng kasaysayan na sana ay nagagamit natin sa mga nangyayari sa kasalukuyan ay kadalasang naisasantabi na lang. Kaya hindi na rin nakapagtataka na paulit-ulit na lang ang pagkakamali nating mga Pilipino sa bawat panahon.

2.   Functions of Government Bodies and Officials – Ano ba ang pagkakaiba ng Executive, Legislative at Judiciary? Ano ang trabaho ng BIR? Ano ang sakop ng trabaho ni Mayor? Ni Congressman? Ni Governor? Ni  Kapitan? Gano ba kalawak ang kapangyarihan ng pangulo? Para saan ba ang SSS at GSIS? Ano ang trabaho ng AFP at ng PNP? Anong ahensya ang dapat tumugon sa ganito at ganyang problema ng bansa? Ilan dito ay nababanggit na rin sa ilang subjects pero panahon na para gawing isa na lang ito at pagsama-samahin. Makakatulong ito sa pagpili ng iboboto ng mga Pilipino at mas maaappreciate din at maaasikaso ng mga tao ang kanilang transaksyon sa mga tamang ahensy ang gobyerno.


Kamote


3.   Financial Literacy – Madalas na natututunan na lang ito ng mga Pilipino pag may edad na at kadalasan ay kulang pa nga. Pag tinanong mo kung may investment na o nagpplano para sa kanilang pagreretiro, sasabihin nila na maaga pa naman, bata pa sila o kaya e hindi pa nila kayang simulan dahil kulang daw ang pera. Hanggang tumanda na pero di pa rin nakakapagtabi at hanggang umasa na lang sa katiting na pensyong nakukuha sa ahensya ng gobyerno. Hindi naman kailangangmalaki ang simula. Kung pag-aaralan lang ng maigi ay kaya naman ng karamihan ng mga Pilipino ang mag-impok para sa hinaharap. Tayo na ang selfie capital, text messaging capital, isa sa pinakaaktibo sa social media at kung ano ano pa. E kung yung pinanggagastos sana natin para iupload ang selfie at magpadala ng text messages na hindi importante eh itinatabi natin sa mas mahalagang bagay, masisimulan na sana agad ang pagiimpok.


4.   Road Safety and Responsibility – Mula sa pampublikong mga sasakyan, hanggang mga pribado pati na ang mga commuters at tumatawid sa kalsada, marami talaga ang masasabing pasaway. Hanggang makakalusot, lulusot. Ang manlamang sa kapwa ang pinakapopular na gawain sa kalsada, hindi ang magbigay. Kung lahat lang ng tao ay matuturuan ng kung ano ang mga panuntunan at tamang gawi sa kalsada, at kung bakit dapat sundin ang mga ito para sa ikagiginhawa ng lahat, baka mas umayos din ang problema natin sa transportasyon.

5.   Overall Individual Responsibility – Wala na tayong ibang naririnig ngayon sa mga ipinaglalaban ng kaliwa’t kanang mga grupo kundi ang kanilang mga “karapatan”. Karapatan sa halos lahat ng bagay. Maging ang mga noo’y hindi natin naisip na bahagi ng karapatan ng tao ay nagawan na ng dahilan ng iba para ang mga ito ay maisama. Dumadami ang nagsasalita tungkol sa karapatan pero kumokonti ang sa responsibilidad. Sa madaling salita, dumadami ang reklamador at kumokonti ang kumikilos. Lahat ay parang laging naiisahan, nasasapawan, nalalamangan. Pero walang gustong kumilos para mabawasan ang mga ito. Lahat ay gumaganti na lang kaya palala lang ng palala. Masyado nang mabigat. Kaya ang isang subject na maglalaman ng responsibilidad natin bilang myembro ng komunidad ay makakatulong na balansehin ito.

Malamang ay salita sa hangin nga lang ang mga ito dahil malabong isingit ito sa curriculum ng ating mga eskwelahan. Pero kahit isa man lang sa mga ito ang mapatupad sana ay ok na. Pero kahit hindi, aaralin ko na lang ang mga ito maigi para maituro ko sa mga anak ko at sa ilan pang mga bata. Para kahit papaano ay makadagdag man lang tayo kahit isang bata na magiging responsableng mamamayan balang araw, malaking bagay na rin ito at hindi na tumulad pa sa henerasyon natin ngayon.

Monday, March 24, 2014

You Can't Hide With a Pen



Writing is not hiding. It's never safe. Even writing anonymously. At these times, anonymity is an illusion. You can choose to come up and attack one person or idea face to face and then vanish away safely amidst the confusion. Then defend by denying or insisting that you’ve been misunderstood or misquoted. Or just simply don’t show up again. But once you wrote about something, and published it, you present yourself openly and almost permanently for criticism and offense. And you have to live with it. Not that death would end it. 


Wednesday, March 12, 2014

Motivational Push or Pull?

Motivation is always a good start in accomplishing something. While you're at it, you must need to work on practicing self motivation. Motivation is like a spark, powerful at the beginning but fades quickly afterwards. Self motivation is what lasts. The push comes from within. Unlike in initial motivation, it always comes from the outside. 

Though a problem about being self motivated is when some people can't recognize a person who has it. Others think that every person needs a motivation from them. A self motivated person needed a push the least and it gets annoying when done repeatedly. That person already knows what he's doing and why he's doing it. He's self motivated. He'll move towards his chosen direction. A push from the outside might actually do more harm than good. His path might get derailed. So be careful in motivating others. Not everyone needs it.Especially if you're pushing too hard.

Monday, March 10, 2014

Analyzing Over and Under

Over-analyzing towards a decision usually wastes precious time that could have been used for action. On the other hand, under-analyzing often results to a faulty conclusion. Enough analysis though is difficult to measure. Understanding the contrasting sides of the issue, identifying the risks that come with each option and the willingness to take responsibility of the result are basically what you need to make a sound decision.

Friday, February 28, 2014

Effect vs Reason



Thinking that things which happen in your life is always for a reason is a passive way of looking into it. Taking responsibility of what you do today will give you more control of its effect later. 

The “effect” mindset spells more accountability thus leads to a better managed future than passive “reason” thinking. Although to minimize errors on tomorrow’s plan will require the lessons you got from your experiences with the latter.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Follow my Blog