"Ang hirap pumasok! Di lahat may sasakyan. Tapos di pa natin alam if sino ang may virus. Bakit pipiliting magtrabaho at makisalamuha sa maraming tao na di ko alam kung san nanggaling? Oo yung iba puede pa ring mag work at pumasok, pero paano yung mga mahihirap lalo na at walang sasakyan? Mapagiiwanan sila at magugutom. Kaya tama lang yan na wala na lang muna trabaho lahat."
Palitan natin ng salitang "pag-aaral" yung trabaho. Ano, ok pa rin ba yung tunog ng argumento?
Di ko sinabing papasukin nyo anak nyo. Di ko rin sinabing pahintuin. Di ko rin sinabing tama na walang pasok o mali na walang pasok. Ang tanong ko lang, tama ba yung rason mo na hilinging wala na lang talagang klase muna ngayong taon.
Ang pag aaral ay karapatan (sabi ng iba). Ito rin ay pribilehiyo (sabi rin ng iba). Pero ang realidad ngayon, hindi lahat ay nakakapag aral. May iba ay kulang sa kakayahan. May iba naman choice lang nila. May iba naman e talagang di makapasa. To summarize, hindi lahat nakakapag aral.
So ano ang bago? Bakit kailangang biglang ngayon, dahil di kaya ng iba na mag aral, e dapat idamay na natin ang lahat? Hindi ito pagiging insensitibo, kundi pagiging positibo. Idadamay mo yung may kakayahan kahit hindi nila kasalanan na yugn iba ay hindi kaya? Isa pa, di ba paborito naman na "kasabihan" ng mga Pinoy yung mga patungkol sa mga "may pinag-aralan" at pagkatapos ay babanatan?
At isa pa, bakit, sa eskwela lang ba puede matuto ang tao? Kayo rin ang may paborito nyang kasabihan na yan di ba? So ano ang kinakatakot at kinakagalit natin sa mga gustong mag-aral at may kakayahang mag aral? Choice mo naman yan sa anak mo if ayaw mo siya papasukin. Di ka namin pipigilan. Ang sa kin lang, sana pag isipan mo naman minsan yung sinasabi mo, at baka sunod ka lang ng sunod sa sinasabi ng mga iniidolo mo.
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete