Sa mga di nakakaalala (o nakakaalam), ngayon ay ang ika-115 taon ng araw ng kamatayan ni Gat. Andres Bonifacio. Di tulad ng ibang bayani, ang paggunita ng araw para sa kanya ay sa araw ng kanyang kapanganakan sa ika-30 ng Nobyembre. Kadalasan kasi ay sa kamatayan ginugunita ang mga araw ng bayani tulad ni Dr. Jose Rizal na Disyembre 30 at hindi sa araw ng kanyang kapanganakan na Hunyo 19.
Maraming bagay ang pumapalibot sa kwento ng kanyang kamatayan, pero hindi yan ang nasa aking isipan sa araw na ito. Naisip ko lang, kung nabubuhay kaya si Gat. Andres sa panahong ito, ano kaya ang iisipin o gagawin ng isang rebolusyonaryong tulad niya sa nagaganap na "Scarborough Standoff"?