Ayon sa PRC Website, ang schedule ng ECE Board Exam 2012 ay
magsisimula ngayon at magtatapos bukas, April 11-12. Seven and a half years na
pala mula nung ako e kumuha rin ng pagsusulit na ito kung saan, pag upo ko pa
lang sa silya ng examination room (sa PRC pa mismo ako naassign) e dun ko
naramdaman yung nerbyos at para akong lalagnatin kasi “ETO NA”! This is it, pancit!
Pero nakabawas din siguro kahit papano sa pressure e yung
pumirma ako sa job offer a day before the exam, hehehehe. Pinirmahan ko na. Good pay and good company naman and ok ang industry, related naman kahit papano
(IT Industry) sa course pero ako kasi e medyo idealist pa noon at gusto ko e
hardcore ECE work talaga. Pero thankful pa rin ako sa desisyon na yun kasi ok
ang naging career ko and so far, going strong naman. Dito na ko sa 2nd
company ko after 7 yrs with my former company.
I feel like this on the exam date itself. |
Anyway, balik sa board exam at mag bibigay ako ng ilang tips
para sa examiners, on second thought dapat di nyo na to binabasa ngayon kasi mageexam na
kayo mamaya. Dapat tulog pa kayo ng mga oras na to or pagising na. Para na lang to sa mga susunod pa na kukuha pa ng mga board exams, ECE man o hindi.
- Wag masyado isipin ang resulta, isipin nyo yung exam. Lalo kayo mawawala sa isip pag nagisip kayo ng nagisip.
- Try to answer as much questions as possible. Wag nyo masyado problemahin kung di nyo alam ang sagot sa number 1. Talon agad sa 2. Pag di pa rin, sa 3, and so on and so forth. Parang basketball lang yan, kuha muna ng momentum para uminit ang shooting.
- Relax lang, baka kasi magkanda ihi pa kayo sa pagsagot. Mahirap nyan, bantay sarado kayo hanggang CR. Kakahiya rin yun. Hehehe
- Tingnan kung yung numerong minamarkahan nyo sa answer sheet ay nakatapat dun sa number ng question lalo na kung sinunod niyo yung tip number 2 ko. Baka kasi tama sagot nyo, kaso nashade nyo naman yung choice sa ibang number.
- Kung nakasagot na kayo at marami pang blanks, relax uli. Tingin sa oras. Kung matagal pa, pikit muna, hinga malalim. Wag lang kayo matulog kasi baka matuluan nyo pa ng laway ang answer sheet, yari kayo. Tapos balikan ang mga tanong na mahirap.
- Iwasan ang pagbura, kung kaya nyo imaximize ang scratch paper at dun muna ilagay ang mga sagot nyo, gawin nyo.
- Kung talagang napiga na kayo at di nyo na alam yung ibang tanong at tipong ngayon nyo lang nakita sa tanang buhay nyo, gamitan nyo nang hula powers. Ang ginawa ko sa ganito, di ko na lang binasa yung choices, nagshade na lang ako. Ever since kasi, ang naiisip ko sa mga multiple exams e game of chances din kadalasan. Pansin nyo yung mga mahihina talaga ang ulo, bumabagsak sa multiple choice exam. Pano kasi, pinagisipan pa nila yung sagot nila e samantalang di naman nila naiintindihan yung tanong. E di malamang, mali ang mapipili nila kasi nag isip pa sila. Kung pinili pa sana nila yung alam nila mali dahil nga aminin na nila na di nila pinag aralan yung tanong, e yun ang tama kadalasan. (gets? Basta manghula kayo sa mga di nyo alam,hehehe).
- Last is bilangin nyo ang shade nyo, at I check nyo kung isang shade lang per item ang nagawa nyo. Dapat kung 50 items, 50 shades. Kung 100, 100 shades. Ulit ulitin to, depende kung ilang beses nyo trip. Ako ata mga 5 beses nun.
Ayun, awa ng Diyos naman at nagbunga ang paghihirap,
nakapasa ako. So para sa lahat ng
examiners today, good luck sa inyo.
Ilabas nyo na ang isandaang porsyento at mag super saiyan na kayo para
makasagot ng maraming tanong. Tandaan, ang board exam ay hindi lamang sukatan
ng kung anong nalalaman ninyo kundi sukatan din kung pang anong level kayo sa
lahat ng kumuha ng taon na yun at kung gaano kayo kagaling sumagot ng mga
tanong. Ok? Wag na kayong maghanap ng leakage dahil kung makakuha man kayo, e baka malasin pa kayo at ma-mental block sa araw ng exam. Isa pa, sarili nyo lang niloloko nyo kung mag leleakage pa kayo. Sana e maging masaya kayong lahat at makatulog ng maayos hanggang
lumabas sa mga dyaryo ang ECE Board Exam April 2012 results. Malay nyo at mapasama pa kayo sa April 2012 ECE Board Exam Topnotchers.
Edited (10/24/12):
Congratulations PUP for a great performance on Oct. 2012 EcE Board Exams:
- Performance by School EcE Board Exam Oct 2012
- EcE Board Exam Topnotchers October 2012
- EcE Board Exam Results October 2012
Edited (10/24/12):
Congratulations PUP for a great performance on Oct. 2012 EcE Board Exams:
- Performance by School EcE Board Exam Oct 2012
- EcE Board Exam Topnotchers October 2012
- EcE Board Exam Results October 2012
Tama 'to. At saka dalawang araw yun. On the first day, wag na wag kayong magkukwentuhan tungkol sa mga naging sagot ninyo. Baka maapektuhan yung second day. Although ginawa pa rin namin ng mga boardmate ko. Hehehe. Why? Because it's fun! Thankfully, nakapasa kaming lahat.
ReplyDeleteoo nga. mas ok na nga move forward na lang kesa malungkot pa sa mga maling sagot. puede na siguro after ng 2nd day. :)
Deletehindi po ba pwede magdala ng cp at iwan sa proctor?panu po kasi pag in case of emergency?
ReplyDeleteNot sure kung may bagong rule pero dati naman, puede magdala. basta wag nyo lang ilalabas habang nag eexam or i-silent nyo o kaya i-off nyo na. for your own good na rin para di kayo madistract o makadistract.
Delete