Madalas na naririnig na sinasabi
ito sa isang tao na nakakagawa pa ng ilang mga bagay na makabuluhan na labas sa
kanyang karaniwang gawain o trabaho.
Minsan, hindi ko mawari kung ito
ba ay “papuri” o “insulto” dahil ang dating ng mga katagang ito ay parang
sinasabi na “di ka siguro busy ah kaya
dami mo nagagawang kung ano ano pang mga bagay, samantalang ako e sobrang wala
nang oras para gumawa niyan dahil busy ako sa trabaho ko”. Tila ba yung taong marunong pang mag-manage ng
oras niya para makagawa pa ng ilang makabuluhang bagay ang siyang lumalabas na
nagsasayang ng oras, at ang nagsasabi nito ang siyang sobrang busy sa dami ng
pinagkakaabalahan na importanteng mga bagay para sa kanya.
Kadalasan kasi sa mga taong mahilig
magsabi ng ganito, ang totoo ay gusto rin naman sana nilang gawin ang mga bagay na ginagawa
mo o kadalasan e may gusto daw silang gawin na ibang pagkakaabalahan ba pero hindi nila masimulan at magawan ng paraan at ang dialog nila kadalasan ay ganito: “gusto ko rin sana gawin yang... (mga halimbawa: photography, mag travel, magsulat, magaral ng cross stitch, mag invest sa stocks, mag jogging, baking, ghost hunting, aswang hunting) at gusto ko sanang pag-aralan, kaso
busy ako eh, wala akong time. Buti ka pa ang dami mong oras”. Pero huwag
ka, makikita mo lagi ang karamihan sa mga taong tulad nito na minu-minuto ay updated yung Facebook
status, Twitter at kung ano ano pang social networking account, may
uploaded photos pa ng gabi-gabing pag-gimik kasama ng barkada, palaging updated
sa bagong movies at talaga namang nasusundan ang lahat ng mga bagong series sa
tv lalo na ang mga reality shows.
Ok lang naman kung eto talaga ang
gusto nilang buhay pero kung nagnanais silang magkaroon ng oras para gawin ang
ilang mga pinaplano nilang mga makabuluhang bagay, dapat ay simulan ng
pag-isipan at planuhin kung ano ba talaga ang mga dapat unahin at paglaanan ng
oras. Kung meron lang sanang matibay na pagsunod sa prayoridad ang mga tao, mas
magiging produktibo sana ang karamihan sa atin. (see: Prayoridad at mga Problema ng Pamilyang Pilipino)
Eh paano naman ikaw, busy ka ba?
tama ka jan pre. well, kanya kanyang priority na lang yan. kung masaya sila sa fb, hayaan na ang natin sila.
ReplyDeletemagcocomment pa sana ako ng mahabang mahaba kaso busy ako eh. haha!
hahaha. tama ka pre. yun nga eh, kung happy naman sila sa ginagawa nila, ok lang. ang kaso lang, after nun e magrereklamo na kesyo wala daw nangyayari sa buhay nila. hehehehe.
Deleteambilis mo magcomment ah. dami mong oras ah. hahahahahaha!
tama ka, ignored genius! nasa priority lang talaga. =) kung ano ang mahalaga sayo. mas maganda ngang maging productive =) binigyan mo ako ng idea, dapat masimulan ko na ang balak kong matutong magluto hehe
ReplyDeletehehehe. tama po. simulan na ang pagluluto.nood na kay chef boy logro. yum yum yum! :D
Deleterogie, nasimulan ko ng tumakbo at mamuhay ng kahit papano eh may gustong maabot. simple lang naman ang gusto ko, ang sumali at makatapos ng 42k marathon. tara sali tayo. ^_^
ReplyDelete- feroza
uy pre, salamat sa pagbisita. ayos yan pre, buti ka pa natuloy tuloy mo ang pagtakbo. for sure, saglit na lang at makakaya mo nang tapusin ang isang buong marathon. :)
ReplyDeletepre, walang anuman. salamat din kase ng dahil sa pagbisita ko dito, na-enganyo akong mag blog ulet. siguro i-focus ko sa running ang tema ng gagawin kong blog tutal, yun naman ang nakakahiligan ko ngayon.
ReplyDeletebigyan kita ng link ng magiging blog ko kung sakali. ang problema lang, mas mahirap pang mag isip ng pangalan ng blog kesa mag blog mismo. hahaha!
- feroza
hehehehe. sige pre, balitaan mo ako agad ng maidagdag ko agad sa link list ko dito.
Delete