Saturday, April 14, 2012

Walalang POST 2: Atras o Abante?

Kadalasan, pag nagkomento ka ng negatibo sa progresibo at liberal nang pananaw ng lipunan sa ngayon, may mga tao na sasabihan ka ng "masyadong makaluma" at "nabubuhay sa nakaraan" at mag move on na raw at tanggapin ang pagbabago ng mundo.

Pero pag may balita naman na patungkol sa sari saring karahasan na madalas ay bunga na rin ng pagbabago ng lipunan, ang mga taong ito ang una mo pang mariringgan ng katagang "buti pa noon, mas payapa ang lipunan" o kaya naman "dati makakalakad ka pa ng disoras sa kalye ng walang kinakatakot" sabay sundot pa ng "iba na talaga ngayon ang mundo".

E ano ba talaga ang gusto nyo mga ati at koya? Kunsabagay, puwede namang di mamili. Puede naman kung ano na lang yung maganda sa dalawa at hindi yung basta makakontra lang.
Wala lang.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...