Friday, August 31, 2012

Ang Diyos sa Ating Lipunan

Double-standard. Pati sa pagbanggit ng ngalan at salita ng Diyos, damay na rin. Ironic pero eto ang mga napapansin kong nangyayari sa ngayon.

-          Ang mga hindi naniniwala ang mas madalas pa na bumabanggit sa Diyos kesa sa naniniwala. (either sarcastic o para lang sabihin na wala Siya)

-          Ang may paniniwala ay madalas pinupuna sa pagbanggit sa Diyos sa mga usapan. (hindi daw dapat ito isali dahil hindi naman daw lahat ay naniniwala. At magkakaiba pa raw ang pagkakakilala)

-          Ang mga mananampalataya ay kadalasang umiiwas na pag-usapan ang Diyos. (dahil na rin sa rason sa itaas)

-          Ang mga mangangaral ay pinupulaan sa madalas na pagbanggit nila sa Diyos. (dahil pareho rin naman daw natin silang nagkakasala)

-          Ang ginagamit pangontra sa mangangaral ng mga pinapangaralan ay ang pangalan at salita din ng Diyos. (dahil may dahilan daw ang Diyos kaya sila ganito at binigyan daw sila ng “free-will”)

Wala na nga ba sa lugar ang pagbanggit natin sa Salita at Pangalan ng Diyos?

Monday, August 27, 2012

5 Secret Ways to Win an Argument (and avoiding the unnecessary ones)

I’m a sucker for debates and arguments.  I usually get trapped in heated discussions. Or maybe just in a “heated” self.  I engage myself in talks when one personal belief gets questioned by another. I felt like I have the rights and obligations to defend it.  I still do now but not that much anymore. I’m trying to minimize it.  It’s difficult to avoid but I think I am making progress. I’m learning thru experience. Arguments are energy and psychologically draining. And sometimes traumatizing.

Now I choose where, who and when to argue. We should choose our battles carefully. Not all of them are worth of the time anyway. And this brings us to the first step.

1.   Be “picky” – There are arguments we can avoid. The reasons might be the topic itself, the environment or the person you would be engaging it with.  It’s good to share a thing or two about your opinion on a certain topic. But if there’s a risk that it will blow out of proportion, better not engage on it. Especially the trivial ones. Like for example the usual “network wars” thingy. I know some gets too serious on this topic. If you really can’t help it then you can just throw a joke about it. But if someone retaliates, there’s no need for you to reply.  It’s just a joke anyway. Or totally avoid joking about it as well.

Your argument is invalid (photo credit:
And this is one of my weaknesses.  I argue with people even about some insignificant stuff especially if I hear the same lousy reasoning that had been answered by a lot already. Like hearing people saying because we’re not that tall, we should stop playing basketball and rather support another sport. Ugh!  But we should be picky. Arguing about sports isn’t totally a waste of time. Especially to us sports lover. But to argue about it with someone who never got serious into anything sporty, leave it. Forget about it. Just continue playing the game. And ignore the ignorance.

2.  “Hit and Run”- There are these stuffs which usually give us the “itch” to respond even if it’s on a hostile ground.  And most people there are like a bunch of cockatoos in a big cage that were trained to repeat the same words again and again. You have 2 options: first is to speak out and risk being ridiculed and second is to quickly leave. Well, there’s a third option and it is to combine the first two. If you have the chance to speak, grab it. Use it wisely. Avoid harsh words. Give your points. Thank the people. Then run! (Not literally but you can excuse yourself right after giving your speech). It’s easier to do on an online forum by the way.  By doing this, there will be nothing else left for them to do but to “consume” your words. They can attack it, debunk it, and negate it. And because you’re gone, they may overanalyse it. And by doing so, surely some will consider it. Some will understand it. Then a few may have a change of heart and agree with you.  Then you win.

3.  Think like them – In Sun Tzu’s “Art of War”, you need to know your enemy as you know yourself. Like you, there must be a good thing why the other side thinks otherwise. Like in my 10 lessons in life post, one must consider both sides to achieve true wisdom.  Dwell further on their reasons.  Research about their sources.  Look up for their possible responses on your points. Two things will happen on you after doing this. One is you’ll be more prepared defending your points and will be able to provide better counter-arguments against them. Second is you’ll learn more and find out that they are right all along. And you’re wrong.  Either ways, you’ll get out as a victor.

Effective since 2nd Century BC

4.   Agree + Criticize + Suggest = “Boom” – You need to go thru number 3 first before this. You’ll need to have a grasp of your competitor’s arguments. Once the other side is talking, listen very carefully. Look at his “positives”. Agree with them. With your knowledge of his side, help him by explaining his reasons further.  Then try to give him more ammunition by adding points that he could have missed defending his side. You’ll get them listening to you by doing this. And they will also see your sincerity in the effort of resolving the issue.

While they are vulnerable, you can start pointing out the holes in their position. As they are under the impression that you are on the same frequency with them, they’ll be open with many things that you are saying. Then you can start giving out your points disguised as “suggestions”. Chances are some people who are supporting them will start to shift their thinking. In short, they’ll now agree with you.

5.   Focus like a cat – I remember one time when our pet cat was on the kitchen sink as it looked intently at the direction of the stove. There was something moving under it. It was a mouse.  And I had to wash my hand.  So I tried to shoo away the cat to use the faucet but it won’t move. I have no choice. I washed my hand and got the cat’s feet wet. Usually, it would instantly jump once it feels the water touches its fur. But it didn’t move a bit. It stood still and waited for the mouse. That’s focus.


We should be like the cat when it comes to arguments and debates. Some will try to side track the discussion (mostly by trolls) especially if you start to pin the argument down.  They will attack your person. They will even go with the technicalities like your grammar and your spelling among others. Don’t bother with them. Focus on the topic. Push harder with your arguments. Pin them down further into submission. Or until you both agree to disagree. That's your main goal.

We can’t expect people to think like us.  We’re all different.  I still catch myself basking on the idea that other people should think like me.  On second thought, I should dread that possibility. So I don’t think giving up some secrets with you will matter because for sure we’ll all still have different approaches even if you read this. Our temper and maturity will also come into play. Just make sure that you are knowledgeable enough with your arguments. And learn to have more patience. And if you want to know how to have more patience, better find other guys to teach you their secrets. Then come back here and share it with me. Ok. Thanks. Bye.

Monday, August 20, 2012

Pagtulong na Tama, Pagtulong na Mali

Muntik na kong mamatay. Di lang minsan kundi tatlong beses na. Pinaka-memorable yung bigla na lang akong nanigas sa jeep papauwi. Sa bandang Ever Gotesco Ortigas, bigla na lang akong nahirapang huminga. Bumilis ang tibok ng puso ko.  Unti unting nanigas ang mga daliri ko hanggang di ko na maigalaw. Nagawa ko pang humingi ng tulong sa katabi ko bago ako tuluyang mawalan ng kontrol sa katawan ko. Parang mga teachers ata sila. Unti unti nagbabago na pakiramdam ko, naninigas na pati mukha ko at mga binti, hindi ko na maigalaw. Di na ko makapagsalita halos. Ihiniga na ako sa aisle ng jeep. Pinakuha ko ang cellphone sa bulsa ko para tawagan nila ang pamilya ko. 7110 ang model nun. Sa kasamaang palad, hindi nila magawang tumawag dahil di sila sanay i-slide yung phone. Natanggal yung mouthpiece paghatak nila pababa.  Kung anu-ano na ang tumakbo sa isipan ko ng mga oras na yun. Nagdasal ako. Katapusan ko na ba? Ito na lang ba yun? Hindi, hindi pa ito ang katapusan sabi ko sa isip ko. Kailangan kong maging matatag. Tapos biglang sigaw nung isang pasahero ng jeep, “Nangingitim na siya!!!”. Tsk, katapusan ko na nga ata.

Eto yun

Di ko na halos maalala ang mga sumunod na nangyari hanggang sa nadala na ako sa Manila East Medical Center. Tapos tinurukan ako ng mga gamot ng doktor habang kinakausap ako. Kinalma ako. Makalipas ang ilang oras, unti unting bumalik ang pakiramdam ko sa katawan ko. Nakakapagsalita na uli ako. Nakakagalaw na uli mga daliri ko. At naayos ko pa ang cellphone ko at nacontact ko pa ang pamilya ko. Dumating ang mga magulang ko at naiuwi nila ako ng maayos. Salamat sa mga nakatabi ko sa jeep. Di ko na kayo nakilala pero salamat. Sana ay mabasa ninyo ito at maalala pa ninyo ang nangyari. At dun sa nagsabing “nangingitim na ko”, tol, eto buhay pa ko. Baka lang di mo na kasi nabalitaan ang nangyari sa kin at makita mo ko uli sa jeep e akala mo minumulto kita. At salamat din sa pag-aalala mo ng mga oras na yun.

Masarap ang tumulong sa kapwa. Sa kabuuan ay  mabuti ang pagtulong. Lahat tayo ay may iba’t ibang pangangailangan. At madalas na nakikita lang natin ay yung pisikal tulad ng pagkain, tahanan, damit, mga gamot, atbp. Natural sa tao ang pagiging “visual”.  Mas napapansin natin ang mas “obvious”.

Pero bukod sa pisikal ay may iba pang importanteng pangangailanganan ang tao. Sa iba pang aspekto ng ating pagkatao, ang pisikal na pangangailangan ay kadalasang bunga lamang o dahilan ng iba pang mas malalim na pagkukulang.

Karamihan sa mga pisikal na problema ay bunga ng kakulangan sa maayos na kaisipan. Ang mga mentalidad natin na mali ay kadalasang nagbubunga ng maling pagpplano at pagdedesisyon para sa ating sarili. Ang mga maling pananaw. Puedeng sa pag-aaral, sa pagttrabaho, sa pagpapamilya atbp. Mga maling mentalidad na nagbubunga ng maling resulta. At ang mga ito ay nagdudulot ng kahirapan, pagkagutom, pagkakasakit at iba pang pisikal na karamdaman.

(Quick Quiz)Ano ang pangunahin nilang pangangailangan? : A. Libreng Bakuna B.  Libreng Pagkain C. Kabuhayan

Halimbawa ang isang kaibigang naghihirap, nagugutom at kulang sa pagsisikap. Isang kaibigang kulang sa kumpyansa sa sarili. Bigyan mo siya ng pagkain at mabubusog siya ng pangsumandali. Pagkaubos, babalik lang din siya sa dati. Gutom pa rin sya at naghihirap. Bigyan mo uli ng pagkain at mabubusog siya. Pero pagkatapos mananatili siyang naghihirap. Mananatiling hindi nagsisikap. At mananatiling mababa ang pagtingin sa sarili.

Ang kadalasang resulta naman ng pangangailangang pisikal ay ang emosyonal na epekto nito sa mga taong dumaranas nito. Madalas ay nawawalan ng kontrol.  Nagdudulot ng desperasyon at depresyon. Dahil sa pisikal na sakit at hirap na nararamdaman, marami ang madaling nadadala ng bugso ng damdamin. Ang gutom na katawan ay nakakagawa ng mga bagay na hindi rasyonal. Kapit sa patalim. Wala ng damdamin para sa kapwa. Kailangang ipaglaban ang katawan at gagawin ang lahat para mapanatili itong buhay. O ang buhay ng kanyang mahal.

Ang isang pamilyang may anak na sampu ay kadalasang hikahos. Madalas ay gutom at walang pampaaral. Hindi sa lahat pero madalas ay ito ang sitwasyon. Sa naghihirap, kadalasang tulong na ginagawa ay ang bigyan sila ng panggastos para sa isang buwan. Pagkatapos ipatali ang nanay para di na mabuntis. Tuturuan ang mga anak ng mga paraan para makaiwas na makabuntis/mabuntis ng maaga.  Maaaring hindi na sila dumami. Mabubusog sila sa loob ng isang buwan. Pero paglipas nito, walang halos ipagbabago ang kanilang sitwasyon. Kagutuman pa rin at kawalan ng edukasyon pa rin ang kahihinatnan.  Kahirapan.  Mananatili pa rin ang gutom at kamangmangan na magtutulak para patuloy na gumawa sila ng mga maling desisyon sa kanilang buhay. At maaaring ikaulit ng problema ng kanilang pamilya.

(Quick Quiz) Ano ang pangunahing nararapat proyekto ng gobyerno para sa pamilyang ito? :
A. Maayos na trabaho para sa magulang                 B. Edukasyon para sa anak C. A&B  D. Libreng contraceptives

Subalit tulad ng nabanggit, madalas na ang ating nakikita lamang ay ang pisikal lamang na pangangailangan ng ating kapwa. Marami naman sa tin ang likas na matulungin. Mabilis tayong tumulong.  Kung gaano kabilis ang ating pagtulong, ganoon din minsan kabilis mawala ang epekto nito.  

Ang tunay na pagtulong ay magagawa kung ipipikit natin ang ating mata sa nangyayari sa paligid. At sa kadiliman ay ilalagay natin ang ating sarili sa sitwasyon ng taong gusto nating maiangat ang kalagayan. Ang ating gagamitin sa pagtingin sa kanilang kalagayan ay puso at isipan. Sa paraang ito ay mapapansin ang mga bagay na hindi nakikita ng mata. Ang mga ugat ng problema. Ang mga sanhi ng sugat. Mas makikita na natin kung alin ang ugat at alin ang bunga. Nakakalito ito sa mata, pero sa puso at isip ay hindi. Mas madali. At kung di pa rin ito makita, marahil ay isa ka sa may problema ang mentalidad at apektado na rin ang iyong emosyon sa mga bagay bagay.

At pagkatapos akong sumpungin noong unang beses na yun sa jeep, naulit pa iyon ng ilang beses. Sa gitna ng training, sa byahe uli pauwi at isang beses sa opisina. Nakakahiya yung sa opisina kasi na-stretcher ako pababa ng building. At tinulungan naman ako ng mga kaopisina ko. Laking pasasalamat ko sa kanila. Makalipas ang ilang araw, may lumapit sa akin na isang kaopisina sa pantry at kinumusta ako. Sabi ko ok na ako. Tapos sabi niya sa akin, ang balita raw ay kaya ako inatake ng ganong sakit ay galing daw kasi “ata” ako sa party nung gabi bago iyon. Baka sa puyat daw at hang over. Party at hangover? Ang alam ko bukod sa trabaho ko ay may part time na network marketing ako noon. Plus marami akong problema sa pamilya. At nauubos ang oras ko sa maraming bagay kaya nagkaroon din kami ng mga di pagkakaunawaan ng ex-gf ko (ex kasi asawa ko na siya ngayon). 

Stressed na stressed at laging pagod ako ng panahon na iyon. Pero party at hangover? Maling balita. Di ko na inalam kung kanino nanggaling. Parang yung kwento ko lang sa “betrayal” story ko na naulit. Malas ko naman. Pero suerte rin lagi kasi may isang tao na nagaapproach sa kin para malinawan ko rin ang mga pangyayari. Malaking tulong sila para mabawasan ang stress.  Dahil sabi ni doc noon, stress talaga ang dahilan ng naging sakit ko. Dapat bawasan ko raw ang stress. Kaya sinunod ko si doc at inayos ko ang mentalidad ko sa mga bagay na nagpapastress sa akin. Lumayo at tinanggal ko yung iba. Yung iba naman, hinahayaan ko na lang. Kaya mas healthy na ko ngayon siguro physically. Di na ko nagkakasakit.  And napansin ko rin na sa ngayon, mas stable na ko emotionally. Tingin nyo? 

Kung naenjoy mo ang artikulong ito, i-like ang ating Facebook page at i-follow ang ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po. 

Wednesday, August 15, 2012

Walalang POST 6: Matatalino Tayong mga Pilipino

Matalino ang mga Pilipino. Noon pa man ay matalino na tayo.  Hindi ako magbibigay ng pangalan ng mga tao na malamang naiisip natin agad pag sinabi nating matatalino at magagaling ang Pilipino. Hindi kasi tungkol sa mga sikat na Pinoy ang nasa isip ko ngayon.  Ikaw ang naiisip ko. Tayong mga karaniwang Pilipino. Karamihan naman sa tin ay likas na matatalino. 

Marami mang problema ang bansa, may solusyon pa rin ang lahat.  Marami sa atin ay alam ang sagot sa mga isyu ng bayan.  Ano pa man ang ginagawa sa buhay o antas sa lipunan ng isang Pilipino, siguradong pag na-ambush interview sa TV ay may sagot tungkol sa mga problema sa buhay at bansa. 

Feel na feel natin!

Sa araw-araw na problema sa traffic, lahat tayo ay sinasabi na “disiplina lang ang kailangan”. Kung paano tayo makakaahon sa kahirapan, makatapos sa pag-aaral o maging matagumpay sa career, common answer na sa atin ang pagiging “masipag at matyaga”. Karamihan naman ay nananawagan na “wag magkalat” at “magtanim ng puno” para sa ikabubuti ng paligid, makaiwas sa baha at kung ano pa mang sakuna. At kung tungkol sa mga pasaway na namumuno sa gobyerno naman ang pag-uusapan, marami ang sasagot ng “Vote Wisely”.  

Ito ang mga pruweba na matatalino tayong mga Pilipino. Pero mukhang mas malala ang pagiging makakalimutin natin. Nakakalimutan nating matatalino tayo.

Thursday, August 9, 2012

True Leader's Problem

As a leader, I would be more thankful if my predecessors weren’t that exemplary and left with some huge problems. That would easily make me work and look great as a leader. I’ll probably pick up the major issues first. Then get some people I trust to work with me. And address the minor ones as well.  We can’t fix everything for the whole term but at least, we’ll focus to do better.  And look better. And if they are really that bad, I don’t even have to reiterate it. I’ll just have to do my stuff.  Then I won’t sound whining or complaining. 

Compare that to getting the seat after a great term. That would make the job more difficult. Less opportunity is left. I might just need to do lots of maintenance. And a few new projects. This looks easy for a normal man. But again, I’m talking about a leader. And true leaders won’t love doing nothing.

 For updates, follow me on Twitter and like me on Facebook. Thanks!

Wednesday, August 8, 2012

I don’t care about the past…not

May mga memories ako nung bata ako na di ako sure kung nangyari ba talaga o imagination ko lang. Siguro, yun yung panahon na nagsisimula pa lang akong magkaroon ng consciousness sa nangyayari sa paligid. Ang weird pa sa mga memories ko na yun, pakiramdam ko e matured na kong nagoobserba. Parang nasa isip ko e matanda na ko na nagmamasid sa nangyayari sa paligid sa mga oras na yun. Tapos nakita ko yung anak ko. Di kaya ganon din siya ngayon?

Tulad ko nung bata, marami rin sa tin ang madalas ay blurred na ang vision sa kasaysayan. Tuwing nagbabasa ako ng mga artikulo ni Prof. Ambeth Ocampo na isa sa tinitingalang historian ng bansa, mapagtatanto natin na patse-patse pala ang history na kadalasang natututunan natin.  Bukod pa rito maging yung mga recent histories ay agad na nawawala  ang diwa sa ating mga kababayan. Tulad na lang ng Ondoy, nangyari ito 3 yrs ago at after nun, pinagusapan kung paano aayusin ang mga drainage ng kamaynilaan,  ang urban planning na di nasunod… tapos wala. Eto na naman tayo sa matinding baha.  At nagkalat pa rin ang mga basura.  
Baka kailangan na nating mag-evolve tulad niya.

Wala na nga bang sense of history ang mga Pilipino? Mabilis nga ba tayong makalimot? O selective lang talaga ang ating alaala? At bakit masyado nating ine-exaggerate ang nakalipas? Minsan parang sobrang ganda kung ikwento natin o kaya naman ay sobrang pangit. As if walang in between. As if walang dahilan kung bakit nagsi-pangyari ang mga yun at ang alam natin ay basta, eto ang resulta nun, either pangit o maganda, tapos ang kwento. Pero ganon nga ba palagi ang kasaysayan? Tingnan natin ang ilan sa mga ito:

·  Maraming galit na galit sa mga kastila sa pananakop sa ating bansa. Nawala daw identity nating mga Pilipino. Identity? Pero kung di kaya tayo sinakop ng kastila,  ano kaya ang tawag sa atin ngayon? Pilipino pa rin kaya? O naging isang bansa kaya tayo o watak watak? O di kaya bahagi na lang tayo ng iba nating karatig nating bansa. May naging Pilipinas kaya? 

·  Naiinis tayo sa mga amerikano dahil sa pambobomba sa Maynila noong liberation. Pero inalam ba natin kung sino ang may pakana ng bombahan at bakit binomba ang ilang establisyamento? Binomba ba ang Maynila ng mga Amerikano dahil gusto lang nilang sirain ang Maynila noong 1940s na aayusin at titirahan pa rin pala nila hanggang sa mga nakalipas na dekada lamang? 

·  Lagi nating naririnig na sinisisi ang Simbahan sa mga nangyayari sa bansa ngayon. Masyado raw nakikialam sa gobyerno. Pero hindi ba nung 1930s hanggang bago maggyera ay nangunguna ang ating bansa sa Asya ? At di ba’t madalas nating ipagmalaki ito na ang Pilipinas ay sobrang unlad noon at kinaiinggitan ng maraming bansa? Hindi ba’t ng mga panahong yun ay mas malaki pa ang porsyento ng mga debotong katoliko at mas malaki ang impluwensya sa tao at gobyerno. Bakit ng mga taong yun ay wala akong naririnig na mga papuri na natanggap ang Simbahan sa pagiging maunlad na bansa ng Pilipinas?  Bakit ngayon nagkandaletse letse na, sila na may kasalanan?

·  Maraming nagsasabi na mas ok pa raw nung martial law at ng panahon ni dating Pangulong Marcos.  Mas disiplinado. Mas konti ang napapabalitang krimen. Mas maraming imprastraktura ang napagawa. Pero hindi ba bawal ang magsalita laban sa gobyerno noon? Hindi ba’t bawal ang tv, radio at dyaryo kung hindi ito kontrolado ng pamahalaan?  At bilang pinakamatagal na pinuno ng bansa, hindi ba’t marapat lang na pinakamaraming imprastraktura ang maitayo sa kanyang panunungkulan? At kung ang pagbibiro ni Ariel Ureta sa slogan ng Bagong Lipunan e naparusahan siya, sino bang di matatakot at magpapakabait?

Uunlad ka talaga kung ginto sana yung bike tulad nito.

·  Sinasabi rin ng marami na si dating pangulong Cory Aquino ang ina ngdemokrasya. Na siya ang nanguna sa people power revolution na siyang nag-alis sa rehimeng Marcos para maging malayang muli ang mga Pilipino. Pero sino ba ang nanawagan sa mga tao para lumabas noon at makibaka? Nasaan ba si Dating Pangulong Cory noong nag people power na sa EDSA? Kelan ba siya lumabas noon sa eksena?

Bago ako umani ng mga negatibong reaksyon, eto muna.

Una, marami talagang kulturang pinoy ang nawala ng sakupin tayo ng Kastila. Tulad na lang ng baybayin na siyang una nating paraan ng pagbasa at pagsulat. Pangalawa, nanghihinayang ako ng malaki sa mga nasira nung panahon ng liberation. Kung tinangka mang ayusin ng Amerika at tumulong ang Hapon para ibalik ang sigla ng Maynila noon, masyadong malayo  na sa orihinal at mahirap nang ibalik lalo na ang moral damages na naidulot nito sa tao. Pangatlo ay sang-ayon ako na may mga naging mga pinuno ng Simbahan noon at magpahanggang-ngayon na nakagagawa ng mga maling desisyon. May mga bahagi ng nakaraan na nagkulang sila sa mga myembro at sa mga tao. Pang-apat, tama na noong panahon ni dating Pangulong Marcos, na sa aking palagay ay may pinakamagandang plano para sa bansa sa lahat ng naging pangulo,  ay nabawasan at nakontrol ang mga grupong kasalukuyan ay nagpapahirap sa ating bansa at malaki at maganda ang naging dulot nito sa impresyon ng ibang bayan sa atin. At panghuli, si dating Pangulong Cory ay hinahangaan ko bilang isang matapang at may paninindigang tao sa kanyang mga paniniwala't pinakikipaglaban.

At marami pang ibang nangyari na patungkol sa mga bagay na yan. Hindi lahat ng nangyari dyan ay alam ko. At hindi rin lahat ay maikkwento ko. Kaya hindi ko rin sasabihin kung sobrang ganda ng mga nangyari dyan o kaya naman ay kung sobrang pangit. Pero lahat ng yan ay may naidulot na maayos at may hindi rin kagandahan sa kung ano at nasaan tayo ngayon. Given na rin yun at hindi natin kailangang sobrahan pa ang kwento. Yung sakto lang ay ok na.  

Ang punto, wag sana tayong maging selective. Wag exaggerated. Wag masyadong makulong sa imahinasyon ng nakaraan. Hindi rin dapat tayo padala sa emosyon na nakakaapekto sa judgement natin, hindi lang sa nangyari sa nakaraan kundi sa magiging desisyon natin sa hinaharap. Hindi naman “black or white” lang ang kasaysayan.  At bakit nga ba kailangan nating balikan at ilagay sa ayos ang pag-iisip sa nakaraan. Sabi nga di ba, “Ang di lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan”. Hangga’t wala tayong malinaw na pananaw sa ating nakalipas, hindi tayo matututo sa aral ng mga ito para sa ating mga ikikilos sa kinabukasan. 

Eto ang maling paglingon sa pinanggalingan.

Hindi maiiwasan ang “bias” natin sa pagtingin sa kasaysayan. Pero kung hindi natin ito mababawasan at magpapadala tayo ng todo todo sa sinasabi ng alin man sa nasa kaliwa o sa nasa kanan, asahan natin na kikiling pa rin ang ating kinabukasan at malabong tuluyang dumiretso ang daan. Iniisip ko nga ngayon kung totoong guwapo ako nung baby ako tulad ng sinabi ng mga kamag-anakan ko. Baka kasi may bias din sila sa history.

 For updates, follow me on Twitter and like me on Facebook. Thanks!

Friday, August 3, 2012

Mga Punto sa RH Bill, sa TOTOO lang

Naalala ko nung nasa college pa ko, nag-walk out ako minsan sa isang misa. Sa mga nakakakilala sa kin ngayon, malamang ay di sila makapaniwala sa ginawa kong yun. Pero totoong nangyari yun. Ito ay sa dahil sa pagkainis ko sa pari na nangaral laban sa two-child policy at sa panukalang tulad ng RH bill na sinusulong sa kongreso noon.  Nainis ako. Sa palagay ko kasi noon e dapat nang ipasa ang ganitong uri ng batas. Marami na ang naghihirap. Marami na ang nagugutom.  At hindi rin dapat mangaral sa pulpito si father dahil di niya alam ang sinasabi niya… yan ang sabi ko noon sa sarili ko.

At sa ilang beses kong pagbabasa at pakikipagdiskusyon tungkol sa RH BILL na ngayon ay RESPONSIBLE PARENTHOOD BILL, narinig ko na marahil ang lahat ng argumento ng magkabilang panig. Ilang beses ko na ring nabasa ang bill, yung orig, yung binago, yung binagong-binago (ilang revisions na rin kasi) at ang suma total ay halos pareho pa rin ang nilalaman. 

Which side are you on?

Sa puntong ito, nasa kamay na ng mga taong niluklok natin sa puesto ang desisyon kung maisasabatas ba ang RH bill o hindi. Sa Aug 7 ay magkakaroon na ng botohan sa mababang kapulungan. Pero sa kabila nito, hindi pa rin sumusuko o humihinto ang magkabilang panig para ilahad ang posisyon sa usapang ito.  Kaya nakisali na rin ako. At nais kong ipahatid sa lahat ng mambabasa kung ano at bakit ako nandito sa side na ito. 

Sa post na ito ay iniisa-isa ko na ang pinakakadalasang argumento na maririnig natin galing sa mga supporters ng RH bill. Ito yung mga naka-italics. Sa baba ay ang aking komento/opinyon patungkol sa bawat isa rito. Maaaring madagdagan pa ang mga ito sa mga susunod na araw pag naalala ko pa ang ilan. Maaaring magbigay rin kayo ng komento at opinion sa aking mga naisulat, kontra man kayo o kampi. Pero sana ay basahin nyo muna rin ang lahat ng isinulat ko sa baba. I-share nyo rin sa iba kung nagustuhan at nakatulong sa inyo ang mga bagay na nakasulat sa ibaba. 

1.        This bill is necessary for the protection of our women as it promotes reproductive health benefits, sex education, women and children’s rights and protection, promotion of family planning, etc.

-- Tama naman po. Ang bill na ito ay naglalaman ng mga provisions na patungkol sa proteksyon ng kababaihan, benepisyo para sa pangangalaga ng kanilang “reproductive health” maging ng iba pa nilang mga karapatan bilang babae pati na rin ng kabataan. Kung babasahin niyo ang bill na ito ay talaga namang napakaganda para sa ating mga kababaihan ng karamihan sa mga provisions nito. At sa aking pagbabasa at pagreresearch patungkol sa bill na ito, nalaman ko rin na ang karamihan pala sa provisions ng bill na ito na ay nilalaman na rin ng ilang batas na meron na ang pamahalaang ito.

Ang patungkol sa karapatan at kalusugan ng kababaihan kasama ang kanilang reproductive health ay nasa loob na ng RA 9710 o ang Magna Carta of Women na naipasa na ilang taon na ang nakakaraan. Ang RA 9262 naman o ang Anti-Violence on Women and their Child Law ay pasok din sa karapatan ng kababaihan at kabataan laban sa pang-aabuso. Ang RA 6615 naman ay batas na nag-uutos na mag-extend ng medical assistance sa mga emergency cases sa kahit sinong tao ang mga pribado at publikong ospital (kung nabasa nyo yung bill, alam nyo na kung alin dito yung redundant part din. Tama, yung mga babaeng nag-undergo sa abortion na nagkaroon ng komplikasyon, pasok na sila sa bill na ito. And yes, may term na “abortion” sa RH bill). Meron na rin tayong PD 965 na nag-uutos sa mga ikakasal na dapat mag-undergo sila ng Family Planning seminar. May RA 8504 na tinatawag na Philippine AIDS Prevention Act din (the title explains itself). Para sa mga murang gamot naman ay may RA 9502.  Meron ding Executive Order 452 na para sa mabuti at libreng serbisyo para sa mga indigent families.

At ilan lang po yan sa mga batas na meron na po tayo (at marahil ay dapat ipatupad pa ng maayos) na naglalaman na ng halos lahat ng probisyon (maliban sa isa) na nasa RH Bill. Hindi na po marahil kailangan pa ng RH bill at DAGDAG NA PONDO para sa bagong batas para ipatupad ang mga yan.

At kung nagtatanong po kayo kung ano yung isang provision na hindi nilalaman ng ibang batas pero matatagpuan sa RH bill, ayun po ay ang PROVISION na ang gobyerno ay MAGPOPONDO para sa contraceptives na siyang ipapamigay sa mga tao. Ang sinasabing pondo na gagamitin sa RH Bill ay naglalaro sa pagitan ng 3-14 Billion Pesos at marahil ay ilang bahagi nito ang mapupunta sa pagbili ng mga contraceptives. Ang tax na pinaghihirapan ng mamamayan na nagkukulang na para sagutin ang ilang mas matindi nating pangangailangan ay babawasan pa para ipambili ng condom, pills, IUD at kung ano ano pa.

Patungkol naman sa “maternal deaths” na dapat ay talagang maiwasan na sa panahong ito, ang statistika na ibinibinigay ng mga supporters ng RH Bill na “11 deaths per day” ay outdated na po at noong 90s pa nagmula ang datos na ito. Sa paglipas ng panahon at pagusbong ng kaalaman at teknolohiya, malaki na po ang ibinaba ng maternal death rate sa bansa ayon na rin sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB). 

Maging sa World Health Organization (WHO) report nito lang 2010  ay nagsasabing malaki na ang binaba ng maternal death rates ng bansa at higit na mas malaki pa ang binaba kumpara sa ilang bansang progresibo gaya ng Russia, Hungary, Malaysia, Germany at Israel.
 At kung nanaisin lang natin na talagang bumaba, bakit hindi natin tanungin ang isang midwife sa Sagada, Mountain Province na isa sa pinakaliblib na lugar sa Pilipinas. Hindi ganoon kaprogresibo ang kanilang lugar maging ang kanyang pamamaraan pero nagawa niyang  maging kasangkapan para sa “Zero Maternal Deaths” at “Low Infant Mortality Rate” sa area na pinagtrabahuhan niya? Dahil dito ginawaran pa siya ng award ng United Nations. Pondo? Teknolohiya? Wala sila nun. Pero ang meron sila ay disiplina at dedikasyon para magawan nang paraan ang suliraning ito.

2.        We are overpopulated and continuously growing exponentially. And in a few years, our country will not be able to carry the whole population and our people will starve due to complete lack of resources.

-- Nakakatakot po talaga kung titingnan natin ang datos ng pag-akyat ng bilang ng populasyon ng Pilipinas.  Nasa 100 Million na tayo mahigit ngayon. Parang nung highschool more than 10yrs ago ay nasa 55 Million lang at ngayon ay doble na. Sabi ng iba ay baka sa 2020 daw ay di na tayo halos magkasya sa bansa.

Pero bakit parang sa Maynila at ilang mga urban na lugar lamang natin nakikita ang siksikang tao? Bakit sa mga karatig lugar at probinsya na lang ay tila maluluwag at malalaki pa ang lupa? At bakit marami pa ring mga bayan sa ating bansa na kokonti lang naman ang populasyon at may naglalakihang mga lupain ay naghihirap pa rin? Hindi kaya korapsyon ang dapat na bawasan?

Parang sa MRT lang

Isa pa, totoo bang walang hanggan na ang paglobo ng populasyon natin? Subukan nating tingnan ang Total Fertility Rate. Ayon sa datos ng NSO, ang Total Fertility Rate ng bansa ay bumaba na ng todo kumpara noong 1960s sa value na 7 at ang value ay bumaba ng lampas kalahati na sa value na 3.1 noong 2008. At sa rate ng pagbaba ng TFR ng bansa ngayon, kahit wala pang RH bill ay tinatayang aabot ito sa value na 2.2 to 2.4 sa taong 2025. Dahil na rin ito sa pagbabago ng pamumuhay at kaalaman ng tao sa bansa.  Ayon na rin sa pag-aaral, ang value po ng TFR na kailangang ma-maintain o mataasan ng isang bansa para ang kasalukuyang populasyon ay mapalitan ang kanilang bilang sa susunod na henerasyon ay 2.3. 

Pero sabi naman ng iba, kahit pababa ang TFR natin ay bakit pataas pa rin ng pataas ang bilang ng populasyon? Ang sagot po ay ang initial momentum na dulot ng mataas na TFR noong 60s and 70s.Kumbaga, nakapondo na tayo. Kahit pa bumaba ang fertility rate ngayon, hindi ito basta basta magdedecline agad. Gradual ito. Ang tingnan  natin ay ang rate ng growth hanggang umabot sa saturation point by the year 2040s.   

Kung di pa rin maintindihan, ihalintulad natin ito sa isang kotse. Sa kanyang initial acceleration, binigyan siya ng malakas na power para tumakbo ng matulin at makatakbo ng malayong distansya.  Habang umaandar palayo, binababa paunti unti ng driver ang puwersa para bumaba ang speed. Pero habang pinapababa niya ang speed, tatakbo pa rin palayo ang kotse dahil na rin sa initial force.  At habang binibitawan ng driver ang gas, didiretso pa rin ang takbo ng kotse papalayo dahil sa nga sa initial force. At hanggang umabot ito sa distansya na kayang itulak ng pang-unang puwersa ang kotse, dun lang ito hihinto sa pag-andar. Ngayon, palitan natin yung force ng TFR, at yung distance naman yung population growth. Yan po ang dahilan kaya kahit pababa ang TFR ay tumataas pa rin ang populasyon.

Maraming bansa na rin ngayon na may TFR na mas mababa sa 2.3 at ang kanilang bansa ngayon ay nammroblema dahil sa population decline at aging (tulad ng Japan, Russia, Germany, Slovenia, atbp). Ito yung tinatawag na demographic winter na kung saan, tumanda ang kanilang populasyon nang hindi dumadami at naubusan na sila ng mga “manpower” para patakbuhin at palaguin pa ang kanilang ekonomiya. Dahil dito, ang kanilang gobyerno ay gumawa ng mga batas para “i-encourage” ang kanilang mamamayan  na mag-anak. Binibigyan nila ng benepisyong dagdag para magparami ang mga tao. Ang mga bansang ito ay progresibo na. Paano kung sa atin mangyari ito at mapabilis ng RH Bill na ibaba ang ating TFR na bumababa naman naturally? Pinagmamalaki ng gobyernong ito ang pagangat ng ekonomiya at ito ay napapansin na nga ng ibang bansa. Hindi ba kaya umaangat ang ekonomiya natin dahil angating mamamayan ang sumasalo ng trabaho sa mga bansang ito na nagkukulang ng manpower sa pamamagitan ng OFWs at BPO sa bansa? Ito ang ating bentahe sa kanila ngayon. At aalisin ba natin?

3.        The people have the right to informed choice. People must choose for themselves.

--  Naniniwala ako na dapat talaga,alam ng bawat isa sa atin ang pagpipilian at may karapatan tayo na pumili ng nararapat para sa ating mga sarili. Kaya nga may mga batas nang naipatupad tulad ng nabanggit sa number 1. Marami na ring mga palabas sa tv na ito ang tinuturo.  Ilang NGOs na rin na ito ang adbokasya.

Kung titingnan din natin ang mga diskusyon patungkol sa batas na ito, libo libo o milyon milyon pa siguro na mga Pilipino ang nagdidiskusyon patungkol sa RH Bill. Dito ay makikita natin na marami na talaga ang “INFORMED” kahit wala pang RH bill. At yung choice, matagal nang meron din ang bawat isa dahil wala naming batas na pumipigil sa tao na gumamit ng contraceptives. Pero sa oras na maipasa ang batas, ke ayaw ng isang tao na gumamit ng contraceptive o hindi, labag man sa kagustuhan o paniniwala niya, gagamitin ang kanyang buwis para ipampondo sa contraceptives at mabibigyan siya ng mga ito sa ayaw niya o sa gusto.  Sa huli, mas mawawalan pa nga tayo ng choice sa oras na maisabatas ang RH Bill.

4.        Contraceptives must be accessible for the people and they must have the rights to use it.

-       Tulad ng nabanggit sa number 1, may mga batas nang patungkol sa Family Planning. Kaya nga may mga health centers nang nagpprovide ng family planning seminars and consultations at nagbibigay din ng mga free contraceptives ang ilan dito. At kung accessibility lang din ang paguusapan, pumunta lang sa pinakamalapit na convenience store at makakabili na ng ilan sa mga ito.

At sa may mga gustong gumamit nito, wala naman talagang batas na nagpipigil ng paggamit nito. Gamitin nila kung gusto nila lalo’t kung hindi ito labag sa kanilang paniniwala.  Pero sana naman eh bumili sila ng sarili nila. At kung wala silang pambili, magpigil pigil naman sana sila. Huwag naman sanang asahan na sasagutin pa ito ng gobyerno para sa kanila.  Wag rin nilang i-asa na galing pa sa bulsa ng mga taong labag ang kalooban at sa kanilang paniniwala ang paggamit ang pambili nila ng contraceptives. Kung ito ang pagkagastusan ng gobyerno ng ilang bilyon habang nagrarally ang maraming estudyante na nananawagan ng dagdag na pondo sa edukasyon, habang kulang ang pondo sa programang pag agrikultura, habang kulang ang pambili natin ng gamit at armas ng AFP, hindi kaya dapat isantabi ang pagprioritize sa budget para sa mga contraceptives?

Hindi ito make-up kit.

5.        RH Bill prevents abortion.

          --     Maraming debate patungkol dito, kung kelan nagsisimula ang buhay. Depende kung saang side ka nanggagaling kung alin paniniwalaan mo.  Kung sa fertilization nga ba nagsisimula ang buhay o sa implantation.

Ganito na lang siguro. Karamihan kasi sa mga pills, ay may mga actions na ginagawa sa loob ng matris ng ating mga kababaihan. 2 ang pineprevent nito, una ay ang mafertilized ang egg, pangalawa ay panipisin ang wall o kaya ay mag-secrete ng maraming mucus para ang fertilized egg ay hindi kumapit o kaya ay humina ang kapit hanggang sa tuluyang mawala ang fertilized egg.

Sa akin kung ako ang tatanungin, yung fertilized na egg ay isang nilalang nang may buhay. Kung sa iba ay hindi, nasa paniniwala naman nila yun. Pero yung ikalawang aksyon ng pills na iniiwasang kumapit o pinapahina ang kapit ng fertilized egg, ito na yung ABORTIFACIENT character na tinatawag dun sa mga pills. Maaaring sabihin ng iba na “hindi pa naman kumapit”, pero paano yung nakakapit pero mahina lang kaya tuluyan rin nahulog pagkatapos? So hindi tayo sigurado kung anong “aksyon” ang nangyari sa loob. Lumalabas na hindi tayo sure kung may bata ba tayong napatay o wala. Hindi dapat sinusugal ang buhay kahit kelan.

Labas naman sa technical na usapan ay sa usapin ng psychology.  Ang konsepto ng “contraceptive” ay laging karugtong ng “abortion”. Hindi ba’t kaya ginagamit ang contraceptive ay para mapigilan ang “unwanted pregnancies”? Halos lahat ng mga contraceptive ngayon sa merkado ay walang 100% assurance na makakaiwas ng pagbubuntis. Sakaling matyempuhan ang isang babae na pumalpak ang contraceptive, ang resulta nito ay “unwanted pregnancy” pa rin, at dahil unwanted, may ilan pa rin na magtatangka na ipa-abort ito. Patunay ito sa resulta sa mga bansang may batas nang tulad ng RH Bill ay karamihan sa kanila ang sabay na pagtaas ng paggamit ng contraceptive at pagtaas ng bilang ng abortion tulad ng US, Cuba, Sweden, Denmark, Singapore, South Korea atbp.  

Maaaring sabihin naman na kahit illegal ang abortion sa Pilipinas ay may gumagawa pa rin. Ganon din naman ang pagpatay, pagnanakaw at kung ano ano pang krimen. Pero tulad ng isang nagpaabort, ang isang magnanakaw pag nabaril, karapatan pa rin niya na maipagamot siya bago siya maparusahan sa krimeng kanyang ginawa. 

6.        RH Bill is needed to prevent further spread of HIV, AIDS and other STDs.

--  Tulad sa number 1, may batas na po tayo na nakatutok po specific sa bagay na ito. Ang RA 8504 or ang "Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998." ang komprehensibong batas na ginawa para mabawasan at maibaba ang bilang mga taong nagkakaroon ng sakit na ito. Lahat ng provisions na patungkol sa AIDS/HIV na nasa RH Bill ay nakapaloob na ditto at mas marami at mas kumpleto pa. Kailangan na lang sigurong ipatupad ng mas maayos o kung gusto man nilang repasuhin ay puede naman kung gugustuhin nila.

7.        Catholic Church opposition is the only argument that anti-RH people have.

--  Ayon na rin sa mga nabanggit sa taas, hindi lang ang aral ng Simbahan ang batayan ng paglaban sa RH Bill, mas marami pa nga ang secular, scientific, constitutional at logical na mga dahilan para hindi ito maisabatas. Kadalasan, pag may RH bill na topic, kahit hindi nababanggit ang Simbahan ay makikita sa mga komento ang salitang “bishops, catholic, church, pari,pope” tapos may katabing mga salitang “damaso,pajero, bigot, hypocrite, makitid” at iba iba pang masasamang salita kahit wala naman sa istorya yung simbahan.

Ito ay marahil na rin sa ang Simbahang Katoliko ang pinakavocal na lumalaban sa RH bill at sa kabila naman, ang Simbahan rin ang nakikita nilang pinakamalaking hadlang at ito rin ang pinaka madaling gawing “poster boy” para kumampi ang mga tao sa RH Bill. Alam naman natin na marami rin ang galit sa Simbahan.

Pero sa kabila nito, hindi matatawaran ang dami ng mga tao at secular groups na laban sa RH Bill. Pero ito ay kadalasang isinasantabi ng mga proponents ng bill at ang patuloy lang na sinasagot nila ay ang mga argumento ng Simbahan. Don’t get me wrong. I stand and I believe in the Church’s side on this matter. But of course, pag argumentong pang Simbahan lang ang pinagusapan, mae-alienate ang mga hindi katoliko at maaaring magbunga ito ng hindi pagkakaunawa sa tunay na nilalaman ng RH Bill sa kanila at maaaring magbunga pa ng pagkampi nila sa panukalang ito sa dahilang ayaw lang nila sa anumang bagay na may relasyon sa Simbahang Katoliko.

Kitang kita sa tarpauline. (photo credit:

8.        RH Bill will make people responsible, become good parents and make their lives better.

--  Sa dinami dami ng magagandang provisions na nasa loob ng RH Bill kung ito ay ating babasahin, talaga nga sigurong maganda ang magiging bunga ng mga ito. Yun nga lang, dahil nga naulit lang sa ibang batas ang laman nito at mas kumpleto pa sa iba tulad ng nabanggit sa number 1, hindi na kailangan pang isabatas ang naisabatas na.

At tulad ng nabanggit na rin sa number 3, matalino na ang mga Pilipino ngayon. Sigurado ako na magtanong ka kahit kanino kung gusto ba nila na mag-anak ng marami, ang isasagot ay hindi dahil mahirap ang buhay. Pero meron pa rin namang mga pamilya na malalaki at nagdadaan sa hirap ngayon. Marami akong kakilala. Makakatulong ba sa kanila ang RH Bill para umangat sa buhay? Malaki na ang pamilya nila eh, ang kailangan nila ngayon ay trabaho at edukasyon, hindi na condom.

Yung mga anak nila ang dapat nating alagaan. Bigyan ng tamang edukasyon para maging responsableng mamamayan. Hindi sex education ang sagot para maging responsable sila sa buhay. Ilan ba sa atin (lalo na sa mga magbabasa nito) ang dumaan sa formal sex education? Malamang ay konti lang o wala. Kahit ako hindi e. Pero alam ko naman kung paano maging responsable at ganoon ka rin na bumabasa ng article na ito. Pareho lang tayo, dahil nakapag aral tayo, dahil nagabayan tayo ng magulang natin ng maayos, alam natin kung ano ang tama at mali. Responsible Parenthood bill? Walang pinagkaiba yan sa RH Bill kung babasahin. Title lang po halos ang binago at ilang mga pagbabago sa ilang probisyon.  
Isa pa, hindi lang naman sa mahihirap ang nagkakaroon ng mga iresponsableng mga tao pagdating sa usaping sekswalidad. Maging sa mga alta-sosyedad, mga pulitiko o mga professional na tao ay nagkakaroon din ng problemang ganito.  Pero sigurado po ako na ang isang taong may laman ang tyan at may laman ang utak ay mas makakapag isip at makakakilos ng tama bilang isang mabuting mamamayan kesa sa isang taong gutom at mangmang.

Kaya ako po ay nagpapasalamat sa mga pro-RH bill people lalo na kayong may tapat at may busilak na hangarin sa pagsuporta sa panukalang ito. KAYO po ang aking PATUNAY sa buod ng aking isinulat sa itaas. Dahil kayo po mismo na hindi nakaranas ng RH Bill ay alam kung ano kabutihan ng pagpplano sa buhay. Alam ninyo kung paano maging responsableng magulang at paano maging isang responsableng mamamayan.  Kayo po ang patunay na ang RH BILL ay isang panukalang HINDI NA NATIN KAILANGAN para mapabuti ang kaisipan at kalagayan ng ating mga mamamayan. Ang kailangan natin ay edukasyon at disiplina. Salamat at mabuhay po tayong lahat. 

-- No to RH Bill


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Follow my Blog