Showing posts with label Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Pilipinas. Show all posts

Sunday, May 8, 2022

Apolitical?

Being actively campaigning sa unang 2 presidential elections na binotohan ko (2004 and 2010), na sumama rin ako sa rallies, nangampanya sa mga kakilala at nagvolunteer as watcher, marami akong naging realizations noon. Naiintindihan ko yung mga tao ngayon lalo ang mga kabataan na nagiging aktibo at sobrang zealous and aggressive sa pagkampanya.

Nung sumunod na election, (2016), narealize ko kung paanong kahit anong kampanya gawin ng isang tao, hindi basta basta mababago nito ang perception na ng ilan tungkol sa mga kandidato na kanilang iboboto.
Maaaring may maimpluwensyahan pa rin naman sa pangangampanya, pero hindi yun direkta dahil sa kinampanya mo sila, kundi dahil nandun na talaga sa loob nila, paniniwala at karakter na hinubog ng ilang taon kung bakit siya boboto o hindi sa kinampanya mo. Maaring may narinig siya na nag align sa sinusupport mo kaya siya boboto dun. Kaya may impact din naman ang pangangampanya para dun sa mga taong may pagkakapareho sa prinsipyo mong pinaniwalaan din naman na maaaring na-bullseye mo sa impormasyong ibinigay mo patungkol sa kandidato. Kaya tama lang ang kampanyang nag bibigay impormasyon at linaw.
Pero may ilan talaga na kahit anong paliwanag mo, since hindi aligned ang inyong karakter at paniniwala, wala pa ring magiging impact yan.
I started blogging in 2012 because of my experiences in the first 2 elections na nakboto ako, na umasang baka may posibilidad na may mga ilang tao na makakabasa ng aking mga saloobin at makapag impluwensya kahit paunti unti. Naging aktibo ako dito ng ilang taon at naging daan pa nga para makakilala ng maraming tao mula sa ibat ibang panig ng bansa, ng mundo, ng iba’t ibang larangan. Nandung naimbitahan na rin sa ilang programa sa radio at tv, at magsulat sa ilang mga pahayagan. Kahit pano nagkaroon ng ilang tagasunod na siguro, kahit pano, may naibahaging kaunti sa kanila para magamit sa pag dedesisyon sa mga sitwasyong katulad ng eleksyon. Though recently, medyo di ko na rin actively naupdate ang blog ko (last 2020 ang huli) pero actively posting my thoughts pa rin sa mismong page ng aking blog.



Yung kampanya, yes, may impact na magagawa yan para ma-sway natin ang botante para piliin ang kandidatong tingin natin ay dapat iboto. Pero tulad ng nasabi ko, ito ay may impact para lang dun sa may parehong paninindigan mo mula umpisa. Tanggapin mo na may iba talagang hindi aalign kahit ano pa ang sabihin mo. Kaya may mga botante na talagang may kandidatong totally EKIS na agad kahit ano pa iprisinta mo sa kanila dahil malamang ay opposite nun ang kanilang paniniwala kesa sa yo. Kaya yung pang matagalan, tuloy tuloy na pagshare ng mga aral, karanasan at mga importanteng impormasyon na makakatulong sa paghubog ng isip ng mga tao para magkaroon ng matibay na prinsipyo at paninindigan, yan ang mas napagtuunan ko ng oras at pansin. Sobrang optimistic and idealistic. At walang impact agad agad. Pero umaasa pa rin na may maging epekto paunti unti kahit papaano. At may ilan ding mga tao na sinusundan ko na ganito rin naman ang ginagawa.
Apolitical nga ba? Fence sitter? Sabihin na lang natin na ang kampanya, ginagawa ko sa araw araw, pero hindi na para sa isang kandidato kundi para sa mga dahilang pinaniniwalaan kong dapat ipaglaban at ipush ng mga mahahalal sa puwesto. Boboto ako dahil sa tingin ko may mga taong tumatakbo na kapareho ng mga adhikaing pinapaniwalaan ko. Susuportathan ko sila. At totoong may iba na hindi ako sigurado pero tatayaan ko. Susuporta ako at boboto, pero not to the point na ipagtutulakan ko sila sa inyo, dahil mas importante pa rin sa huli na malinaw sa inyo ang paninindigan nyo at inalam nyo at pareho kayo ng pinapaniwalaan nung iboboto nyo kesa dahil sinabi lang ng iba na iboto nyo sila.
(P.S., Laging talo po ang kandidato kong sinusuportahan sa pagkapangulo, at madalas hindi pa pumapasok sa top 3 man lang. Kaya if gusto nyong manalo kandidato nyo, wag nyo na ko piliting iboto sila. Kaya iboboto ko ngayon ay kung sino yung gusto kong matalo. Joke lang syempre.)

Wednesday, August 8, 2012

I don’t care about the past…not

May mga memories ako nung bata ako na di ako sure kung nangyari ba talaga o imagination ko lang. Siguro, yun yung panahon na nagsisimula pa lang akong magkaroon ng consciousness sa nangyayari sa paligid. Ang weird pa sa mga memories ko na yun, pakiramdam ko e matured na kong nagoobserba. Parang nasa isip ko e matanda na ko na nagmamasid sa nangyayari sa paligid sa mga oras na yun. Tapos nakita ko yung anak ko. Di kaya ganon din siya ngayon?


Tulad ko nung bata, marami rin sa tin ang madalas ay blurred na ang vision sa kasaysayan. Tuwing nagbabasa ako ng mga artikulo ni Prof. Ambeth Ocampo na isa sa tinitingalang historian ng bansa, mapagtatanto natin na patse-patse pala ang history na kadalasang natututunan natin.  Bukod pa rito maging yung mga recent histories ay agad na nawawala  ang diwa sa ating mga kababayan. Tulad na lang ng Ondoy, nangyari ito 3 yrs ago at after nun, pinagusapan kung paano aayusin ang mga drainage ng kamaynilaan,  ang urban planning na di nasunod… tapos wala. Eto na naman tayo sa matinding baha.  At nagkalat pa rin ang mga basura.  
   
Baka kailangan na nating mag-evolve tulad niya.


Wala na nga bang sense of history ang mga Pilipino? Mabilis nga ba tayong makalimot? O selective lang talaga ang ating alaala? At bakit masyado nating ine-exaggerate ang nakalipas? Minsan parang sobrang ganda kung ikwento natin o kaya naman ay sobrang pangit. As if walang in between. As if walang dahilan kung bakit nagsi-pangyari ang mga yun at ang alam natin ay basta, eto ang resulta nun, either pangit o maganda, tapos ang kwento. Pero ganon nga ba palagi ang kasaysayan? Tingnan natin ang ilan sa mga ito:


·  Maraming galit na galit sa mga kastila sa pananakop sa ating bansa. Nawala daw identity nating mga Pilipino. Identity? Pero kung di kaya tayo sinakop ng kastila,  ano kaya ang tawag sa atin ngayon? Pilipino pa rin kaya? O naging isang bansa kaya tayo o watak watak? O di kaya bahagi na lang tayo ng iba nating karatig nating bansa. May naging Pilipinas kaya? 


·  Naiinis tayo sa mga amerikano dahil sa pambobomba sa Maynila noong liberation. Pero inalam ba natin kung sino ang may pakana ng bombahan at bakit binomba ang ilang establisyamento? Binomba ba ang Maynila ng mga Amerikano dahil gusto lang nilang sirain ang Maynila noong 1940s na aayusin at titirahan pa rin pala nila hanggang sa mga nakalipas na dekada lamang? 


·  Lagi nating naririnig na sinisisi ang Simbahan sa mga nangyayari sa bansa ngayon. Masyado raw nakikialam sa gobyerno. Pero hindi ba nung 1930s hanggang bago maggyera ay nangunguna ang ating bansa sa Asya ? At di ba’t madalas nating ipagmalaki ito na ang Pilipinas ay sobrang unlad noon at kinaiinggitan ng maraming bansa? Hindi ba’t ng mga panahong yun ay mas malaki pa ang porsyento ng mga debotong katoliko at mas malaki ang impluwensya sa tao at gobyerno. Bakit ng mga taong yun ay wala akong naririnig na mga papuri na natanggap ang Simbahan sa pagiging maunlad na bansa ng Pilipinas?  Bakit ngayon nagkandaletse letse na, sila na may kasalanan?

·  Maraming nagsasabi na mas ok pa raw nung martial law at ng panahon ni dating Pangulong Marcos.  Mas disiplinado. Mas konti ang napapabalitang krimen. Mas maraming imprastraktura ang napagawa. Pero hindi ba bawal ang magsalita laban sa gobyerno noon? Hindi ba’t bawal ang tv, radio at dyaryo kung hindi ito kontrolado ng pamahalaan?  At bilang pinakamatagal na pinuno ng bansa, hindi ba’t marapat lang na pinakamaraming imprastraktura ang maitayo sa kanyang panunungkulan? At kung ang pagbibiro ni Ariel Ureta sa slogan ng Bagong Lipunan e naparusahan siya, sino bang di matatakot at magpapakabait?

Uunlad ka talaga kung ginto sana yung bike tulad nito.



·  Sinasabi rin ng marami na si dating pangulong Cory Aquino ang ina ngdemokrasya. Na siya ang nanguna sa people power revolution na siyang nag-alis sa rehimeng Marcos para maging malayang muli ang mga Pilipino. Pero sino ba ang nanawagan sa mga tao para lumabas noon at makibaka? Nasaan ba si Dating Pangulong Cory noong nag people power na sa EDSA? Kelan ba siya lumabas noon sa eksena?



Bago ako umani ng mga negatibong reaksyon, eto muna.

Una, marami talagang kulturang pinoy ang nawala ng sakupin tayo ng Kastila. Tulad na lang ng baybayin na siyang una nating paraan ng pagbasa at pagsulat. Pangalawa, nanghihinayang ako ng malaki sa mga nasira nung panahon ng liberation. Kung tinangka mang ayusin ng Amerika at tumulong ang Hapon para ibalik ang sigla ng Maynila noon, masyadong malayo  na sa orihinal at mahirap nang ibalik lalo na ang moral damages na naidulot nito sa tao. Pangatlo ay sang-ayon ako na may mga naging mga pinuno ng Simbahan noon at magpahanggang-ngayon na nakagagawa ng mga maling desisyon. May mga bahagi ng nakaraan na nagkulang sila sa mga myembro at sa mga tao. Pang-apat, tama na noong panahon ni dating Pangulong Marcos, na sa aking palagay ay may pinakamagandang plano para sa bansa sa lahat ng naging pangulo,  ay nabawasan at nakontrol ang mga grupong kasalukuyan ay nagpapahirap sa ating bansa at malaki at maganda ang naging dulot nito sa impresyon ng ibang bayan sa atin. At panghuli, si dating Pangulong Cory ay hinahangaan ko bilang isang matapang at may paninindigang tao sa kanyang mga paniniwala't pinakikipaglaban.

At marami pang ibang nangyari na patungkol sa mga bagay na yan. Hindi lahat ng nangyari dyan ay alam ko. At hindi rin lahat ay maikkwento ko. Kaya hindi ko rin sasabihin kung sobrang ganda ng mga nangyari dyan o kaya naman ay kung sobrang pangit. Pero lahat ng yan ay may naidulot na maayos at may hindi rin kagandahan sa kung ano at nasaan tayo ngayon. Given na rin yun at hindi natin kailangang sobrahan pa ang kwento. Yung sakto lang ay ok na.  

Ang punto, wag sana tayong maging selective. Wag exaggerated. Wag masyadong makulong sa imahinasyon ng nakaraan. Hindi rin dapat tayo padala sa emosyon na nakakaapekto sa judgement natin, hindi lang sa nangyari sa nakaraan kundi sa magiging desisyon natin sa hinaharap. Hindi naman “black or white” lang ang kasaysayan.  At bakit nga ba kailangan nating balikan at ilagay sa ayos ang pag-iisip sa nakaraan. Sabi nga di ba, “Ang di lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan”. Hangga’t wala tayong malinaw na pananaw sa ating nakalipas, hindi tayo matututo sa aral ng mga ito para sa ating mga ikikilos sa kinabukasan. 

Eto ang maling paglingon sa pinanggalingan.



Hindi maiiwasan ang “bias” natin sa pagtingin sa kasaysayan. Pero kung hindi natin ito mababawasan at magpapadala tayo ng todo todo sa sinasabi ng alin man sa nasa kaliwa o sa nasa kanan, asahan natin na kikiling pa rin ang ating kinabukasan at malabong tuluyang dumiretso ang daan. Iniisip ko nga ngayon kung totoong guwapo ako nung baby ako tulad ng sinabi ng mga kamag-anakan ko. Baka kasi may bias din sila sa history.



 For updates, follow me on Twitter and like me on Facebook. Thanks!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...