Double-standard. Pati sa pagbanggit ng ngalan at salita ng Diyos, damay na rin. Ironic pero eto ang mga napapansin kong nangyayari sa ngayon.
-
Ang mga hindi naniniwala ang mas madalas pa na
bumabanggit sa Diyos kesa sa naniniwala. (either
sarcastic o para lang sabihin na wala Siya)
-
Ang may paniniwala ay madalas pinupuna sa pagbanggit sa Diyos sa mga usapan. (hindi daw dapat ito isali dahil hindi naman daw lahat ay naniniwala. At magkakaiba pa raw ang pagkakakilala)
-
Ang mga mananampalataya ay kadalasang umiiwas na pag-usapan
ang Diyos. (dahil na rin sa rason sa
itaas)
-
Ang mga mangangaral ay pinupulaan sa madalas na
pagbanggit nila sa Diyos. (dahil pareho
rin naman daw natin silang nagkakasala)
-
Ang ginagamit pangontra sa mangangaral ng mga
pinapangaralan ay ang pangalan at salita din ng Diyos. (dahil may dahilan daw ang Diyos kaya sila ganito at binigyan daw sila
ng “free-will”)
Wala na nga ba sa lugar ang pagbanggit natin sa
Salita at Pangalan ng Diyos?