1. Sobrang guwapo mo at isang malaking biyaya para sa bawat
tao ang makita ang iyong perpektong mukha.
![]() |
Baka mas pogi ka pa kay Dingdong Dantes |
2. Ang kalsadang dinadaanan mo ay gawa sa foam.
![]() |
Snake Road |
3. Sisigaw ka lang ng "Shaider" pag mababangga ka
na at magbabago na ang iyong anyo, mababalutan ka ng bakal at di ka na tatablan
basta basta.
4. Mas matibay pa ang ulo mo kesa sa mga nabibiling helmet.
![]() |
Kahit wala nang helmet |
5. Matindi ang allergy mo sa helmet na pag sinuot mo, isang
minuto lang ay di ka na makakahinga at mamamatay ka na agad.
6. Meron kang sungay kaya hindi magkasya yung helmet sa ulo
mo.
7. Sobrang hina ng kukote mo kaya di mo alam kung paano
isuot yung helmet.
Yan lang ang naiisip ko at matatanggap kong dahilan kapag
nakakakita ako ng mga taong hindi nagsusuot ng helmet kapag nagmomotor. Pero
parang imposible halos mangyari ang lahat ng ito.
![]() |
above the law? |
Ibig sabihin lang e imposibleng di mo kailanganing maghelmet
pag nagmomotor. Bukod sa bawal sa batas e pangunahing dahilan yung kaligtasan
mo rin. Pero teka, posible pala yung number 1. Baka nga sa sobrang gwapo mo ay
daig mo pa si Dingdong Dantes na naghehelmet samantalang ang iyong mukha ay
kailangang makita ng madla at hindi matakpan ng sagabal na helmet. Pero hindi
ba ang kagwapuhan mo ay mas lalong dapat takpan dahil baka lalong makapagdulot
ng aksidente para sa mga nadidistract na motorista? Isipin mo na lang ang
mapapatitig sa iyo, matutulala, mahuhumaling, habang tumatakbo ng matulin sa
gitna ng highway. Kawawa naman sila di ba? Kaya please lang, magsuot ka ng
helmet.
![]() |
Mahirap nang magaya dito. |
Wag ka lang sanang maging kasama dun sa gumagawa ng krimen
na riding in tandem kaya ka nagtatakip ng mukha. Ibang kaso naman yun.