Wednesday, February 12, 2014

Hindi Ka Nagsusuot ng Helmet sa Pagmomotor Kung...




1. Sobrang guwapo mo at isang malaking biyaya para sa bawat tao ang makita ang iyong perpektong mukha.

Baka mas pogi ka pa kay Dingdong Dantes


2. Ang kalsadang dinadaanan mo ay gawa sa foam. 

Snake Road


3. Sisigaw ka lang ng "Shaider" pag mababangga ka na at magbabago na ang iyong anyo, mababalutan ka ng bakal at di ka na tatablan basta basta.

 
Alexis

4. Mas matibay pa ang ulo mo kesa sa mga nabibiling helmet.

Kahit wala nang helmet


5. Matindi ang allergy mo sa helmet na pag sinuot mo, isang minuto lang ay di ka na makakahinga at mamamatay ka na agad.
 
Henyo


6. Meron kang sungay kaya hindi magkasya yung helmet sa ulo mo.

 
Puede kang pacustomize

7. Sobrang hina ng kukote mo kaya di mo alam kung paano isuot yung helmet.

 
Hmm, teka

Yan lang ang naiisip ko at matatanggap kong dahilan kapag nakakakita ako ng mga taong hindi nagsusuot ng helmet kapag nagmomotor. Pero parang imposible halos mangyari ang lahat ng ito.

above the law?


Ibig sabihin lang e imposibleng di mo kailanganing maghelmet pag nagmomotor. Bukod sa bawal sa batas e pangunahing dahilan yung kaligtasan mo rin. Pero teka, posible pala yung number 1. Baka nga sa sobrang gwapo mo ay daig mo pa si Dingdong Dantes na naghehelmet samantalang ang iyong mukha ay kailangang makita ng madla at hindi matakpan ng sagabal na helmet. Pero hindi ba ang kagwapuhan mo ay mas lalong dapat takpan dahil baka lalong makapagdulot ng aksidente para sa mga nadidistract na motorista? Isipin mo na lang ang mapapatitig sa iyo, matutulala, mahuhumaling, habang tumatakbo ng matulin sa gitna ng highway. Kawawa naman sila di ba? Kaya please lang, magsuot ka ng helmet. 

Mahirap nang magaya dito.


Wag ka lang sanang maging kasama dun sa gumagawa ng krimen na riding in tandem kaya ka nagtatakip ng mukha. Ibang kaso naman yun.

2 comments:

  1. Naku, buti na lang at wala kaming motor/scooter dito. At di ko talaga pinangarap magmaneho ng mga ganyan uri ng vehicles. Nakakatakot. Takaw disgrasy lalo na pag walang helmet at proper gears.

    Yung pinsan ko, ayun naaksidente nung isang linggo dahil nagmamaneho ng motorsiklo ng lasing. Buti na lng pilay at galos lng ang inabot nya.

    Natawa ako dun sa picture #5. Kawawa naman yung bata. Parang nasu-suffocate na lol

    ReplyDelete
  2. masisira kasi yung pagkaka-gel ko sa buhok ko hehehe...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Follow my Blog