Saturday, April 14, 2012

Tipid Tip #1: McDo style


Kadalasan, ang pagtitipid ay isang napaka-"no brainer" na bagay. Yun nga lang, yung pagka "no brainer" ng mga bagay bagay, kadalasan rin ay overrated. Tulad sa mga scenario na ito halimbawa, bigla ka nagkaroon ng malaking "windfall", napapaisip ka sa mga ganitong scenario: “Paginvest sa low risk long term funds vs Pagbili ng malaking LED TV” o kaya eh “Paglagay ng pera sa special deposit funds vs Pag-avail ng latest smart phone”. 

Well, andali naman ng choice diba? Mas astig ka pag bago ang smart phone mo at kumpleto ka sa mga apps, cool ang dating. Nakakahiya kaya na luma ang phone mo tapos lahat ng kakilala mo e mga bago na. Tapos pag uwi mo e sarap manood ng movies sa big LED screen HDTV mo with matching surround speakers, wow! That’s life!

Pero bago pa maging kumplikado ang usapan, punta na lang tayo sa isang simpleng halimbawa ng pagtitipid. Isang gabi habang mahaba ang pila sa Mc Donald's, nagisip ako ng gusto kong kainin. Naisip ko na kumain ng cheese burger. Tiningnan ko ang presyo ng McDo cheeseburger meal plus medium fries and coke. At habang papalapit ako sa counter, nakita ko yung poster ng McFloat combo. Then sabay hanap sa ala carte list. Eto ang aking napansin...



Cheese burger McDo Meal with medium sized fries and Coke = 95 pesos

Vs

McFloat Combo (Medium fries and Coke float)@50 pesos 
+ Cheese burger ala carte@39 pesos = 89 pesos



At malamang, ang sunod na tanong “eh ano ngayon ang binili mo?”… hmmmm, ano sa tingin nyo.

“ Dun dun dun dun dun dun“ (*pang suspense na sound effects*). Malalaman nyo, sa susunod na kabanata ng ating Tipid Tips journey.

4 comments:

  1. ginagawa ko rin yan minsan lalo na pag tipid mode. feeling ko nga minsan, niloloko tayo ng mga food chain na yan eh. palibhasa, madami sa atin ang hindi nag-aanalisa ng mga binebenta nila. may ganyan din sa jolibee eh. di ko na tanda pero parang sa 39ers ata nila..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe, oo pre. kahapon may nakita na naman ako na parang ganito rin sa isa pang fastfood chain (post ko sa susunod, hehehe). kung di natin titingnan, tayo pa malulugi dun sa ibang mga 'combo meals' nila eh.

      Delete
  2. I like Pizza Hut's buy 1 take 1 pizza slice for P55 + 15oz Gulp of 7-11 for P15 I think so that would just amount to P70. LOL! Sobrang tipid!

    ReplyDelete
    Replies
    1. astig din nito ah. sobrang busog na. 2 slices ba naman eh. hehehe

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...