“Sugod mga kapatid!”. Pag narinig natin ang mga salitang yan, ang pumapasok agad sa isip natin ay si Gat. Andres Bonifacio. Minsan ang bandang Sandwich pero madalas si Bonifacio talaga. Pero hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin kung ito ba talaga ang sinigaw ng ating magiting na bayani noong panahon ng Katipunan. Imagine, gyera at ang magiting at matapang nating bayani ay sisigaw ng “Sugod mga kapatid”. Machong macho sabay ang itatawag sa mga kasama sa gyera ay “kapatid”. Sabi nga ni Prof. Ambeth Ocampo, malamang lamang ay na-censored lang ang mga textbook sa mga eskwelahan at ang isinisigaw ni Bonifacio noon sa gyera ay ang mga salitang malutong na nagsisimula sa letter “P”
Etong astig na mamang ito ba ang mukhang sisigaw ng "Sugod mga kapatid"? |
Pero malamang lamang, hindi lang puro “SUGOD” ang
binabanggit ni Bonifacio noon. Dahil bago sila sumugod, pinagusapan muna nila ang
plano ng kanilang pag-atake. Detalyado. Hindi basta sugod ng sugod. Tipong pagsigaw nya ng sugod, di na nila alam ang gagawin. Panigurado, deads silang lahat nun. Tulad
ngayong eleksyon, dapat lang na ang bawat kandidato na nangangampanya ay hindi
puro slogang walang laman lang ang binabanggit. Hindi puro big words. Dapat ay may detalyadong plano kung paano
nila gagawing posible ang lahat ng nilalaman ng plataporma nila. Hindi puro
motherhood statements lang na masarap pakinggan. Hindi dapat fairy tales lang
ang kampanya, tulad ng mga ito:
1. Pabababain ang mga Presyo - para bang may magic
wand ang mga pulitiko na pag nanalo sila, dyaraaan! Mababa na ang presyo. Pero
sino ba ang nagdidikta ng presyo? May kapangyarihan ba ang presidente, senador,
congressman, gov, mayor, councilor, kapitan, kagawad, o kung sino pa para
magpababa ng presyo ng isang negosyante? Ayun, ang negosyante pala ang may
kontrol.
Pero syempre, hindi naman puedeng magbaba ng presyo basta basta ang mga businessmen dahil kailangan din nilang kumita at mabuhay kasama na ang mga empleyado nya na sumusueldo at nabubuhay din sa kanilang kinikita. At marami sa businessmen ang yumayaman din naman talaga at umaabot na nga sa estado na sila mismo ang nilalapitan ng ilang pulitiko para suportahan ang kanilang kandidatura. Alam naman nating lahat kung gano kalaki ang pondong kailangan para tumakbo at manalo ang isang kandidato. Kaya marami sa mga kandidato ang malaki ang utang na loob sa mga negosyante.
Kaya kung maniniwala tayo basta basta na mapapababa ng mga nangangako ang presyo ng bilihin pag nanalo sila, lalabas lang na uto uto tayo. Hindi ganon kasimple ang pag papababa ng presyo. Unless gagawa sila ng batas para maghigpit sa biglang pagtaas ng mga presyo, paglaban sa monopolies, pagbibigay ng patas na karapatan at mas mabilis na proseso sa lahat ng gustong magtayo ng negosyo, siguradong hindi mangyayari ang pagbaba ng presyo. Pero kung ikaw ay isang mayamang negosyante, magpapasok ka ba ng pondo sa kandidatong magpapahina ng pagpasok ng kita sa yo? O kung ikaw naman ay pulitiko, maglalakas loob ka bang gumawa ng batas laban sa mga potensyal na magpopondo para sa kandidatura mo sa susunod na halalan?
2. Tatapusin ang kahirapan – Tinanong nyo ba sila kung paano? Ang sarap pakinggan ano. Pero ganito lang yun. Kung salita lang at wala silang konkretong plano kung pano ka iaahon sa kahirapan ng mga pulitiko, joke lang ang lahat ng yan. At kahit pa magaling ang nagpapatakbo ng gobyerno at tamad tamad ka naman, wala rin. Kaya pagdating dito ay magtutulungan tayo ng gobyerno. Hindi sila lang, hindi ikaw lang. Pero minsan ok lang kahit ikaw lang. Marami naman ang umaahon ng hindi umaasa sa tulong ng gobyerno. Pero mas ok sana kung may mga polisiya ang gobyerno na mas mapapadali ang buhay ng Pilipino para makaahon. At hindi kasama sa mga polisiyang ito ang CCT o conditional cash transfer. Wala pa sigurong nakaahon sa kahirapan sa kakarampot na pera na binibigay ng gobyerno sa ilang pamilya para lang mairaos ang kanilang pang-araw araw lang na gutom.
Abrakadabra, maging Forbes Park ka! |
3. Magpaparami ng trabaho – Connected ito sa
number one. Unless mag papalabas ng mga bagong polisiya na magpapaluwag ng
buhay sa mga gustong mag negosyo foreigner man o pinoy para mas lumaganap din
ang kompetisyon, malabong mangyari ito. Kung may maayos na kompetisyon, mas lalago ang mga negosyo at mag-gegenerate din ito ng mas maraming
trabaho. Puede ding may mga malugi at magsara sa kompetisyon. Pero kahit ngayon naman meron na
e. Pero marami rin sa mga nalulugi at nagsasara ngayon ay dahil na rin sa
polisiya at patakaran ng gobyerno na naghihigpit masyado sa mga negosyante lalo
na sa mga maliliit. Kaya mas hirap silang maka survive. Pero kung mas maluwag na
polisiya, mas gaganda ang takbo ng merkado, mas dadami ang trabaho. Balik tayo sa number 1, may mga malalaking negosyante na nagpopondo sa pagtakbo
ng ilang kandidato. At ayaw nila ng kompetisyon.
4. Para sa kabataan, kababaihan, etc – O para sa mga
hayop, mga puno at pati lamang lupa. Marami ang basta ma-attach lang ang
pangalan sa mga adbokasya pero kung susuriing maigi, e wala naman pala talagang
plano para sa mga sektor na ito na binabanggit nila. Para lang mukhang mabango,
aktibo at makakita ng kakampi nila, sasabihin nila na advocates sila ng ganitoat ganyan.
Mas magandang tingnan kung ano ba sila bago tumakbo at kung talagang may
ginagawa sila para sa sektor na ginagamit nila sa kampanya.
Victim of "global warming"? |
5. Gumanda ang ating lugar sa panunungkulan ko – Unang una, hindi po
natin yan utang na loob sa kanila. Ok lang na banggitin nila pero hindi para
kunin nila ang lahat ng credit. Mas lalo na pag nilagay nila ang mukha at
pangalan nila sa lahat ng proyekto nila. Kaya sila tumakbo dahil ginusto nila
yan at trabaho nila yan. At kung may naitayo man, naayos, naipamigay, hindi
galing sa bulsa nila yan. Bawat kusing na ginagastos ng gobyerno ay sa tin
galing. Sa buwis na binabayaran natin. Pati yung sinusuweldo nila. Pati na rin
yung perang… alam nyo na yun.
Ilan lang ito sa mga “fairy tales” na binabanggit ng mga
pulitiko tuwing kampanya. Marami pang iba. Pero may ilan naman sa kanila na may konkretong
plataporma. Mahirap lang silang hanapin kasi kadalasan ay sila pa ang hindi napapansin. Dahil siguro wala
nga silang taga-pondo kaya di natin sila masyado maririnig at mapapanood. At wala rin silang apelyidong kilala na ng
mga tao.
Yung salitang binabanggit ni Bonifacio na nagsisimula sa
letter “P”, eto rin yung madalas na mabanggit ng marami sa tin pag may
kinakagalit tayo. Eto siguro yung nasigaw ko nung nabangga kami ng Jeep at
tinakbuhan kami. At malamang, etong “P” na ito pa rin ang masabi ko kapag
nanalo pa rin yung mga pulitikong puro fairy tales lang ang pinagsasasabi at
pinaggagagawa ngayong kampanya.
Potek.
Ganyan talaga ang mga pulitiko tuwing eleksyon time. Kulang na lang eh sungkitin ang buwan at mga bituin sa kalangitan para sayo. Grabe sa mga pangako, pero halos lahat naman napapako pagkatapos ng eleksyon. Natatawa na lang ako sa mga kandidatong ang OA ng mga pangako. Like wala na daw pamilyang maghihirap at bawat is ay may trabahao... sounds too impossible... /sigh
ReplyDeleteAy naku. Ilang beses ko nang narinig yang mga pangakong iyan. Sawang sawa na ako. Tapos sasamahan pa ng nakakarinding political jingle. Kaya ayaw ko nang magbukas ng TV eh.
ReplyDeleteI'm looking forward to something positive this coming elections. Ganun na lang siguro.hehe. :P
ReplyDeletenakakalungkot lang kasi marami pa rin talaga sa atin ang immature pa pagdating sa pagpili ng iboboto. haaay..
ReplyDeleteKailangan ba ninyo ng utang?? Sigurado ka na nangangailangan ng isang loan upang simulan up ng isang negosyo?? Mayroon ba kayong isang negosyo at kailangan mo ng utang para sa pagpapalaki ng negosyo?? Sigurado ka sa anumang gulo sa pananalapi at kailangan mo ng pautang??? Kailangan ba ninyo ang isang loan upang i-clear ang iyong utang?? Anuman ang iyong mga problema sa utang ay maaaring maging, dito ay ang iyong tulong bilang nag-aalok kami mga pautang sa mababa at abot-kayang rate ng interes. Makipag-ugnay sa amin ngayon sa jplenders@blumail.org para sa karagdagang detalye.
ReplyDeletekumusta
ReplyDeleteMag-apply para sa isang mabilis at maginhawang loan upang bayaran ang perang papel at upang magsimula ng isang bagong financing ang iyong mga proyekto sa isang cheapest rate ng interes na 3%. Gawin makipag-ugnay sa amin ngayon sa pamamagitan ng: elijahloanfirm@hotmail.com may utang na halaga na kinakailangan ng aming minimum loan alok ay 1,000.00 sa anumang pagpili ng mga pautang amount.I am certified, at nakarehistrong legit lender.You maaaring makipag-ugnay sa akin ngayon kung interesado ka sa pagkuha ng mga ito utang, makipag-ugnay sa akin para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proseso ng loan, tulad ng proseso sa mga tuntunin pautang at kundisyon at kung paano ang mga pautang ay nailipat sa iyo. Kailangan ko ang iyong agarang tugon kung ikaw ay interesado.
Utang APPLICATION FORM
(1) Buong Pangalan:
(2) Halaga Kinakailangan bilang Loan:
(3) Numero ng Telepono:
(4) Duration:
(5) Bansa:
(6) Estado / Lalawigan:
(7) Buwanang Kita:
(8) marital sex:
(9) Edad / Kasarian:
(10) Pautang Layunin:
TANDAAN: Ang lahat ng mga tugon ay dapat ma-forward sa: elijahloanfirm@hotmail.com para sa mabilis na pagproseso.
Salamat Sa Iyo,
mr Elijah
C.E.O / elijahloanCompany.
Kamusta ............ Kailangan mo ng 2% ng mga pautang ?? Pasko ng pautang ay magagamit na ngayon humingi mabilis approval. Makipag-ugnay sa amin sa araw sa pamamagitan ng email: howardfreesloanlender@gmail.com
ReplyDelete